You are on page 1of 7

Pampanitikan na Banghay Aralin sa Filipino

Ikatlong Baitang

I. Layunin
A. Expressive
1. Mapagtanto na ang ating mga magulang o tagapag-alaga ay may mabuting hangarin para
sa atin
2. Maipakita ang pagmamahal at pagsunod sa mga nakatatanda sa atin
B. Instructional
1. Genuine Love for Reading
• Nabibigyang kahulugan ang mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, tunay
na bagay at pahiwatig na mga konteksto.
• Natutukoy ang simula at katapusan ng kuwentong binasa.
2. Critical and Creative Thinking
• Natutukoy ang mga mahahalagang tauhan at pangyayari sa kuwentong binasa.
• Naisasagawa ang mga Pangkatang Gawain ng maayos at may pagtutulungan.
Pangkat 1 – Ang Bida
Isulat ang pangalan ng bida at ang mga katangian nila gamit ang card
Pangkat 2 – Ang mga Paalala
Isulat sa tsart ang mga bagay o mga paalala na dapat gawin upang bumilis ang paggaling.
Magsulat ng limang bagay o paalala.
Pangkat 3 – Ang Liham Para sa Lola Itang ng inyong buhay
Isulat sa tsart ang mahahalagang impormasyon tulad ng petsa, taong padadalhan ng liham,
mensahe para sa taong padadalhan at pangalan ng taong nagpadala.
Pangkat 4 – Ang Pagganap
Sagutan ang tanong na “Kung kayo ang maglalagay ng katapusan ng kuwento, ano kaya
ang gagawin ninyo?”. Ito ay gawin bilang dula-dulaan.
• Nakagagawa ng sariling haluhalo.
3. Grammar and Oral Language Development
• Nalalaman ang pang-uri.
• Natutukoy ang pang-uri sa pangungusap.
• Naibibigay ang kahalagahan ng pang-uri.
4. Transfer Stage
• Nakababasa ng mga salitang may klaster at tunog diptonggo.
• Nakababasa ng mga pariralang may salitang klaster at tunog diptonggo.
• Nakababasa ng kuwento na may mga salitang klaster at tunog diptonggo.

II. Nilalaman
A. Mga Paksa:
1. “Haluhalo Espesyal”
Kwento ni: Yvette Ferreol
Guhit ni: Jill Arwen Pasadas
2. Pang-uri – ay salitang naglalarawan sa tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.
3. Mga Salitang may klaster at tunog diptonggo

B. Sanggunian:
K to 12 Curriculum Guide Filipino Grade 3

C. Mga Kagamitan:
GLR
bimpo larawan ng batang maysakit
termometro Aklat ng “Haluhalo Espesyal”
gamot tsart (simula at pagkatapos ng kuwento)
pagkaing pangmeryenda marker
siyesta (word strip) masking/scotch tape
CCT
Larawan nina Jackie, Lola Itang at Mama at mga word strips ng kanilang katangian
Blangkong tsart ng mga paalala
Blangkong liham pasasalamat
Mga gamit at sangkap na ihahanda ng mga mag-aaral
- Baso - Minatamis na saging
- Kutsara - Gulaman
- Kaong - Yelo
- Minatamis na beans - Leche Flan
- Nata de coco - Gatas
GOLD
TV
PPT
worksheets
TS
worksheets
mga lawaran, strip ng mga salita at pariralang may klaster at diptonggo
kuwentong may mga salitang klaster at tunog diptonggo

III. Pamamaraan
(Genuine Love for Reading)
A. Bago magbasa
1. Pagtanggal ng mga Balakid
• bimpo (tunay na bagay)

– pamunas sa mga basang bagay

• termometro (tunay na bagay)

– panukat ng temperatura

• gamot (tunay na bagay)

– panlunas sa sakit

• siyesta

– pagtulog sa hapon

• meryenda (tunay na bagay)

– pagkain

2. Pagganyak
• Ang guro ay magpapakita ng larawan.

• Itanong:
Ano ang nakikita niyo sa larawan?
Bakit kaya matamlay ang bata?
Ano kaya ang nararamdaman niya?
Naranasan mo na bang magkasakit?
Anong naramdaman mo nang ika’y
magkasakit?
Sino ang tumulong sayo upang maibsan ang iyong sakit?
3. Pagganyak na Tanong
Ano kaya ang nangyari sa pangunahing tauhan?
Sino ang tumulong sa kaniya upang maibsan ang kaniyang sakit?

Sasabihin ng guro ang pamagat at may akda ng aklat. Itatanong ng guro kung ano pamagat
at sino ang may-akda ng kuwento. Magtatanong ang guro kung ano ang napapansin ng mga
mag-aaral sa larawan ng pabalat ng aklat at ano kaya ang kinalaman ng mga ito sa
kuwentong babasahin. Ipaalala kung ano ang dapat maging gawin kapag makikinig sa
ikukuwento ng guro. Palapitin ang mga mag-aaral malapit sa guro.
Simula ng Kuwento Pagkatapos ng Kuwento

Ipakita ang chart bago magsimulang magkuwento at sabihing pupunan ang tsart habang
nagbabasa ng kuwento.

B. Pagbasa ng Kuwento
“Haluhalo Espesyal”
Kwento ni: Yvette Ferreol
Guhit ni: Jill Arwen Pasadas

Nakahiga ako sa kama, masama ang pakiramdam. Lunes ngayon at sanlinggo na


akong nasa bahay at may sakit.
Gusto ko nang Makita ang araw
Gusto ko nang makasama ang aking mga kaibigan.
Gusto ko nang maglaro sa daan.
Huminto at itanong: Ano nga ang naramdaman ng tauhan sa kuwento? [punan
ang hanay na simula ng kuwento sa tsart ng “may sakit” pagkatapos sumagot ng mga
bata].
Ituloy na natin ang kuwento.

Binigyan ako ni Mama ng gamot at nagpatong siya ng malamig na bimpo sa aking


noo.
“Ang pait ng gamot!”
“Makatutulong ang gamot para guminhawa ang pakiramdam mo,” sabi niya
habang naghahandang pumasok sa trabaho.
“Uuwi ako nang maaga at bibili tayo ng pizza. Mag-isip ka ng masayang lugar,
Jackie.”
Kaya, pumikit ako at inisip ang pambihirang kusina ni Lola Itang.
Huminto at itanong: Ano ang pangalan ng pangunahing tauhan sa kuwento?
Ano kaya ang mayroon sa kusina ni Lola Itang kaya nasabi ni Jackie na ito’y
pambihira?
Alamin natin.

Ang kusina ni Lola Itang ay laging masaya. Isipin ko lamang ay napapangiti na


ako.
Kung mainit sa tag-araw… kung malamig sa tag-ulan… pati na sa iba pang araw
sa pagitan, masaya ang kusina ni Lola Itang, laging magaan sa pakiramdam. Lalo na tuwing
meryenda, pagkagising ko pagkatapos ng siyesta, kapag unti-unting bumababa ang araw
sa malinis na langit sa ibabaw ng bukirin ng mga tubo.
“Kumusta Jackie?” isang malumanay at kilalang boses ang bumulong sa tainga ko.
Pagmulat ko, Nakita ko si Lola Itang na nakangit sa akin! Nagmula pa siya sa kaniyang
pambihirang kusina para makasama ako rito sa lungsod.
“Nagugutom ka ba? May dala akong meryenda.” Inilabas ni Lola Itang ang isang
plato ng mainit-init pang bibingkang nakabalot sa dahon ng saging na tinayantang sa init
ng baga.
“Salamat po, Lola Itang!” sabi ko habang masayang bumabangon.
Nagbudbod ako ng ginadgad na niyog at agad bumuti ang pakiramdam ko nang
kainin ang mabangong kakanin na may mga piraso ng maalat-alat na kesong puti at itlog
na pula.
“Salamat sa pagdalaw ninyo sa akin.”
“Dito muna ako para gawan ka ng paborito mong kakanin para gumaling ka na.”
Kahit na kasama ko rito si Lola Itang at malayo siya sa kaniyang tahanan sa
probinsiya, dala niya ang hiwaga ng bukirin ng mga tubo at ng kaniyang pambihirang
kusina.
Martes, pinakuluan niya ang isang kaldero ng tsamporado at inihain nang may
kasamang tuyo.
Miyerkoles, naghanda siya ng ensaymadang tigib sa mantekilya, asukal at
ginadgad na keso.
Huwebes, nagprito siya ng saging na turon, malutong at nababalot ng lusaw na
asukal.
Huminto at itanong: Bago tayo dumako sa susunod na araw, ano kaya sa palagay
niyo ang meryendang ihahanda ni Lola Itang?

Biyernes ang pinakagusto kong araw, araw ng haluhalo. Naghanda si Lola Itang
ng iba’t ibang sahog sa matangkad niyang baso na panghaluhalo.
Sa pusod ng baso napupunta ang garbansos at munggo. Sunod ang mga hiwa ng
minatamis na saging, malatang nata de coco, pula at berdeng gulaman, mahalinyok na
langka, sangkutsarang haleang ube, at isang hiwa ng leche flan.
Pinupuno ni Lola Itang ang baso ng kinaskas na yelo. Isang buhos ng gatas mula
sa lata ang lumulusaw sa yelo at nagpapadali sa paghalo gamit ang aking mahabang
kutsara. Isang nakaaaliw na pag-ikot ng mga kulay: pula at dilaw at lila at lungtian.
Lumalangutngot ang yelo sa aking ngipin. Ang mga prutas, matamis at mangata. Ang leche
flan, malambot at matamis sa aking dila. Tunay na hiwaga!
Kinahapunan, pag-uwi ni Mama mula sa opisina, inilagay niya ang termometro sa
aking bibig. Inalis niya ito at ngumiti. Inilagay niya ito muli upang makatiyak. Inalis niya
ito at ngumiti.
“Magandang balita, Jackie. Magaling ka na!” sabi ni Mama.
“Mabisa ang gamot.”
Tumingin kami ni Lola Itang sa isa’t isa at ngumiti. Alam naming hindi lamang
ang gamot ang mabisa! Malaking bahagi nito ang pagmamahal ni Lola Itang… at ng
maraming mahiwagang kakanin mula sa kaniyang pambihirang kusina.

C. Pagkatapos magbasa
1. Pagsagot sa mga Pagganyak na Tanong
Ano kaya ang nangyari sa bida sa kuwento? [pagkatapos sumagot ng mga bata ay
isulat sa hanay ng pagkatapos ng kuwento sa tsart ang “gumaling”.]
Sino ang tumulong sa kaniya upang maibsan ang kaniyang sakit? [Si Lola Itang]
Si Jackie ay gumaling sa tulong ni Lola Itang.
Ulitin natin. Si Jackie ay gumaling sa tulong ni Lola Itang.
Magaling! Bigyan natin ang ating mga sarili ng Haluhalo Clap!

(Critical and Creative Thinking)


2. Pangkatang Gawain
a. Hatiin ang klase sa apat na grupo. Bawat grupo ay may nakatakdang gawain:
Pangkat 1 – Ang Bida
Isulat ang pangalan ng bida at ang mga katangian nila gamit ang card
Pangkat 2 – Ang mga Paalala
Isulat sa tsart ang mga bagay o mga paalala na dapat gawin upang bumilis
ang paggaling. Magsulat ng limang bagay o paalala.
Pangkat 3 – Ang Liham Para sa Lola Itang ng inyong buhay
Isulat sa tsart ang mahahalagang impormasyon tulad ng petsa, taong
padadalhan ng liham, mensahe para sa taong padadalhan at pangalan ng
taong nagpadala.
Pangkat 4 – Ang Pagganap
Sagutan ang tanong na “Kung kayo ang maglalagay ng katapusan ng
kuwento, ano kaya ang gagawin ninyo?”. Ito ay gawin bilang dula-dulaan.

b. Bibigyan ng 15 minuto ang bawat grupo upang matapos ang Gawain.

3. Talakayan
a. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
b. Ano kaya ang mga katangian ni Jackie, Lola Itang at Mama?
(Pangkat 1 ay magpapakita ng kanilang ginawa)
c. Ano ang nangyari kay Jackie?
d. Ano ang ginawa ni Jackie upang siya ay mabilis na gumaling?
(Pangkat 2 ay magpapakita ng kanilang ginawa)
e. Sino ang nag-alaga kay Jackie habang siya ay may sakit?
f. Ano ang ginawa ni Lola Itang upang mapabuti ang kalagayan ni Jackie?
g. Mayroon ba sa buhay niyo na kagaya ni Lola Itang? Ano ang kanilang
katangian? Ano ang gusto mong sabihin sa kanila?
(Pangkat 3 ay magpapakita ng kanilang ginawa)
h. Ano ang nangyari nang dumating ang Mama ni Jackie?
i. Kung bibigyan naman kayo ng pagkakataon upang baguhin ang katapusan ng
kuwento, paano niyo tatapusin ang kuwento?
(Pangkat 4 ay magpapakita ng kanilang dula-dulaan)

4. Pagpapayaman
• Paggawa ng sariling haluhalo
Ihahanda ng mga bata ang mga gamit at sangkap sa haluhalo na kanilang
dinala:
- Baso
- kutsara
- Kaong
- Minatamis na beans
- Nata de coco
- Minatamis na saging
- Gulaman
- Yelo
- Leche Flan
- Gatas

Ipapakita muna ng guro ang pasunod-sunod na paglagay ng mga sangkap sa


baso upang makagawa sariling haluhalo espesyal. Pagkatapos, tatawagin ng
guro isa-isa ang bawat grupo upang gumawa ng kanilang haluhalo espesyal.

Bago kainin ng bawat grupo ang kanilang haluhalo, ang guro ay magtatanong
sa bawat grupo:

Pangkat 1: Ano ang ipapangalan ninyo sa inyong ginawang haluhalo?


Pangkat 2: Anu-anong sangkap ang mas marami niyong inilagay sa inyong
haluhalo?
Pangkat 3: Ano ang naramdaman niyo habang ginagawa ang inyong haluhalo?
Pangkat 4: Kung bibigyan kayo ng pagkakataon, ano pa kayang sangkap ang
ilalagay niyo sa inyong haluhalo na wala sa sangkap ninyo ngayon?

(Grammar and Oral Language Development)


A. Paglalahad
Kung ating babalikan ang tsart ng Pangkat 1, ipinakita ang mga tauhan at mga katangian
ng bawat tauhan. Makikita natin ang mga salitang naglalarawan sa bawat tauhan:
(Babasahin ng mga mag-aaral ang mga salita pagkatapos basahin ng guro)
- masunurin
- mapagmahal
- masarap

B. Pagtuturo at Pagmomodelo
Sabihin: Ngayon naman gagamitin natin ito sa pangungusap.
Basahin ang mga pangungusap.

1. Si Jackie ay masunurin.
Ang salitang nakasalungguhit ay naglalarawan kay Jackie.
2. Ang nanay ay mapagmahal.
Ang salitang nakasalungguhit ay naglalarawan kay nanay.
3. Ang meryenda ni Lola Itang ay masarap.
Ang salitang nakasalungguhit ay naglalarawan sa salitang meryenda.

Itanong: Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan?

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa tao, hayop, bagay, pook


at pangyayari.

Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang pang-uring ginamit at tinutukoy nito sa bawat
pangungusap.
1. Gumamit siya ng matangkad na baso.
2. Ang boses ni Lola Itang ay malumanay.
3. Nagmula pa siya sa kanyang pambihirang kusina.
4. Nagprito siya ng malutong na turon.
5. Ang langka ay mahalimuyak.

Itanong: Anu-ano ang maitutulong ng pang-uri sa pangungusap?


Ano ang naitutulong nito sayo?

Sabihin: Magbigay ng iba pang salitang naglalarawan o pang-uri.

C. Ginagabayang Pagsasanay
Hatiin ulit ang mga mag-aaral sa dating apat na pangkat.
Magpapakita ang guro ng mga pangungusap at tutukuyin kung ano ang pang-uri na
ginamit. Ang unang grupo na tumaas ay unang magkakaroon ng pagkakataon na sumagot
sa tanong. Ang mayroong pinakamaraming puntos ang magwawagi.

1. Ang mga bata ay masaya.


Pang-uri: masaya
2. Ang tubig sa baso ay malamig.
Pang-uri: malamig
3. Ang tahimik ng ating silid-aklatan.
Pang-uri: tahimik
4. Malinis ang silid-aralan.
Pang-uri: malinis
5. Ang aming guro sa pagbasa ay magaling.
Pang-uri: magaling

D. Pansariling Pagsasanay
Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.
1. Ang aking alagang pusa ay malambing.
2. Ang pizza sa lamesa ay malaki.
3. Ang bilis tumakbo ni Anthony
4. Masipag mag-aral si ate at kuya.
5. Ang bahaghari ay makulay.

(Transfer Stage)

Pangkat 1 (Basic) Pangkat 2 (Average) Pangkat 3 (Fast)


Pagbasa ng mga salitang may Pagbabalik aral sa pagbasa ng Pagbabasa ng kuwento na may
klaster at salitang may tunog mga salitang may klaster at mga salitang klaster at tunog
diptonggo salitang may tunog diptonggo diptonggo.
Bagong Aralin: Pagbasa ng mga Pagsagot sa mga katanungan.
parirala na may salitang klaster
at tunog diptonggo.
1. Pasalitang Gawain katuwang 1. Pang-upuang Gawain #1 1. Pang-upuang Gawain #1
ang Guro - Pagbasa sa mga salitang may - Tahimik na pagbasa ng
- Pagpapangalan sa mga klaster at tunog diptonggo. kuwento.
larawan. - Idikit ang larawan sa bawat
- Pagbabasa ng mga salitang salita.
klaster at tunog diptonggo.
- Laro: Pagtugmain ang mga
salita sa mga larawan
2. Pang-upuang Gawain #1 2. Pasalitang Gawain katuwang 2. Pang-upuang Gawain #2
- Kahunan ang tamang ngalan ng ang Guro - Pag-alala ng mga
larawan. - Pagwasto sa Pang-upuang mahahalagang detalye sa
- Kopyahin ang ngalan ng Gawain #1 kuwentong binasa.
larawan. - Laro: Isusulat ng mag-aaral sa - Punuan ang mga pangungusap.
papel ang salita, gugupitin at Isusulat ng mag-aaral ang
ididikit sa katabi ng larawang tamang salita sa patlang upang
tinutukoy nito. mabuo ang pangungusap.
Bagong Aralin: - Pagtugmain ang mga
- Pagbasa ng mga parirala na pangungusap sa mga larawan.
may salitang klaster at tunog
diptonggo.
- Pasalitang Pagsasanay ng mga
parirala na may salitang klaster
at tunog diptonggo.
3. Pang-upuang Gawain #2 3. Pang-upuang Gawain #3 Pasalitang Gawain katuwang
- Idikit ang tamang salita sa ibaba - Punuan ang bawat parirala ng ang Guro
ng larawan at kopyahin ito sa tamang larawang tumutukoy - Pagbasa ng kuwento
kwaderno. rito. - Pagtalakay sa kuwento
- Isulat ang ngalan ng larawan - Salungguhitan ang parirala na - Pagwasto ng mga sagot sa mga
gamit ang configuration boxes. tumutukoy sa larawan. Pang-upuang Gawain.

Inihanda ni:

EUNELL P. ESCOL
Guro

You might also like