You are on page 1of 91

Yunit 4

Yunit
Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos
IV

1
Aralin 1
Pananalig sa Diyos

Tuwing aking pinagmamasdan ang


mga bituin sa kalangitan,
ang buwan na Inyong inilagak sa tiyak nitong kinalalagyan, hindi
kayang mapagtanto nitong aking isipan
na ang isang tulad kong tuldok lang sa kalawakan, Iyong
nilalang, binigyan ng kabuluhan.

Lubhang kamangha-mangha ang kapangyarihan ng Diyos.


Pansinin mo ang pagkakaayos at galaw ng mga planeta sa kalawakan.
Hindi ito bunga ng pagkakataon o maaring gawin ng sinumang tao. Isa
ito sa mga patunay na mayroong Diyos na lumalang nito.

Sa aralin na ito ay ilalarawan natin ang mga paraan na


nagpapakita ng pananalig sa Diyos at ang kabutihang dulot nito sa ating
buhay.
Alamin Natin

Basahin mo ang maikling salaysay ng isang tao na nakamit


ang kaniyang pangarap. Sagutin ang mga kaugnay na tanong.

n. Hindi na ako puwedeng humingi ng dagdag na ulam kahit gutom pa ako dahil kailangang pagkasyahin n

ralan kahit medyo malayo ito. Sa singkuwenta sentimos na baon, hindi na ako makakakain kapag nagtricy
Tinanong niya ulit kami. Kung nananalig daw kami, ano ang
maari naming gawin para matupad ang
pangarap namin. Sumagot naman kami. Sabi ko, “Kahit ano ang
mangyari, sisikapin ko na makatapos
pag-aaral.” Hindi ko na matandaan ang sinagot ng iba kong kaklase.
Sabi niya matutupad daw ang aming pangarap kung kami ay
mag-aaral nang mabuti at magtitiwala sa Diyos na tutulungan kami
na maabot ang aming mga pangarap.
Anumang kahirapan natin sa buhay, manalig tayo na nariyan
ang Diyos upang tayo ay gabayan at tulungan sa pagtupad ng ating
pangarap habang ginagawa natin ang matuwid at nararapat.
Natupad ba ang mga pangarap ko? Heto, sinusulat ko ang
kuwento ng buhay ko para sa iyo. Tama ka. Guro na nga ako. Gawin
mo ang makakaya mo at manalig ka lang sa Diyos. Sigurado ako,
matutupad ang naisin ng puso mo.

Photo owned by the writer

Ikaw? Ano ang pangarap mo?


Ang pananalig sa Diyos ay pagpapakita ng ganap na
pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos anuman ang kaharapin natin
sa ating buhay. Habang ginagawa natin ang ating makakaya, dapat
patuloy na pagdarasal na may pananalig sa Diyos ang kailangan.
Paano ipinakita ng may-akda ng salaysay ang pananalig
sa Diyos sa araw-araw?

Isagawa Natin

Narinig mo na ba ang kasabihang “Nasa Diyos ang awa, nasa tao


ang gawa?” Ano kaya ang kahulugan nito?

Gawain I

A. Basahin ang sumusunod na sitwasyon at isulat sa iyong


kuwaderno kung ano ang maaaring gawin ng mga tauhan.

1. Ipinagdarasal ni Marco na
makatapos siya sa
pag-aaral.
2. Ipinagdarasal ni Belen na
palagi silang maging
malusog.
3. Nananalig si Iking na
hindi na babaha pa sa
kanilang lugar.

Kung minsan kahit tayo ay nananalig sa Diyos ay hindi nangyayari


ang mga bagay na ating inaaasahan. May maaaring dahilan kung bakit ito
nangyayari. Ang mga karanasang tulad nito ay makatutulong upang
palakasin pa natin ang ating pananalig sa Kaniya.
B. Buuin ang sumusunod upang makabuo ng panalangin.

1. Panginoon, tinatanggap ko po na hindi ako nanalo sa kompetisyon


sa pag-awit. Di bale po, sa susunod .

2. Hindi po ako makakasama sa field trip sa isang linggo. Wala po


kasing pera ang tatay at nanay ko. Kailangan ding bumili ng
gamot para sa bunso kong kapatid na may sakit. Okey lang po sa
akin _.

Gawain 2 (Pangkatang Gawain)

Isang paraan ng pagpapakita ng pananalig sa Diyos ay ang


pananalangin sa Kaniya. Suriin mo ang iyong kapaligiran.

Sagutin ang tanong at isagawa ang gawain.


Ano-anong suliranin ang kinakaharap ng ating bansa?

1. Pumili ng isa sa mga suliraning inyong naisulat at bumuo ng


isang panalangin ukol dito katulong ang lahat ng miyembro
ng iyong pangkat.
2. Banggitin sa panalangin ang maaari ninyong gawin upang
mabawasan ang bigat ng suliranin. Maari ninyong magamit na
halimbawa ang panalangin sa kahon sa ibaba o kaya ay
gumawa kayo ng sarili ninyong panalangin.

Halimbawa:

Panginoong Diyos, Kayo po ang bukal ng aming pag- asa.


Nagtitiwala po kami sa Inyong kapangyarihan.
Panginoon, nais po naming idulog sa inyo ang
_. Sa suliraning ito makakaasa po kayo
na kami ay tutulong sa pamamagitan
ng _. Idinadalangin po namin ang
kanilang kalagayan .

3. Matapos na mabuo ang panalangin, isulat ito sa isang lumang


folder.
4. Maghanda ang inyong pangkat para sa pagbigkas o pag-awit ng
inyong ginawang panalangin.
5. Pagkatapos ng pagtatanghal, idikit ang nagawang panalangin
sa manila paper o cartolina na inihanda ng guro.
6. Ipaskil ang mga ginawang panalanging sa labas ng silid-aralan
upang mabasa ng ibang mag-aaral.
Isapuso Natin

Kung minsan, may mga pagkakataong hindi natutupad ang gusto


natin o hinihiling natin sa ating panalangin. Hindi tayo dapat mawalan
ng pag-asa at mawalan ng loob. Maaring may gustong ituro sa atin ang
Diyos. Maaring hindi pa ito ang tamang panahon o may ibang mas
magandang plano ang Diyos para sa buhay natin. Ang mahalaga ay
patuloy tayong manalig sa Kaniya habang ginagawa rin natin ang ating
makakaya upang matupad ang ating mga mithiin.

Gawain

1. Pumili ng isang sitwasyon sa ibaba at ipagpalagay mong nais


nilang ipanalangin mo sila. Isulat ang nabuo mong panalangin sa
iyong kuwaderno.

a. Mangingibang bansa ang ama ni Cora upang


maghanapbuhay. Alam niyang malulungkot ang kaniyang
ama kapag umalis ito.
b. Tag-ulan na naman. Nag-aalala ang buong barangay dahil
maaaring bumaha na naman sa kanilang lugar.
c. Malayo pa ang kaarawan ni Hannah ngunit naghahanda na
ang kanilang mag-anak para sa kaunting salo-salo. Ibabahagi
nila ito sa mga bata sa bahay-ampunan. Nais niyang
makapagpasaya ng mga bata sa kaniyang kaarawan.
d. Isa si Lumay sa mga batang hindi makapasok sa paaralan.
Hindi pa kasi tapos ang gulo sa pagitan ng pamahalaan at
mga taong nagagalit sa mga namumuno rito.
Tandaan Natin

Ang pananalig sa Diyos ay pagpapakita ng ganap na


pagtitiwala sa Diyos anuman ang ating kaharapin sa
pamumuhay. Habang ginagawa natin ang makakaya natin
upang maging maayos at mabuti ang ating pamumuhay,
nagtitiwala din tayong gagabayan at tutulungan tayo ng Diyos.

Kahit ikaw ay bata pa, marami ka na ring naging karanasan


sa araw-araw. Ang mga karanasang ito ay maaaring
nakapagbigay ng saya o lungkot sa iyo. Ang iyong mga
karanasan din ang maaring magpatibay sa iyong pananalig sa
Diyos. Maiging palakasin pa ang pananalig sa Diyos sapagkat
ito ang gagabay sa iyo upang ikaw ay maging mabuting tao.

Isabuhay Natin

Isipin mo ang kalagayan mo tatlong taon (3) mula


ngayon.
Ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay? Ano ang
iyong mga pangarap?
Ano ang magagawa mo upang ito ay matupad? Bakit
nananalig kang tutulungan ka ng Diyos na matupad ang mga
ito?

Sa tulong ng iyong guro, gagawa ka ng faith goal o mithiing


may pananalig na matutupad ito.
Mga Panuto:
1. Sa isang papel, ilista ang iyong mga mithiin sa buhay o mga nais
mong makamit.

Halimbawa: Tatlong (3) taon mula ngayon, ako ay


makakatapos na ng Grade 6 o elementarya.

2. Maaari mo ring iguhit ang mga mithiing ito at lagyan ng tiyak


na panahon ng katuparan nito.
3. Kung hindi gaanong sanay sa pagguhit, maaring gumupit ng
mga larawan sa mga hindi na ginagamit na magasin o mga
lumang kalendaryo.
4. Idikit ang mga naiguhit o ginupit na larawan sa isang lumang
folder o karton.
5. Lagyan ito ng pamagat na gusto mo.
6. Ipaskil ito sa isang lugar sa inyong tahanan na lagi mong
makikita upang laging magpaalala sa iyo ng mga mithiin mo.
7. Paggising mo sa umaga, laging isaisip at isapuso ang mga
mithiing iyong ipinaskil. Siguraduhin na ang lahat ng gagawin
mo ay para sa katuparan ng mga ito.

Idinadalangin ko ang katuparan ng iyong mga mithiin.


Tandaan mo, mahal ka ng Diyos at kaligayahan Niya ang makita
kang matagumpay.
Subukin Natin

A. Isulat kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap. Isulat


ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag- uugali.


2. Madalas na nananalig si Berto na manalo sa isang patimpalak
sa pagbigkas. Sa halip na siya ay mag- ensayo kasama ang
kaniyang guro ay lumiliban siya upang maglaro ng mga
computer games.
3. Magkakaroon ng katuparan ang ating mga ipinapanalangin
sa Diyos kahit wala tayong gawin upang ito ay mangyari.
4. Ang pananalig sa Diyos ay maipakikita sa ating
pagdarasal.
5. Dapat na mapalakas natin ang ating pananalig sa Diyos kahit
minsan ay di nagkakaroon ng katuparan ang ating mga
hinihiling sa Kaniya.

B. Ano-ano ang maaaring gawin sa sumusunod na sitwasyon upang


magkaroon ng kasagutan ang ating pananalig sa Diyos? Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Nananalig si Marta na maging matagumpay ang kanilang


gawain sa Agham.
2. Hinihiling ni Patricia na magkaayos na sila ni Mila.
Nagkaroon kasi sila ng hindi pagkakaunawaan habang
naglalaro sila kahapon.
3. Naniniwala si Bert na patatawarin siya ng Diyos matapos na
ilihim niya sa kaniyang ate na siya ang nakabasag ng bago
nitong salamin.
C. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Ano-ano ang iyong ginagawa upang maipakita mo na ikaw ay


tunay na nananalig sa Diyos?
2. Ano-ano ang iyong ginagawa upang magkaroon ng katuparan
ang mga hinihiling mo sa Diyos?
Aralin 2
Paniniwala Mo, Iginagalang Ko

Masdan ang larawan sa itaas. Sa iyong palagay, ano ang nais


ipahayag ng larawan?

Maipakikita natin ang iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng


paggalang sa paniniwala o relihiyon ng iba. Kung ang bawat tao ay
marunong gumalang sa pagkakaiba-iba ng lahat, ano sa palagay mo
ang mabuting maidudulot nito?
Alamin Natin

Bumuo ng isang triad na siyang gaganap sa usapan sa ibaba.


Bigyan buhay ang bawat tauhan upang higit na maunawaan ang mensahe
ng usapan.

Linggo ng umaga…

Maja at Berting: Magandang umaga, Clarita.


Clarita: Magandang umaga, Maja.
Magandang umaga, Berting
Maja: Saan ka pupunta?
Clarita: Magsisimba ako. Nandoon na ang tatay at
nanay sa simbahan.
Berting: Ah, ganoon ba? Kami naman ay sumamba
noong Biyernes sa aming Masjid.

Maja: Noong Huwebes naman kami


sumamba ng aming pamilya.
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang pinag-uusapan ng mga bata?


2. Bakit kaya iba-iba ang araw ng kanilang pagpunta sa kanilang
lugar sambahan?

Bilang isang kasapi ng isang pangkat na naniniwala sa Diyos, ano


kaya ang maaari mong gawin upang ipakita na ikaw ay may paggalang
sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos?
Pag-aralan ang bawat larawan. Paano ipinakikita ng bawat bata
ang paggalang sa paniniwala ng iba?

Ako si Miguel. Isa akong Sabadista. Kapag may misa sa simbahan na malapit sa aming bahay

Ako naman si Estella. Sinasabihan ko ang aking nakababatang kapatid na huwag paglaruan ang rosaryo n
Ako si Rashid. Nakikinig ako nang may paggalang kapag aming tinatalakay sa klase ang mg

Kaibigan ko si Rashid. Hindi ko siya pinagtatawanan kapag nagdarasal siya. Ako nga pala si Kathy.
Hindi kami nanghuhusga sa mga paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. May iba’t ibang
Isagawa Natin

Gawain I
Paano natin maipakikita ang paggalang sa paniniwala ng iba
tungkol sa Diyos sa sumusunod na sitwasyon?
Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong kuwaderno at Ibahagi ito sa iyong
klase.

1. Nagulat ang iyong pinsan sa malakas na tunog ng tambol. May


prusisyon pala para sa pagdiriwang ng kanilang patron na si
San Isidro Labrador na pinaniniwalaan nila na patron ng
masaganang ani. Sinabi niya sa iyo na siya ay naiinis sa
ginagawang ito ng mga Katoliko. Ano ang iyong gagawin?

2. Sinasabi ng iyong kamag-aral na higit na mabuting maging


kasapi ng kanilang relihiyon. Pinipilit ka niyang sumama at
makinig sa kanilang pag-aaral sa salita ng Diyos. Ano ang
iyong gagawin?

3. Ikaw at ang iyong nakababatang kapatid ay inanyayahan ng


iyong kaibigang Muslim sa kaniyang kaarawan. Dahil paborito
ng iyong kapatid ang inihaw na baboy ay nagtanong siya sa
iyo nang palihim kung may ganoon silang handa. Ano ang
iyong sasabihin sa iyong kapatid?
Gawain 2

Gamitin ang tsart sa ibaba para sa bahaginang isasagawa sa inyong


pangkat. Magtalaga ng tagapagsalita na magbabahagi sa buong klase ng
inyong mga
napag-usapan.

Relihiyon ko o paniniwala

Paraan ng pagsamba o pagdarasal

Mga Kaugnay na Kaugalian

Isapuso Natin

A. Iyong pagnilayan ang sumusunod na tanong:


 Narasanan mo na ba na ikaw ay pinagtawanan o kinutya
dahil sa iyong paniniwala? Ano ang iyong naramdaman?
 May pagkakataon din ba na napagtawanan mo ang iba dahil
sa kanilang paniniwala? Ano sa palagay mo ang kanilang
naramdaman?
 Paano mo maipakikita ang paggalang sa
paniniwala ng iba?

Tandaan Natin
May iba’t ibang relihiyon o paniniwala ang mga tao tungkol sa
Diyos. Magkakaiba man ang ating paraan ng pagsamba, nagkakaisa
tayo sa pag-asang sa pamamagitan ng mga paraang ito,
maipararating natin ang ating pagsamba at papuri sa Diyos.

Nararapat lamang na igalang natin ang paniniwala ng iba tungkol sa


Diyos. Hindi sila dapat pagtawanan o kutyain sapagkat sila ay tulad din
nating may mga damdaming nasasaktan.

“Kung ano ang nais mong gawin sa iyo ng iyong


kapuwa, iyon din ang gawin mo sa kaniya.” Naalala mo pa ba ang
kasabihang ito? Hindi ba’t angkop ito sa ating aralin? Tama. Kung nais
mong igalang ng iyong kapuwa ang iyong paniniwala, nararapat lamang
na igalang mo rin ang kaniyang paniniwala.

Isabuhay Natin

1. Sa tulong ng iyong guro, isagawa o ipagdiwang ang Araw ng


Pananampalataya kung saan magtatanghal kayo ng isang maikling
palatuntunan at maaaring anyayahan ang mga guro, magulang,
mga kawani, at
mag-aaral sa paaralan upang maibahagi ng mga panauhing
tagapagsalita na katulad mong mga bata rin ang kani-kanilang
paniniwala, awit ng pagsamba, at kaugnay na kaugalian.

2. Sa simula ng palatuntunan, mangyaring magkaroon ng panimulang


panalangin. Inyo ring pasalamatan ang mga taong pinaunlakan ang
inyong imbitasyon.

3. Tapusin ang inyong maikling palatuntunan sa


panalangin na pangungunahan ng mga bata, magulang,
at guro mula sa iba’t ibang pananampalataya.

4. Bilang tanda ng pasasalamat sa lahat ng dumalo sa pagdiriwang,


bibigyan ang bawat bisita ng isang hugis dahong papel kung saan
isusulat niya ang kaniyang mensahe at pangalan.

5. Lahat ng mga dahon na may nakasulat na mensahe ay ididikit


sa isang puno na gawa sa karton. Ang punong ito ay tatawaging
“Puno ng Nagkakaisang Iba’t Ibang Paniniwala.”

Subukin Natin

I. Piliin ang mga sitwasyon na nagpapakita ng paggalang sa


paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. Isulat ang letra ng iyong sagot
sa inyong kuwaderno.

a. Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran.


b. Sinasabihan ng isang batang Muslim ang isang bata na huwag
paglaruan ang krus.
c. Nakikinig nang may paggalang ang mga batang Muslim
habang pinag-uusapan ang mga gawain ng Katoliko.
d. Batang Muslim na pinasasalamatan ng isang bata dahil
dumalo ito sa kanyang kaarawan.

II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat gawin


para sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng iyong sagot sa
kuwaderno.

1. Nakita mo na pinupunit ng iyong kamag-aral ang mga


pahina ng isang banal na aklat.

a. Kukuhanin ko ang Koran mula sa kaniya upang di na


niya ito tuluyang mapunit.
b. Hahayaan ko lamang siya sa kaniyang
ginagawa.
c. Sasabihan ko na huwag niyang punitin ang mga
pahina ng banal na aklat.

2. Malakas ang tunog ng radyo habang nakikinig ang iyong tatay


ng balita. Narinig mong nagdarasal ang mag-anak na Muslim
na inyong kapitbahay.

a. Magpapaalam ako sa aking tatay na hihinaan ko ang


radyo dahil nagdarasal ang aming kapitbahay.
b. Tatahimik na lamang ako habang sila ay
nagdarasal.
c. Hihintayin ko ang aking tatay na sabihan akong
hinaan ang radyo.

3. Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng iyong kapatid sa


inyong bahay sa araw ng piyesta.
a. Sasabihin ko sa kaniya ang mga handa naming
walang sahog na baboy at maaari niyang kainin.
b. Sasabihin ko sa aking nanay na puro lutong may
karne ng baboy ang dapat naming ihanda.
c. Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang siyang
papuntahin.

4. Ipinakikilala sa iyo ng iyong pinsan ang kaniyang matalik


na kaibigan. Isa siyang kasapi ng Iglesia ni Cristo at ikaw
naman ay Methodist.

a. Maayos ko siyang kakausapin matapos akong


maipakilala sa kaniya ngunit hindi ibig sabihin ay
makikipagkaibigan na ako sa kaniya.
b. Makikipagkaibigan ako sa kaniya kahit iba ang aming
paniniwala tungkol sa Diyos.
c. Hahayaan ko ang aking pinsan sa nais niyang gawin.

5. Nakita mong naglalaro sa loob ng isang kapilya ang mga bata.

a. Hahayaan ko sila sa kanilang paglalaro at hindi ako sasali


sa kanilang paglalaro upang hindi na makadagdag sa
ingay.
b. Pagsasabihan ko sila na maglaro na lamang sa palaruan.
c. Hahabulin ko sila hanggang mapilitan silang
lumabas ng kapilya.

III. Mag-isip ng iba pang paraan kung paano mo maipakikita ang


iyong paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. Iguhit mo
ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
Aralin 3
Pag-asa: Susi Para sa Minimithing Pangarap

Ano kaya ang nararamdaman ng isang batang lumalaban sa


isang paligsahan tulad ng nasa larawan? Maliban dito, ano rin kaya
ang mararamdaman ng:

 isang mag-aaral na mang-aawit na pilit na inaabot


ang napakataas na tono.
 Isang batang kasali sa quiz bee.
 Isang batang nakaranas ng lindol, baha, o
landslide.

Sa araling ito, hinahangad na maisapuso mo ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng pag-asa at maisabuhay ito upang maging lakas sa pagbuo
ng iyong mga pangarap para makamit ang tagumpay.
Alamin Natin

Tunghayan ang mga larawang tagpo sa ibaba at bigyan ng


pagsusuri.

Hmm… Kaya ko ito. Kaya ko ito. Kaya ko ito.

“Diyos ko, sana po ay gumaling na ako.


Gusto ko na pong bumalik sa paaralan.”
“Sana ay magkaroon na rin kami ng malinis na tubig.”
Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang problema ng bawat bata sa larawan?


2. Paano kaya nila tinatanggap ang mga problemang ito?
3. Isa-isahin ang iyong mga naging damdamin habang ito ay iyong
binabasa at sinusuri. Ibahagi ang iyong mga sagot sa klase.

Bilang mag-aaral, naramdaman mo na ba ang mga ganitong


pangyayari sa iyong buhay? Ano ang iyong mga ginawa? Paano mo
pinanatili ang pag-asa para makamit mo ang iyong gusto bilang mag-
aaral?

Ang isang batang tulad mo ay maraming pangarap.


Ang pagkakaroon ng pag-asa ay makatutulong upang ang mga pangarap na
ito ay iyong makamit.

Isagawa Natin

Gawain I
May mga pagkakataon na sinusubukan ang ating kakayahan at
pagtitiwala natin sa ating sarili. Ang pagkakaroon natin ng pag-asa at
positibong pananaw ay makatutulong upang makamit natin ang ating
minimithi.
1. Buuin ang tsart na nasa susunod na pahina tungkol sa isang
pangarap na nais mong mangyari sa iyong buhay.

Ang aking mga gagawin Ang aking mga gagawin


habang ako ay nasa pagkatapos ko ng
ikatlong baitang: ikaanim na baitang:

Gawain 2

A. Pumili ng isa sa mga nakasulat na sitwasyon at sagutin ang mga


tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
1. Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng pamahalaan at pangkat na di
sang-ayon dito, napilitang lumikas ang mga mamamayan sa
ligtas na lugar. Isa sa mga batang ito ay si Rowena.

2. Nakatanggap ng sulat si Lelet na hindi siya pinalad na


makasama sa mga magiging scholar sa susunod na pasukan.

Sagutin ang mga tanong:

1. Kung ikaw ang batang nasa sitwasyon na iyong pinili, paano


mo maipakikita ang pagkakaroon ng pag-asa?
2. Paano mo masasabi na mahalaga ang
pagkakaroon ng pag-asa?
B. Bumuo ng limang pangkat. Pagmasdan ang bawat bata na nasa
larawan at suriin ang kanilang sinasabi. Pagkatapos ay sagutin ang
mga tanong na nasa ibaba ng mga larawan. Isulat ang
napagkasunduang sagot ng inyong grupo sa isang malinis na papel na
ilalathala ng lider ng bawat grupo.

ko si Bulit. Isa akong Aeta. Umaasa ako na maayos akong pakikitunguhan ng aking mga kamag-aral. Magiging mabuti akong

“Ako si Maita. Nagsisisi ako na hindi ako nag-aral nang mabuti. Umaasa ako na.”
Ako si Korin. Ito naman ang aking kapatid. Ako ay nananalig na.

Ako naman si Rufo. Umaasa ako na.


Mga tanong:

 Sa inyong palagay, ano ang minimithi ng bawat bata sa


larawan?
 Ano rin kaya ang kanilang gagawin upang magkaroon ng
katuparan ang kanilang minimithi?

Isapuso Natin

Paano natin mailalarawan ang salitang pag-asa?

Pumili ka ng isa mula sa mga mungkahing gawain sa ibaba at


gawin ito. Maghandang ibahagi ito sa klase pagkatapos.

1. Kung ang pag-asa ay isang lutuin, gumawa ng recipe para dito.


Isipin mo ang mga kakailanganin upang ang isang tao ay
magkaroon ng pag-asa. Halimbawa, lakas ng loob. Ilang kutsara
nito ang kakailanganin? Bigyan ito ng pamagat na “Recipe ng
Pag-asa.”

2. Gumawa ng maze o mapa tungkol sa pag-asa. Kung ang pag-asa


ay isang lugar, ano-ano ang madaraanan mo upang marating ang
lugar na ito? Ano-ano din ang mga bagay na dapat mong baunin
o dalhin sa iyong paglalakbay?
Tandaan Natin

Mahalagang magkaroon ng pag-asa (hope) ang bawat


batang tulad mo. Gayunpaman, hindi sapat ang pagkakaroon
lamang ng pag-asa. Kailangan mong magsumikap at gawin ang
kinakailangan upang makamit ang iyong minimithi.

Pag-asa ang siyang nagiging gabay natin sa pagbuo ng


ating mga pangarap at pagsusumikap na makamit ito. Kung
minsan ay hindi nangyayari ang ating inaasahan ngunit hindi tayo
dapat mawalan ng pag-asa. Nararapat lamang na tanggapin mo
ito nang maluwag sa puso.

Kung minsan naman may mga bagay na gusto mong


mangyari pero hindi agad natutupad. Dahil ikaw ay nananalig,
nagtitiwala, at nagdarasal sa Diyos, unti-unti mo itong makakamit
at matutupad. Lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng lahat.
Mahal ka ng Diyos at masaya Siya kapag nakita ka Niya na
masaya o maligaya. Patuloy kang manalangin sa Diyos.
Sabihin mo sa Kaniya ang nadarama ng iyong puso. Huwag kang
mawawalan ng pag-asa. Kung hindi man matupad ang iyong
minimithi, may inilaan Siyang higit na makabubuti para sa iyo.
Isabuhay Natin

Kahit ikaw ay bata pa, may hinaharap ka ring pagsubok o


suliranin sa araw-araw.

Gawain 1

1. Bago ka matulog ay itala mo sa iyong kuwaderno kung paano


mo hinarap ang isang pagsubok gaya ng hindi pagpasa sa
pagsusulit, hindi napiling lumahok sa isang paligsahan at iba
pa.
2. Ipaliwanag mo kung paano naging mahalaga ang
pagkakaroon ng pag-asa sa pagkakataong iyon.
3. Ibahagi mo ito sa iyong mga kamag-aral sa susunod
na araw.

Gawain 2

Katulong ang iyong pangkat, punan ninyo ang tsart sa ibaba ng


inyong mga sagot. At pagkatapos ay ibahagi ito sa klase.

Mga pangyayaring nahirapan Naipakita ko ang pag-asa sa


ako bilang isang pamamagitan ng...
mag-aaral
Subukin Natin

A. Piliin ang mga pangungusap na nagpapakita ng pagkakaroon ng


pag-asa. Ipaliwanag ang iyong sagot kung bakit mo ito pinili.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. “Kaya natin ito.”


2. “Matatalo na ako. Mukhang magagaling ang aking mga
katunggali.”
3. “Magtatapos ako ng pag-aaral para balang araw ay
makatulong ako kay nanay at tatay.”
4. “Sana ay makauwi na ang aming nanay mula sa Hong
Kong. Palagi ko itong ipagdarasal.”
5. “Mga ilang taon pa at magbubunga na ang mga punong ito.
Kailangan natin silang alagaan.”

B. Sumulat ng isang pangungusap na nagpapakita ng pagkakaroon ng


pag-asa sa sumusunod na pagsubok:

1. Nasalanta ang inyong bayan ng isang malakas na bagyo.


Pangungusap na may pag-asa:

2. Di ako pumasa sa isang pagsusulit/quiz


Pangungusap na may pag-asa:

3. Di napili sa palatuntunan sa pagsayaw


Pangungusap na may pag-asa:

4. Nadamay sa mga napagalitan ng guro


Pangungusap na may pag-asa:
Aralin 4
Ang Pag-asang Mayroon Ako, Ibinabahagi Ko
sa Kapuwa Ko

Kung ikaw ang manlalaro sa larawan, ano kaya ang iyong


mararamdaman kung makikita mo ang iyong mga kaibigan na
nagbibigay suporta sa iyo?

May mga taong nagtitiwala sa iyong kakayahan. Sila ang iyong


pamilya, mga guro, at mga kaibigan. Binibigyan ka nila ng lakas ng
loob kung ikaw ay may pagsubok o problemang hinaharap. Ikaw,
paano ka nakapagbibigay pag-asa sa kanila?

Sa araling ito ay tatatalakayin natin kung paano tayo maaring


makapagbigay ng pag-asa sa iba.
Alamin Natin

Sa nakaraang aralin ay natutuhan natin kung gaano kahalaga


ang pagkakaroon ng pag-asa upang makamit ang ating pangarap.
Upang makabagbigay tayo ng
pag-asa sa ibang tao, nararapat na tayo mismo ay mayroon
nito.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga


kaugnay na tanong.

“Ang pag-asa ay makatutulong upang makamit ko ang mga mithiin ko sa buhay.“

Natatandaan mo pa ba si Pag-asa? Bukod kay Pag- asa ay may


bago ka pang makikilala. Siya si Liwanag.
Magandang araw sa iyo. Ako si Liwanag.
Kahit tayo ay bata pa ay kaya rin nating
makapagbigay ng pag-asa sa iba. Ikaw,
kaya mo rin bang magbigay ng pag-asa sa
iba?

“Huwag ka nang
malungkot. Gagaling na
rin si Timmy.”
“Hindi ko talaga
maintindihan ang “Kaya mo yan.
aralin natin sa Halika pag-aralan
Matematika.” natin.”

“Masaya kami at malapit ka


“Salamat sa ng lumabas ng pagamutan.”
inyong
pagdalaw.”
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Liwanag sa iba’t ibang


sitwasyon sa comic strip?
2. Alin sa mga sitwasyon ang naranasan mo na rin tulad ni
Liwanag?
3. Gusto mo bang maging katulad ni Liwanag?
Ipaliwanag ang inyong sagot.
4. Sa iyong paraan, paano mo ibabahagi ang pagkakaroon ng
pag-asa sa iyong mga kaibigan, kamag-aral, at mga kasama
sa bahay?

Isagawa Natin

Gawain I
Katulad ka rin ba ni Liwanag? Mag-isip ng isang karanasan kung
saan ay nakapagbigay ka ng pag-asa sa iba. Ibahagi ito sa iyong kamag-
aral.

Gawain 2
Katulong ang iyong pangkat, gumawa ng maikling dula-
dulaan na nagpapakita ng pagbibigay pag-asa sa iba.

Isapuso Natin

1. Gumuhit ng isang super hero. Tawagin natin siyang Pag-asa.


2. Sa palibot ng nabuo mong imahe, isulat ang kaniyang mga
katangian. Maghandang ibahagi ito sa klase.
Tandaan Natin

May kasabihan na “Hindi mo maibibigay ang isang


bagay na wala ka.” Upang makapagbigay ka ng pag-asa ay
nararapat na magkaroon ka muna nito.

Nakapagbibigay tayo ng pag-asa sa iba sa pamamagitan


ng pagbibigay sa kanila ng lakas ng loob, suporta, o tulong.

Ang pag-asa ay maaaring maipakita o maipadama sa


kapuwa sa iba’t ibang pagkakataon. Sa paaralan, maipadarama
o maipakikita mo sa iyong kamag-aral na puwedeng pumasok
sa paaralan kahit walang baong pera, kahit luma ang damit
basta malinis ito, at dapat magsumikap palagi sa pag-aaral para
matuto sa pagbasa, pagkuwenta, at iba pa. Sa tahanan naman,
puwede mong ipadama ang pag-asa kung may miyembro ng
pamilya na maysakit, kung naghihirap kayo sa buhay, o kung
nawalan kayo ng bahay dahil sa malakas na bagyo.

Ang patuloy na pagpapakita at pagpapadama ng


pag-asa ay kinalulugdan ng Diyos. Ito ay isang biyaya na
dapat patuloy na ibinabahagi sa kapuwa.
Isabuhay Natin

Gawain 1

Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay mabuting ugali. Pinalalakas


ng pag-asa ang loob ng taong nabibigyan nito. Ito rin ay
makapagbibigay sa iyo ng saya.

A. Magmasid at alamin kung kanino sa iyong mga kaklase o


kaibigan maaari mong iparamdam na may pag-asa. Sagutin ang
sumusunod na tanong. Isulat mo ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Sino sa mga tao sa paligid ang gusto mong tulungan na


magkaroon ng pag-asa?

2. Ano ang iyong dahilan kung bakit pinili mo siya?

3. Paano mo sisimulan ang pagtulong?

4. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng iyong kaklase o


kaibigan sa pagpili mo sa kaniya?

5. Magiging masaya ka ba kung ang napili mong kaibigan o


kaklase ay makararamdam ng pag-asa? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
Gawain 2

Buuin mo ang liham na nagpapadama ng pag-asa para sa


isang kaibigan na nasa evacuation center.

November 20, 2013

Mahal kong ,

Kumusta ka na? Sana ay _


sa evacuation center. Ang sabi ng Tita Irene ay hindi
.
Marami pa raw nakaharang sa daan papunta sa inyong lugar.
Huwag ka _
magdasal. Huwag kang mawalan ng .
Baka sa susunod na Sabado ay
sa aking nanay upang ikaw ay aking mabisita.

Ang iyong kaibigan,


Liwanag

Kahit tayo ay bata pa ay makapagbibigay din tayo ng pag-asa sa


iba. Nararapat na totoo sa ating kalooban kung atin itong ibinibigay.

Subukin Natin

I. Sabihin kung tama o mali ang bawat pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa kuwaderno.
1. Ang pag-asa ay nakapagpapalakas ng loob.
2. Maari kang makapagbigay ng pag-asa kahit wala ka nito.
3. Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay makapagpapasaya
sa taong nagbibigay nito.
4. Kahit ikaw ay bata pa ay kaya mo ring
makapagbigay ng pag-asa.
5. Ang pagbibigay ng pag-asa ay nararapat lamang na totoo sa
iyong kalooban.

II. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong sasabihin o


gagawin na makapagbibigay ng pag-asa? Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.

1. Kinakabahan ang iyong kapatid na kukuha ng


markahang pagsusulit.

2. Nakita mong malungkot ang iyong tatay dahil sa nasalanta


ng bagyo ang inyong pananim.

3. Matatagalan pa bago makalakad ang iyong kaibigan matapos


siyang madulas sa hagdan.

4. Hindi nanalo ang iyong mga kamag-aral sa paligsahan sa


pagsasayaw.

5. Gusto ng tumigil sa pag-aaral ng iyong kamag-aral dahil sa


layo ng inyong paaralan.
Aralin 5
Salamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin

“Hindi ko hiningi ngunit kusang ibinigay. Hindi ko hinanap ngunit


aking natagpuan. Hindi ko hiniling ngunit ipinagkaloob sa akin.
Hindi pa man nasasambit ng aking mga labi, mga panalangin ko ay
agad na dinidinig.

Kapag nagkamali laging handang ako ay patawarin. Naligaw man


ng landas, sa isang pagtawag ko agad akong sasaklolohan. Kahit
sa paningin ko hindi ako karapat-dapat, biyaya at pagmamahal
laging higit sa sapat.

O Diyos na dakila, sino pa ba ang hihigit sa Inyo?


Taglay Ninyong kapangyarihan tunay na walang hanggan. Pag-ibig
Ninyo sa amin ay walang katapusan!
Dahil sa dakilang pag-ibig Ninyo sa akin, buhay ko ngayon ay may
kabuluhan.”

Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? Ano kaya ang mensahe ng taong


gumuhit nito?
Alamin Natin

Gawain 1

Basahin ang tanong sa ibaba. Iguhit o isulat mo ang sagot sa isang


malinis na papel at ipaskil ito sa pisara pagkatapos.
Maaari mo rin kulayan ang iyong iginuhit kung
kinakailangan.

Tanong:

Kung mailalarawan mo ang pagmamahal ng Diyos, saan mo


ito maihahambing?

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang nararamdaman ninyo habang iginuguhit o isinusulat


ang inyong sagot sa papel?
2. Pagmasdan ninyo ang mga nakapaskil na sagot sa pisara.
Maliban sa mga nakapaskil na sagot may iba pa ba kayong
naisip kung paano mailalarawan ang pagmamahal ng Diyos sa
atin? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Ang pagmamahal ng Diyos ay wagas at hindi nagbabago kailanman


at kaninuman. Mula sa ating pagkasilang hanggang sa tayo ay bawian ng
buhay, hindi tayo iniiwan ng Diyos, maging sa panahon ng kalungkutan o
mga suliranin.

Isipin mong mabuti. Kapag ikaw ay nagkamali, pinagsasabihan


ka ng iyong mga magulang. Bakit nila ito
ginagawa? Itinatama lamang nila ang iyong maling kilos at gawi.
Ipinauunawa nila sa iyo ito upang hindi ka na muling magkamali.

Gayundin naman, kapag ikaw ay nagpakumbaba, inamin mo ang


iyong pagkakamali at humingi ka ng kapatawaran, lagi ka nilang
binibigyan ng pagkakataong magbago.

Patunay ang mga ito ng pagmamahal nila sa iyo. Kung ang ating
mga magulang na tulad nating mga tao ay kayang magmahal sa atin nang
ganito, paano pa kaya ang Diyos nating Ama na siyang lumalang sa
buong sangkatauhan? Hindi lang mapagmahal ang Diyos sapagkat ang
Diyos mismo ay pag-ibig.

Gawain 2

Pagmasdan ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.


Mga tanong:

 Sa inyong palagay, ano kaya ang ipinapanalangin ng mga bata?


 Palagi rin ba kayong nananalangin ng pasasalamat sa Diyos sa
lahat ng kaniyang biyaya? Ipaliwanag ang inyong sagot.
 Bilang isang bata, paano mo ipinakikita ang iyong
pasasalamat sa mga taong nagpalaki sa iyo?

Ang panalangin ay isang paraan ng pakikipag-


ugnayan sa Diyos. Ito ay gawaing
kalugod-lugod sa Diyos sapagkat nagpapakita ito na mahalaga Siya sa
ating buhay at nais nating
makipag-ugnayan sa Kaniya. Dapat din nating isama sa ating panalangin
ang kalagayan ng ibang tao o ng ating bansa.

Idinadalangin kong lubha mong maranasan ang


pag-ibig ng Diyos at maibahagi ang kaniyang kabutihan at pagmamahal
sa pakikipag-ugnayan mo sa kapuwa.
Isagawa Natin

Gawain 1

A. Balikan natin ang tula sa Aralin 5. Isipin mo ang mga pagkakataong


naging totoo sa iyo ang mga binabanggit nitong biyayang nakamit sa
Diyos. Kumpletuhin ang mga pangungusap. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

1. Hindi ko hiningi ngunit kusa Niyang ibinigay sa akin ang


_.
2. May mga araw na nakakalimot akong magdasal subalit palagi
Niya pa rin akong _ .
3. Dati akong nakikipag-away sa klase ngunit hindi na ngayon.
Marami na akong kaibigan. Alam ko na pinatawad ako ng Diyos
sa _ .
4. Kahit minsan pakiramdam ko ay di ako karapat-dapat mahalin,
ang Diyos ay .
5. Alam kong mahal ako ng Diyos sapagkat .

B. Ibahagi ang iyong mga sagot sa iyong katabi.


Gawain 2

May alam ka bang awitin ukol sa pag-ibig ng Diyos?

Ang awitin sa ibaba ay isang halimbawa ng paglalarawan ng pag-


ibig ng Diyos na karaniwang inaawit sa misa ng mga Katoliko. Alam mo
ba ang awiting ito?

Pag-ibig ang siyang pumukaw sa ating puso at kaluluwa Ang siyang


nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at pag-asa
Pag-ibig ang siyang buklod natin, di mapapawi kailan pa man
Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang kahit na tayo’y magkawalay.

Koro:

Pagkat ang Diyos nati’y Diyos ng pag-ibig Magmahalan tayo’t


magtulungan
At kung tayo’y bigo ay huwag limutin na
may Diyos tayong nagmamahal

Diyos ay pag-ibig…
Diyos ay pag-ibig…

Paano mo ilalarawan ang pag-ibig ng Diyos? Sa tulong ng iba


pang kasapi ng iyong pangkat, lumikha kayo ng isang awitin na
naglalarawan ng pag-ibig ng Diyos sa Kaniyang mga nilalang. Lapatan
ito ng pamagat. Maaring lumikha ng sariling himig o maaring ibatay ang
himig ng likhang-awit sa isang awiting alam ng lahat ng kasapi.
Maghandang itanghal ito sa klase. Sabihin kung paano inilalarawan ng
awitin ang pag-ibig ng Diyos.
Isapuso Natin

Gawain

1. Sa isang malinis na papel o lumang folder, gumawa ng isang


maikling panalangin ng pasasalamat sa pag-ibig ng Diyos na
iyong nararanasan. Isipin mo ang mga kabutihang nagawa ng
paniniwala o pananalig sa Diyos sa iyong buhay.

2. Pagkatapos, lumahok sa panalanging pangungunahan ng guro at


sambitin ang panalanging nagawa. Idikit ang iyong panalangin sa
manila paper na nasa pisara kasama ng iba pang panalangin na
ginawa ng iyong mga kamag-aral.
Tandaan Natin

Ang pag-ibig o pagmamahal ng Diyos sa atin ay walang


kaparis, hindi nagbabago, at walang katapusan. Kung ang Diyos ang
lumikha sa atin, ang kaniyang katangiang ito ay tiyak na taglay din
natin. Ito ang dahilan kung bakit minamahal natin ang ating kapuwa,
kung bakit tayo ay may pusong likas na matulungin at mapagmahal.

Pansinin natin ang paglalarawan ng pag-ibig ng Diyos sa


sumusunod na pahayag:

 Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hangganan.


 Ang pag-ibig ng Diyos ay nadarama ng mga taong ganap ang
pagtitiwala sa Kaniya.
 Ang pag-ibig ng Diyos ay nararanasan nang lubos kapag
ipinagkatiwala natin sa Kaniya ang ating buhay. Ibig sabihin
nito ay isinasabuhay natin ang Kaniyang mga tagubilin.
 Ang pag-ibig ng Diyos ay mauunawaan at madarama natin sa
pakikipag-ugnayan sa Kaniya sa pamamagitan ng
pananalangin at pagbabasa ng Kaniyang mga salita.
 Ang taong nakararanas ng pag-ibig ng Diyos ay
mapagmahal at matulungin sa kapuwa.
 Ang taong nakararanas ng pag-ibig ng Diyos ay may
paggalang at pagkalinga sa lahat ng Kaniyang ginawa.
Isabuhay Natin

A. Pagmasdan ang larawan.

Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya si Arriza Ann Nocum.


Ang kaniyang ina ay isang Muslim samantalang ang kaniyang ama
naman ay Kristiyanong Katoliko.
Naranasan ni Arriza ang pagmamahal ng Diyos, unang-una sa kanilang
masayang tahanan. Nangarap si Arriza na balang araw maibabahagi rin
niya ang pagmamahal na nararanasan mula sa Diyos sa mga batang
Kristiyano at Muslim sa Mindanao. Sa tulong ng kaniyang mga
magulang, kaibigan, at mga taong may pusong mapagkawanggawa,
nakapagpatayo siya ng mga silid-aklatan. Tinawag niya itong KRIS
Peace Library.

Sa ngayon, bukod sa apat na silid-aklatan, may mga pinag-aaral


ding mga bata ang samahan. Ang pagmamahal ng Diyos na
naranasan ni Arriza ang siyang naging susi sa pang-unawa,
pagmamahal, at pagtulong
niya sa kapuwa. Hindi madali ang ginawa ni Arriza ngunit nagtiwala
siya sa Diyos na tutulungan siya sa kaniyang mabuting adhikain at hindi
siya nabigo.

Sagutin ang mga tanong:

1. Gusto mo rin bang maging katulad ni Arriza Ann


Nocum?
2. Bilang isang mag-aaral ng ikatlong baitang, paano mo ipakikita sa
iyong kapuwa na puwede kang maging daluyan ng pagmamahal
ng Diyos?
3. Ibahagi ang inyong sagot sa klase.

B. Gumawa ng isang badge, larawan, maikling liham, o tula para sa


dalawang taong masasabi mong naging daan upang maranasan
mo ang pag-ibig ng Diyos. Ibigay ito sa kanila.

Subukin Natin

I. Paano natin mailalarawan ang pag-ibig ng Diyos sa atin?


Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng salitang katunog ng sinalungguhitang salita.

1. Panginoon, ikaw ang daluyan ng lahat ng pagpapala,


ang lahat ng biyaya sa Inyo po
g_ .

2. Mapagpatawad at maawain Diyos.


Siya ang minamahal _ t _____ tunay.
3. Buhay ko ay iaalay
Sa Inyo o Diyos ayokong _ y.

4. Sa panahon ng kalungkutan ikaw ang aking pag-asa.


Lahat ay makakaya pagkat Kayo ay aking k _.
5. Gumawa ng sarili mong pahayag ukol sa
pagmamahal ng Diyos

II. Paano naman natin ipinadarama sa iba ang ating


pagmamahal sa Diyos?

Gayahin ang graphic organizer sa ibaba sa iyong


kuwaderno at punan ang bawat hanay ng dalawang halimbawa.

Sa Tahanan Sa Paaralan Sa Pakikitungo


sa Kapuwa

Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Ngayon ay handa ka


nang tumungo sa susunod na aralin. Dalangin kong maisapuso mo na ang
pagmamahal ng Diyos sa iyo at kailanman ay hindi magbabago.
Aralin 6 Tagumpay
Mo, Kasiyahan Ko

Ang isang kaibigan ay laging nagmamahal. Paano natin


maipakikita ang ating pagmamahal sa ating mga kaibigan? Halina
at tuklasin natin sa araling ito.

Alamin Natin

Tingnan ang larawan sa ibaba.

Nakasali ka na ba sa isang paligsahan katulad ng mga batang ito na


nanalo sa isang kompetisyon sa kanilang paaralan?
Paano kaya sila tinulungan ng kanilang mga kaibigan sa
pagkakataong iyon? Ipinagdasal kaya ng kanilang mga kaibigan ang
kanilang tagumpay?
Nanonood ka ba ng basketbol? Marahil ay natatandaan mo ang
pagkapanalo ng koponan ng Pilipinas para sa FIBA, isang pandaigdigang
kompetisyon sa larangan ng basketbol. Alam mo ba na walang pagsidlan
ang kasiyahan ng mga manonood nang sila ay manalo?
Dahil kinakatawan nila ang Pilipinas, lahat halos ng mga Pilipino ay
nagdasal at nagpakita ng suporta sa kanila.

Basahin mo ang maikling tula at sagutin ang mga kaugnay


na tanong sa ibaba.
Palagi siyang may nakahandang ngiti
Pagod ko at pagkabagot ay kaniyang pinapawi Karamay
ko siya sa aking pagpupunyagi Matiyagang umaalalay sa
akin palagi.
At nang dumating na itong oras ng paligsahan Ngumiti
siya at sinabing “Kaya mo yan!” Nakita ko siya na
yumuko nang marahan Taimtim na nanalangin sa Diyos
Amang makapangyarihan.
At nang tinawag na itong aking pangalan, Kagalakan
niya, aba’y walang pagsidlan! Kay taas ng kaniyang
talon dahil sa kasiyahan Aking tagumpay, kaniyang
kagalakan!
Ako ay nagwagi dahil sa tulong mo
Karangalang ito ay utang ko sa iyo At kung
sakali mang hindi ako nanalo
Sa panahon ng pagkabigo, ikaw ay sandigan ko.
Salamat sa isang tunay na kaibigan
Walang kaparis ang iyong kabaitan Hindi
kita malilimutan kailanman
Pagpalain ka ng Diyos sa iyong kabutihan.
Mga kaugnay na tanong:

 Kung tatanungin ang iyong puso’t damdamin, ano ang


nababagay na pamagat para sa tula?
 Paano ipinakita sa tula ang pagmamahal at
pagmamalasakit ng isang kaibigan?
 Kung ikaw ang kaibigan na binabanggit sa tula, ano ang
mararamdaman mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isagawa Natin

Gawain 1

Kung may kaibigan kang sumali sa isang paligsahan, paano mo


ipakikita ang pagmamalasakit mo sa kanya?
Iguhit ang iyong sagot sa kuwaderno.

Ibahagi sa iyong katabi ang iyong iginuhit na sitwasyon.

Gawain 2

1. Bumuo ng limang pangkat. Muling balikan ang tula na nasa


Alamin. Katulong ang iyong pangkat, bigkasin ang saknong na
nabunot ninyo sa paraang rap. Lapatan din ito ng akmang galaw
o kilos. Magtanghal kapag tinawag na ang inyong pangkat.
2. Sagutin ang tanong.
 Paano natin maipadarama ang ating pagmamahal sa ating
kaibigan sa panahon ng kanilang kasiyahan at sa panahon
ng kalungkutan?
Isapuso Natin

1. Pag-aralan ang maikling salaysay tungkol sa dalawang magkaibigan.

Kilala mo ba si Ferdinand Blumentritt? Siya ang matalik na


kaibigan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Alam mo
bang isang beses lamang silang nagkita ngunit ang kanilang
pagkakaibigan ay tumagal nang halos sampung taon? Napanatili nila ang
kanilang pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng liham.
Sinasabing isa si Blumentritt sa ginawan ni Rizal ng liham pamamaalam.
Labis na ikinalungkot ni Blumentritt ang nangyari sa kaibigan.

Sagutin ang sumusunod:

1. Kung uso ang pick-up line noong panahon ni Rizal, ano kaya ang
itinanong nila sa bawat isa?
2. Lumikha ng isang pick-up line na naglalarawan ng isang
mabuting kaibigan. Isulat ito sa iyong kuwaderno at pasagutan ito
sa iyong katabi.
Mga halimbawa:
Saklay ka ba?
Kasi lagi mo ‘kong inaalalayan.
Papel ka ba?
Kasi gusto kitang sulatan ng liham
pasasalamat para ipadala ko sa aking kaibigan.

Tandaan Natin

 Ang isang mapagmahal na kaibigan ay laging


maaasahan.
 Sa panahon ng kalungkutan, nariyan siya para damayan
ka. Lagi siyang handang tumulong sa abot ng kaniyang
makakaya.
 Hindi siya nananaghili o naiinggit sa iyong mga natamo.
 Kasiyahan niya ang makita kang masaya at
matagumpay.
 Ang pagiging mabuting kaibigan ay pagpapakita
ng pagmamahal sa Diyos.

Isabuhay Natin

Gawain

1. Gumawa ng isang kard ng pasasalamat para sa iyong kaibigan. Sa


unang pahina, iguhit mo ang kaniyang larawan o idikit mo ang
kaniyang tunay na larawan. Ilagay ang kaniyang pangalan sa itaas
nito. Sa palibot nito ay isulat mo ang kaniyang magagandang
katangian.
2. Sa loob ng kard ay gumawa ng maikling liham ng pasasalamat
para sa lahat ng kabutihan niya sa iyo.

Subukin Natin

A. Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Mga Katangian ng Mga Paraan ng


Isang Mabuting Pagpapakita ng
Kaibigan Pagmamalasakit o
Pagmamahal sa Isang
Kaibigan
1.
2.
3.
4.
5.

Binabati kita mabuting kaibigan dahil matagumpay mong


natapos ang araling ito! Tiyak na mas kagigiliwan ka ng mga kaibigan
mo.
Aralin 7
Manindigan Tayo Para Sa Kabutihan

Nakakita ka na ba ng batang pinuri at pinarangalan?


Ano ang iyong naramdaman? Paano naman kung ang bata ay tinutukso,
pinagtatawanan, o sinasaktan? Ano rin ang iyong naramdaman?
Tunghayan mo ang araling ito para sa paninindigan sa kabutihan.

Alamin Natin

Kapag tinanggalan mo ng balahibo ang manok, maibabalik mo


pa ba ito? Tama ka, hindi mo na ito maibabalik pa sa kaniyang katawan
kailanman. Ganito rin ang sitwasyon kapag nagsalita tayo nang masakit
sa ating kapuwa. Oo, maari tayong humingi ng tawad ngunit anumang
masakit na salitang binitiwan natin ay di na natin mababawi pa.
Nakasakit na tayo ng damdamin ng iba.

Ang pangungutya o panunukso, masakit na pananalita, o pananakit sa


kapuwa ay mga gawaing di-mabuti at hindi natin dapat hayaang mangyari.
Upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapayapaan ng bawat isa,
kailangan nating manindigan para sa katuwiran at kabutihan.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba at sabihin kung alin dito ang
mabuti at hindi mabuting gawin.

Kapag may nakita kang kinukutya o pinagtatawanan, hinahayaan


mo na lamang ba ito o gumagawa ka ng hakbang upang matigil ito?
Kung ginagawa mo ang matuwid, ikaw ay isang batang may
paninindigan para sa kabutihan.

Maraming paraan ng pagpapakita ng paninidigan.


Halimbawa, may ginawa ka bang desisyon na ayaw sundin o
paniwalaan ng mga kaibigan mo ngunit alam na alam mo na ito ang
tama at matuwid? Kung ipinagpatuloy mo ito, ikaw ay may
paninindigan para sa katuwiran at kabutihan.
Isagawa Natin

Gawain 1
Sino-sino sa sumusunod ang nagpakita ng
paninidigan?
Gumuhit ng masayang mukha sa patlang sa bawat
bilang kung ang tauhang nabanggit ay kinakitaan ng paninindigan at
malungkot na mukha kung hindi.

1. Karamihan ng mga kaklase ni Edwin ay nagkopyahan sa


kanilang takdang-aralin sapagkat mahirap ito. Gayunpaman,
hindi nangopya si Edwin sa mga kaklase. Pinagsumikapan
niyang sagutin ito.

2. Napansin mong maraming kalat sa paligid. Napagkasunduan ng


inyong klase na gumawa ng bukas na liham para sa lahat ng
mag-aaral upang bigyan sila ng babala sa mga masamang
idudulot ng pagkakalat sa kapaligiran.

3. Narinig mong pinag-uusapan ng iyong mga kaklase ang bagong


lipat na si Eman. Natatawa sila dahil siya ay may punto sa
pagsasalita at di-gaanong marunong magsalita ng Tagalog. Alam
mong mali ang kanilang ginagawa ngunit tumahimik ka lamang.

4. Hindi sinasadyang dumulas sa iyong kamay ang hawak mong baso


at nabasag ito. Pagdating ng inyong nanay, agad mo itong sinabi at
humingi ka ng tawad.

5. Nakita mong pinatid ng isang malaking bata ang kaklase


mong malabo ang mga mata. Agad mong
tinulungan ang iyong kaklase. Sinamahan mo siya sa inyong
guro upang sabihin ang nangyari.

Gawain 2

Ang pangugutya o pang-aapi ng kapuwa ay isang masamang gawaing


hindi dapat payagan.

1. Pumili ng isang larawan na nasa Alamin Natin.


2. Pag-usapan sa inyong pangkat ang maaring magawa upang
masugpo ang maling gawaing ito.
3. Ilista ang inyong mga sagot sa sagutang papel. Bukod sa mga nasa
larawan, magbigay pa ng halimbawa ng mga maling gawaing
hindi dapat tularan at payagan.
4. Iulat ang inyong sagot sa klase.

Isapuso Natin

Pag-isipan mo. Ang paninidigan para sa kabutihan ay pagpapakita


ng pagmamahal sa Diyos. Nagagalak ang Diyos kapag nakikita Niya
tayong sumusunod sa Kaniyang tagubilin.

Bilang isang bata, maari mong ipakita ang iyong paninidigan sa


kabutihan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at hindi pagpayag sa
gawaing masama.

Gawain

1. Bumunot ka ng isang nakarolyong papel na may nakasulat


na pangalan ng iyong kamag-aral.
2. Pagnilayan mo kung paano ipinakita ng kamag-aral na nabunot
mo ang kabutihan at isulat mo ito sa isang
malinis na papel. Maaari mo ring ilista ang iba pang mabubuting
katangian o mabubuting salita tungkol sa kaniya na sa palagay mo
ay ikatutuwa niyang basahin o pakinggan.
3. Iabot mo sa taong iyong nabunot ang papel na may sulat.

Sagutin ang mga tanong:


 Ano ang iyong naramdaman habang iniaabot mo o habang
tinatanggap mo ang papel?
 Ano naman ang naramdaman mo pagkatapos mong
mabasa ang papel na ibinigay sa iyo?

Tandaan Natin

Ang paninidigan para sa kabutihan ay pagpapakita ng


pagmamahal sa Diyos sapagkat nangangahulugan ito ng
pagsunod sa Kaniyang mga tagubilin. Ang pagtutol o hindi
pagpayag sa mga gawaing masama ay isang anyo rin ng
paninindigan para sa katuwiran at kabutihan.

Maraming paraan kung paano ipinakikita ang paninindigan.


Sa tuwing may pagsusulit, dapat tayong maging tapat. Iwasan ang
pananakit sa kapuwa maging sa pananalita na nakasasakit ng
damdamin.
Ilang halimbawa ng mga ito ay ang sumusunod:

 Dapat tayong manindigan sa katapatan. Halimbawa: Hindi


natin dapat payagan ang iba na magkopyahan.

 Dapat tayong manindigan para sa pagkakapantay-pantay ng


bawat isa. Halimbawa: Ang mga batang mula sa ibang
pangkat-etniko, iba ang relihiyon, o paniniwala ay
hindi dapat pagtawanan, iwasan, o apihin.

 Anumang anyo ng pananakit sa kapuwa ay hindi natin


dapat gawin at payagan.
Halimbawa: Ang masasakit na biro sa kapuwa.

Alam mo ba na sa pamamagitan ng iyong mabubuting


pananalita, nahihikayat din natin ang ating kapuwa na gumawa ng
mabuti? Ang isang batang may pagmamahal sa Diyos ay mabuti sa
kaniyang kapuwa. Hindi siya nananakit ng kapuwa kundi isa siyang
huwaran ng kabutihan. Tiyak na magagalak ang Diyos sa kaniya at
kagigiliwan siya ninuman.

Isabuhay Natin

Gawain
Manindigan tayo para sa kabutihan.
1. Sa patnubay ng guro, gagawa kayo ng “pader” laban sa maling
pakikitungo sa kapuwa. Gawin ang sumusunod.

 Kumuha ka ng isang puting papel o pinaglumaang


folder. Kulayan mo ang mga gilid nito.
 Isulat sa loob nito ang iyong paninidigan para sa kabutihan
at pagwawaksi sa masamang gawain.
Halimbawa: Hindi ako mamimintas ng
aking kapuwa.
 Idikit ang iyong gawa sa isang buong manila
paper kasama ang gawa ng iba mo pang kaklase.
 Ipaskil ang inyong nagawang “pader” sa labas ng silid-
aralan upang mabasa ng iba at mabigyan ng pansin.
 Maglagay ng espasyo o lugar kung saan puwedeng
lumagda ang mga mag-aaral bilang pagpapakita ng
pagsang-ayon nila dito.

Halimbawa ng mga may paninidigan.

1. Gumawa nang tama; maging mabait sa kapuwa.


2. Walang karapatan ang sinuman na pagtawanan ang iba dahil
sa kanilang pisikal na anyo, relihiyon, antas sa buhay, o
kasarian.
3. Huwag kang pasaway.
4. Mahal ko ang Diyos kaya hindi ako nang-aapi ng aking
kapuwa.
5. Kung may makita kang batang sinasaktan,
ipagbigay alam agad sa kinauukulan.

Subukin Natin

Suriin ang bawat sitwasyon at piliin ang tamang sagot.


Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Nagkamali ang kaklase mo sa pagbigkas ng isang salita habang


pinababasa ng iyong guro. Napansin mong lihim siyang
pinagtawanan ng iyong katabi. Ano ang iyong gagawin?

a. Sasabihin ko sa aking kaklaseng nagkamali na


pinagtawanan siya ng aking katabi.
b. Sasawayin ko ang aking katabi sa pamamagitan ng senyas at
kakausapin pagkatapos ng klase.
c. Pagsasabihan ko siya nang malakas para malaman ng lahat
ang ginawa niya.
d. Hindi ko na lamang siya papansinin

2. Napansin mong nag-iisa at hindi kasali sa inyong laro ang bago


ninyong kaklase.

a. Aayaw na ako sa laro at sasamahan ko na lamang ang aking


bagong kaklase.
b. Pagsasabihan ko siyang pumunta na lamang sa silid-
aklatan dahil wala siyang kausap.
c. Yayayain ko siyang sumali sa aming laro.
d. Itatanong ko muna sa mga kalaro ko kung gusto nilang
kasali siya sa laro.

3. Nakita mong pinagagalitan at kinukurot ng iyong kaibigan


ang kapatid niyang maliit.

a. Sasabihin kong kausapin niya nang mahinahon ang kaniyang


kapatid at huwag itong saktan.
b. Tatanungin ko siya kung ano ang ginawa ng
kaniyang kapatid.
c. Imumungkahi kong isumbong na lang niya sa nanay nila ang
kaniyang kapatid.
d. Kakausapin ko ang kaniyang kapatid.

4. Dalawang beses mo nang napansin na sinadyang patirin ng


kaklase mong pinakamalaki ang kaklase mong pinakamaliit.
Pinagsabihan mo na siya noong unang makita mong ginawa
niya ito. Humingi siya ng paumanhin at sinabing hindi ito
sinasadya pero nahalata mong hindi siya tapat sa kaniyang
sinabi. Ngayon ay inulit na naman niya ito.
a. Tatahimik na lang ako dahil baka ako ang kaniyang
pagbalingan.
b. Sasabihan ko ang iba ko pang kamag-aral na patirin din
namin siya.
c. Pagagalitan ko ang kaklase kong pinatid niya dahil hindi siya
lumalaban.
d. Isusumbong ko siya sa aking guro upang matigil na siya sa
kaniyang ginagawa.

5. May kaibigan ka na kinasanayan mo nang tawaging pagong dahil


nababagalan ka sa kaniyang kilos. Kahit binansagan mo siya nito,
itinuturing ka pa rin niyang kaibigan kahit alam mong hindi lang
niya ipinahahalatang nasasaktan din siya. Isang araw, napansin
mong pati ang iba mong kaklase ay tinatawag siyang pagong.

a. Sasawayin ko sila at sasabihing ako lang ang puwedeng


tumawag sa kaniya ng ganoon dahil magkaibigan kami.
b. Sasawayain ko sila at ipakikita ko sa kanila ang paghingi
ko ng paumanhin sa aking kaibigan sa pagkakamali kong
nagawa.
c. Hahamunin ko sila ng away upang maipakita na handa
akong ipagtanggol ang aking kaibigan.
d. Makikisali na rin ako sa panunukso sa kaibigan ko.

Muli kitang binabati dahil natapos mo ang aralin nang


matagumpay. Ipagpatuloy mo ang pagiging mabuti sa iyong mga
kaibigan at ikaw ay kalulugdan ng Diyos.
Aralin 8
Pagmamahal Ng Diyos Ibinabahagi
Ko sa Aking Kapuwa

Kapag nakakita ka ng mga maysakit, mga


kapus-palad, mga nalulungkot, o mga taong nahihirapan, ano ang
nararamdaman mo? Nararamdaman mo rin ba ang kanilang
kalagayan? Nais mo ba silang tulungan?
Ipinagdarasal mo ba sila?

Likas sa atin ang magmahal ng kapuwa dahil tayo ay nilikha ng


Diyos na puno ng pag-ibig para sa Kaniyang mga nilalang.

Alamin Natin

Sa paanong paraan mo ipinakikita ang pagmamahal mo sa Diyos?


Gaano man ito kaliit o kalaki, tiyak na nagagalak ang Diyos na makitang
tayo ay nagmamahal sa ating kapuwa. Tunay ngang tanda ito ng
pagmamahal natin sa Kaniya.
May ipakikilala ako sa iyo. Kilala mo ba ang batang nasa
larawan? Siya si Kesz Valdez.
Magandang araw kaibigan! Ako si Kesz, labintalong taong
gulang. Dati akong nakatira sa tambakan ng basura. Para mabuhay,
naghahalungkat ako ng basurang puwede pang ibenta. Namamalimos din
ako sa palengke. Sa sementeryo o kaya sa tapat ng mga Convenience
Store ako kadalasang natutulog. Noong limang taong gulang ako,
nagkaroon ako ng malalang sugat dulot ng pagkasunog. Nakita ako ni
Kuya Bonn na itinuturing ko nang tatay ngayon at ni Kuya Efren. Nilinis
nila ang aking mga sugat. Inalagaan nila ako. Naramdaman kong mahal
nila ako.
Simula noon, sumasama na ako kay Kuya Efren sa kaniyang
eskuwela sa kariton. Tinuturuan ko ang mga batang ingatan ang kanilang
kalusugan. Noong pitong taon na ako, naisip kong itatag ang samahang
C3 o Championing Community Children sa tulong ng aking mga
kaibigan. Nagbebenta kami ng kandila upang makalikom ng pondo para
matulungan ang mga batang lansangan.
Naniniwala akong kaya nating pagandahin ang mundo.
Masaya ako sa ginagawa ko. Naniniwala ako na tulad ko, kaya mo
ring tulungan at mahalin ang ating kapuwa.

Sagutin ang mga kaugnay na tanong sa iyong


kuwaderno.

1. Sino si Kesz Valdez?


2. Paano niya ipinakita ang kaniyang pagmamahal sa kapuwa?
3. May mga ahensiya ng pamahalaan ka bang alam na tumutulong
sa mga batang lansangan? Ano-ano ito?
4. Sa iyong palagay, ano ang maaring mangyari sa mga batang
lansangan kung walang kumakalinga o tumutulong sa kanila?
5. Kung ikaw si Kesz, paano mo tutulungan ang mga batang
lansangan?
Isagawa Natin

Gawain 1 (Indibidwal na Gawain)

Sino o ano ang nais mong ipanalangin? Sumulat ng isang


maikling panalangin ukol sa kanila. Maaring isulat ito sa iyong sariling
dayalekto.

Gawain 2 (Pangkatang Gawain)

Katulong ang iyong pangkat, lapatan ng kilos ang tula at


maghandang bigkasin ito sa harap ng klase. Ipaliwanag ang mensahe ng
tula sa isang pangungusap.

Dakilang Diyos, mapagmahal na Ama Kahit


saan man kami maparoon,
Ang Iyong pag-ibig na sa amin ay pabaon
Gabay at sandalan namin, ano man ang panahon.

Walang katulad na pag-ibig ipinadama sa amin Pagmamahal mo di


namin kayang sukatin
Kaya ang aming kapuwa mamahalin din namin Biyayang
kapaligiran, iingatan namin.
Isapuso Natin

Gawain 1

1. Suriin ang iyong sarili. Gaano mo ipinakikita ang iyong


pagmamahal sa kapuwa? Sagutin nang tapat ang tseklist. Lagyan
ng tsek ang hanay na tumutugma sa iyong sagot gamit ang
batayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

3 – Palagi kong ginagawa 2 –


Ginagawa ko minsan 1 – Hindi
ko ginagawa

Mga paraan ng pagpapakita ng


pagmamahal sa kapuwa 1 2 3

1. Tinutulungan ko ang aking kamag-aral kapag nakita


kong may mabigat siyang dala.
2. Lagi akong may handang ngiti sa lahat. Magiliw
ako sa pakikitungo sa iba.
3. Kapag narinig ko o nakita ko ang aking kamag-aral o
kalaro na may pinagtatawanan o kinukutyang iba dahil
sa kanilang anyo,
salita, o kilos ay sinasaway ko sila.
4. Kapag nakabalita ako ng mga nabiktima
ng kalamidad, ipinapanalangin ko sila kung hindi ko
man sila tuwirang matulungan.
5. Sumasali ako sa mga proyektong
tumutulong sa iba o sa kapaligiran
(Hal. paglilinis ng paligid, pagbibigay ng tulong
sa mga nasalanta
2. Gagabayan ka ng iyong guro upang makuha mo ang tamang iskor
sa ginawang gawain. Pagkatapos mong bilangin ang nakuha
mong iskor maaari mong tingnan ang katumbas na pakahulugan
nito na nasa ibaba.

Pagkatapos sagutin ang tseklist, tuusin ang puntos na nakuha mo.


Bilangin kung ilan ang sinagutan mo ng 1. I- multiply ito sa 1.
Ganun din ang gawin sa iba pang bilang.

Halimbawa:

Bilang ng sinagutan ng 1 ay 2 kaya 1 x 2 = 2


Bilang ng sinagutan ng 2 ay 2 kaya 2 x 2 = 4
Bilang ng sinagutan ng 3 ay 2 kaya 3 x 2 = 6
Pagsamahin ang kabuuang puntos (2+4+6 = 12) at alamin
ang kahulugan nito.

11-15 Magaling! Ipinakikita ng pagmamahal mo sa kapuwa


na mahal mo ang Diyos.
6-10 May pagmamalasakit ka sa iyong kapuwa ngunit dapat mo
pang pagbutihin ito.
1-5 Sikapin pang lalong mapabuti ang pakikitungo sa iyong
kapuwa.
Tandaan Natin

Likas sa atin ang magmahal sa kapuwa


sapagkat tayo ay nilalang ng isang Diyos na
mapagmahal.

Naipakikita natin ang pagmamahal natin sa Diyos sa


pang-araw-araw na pakikitungo natin sa ating kapuwa.

Humingi tayo ng tulong sa Diyos na maipadama natin ang


tunay na pagmamahal sa kapuwa. Siya ang magbibigay sa atin
ng lakas upang magawa ito.

Dahil mahal tayo ng Diyos, binigyan Niya tayo ng


kakayahang magmahal at mahalin din ng ating kapuwa.

Isabuhay Natin
Alam mo bang kaya mo ring maging katulad ni Kesz?
Sa patnubay ng iyong guro, makibahagi sa isang proyektong
makatutulong sa iyong kapuwa tulad ng nasa ibaba.
1. Pamagat ng Proyekto: Regalo ng Pag-asa Para sa Kabataan

Layunin: Makapagbigay-saya sa mga batang lansangan o


kinakalinga ng ahensiya ng pamahalaan tulad ng
DSWD o kaya ay ng simbahan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga laruan, tsinelas, o mga gamit
pangkalusugan na kokolektahin mula sa mga
mapagkawang-gawa.

Mga Dapat Gawin o Ihanda:


 Sa tulong ng inyong guro kayo ay gagawa ng liham para
makahingi ng donasyong tulad ng mga aklat na hindi mo
na binabasa, lumang laruan, at damit sa ibang mga bata o
kanilang magulang upang maidagdag sa mga nakolekta
mula sa inyong klase.
 Magtatakda kayo ng araw kung saan kayo ay magpaparada
at bibisita sa bawat klase upang kunin ang kanilang mga
donasyon na ilalagay sa isang malaking kahon na parang
isang regalo.
 Ibibigay ang mga nakolektang laruan at mga gamit sa isang
samahang nangangalaga sa mga batang lansangan,
maysakit, o ulila.
Pagkatapos isagawa ang proyekto, isulat sa kuwaderno
o iguhit ang naramdaman mo habang isinasagawa ang
proyekto.

Subukin Natin

Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa kapuwa sa sumusunod


na sitwasyon? Isulat ang iyong gagawin o sasabihin sa kuwaderno.

1. Narinig mo ang iyong mga kalaro na pinagtatawanan ang batang


dumaan sa tapat ninyo dahil siya ay nadapa.
2. Napanood mo sa telebisyon o narinig sa radyo na maraming
nasalanta ng bagyo sa inyong probinsya.
3. Umiiyak ang kaklase mo dahil naiwan niya sa kanilang bahay
ang kaniyang aklat.
4. Sasali sa isang paligsahan sa paaralan ang iyong mga kaklase.
5. Nakita mo ang iyong guro na maraming dala habang papunta sa
klase ninyo.
Aralin 9
Biyayang Kaloob Ng Diyos, Pangangalagaan Ko

Photo taken by MDP

“Diyos na mapagmahal, bukal ng pagpapala, kami po ay


namamangha sa regalo Ninyong biyaya sa amin. Ang aming mga puso ay
puno ng pasasalamat sa tuwing mamamasdan namin ang kagandahan ng
mundong inilaan Ninyo para sa amin. Tulungan Ninyo po kaming
maging maingat na tagapangalaga ng biyayang ito. Sapagkat ang
mabuting pangangasiwa ng kalikasan ay tanda rin naman ng aming pag-
ibig sa Inyo. Una Ninyo kaming minahal
kaya’t nagagawa naming mahalin rin ang aming kapuwa at ang iba pa
Ninyong nilikha.”

Nakatanggap ka na ba ng regalo? Sino ang nagbigay nito sa iyo?


Bakit ka niya binigyan? Paano mo ito pinahahalagahan? Sa araling ito,
mas mauunawaan mo ang kahalagahan ng ating kalikasan at
maisasapuso mo ang pagpapahalaga sa iba pang nilikha ng Diyos.
Alamin Natin

Ang kalikasan ay biyaya o regalo ng Diyos sa atin kaya dapat natin


itong pangalagaan. Ano ang iyong mararamdaman kung ang regalong
ibinigay mo ay hindi pinahalagahan o iningatan ng pinagbigyan mo?

Damhin mo ang sikat ng araw, ang simoy ng hangin.


Dinggin mo ang huni ng mga ibon. Pagmasdan mo ang mga isdang
iba-iba ang hugis at kulay na masiglang lumalangoy sa mga
karagatan. Tingnan mo ang mga kabundukang nagkukulay luntian
dahil sa mga puno. Ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay ng di
masusukat na pagmamahal ng Diyos sa atin. Nais Niyang maging
masagana at mapayapa ang ating pamumuhay at pamamalagi dito sa
daigdig.

Paano mo pinangangalagaan ang mga biyayang kaloob ng


ating Diyos?

Isagawa Natin

Gawain 1 (Indibidwal na Gawain)


Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbago ang dating kaaya-
ayang kapaligiran. Ang maling paggamit at pag-aabuso sa ating
kalikasan ay nagdulot ng matinding suliranin sa ating kapaligiran.
Gaano ka kamulat sa mga suliraning ito?
Tukuyin kung anong suliraning pangkapaligiran ang
ipinakikita ng bawat larawan. Isulat ang napiling sagot sa sagutang
kuwaderno.

1. Pagkamatay ng mga isda sanhi ng pagkalason


dahil sa maruming tubig o kawalan ng oxygen na kailangan
nila.

2. Pagkaubos ng mga puno sa kagubatan dahil sa bawal na


pagtotroso at pagkakaingin ng mga tao.
3. Pagbaha bunga ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagdating ng
mas malalakas na bagyo dahil sa
pagbabago nang klima sa mundo.

4. Pagkamatay ng mga ilog o sapa dahil sa walang tigil na


pagtatapon ng basura sa mga katubigan.
la niña fish kill climate change
global warming el niño deforestation
illegal logging oil spill water pollution

Sagutin ang sumusunod na tanong:


 Tungkol saan ang mga larawan?
 Ano-ano ang sanhi ng mga suliraning ito?
 Ano ang maaring mangyari kung magpapatuloy ang
ganitong kalagayan ng ating kapaligiran?
 Ano ang iyong magagawa upang
mapangalagaan ang ating kalikasan?

Gawain 2 (Pangkatang gawain)

1. Pumili ng isang suliraning pangkalikasan.


2. Pag-usapan ito ayon sa sanhi at bunga.
3. Magmungkahi ng mga paraan ng paglutas sa suliranin.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

 Tungkol saan ang suliraning pangkalikasan?


 Ano-ano ang mga sanhi ng mga suliraning ito?
 Ano ang maaring mangyari kung magpapatuloy ang ganitong
kalagayan ng ating kapaligiran?
 Ano ang inyong magagawa upang mapangalagaan ang ating
kalikasan?
Iulat ang inyong sagot gamit ang graphic organizer.

Suliranin

Sanhi

Bunga

Solusyon

Isapuso Natin

Alam mo ba na may isang kumpol ng basura sa Pacific Ocean ang


patuloy na lumalaki at nanganganib na maging sanhi ng pagkamatay ng
lahat ng mga yamang dagat at hayop na matatagpuan roon?

Ang ibong albatross na nasa larawan ay natagpuan sa baybaying


malapit sa Karagatang Pasipiko. Ang ibong ito, tulad natin ay nilikha at
minahal din ng Diyos. Dahil sa kapabayaan ng tao, ang iba pang nilikha,
tulad ng halaman at hayop ay nanganganib na ding maubos at mawala.
Suriin ang iyong sarili.

Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamalasakit sa mga


biyayang bigay ng Diyos?

Sagutin ang tseklist nang may katapatan. Lagyan ng tsek ang


hanay na tumutugma sa iyong sagot gamit ang sumusunod na batayan.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
3 – Palagi kong ginagawa
2 – Paminsan-minsan kong ginagawa 1 –
Bihira kong ginagawa

Mga Paraan ng Pagpapakita ng 1 2 3


Pagmamahal sa Kalikasan
1. Kung kumain ako ng kendi at wala akong
makitang basurahan sa paligid, itinatago ko muna
ang balat nito sa aking bag.

2. Kapag kami ay nagpunta sa dagat o saan mang


pook-pasyalan, inilalagay ko ang aking basura sa
isang lalagyan at
itinatapon sa basurahan. Hindi ako
nagkakalat.
3. Kung may makita akong aso, pusa, o anumang
hayop sa paligid, hinahayaan ko lamang sila.
Hindi ko sila binabato o sinasaktan.

4. Kung ang aming pangkat ang nakatakdang


maglinis ng silid-aralan, buong sipag at
kagalakan naming ginagampanan ang aming
tungkulin.

5. Pinaaalalahan ko ang aking kapatid, kaklase,


at kaibigan na itapon ang kanilang basura sa
tamang lalagyan.

Pagkatapos sagutin ang tseklist, tuusin ang puntos na nakuha mo.


Bilangin kung ilan ang sinagutan mo ng 1 at
i- multiply ito sa 1. Ganun din ang gawin sa iba pang bilang1.

Halimbawa:
Bilang ng tsek sa hanay 1 ay 2 kaya 1 X 2 = 2
Bilang ng tsek sa hanay 2 ay 2 kaya 2 X 2 = 4
Bilang ng tsek sa hanay 3 ay 2 kaya 3 X 2 = 6

Pagsama-samahin ang kabuuang puntos (2+4+6 =12) at alamin ang


kahulugan nito ayon sa kabuuang bilang.

11-15 - Magaling! Ang pagmamalasakit mo sa kalikasan ay


nagpapakita ng pagmamahal mo
sa Diyos.
6 –10 - May pagmamalasaki ngunit hindi sapat. Dapat ugaliin
ang pagmamalasakit sa ating kapaligiran pagkat ito ay
biyaya sa atin ng
Diyos.
1 –5 Nakalulungkot ngunit hindi ito ang dapat mong ugaliin.
Huwag mong hintaying ang iyong kawalan ng malasakit
sa kalikasan ay magbunga ng kapahamakan sa sarili at sa
iba.
Sikaping magbago.

Tandaan Natin
Ang ating kalikasan - kalupaan, katubigan, mga hayop, at
halaman ay regalong biyaya ng Diyos sa atin. Mahal tayo ng Diyos kaya
sa pamamagitan ng biyaya ng kalikasan, nais Niyang maging masagana
at kaaya-aya ang buhay natin sa daigig.

Marami sa mga suliraning pangkalikasang nararanasan natin


ngayon ay bunga ng pang-aabuso ng tao. Panahon na para matuto ang
mga tao na pahalagahan ang ating kalikasan upang maiwasan na ang
mga mapinsalang pangyayari.

Kaya bilang batang tagapangalaga ng ating kapaligiran,


himukin mo ang iyong kapuwa bata na magtanim sa kanilang bakuran o
paaralan at matutong magmasid sa kapaligiran upang higit na
mabantayan ang biyaya ng kalikasan mula sa Diyos.

Isipin mo na maipakikita natin ang ating pasasalamat at


pagmamahal sa ating Diyos sa pamamagitan ng pag-iingat at
pangangalaga sa ating kalikasan.
Isabuhay Natin

Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawain.

1. Sa isang malinis na papel o lumang folder, katulong ang


iyong pangkat, magtala kayo ng tatlong hakbang na gagawin
ninyo upang maipakita ang pangangalaga at pag-iingat sa
kalikasan.

2. Ilagay ang inyong mga pangalan sa ibaba ng talaan at pirmahan


ninyo ito.

3. Ipaskil ang mga ito sa isang bahagi ng silid-aralan.

4. Tuwing Lunes, lagyan ninyo ng masayang mukha ang talaan


kung natupad ninyo ang mga ito. Ang may pinakamaraming
masayang mukhang nailagay o naiguhit sa pagtatapos ng taon
ang siyang itatanghal na mga bayani ng kalikasan.

5. Maaring gamitin ang tsart sa ibaba bilang gabay sa gagawin.


Mag-isip din ng iba pang paraan para sa pagtatala ng mga
gawain.
Tutulong kami sa paglilinis ng silid- aralan sa araw- araw.

Aming didiligan ang mga halaman sa tapat ng aming siid- aralan.

Kami ang simula!

Porsch Ces Edna

Subukin Natin

Itatapon naming ang mga basura sa tamang lalagyan.

A. Ano ang iyong dapat gawin para sa sumusunod na sitwasyon?


Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Pagkamatay ng mga isda sa karagatan


2. Luntiang paligid
3. Matinding pagbaha dulot ng bagyong Yolanda
4. Patuloy na pagdami ng basura na ikinakalat ng mga tao.
5. Kaunting puno sa kapaligiran.

Binabati kita magaling na mag-aaral! Ngayon natapos mo na ang


lahat ng aralin sa ikaapat na markahan, inaasahang maisasabuhay mo
ang lahat ng kaalamang
iyong natutuhan sa buong taon. Nawa’y magsilbi kang isang magandang
halimbawa sa iyong kapuwa. Mabuhay ka!

You might also like