You are on page 1of 10

2

Mathematics
Ikaapat na Markahan–Modyul 6:
Measuring Objects Using Tools
in Milliliter or Liter

Nahirapan ka ba sa panimulang pagtataya? Nasubukan mo na bang sukatin ang dami ng liquid na


nasa loob ng isang bagay o lalagyan gamit ang angkop na unit of measure? Ang mga salitang millilitro
(mL) at litro (L) ay mga unit na ginagamit sa pagsusukat ng kapasidad ng isang bagay. Sa modyul na ito,
matutuhan mo ang paggamit ng angkop na yunit sa pagsukat ng kapasidad gamit ang mililitro o litro.

Subukin
Panuto: Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bagay na maaaring sukatin ang
kapasidad gamit ang mililitro at litro. Piliin ang sagot sa ibaba at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

isang maliit na lata ng pintura


isang dram ng tubig
isang boteng gatas
isang boteng suka
isang jug ng juice

Millilitro (mL) Litro (L)

Tuklasin
Ang wastong pagsukat ng laman o capacity ng isang bagay ay mahalagang matutuhan natin. Ang
capacity ay ang dami ng tubig o liquid na maaaring ilagay sa isang lalagyan o container.
Ang mililitro at litro ay ang mga unit na ginagamit sa pagsukat ng laman o capacity ng isang bagay o
lalagyan. Sa pamamagitan ng mga ito, malalaman natin ang dami ng liquid na nasa loob nito.
Magkaiba ang dami ng 1 mililitro at 1 litro.
Pagmasdan nating mabuti ang pagkakaiba.

Ginagamit natin ang mililitro (milliliter) sa pagsukat ng isang bagay o lalagyan na may mas
kakaunting laman o mas maliit ang capacity. Ang daglat o abbreviation nito ay mL.

Ginagamit naman natin ang litro (liter) sa pagsukat ng isang bagay o lalagyan na may mas maraming
laman o mas malaki ang capacity. Ang daglat o abbreviation ng litro ay L.

Suriin
Panuto: Basahin ang talata. Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat sa sagutang papel.
Nagtimpla ng calamansi juice ang
nanay ni Darren sa isang pitsel para sa
kanilang mga bisita mula sa Maynila.
Isinalin niya ang tinimplang juice sa
sampung baso. Bawat isang bisita ay
binigyan ni Darren ng tig-iisang baso ng
juice.

Mga Tanong:
1. Ano ang tinimpla ng nanay ni Darren?
2. Ilan kaya ang bisita nilang darating?
3. Ilang baso ang magkakasya sa isang pitsel ng calamansi juice na tinimpla ng kanyang nanay?
4. Ano ang angkop na unit sa pagsukat ng laman ng isang pitsel ng calamansi juice?
5. Ano naman ang angkop na unit ang dapat gamitin sa pagsukat ng laman isang basong calamansi juice?
Alam mo na ba kung paano at kailan ginagamit ang mililitro at litro? Ano
ang daglat nito?
Halina at magpatuloy.
Pagyamanin
Panuto: Ibigay ang angkop na unit of measure ng liquid na dapat gamitin. Isulat ang mililitro o litro
sa sagutang papel.

Isaisip
Panuto: Piliin ang angkop na salita upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
L litro capacity mililitro mL

1. Gamit ang unit of measure na mililitro at litro, ang isang lalagyan o container ay maaaring sukatin ang
__________.
2. Sa pagsukat ng mga bagay na maliliit na kapasidad, ginagamit natin ang unit na __________.
3. Ang daglat o abbreviation ng mililitro ay __________.
4. Sa pagsukat ng mga bagay na may mas maraming laman o mas malaki ang kapasidad, ginagamit natin
ang unit na __________.
5. Ang daglat o abbreviation ng litro ay __________.

Isagawa
Panuto: Alin ang angkop na capacity ng mga sumusunod na mga bagay? Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

Tayahin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang maaaring sukatin ang kapasidad sa mililitro?
A. isang batyang tubig C. isang dram ng tubig
B. isang basong tubig D. isang malaking pitsel ng juice
2. Nagtimpla ang aking nanay ng dalawang ______. pineapple juice para sa aming sampung bisita.
A. mililitro C. kilo
B. litro D. metro
3. Inutusan ako ng aking nanay na ipagtimpla ang aking nakababatang kapatid ng gatas. Ang bote ng gatas
ay may kapasidad na ______.
A. 1 L C. 240 mL
B. 240 L D. 2 L
4. Nagpakarga sa water refilling station ang aking kuya ng isang galong tubig na may kapasidad na 20
______.
A. mililitro C. kilo
B. litro D. Metro
5. Kailangan pa ni Tatay Ben ng 250 ______ na pintura upang matapos ang pinipinturahan niyang upuan ng
aking nakababatang kapatid.
A. mililitro C. kilo
B. litro D. metro

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Pagbigay nang Angkop na Pamagat sa Binasang
Teksto, Talata at Kuwento

Sa pagbigay nang angkop na pamagat ng isang teksto, talata, o kuwento, mahalagang alamin o
tukuyin mo muna ang paksang-diwa o paksang pangungusap.

Subukin
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Piliin ang angkop na pamagat. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.

1.
a. Ang Batang Marungis
b. Ang Batang Namamalimos
c. Ang Batang nasa Kalye

2. a. Ang Batang Nagbabasa


b. Ang Bata
c. Ang Batang Masipag Mag-aral

3. a. Ang Maitim na Baboy


b. Mahalin ang Baboy
c. Ang Matabang Baboy

4. a. Mga Batang Natutulog


b. Larong Pinoy
c. Matira Manalo

5.
a. Ang mga Gulay
b. Ang mga Prutas
c. Masusustansiyang Pagkain

Suriin
Mahalaga sa iyong pagbabasa ng teksto, talata o kuwento na makuha ang pangunahing diwa nito. Ito
ang pinakabuod ng mga pangyayari.
Sa pagbuo ng pamagat, kailangang gumamit ng malaking letra sa mahahalagang salita sa pamagat.
Ang unang letra ng salita sa pamagat ay sinisimulan din sa malaking titik.
Upang maibigay mo ang angkop na pamagat ng teskto, talata o kuwento, tandaan ang mga
pangunahing layunin nito:
1. Mas simple ang nilalaman ngunit detalyado.
2. Nakapupukaw ng atensyon sa mambabasa.
3. Ipinapahayag ang pagiging katangi-tangi.

Pagyamanin
Panuto: Basahin ang bawat talata. Hanapin sa kahon ang angkop na pamagat. Isulat sa sagutang
papel ang tamang sagot.

Ang Niyog Gamit ng Niyog


Bitamina A Ang Paglilinis ni Leo
Kahalagahan ng Bitamina A Ang Sorpresa kay Joyce
Ang Paligsahan Ang Maglola
Mapagmahal na Apo Ang Kasipagan ni Leo

1. Ang niyog ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog
sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.
2. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata.
Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na
mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
3. Nagmamadaling umuwi si Joyce dahil nanalo siya sa paligsahan sa kanilang paaralan. Pagpasok niya sa
kanilang bahay ay nakita niya ang isang bagong sapatos. Sa sobrang saya ni Joyce niyakap at hinalikan niya
ng maraming beses ang ina at nagpasalamat.
4. Sa loob ng silid-aralan, madalas na makikitang naglilinis si Leo. Maaga siyang pumapasok sa paaralan
para makapagwalis at makapaglampaso siya. Namana niya ang kaniyang kasipagan sa kaniyang tatay.

5. Lumaki si Rosa sa piling ng kaniyang Lola Ising. Bata pa lamang siya nang magiging ulila siya.
Lumaking mabuting bata si Rosa. Hindi niya binibigyan ng sakit ng loob ang kaniyang lola pagkat mahal na
mahal niya ito.

Isaisip
Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Sa pagbibigay ng pamagat sa isang talata, kailangan kong malaman ang ________. Ang mga
katangian ng isang pamagat ay _______, _______, at ___________.

Isagawa
Panuto: Basahin ang mga talata. Bumuo ka ng angkop na pamagat sa bawat talata. Isulat sa sagutang
papel ang tamang sagot.

1. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap sa Naga City sa Bicol tuwing ikatlong Sabado
ng buwan ng Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na rin ito sa buwan ng Mayo para sa mga hindi
nakakadalo sa Setyembre. Bago ang mismong araw ng kapistahan, may siyam na araw na novena sa Birhen.
Sa ikasiyam na araw, ibinabalik sa dambana ang imahen at idinadaan ito sa Ilog Naga sa paraang prusisyon
ng mga bangka.
Pamagat: ____________________________________________

2. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat
umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t
isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito
biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.

Pamagat: ____________________________________________

Tayahin
Panuto: Tingnan mo ang mga larawan. Sumulat ng isang talata sa bawat bilang. Bigyan ang mga ito
ng sariling pamagat. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
1. Talata:
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
______
Pamagat: ______________________________________

2.
Talata:
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_____________________
Pamagat:
____________________________________________
3.
Talata:
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
______

Pamagat: ____________________________________________
4.
Talata:
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
______

Pamagat: ____________________________________________
5.
Talata:
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
______

Pamagat: ____________________________________________

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Mga Alituntunin sa Komunidad

May mga alituntunin ang bawat komunidad. Ang alituntunin ay mga patakaran, kautusan o
batas na dapat sundin ng mamamayan.
Mahalaga ang mga alituntunin para sa komunidad at sa mga mamamayang nakatira o
naghahanap-buhay dito. Binubuo at ipinatutupad ang mga alituntunin para sa ikabubuti ng mga
mamamayan sa komunidad.

Subukin
Panuto: Isulat ang tsek (✓) kung ang pahayag ay tumutukoy sa mga tuntuning dapat sundin ng
bawat kasapi ng isang komunidad at ekis (×) kung hindi. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1. maglibang at makapaglaro sa komunidad


2. igalang ang watawat o bandila ng bansa
3. maisilang at magkaroon ng pangalan
4. tumawid kahit saan mo naisin
5. magtapon ng basura kahit saan

Suriin
May mga alintuntuning dapat tuparin sa komunidad. Kinakailangang malaman ng mga tao ang
kahalagahan nito sa lahat ng mamamayan.
Ang ordinansa ay mga alituntunin at kautusan o batas na ginawa ng Sangguniang Barangay. Ito ay
ipinatutupad para sa ikabubuti ng buong komunidad.
Ang mga alituntunin ay ginawa o binuo dahil ang pangunahing layunin nito ay para sa ikabubuti ng
mamamayan at ikakaganda ng ating pamumuhay.
May iba’t-ibang uri ng alituntunin sa komunidad tulad ng:
1. alituntuning pangkaligtasan
2. alituntuning pangkatahimikan at pangkaayusan
3. alituntuning pangkalikasan
4. alituntuning pangkalinisan
5. alituntuning pangkalusugan

Pagyamanin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kaugnay ng mga tungkulin ng mga simbolong nasa Hanay A. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Isaisip
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang A kung alituntunin ang ipinahahayag sa bawat bilang at letrang
AH kung hindi.
1. Bawal bumusina sa tapat ng simbahan.
2. opisina ng paaralan
3. Pumila po nang maayos.
4. tindahan ni Aling Bebang
5. Bawal ang pumarada rito.
6. lungsod ng San Jose del Monte
7. Bawal ang mag-ingay sa loob ng silid-aklatan.
8. Magsuot ng face mask sa pampublikong lugar.
9. tulay ng San Juanico
10. Bawal gumamit ng dinamita sa pangingisda.

Isagawa
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng sumusunod na mga pahayag at Mali kung
hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga bata ay maaari nang makatulong sa pagtupad ng alituntunin sa komunidad.
2. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok.
3. Dapat suportahan ang mga ordinansang ipinatutupad sa komunidad.
4. Magtapon ng kalat kahit saan kung walang nakalagay na basurahan.
5. Magpatugtog nang malakas kung nasa pook-ospital upang maging masigla ang mga pasyente.

Tayahin
Panuto: (KRUSIGRAMA) Basahin ang talaan ng mga salita sa kolum na pahalang at pababa upang
mabuo ang mga salita. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Pahalang
1. alituntunin para sa kalinisan ng komunidad
7. alituntuning nagtitiyak sa kaligtasan ng mga kasapi ng komunidad
10. lugar na tinitirhan ng mga mamamayan na may pagmamahalan at pagtutulungan

Pababa
2. alituntuning ipinatutupad upang maging malusog at malayo sa sakit ang mga kasapi ng
komunidad
3. nakahahawang sakit na pandemya na nagmula sa bansang Tsina
4. alituntuning ipinatutupad upang maging maayos at maiwasan ang karahasan o gulo sa komunidad
5. patakarang ipinatutupad ng bawat komunidad
6. bagay na ipinantatakip sa bibig at ilong upang hindi madaling mahawaan ng sakit
8. alituntuning ipinatutupad upang maging matiwasay at tahimik sa komunidad
9. alituntuning ipinatutupad upang hindi masira o maubos ang likas na yaman ng komunidad.

You might also like