You are on page 1of 1

Masaya ka ba sa iyong pamilya?

Basahin ang tula at unawain ang mensahe


nito.

Sa Pamilya Ko, Happy Ako


Akda ni: Lourdes C. Pascual

Sa aking paggising ay yakap ni inay ,


ang nagpapalakas sa pagal na katawan
Dagling bumabangon dahil sabik matikman,
ang kanyang inihanda sa hapag kainan

Sabay-sabay na kakain kapiling si itay


pati na rin si kuya maging si ate
Kapag nabusog ramdam agad na malusog,
kung kaya’t sa gawain ay agad dudulog

Kanya-kanyang tungkulin ay agad gagawin,


matamis na ngiti sa labi ay namumutawi
Mahirap man ang buhay ay masaya naman,
sa tulong at gabay ng Diyos na Maylalang

Huwag susuko sa pagsubok


dahil ang Maykapal ay nariyan lamang
Sa ating Isip at puso ay laging nananahan
upang pagaanin ang lahat nating alalahanin.

Mensahe ng tula:
Masaya at magaan sa pakiramdam ang pamilya na nagmamahalan at
nagkakaisa gaano man ang nararanasan na hirap at tagumpay sa buhay lalo
na kung kasama nila ang Diyos.

You might also like