You are on page 1of 7

MGA

PAMBANSANG
SAGISAG NG
PILIPINAS
Watawat :  Watawat ng Pilipinas

Pangunahing simbolo ng  ating


bansa ang Watawat ng Pilipinas.
Tatlo ang kulay nito - bughaw, pula at
puti. Ang bughaw ay para sa
kapayapaan na mahalaga sa   pag-unlad
ng bansa. Ang pula ay para sa
kagitingan na magpapaalala sa matatag
na kalooban ng mga mamamayan at
ang puti ay para sa kalinisan ng puri at
dangal ng mga Pilipinas. Ang tatlong
bituin ay kumakatawan sa tatlong
pangkat ng pulo ng Pilipinas – Luzon,
Mindanao at Visayas.

Awit: Lupang Hinirang

Pambansang Awit : Lupang Hinirang

Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
'Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y 'di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa 'yo.

Ang himig ng Pambansang Awit ng Pilipinas ay ginawa ng pianistang si Julian Felipe


ayon sa kahilingan ni Hen. Emilio Aguinaldo nang hindi niya nagustuhan ang
komposisyon ng isang Pilipinong nasa Hong Kong.
Wika:  Filipino

Pambansang Wika: Filipino

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh

Ii Jj Kk Ll Mm Nn Ññ NGng

Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv

Ww Xx Yy Zz

Taong 1937, ang Instituto ng Pambansang Wika ay binuo ng Unang Pambansang


Asembleya. Pumili sila ng wikang pagbabasehan ng wikang pambansa. Pinili nito ang
Tagalog . Ang Pambansang Wika ay nakilalang Pilipino noong 1961. Pagkaraan ng ilang taon,
pinalitan ang pangalan nito ng Filipino.

Sa Saligang Batas ng 1987, ang Filipino ang itinakdang pambansang wika at isang opisyal
na wika ng Pilipinas.

Nagkaroon ng mga pagbabago ang alpabetong Pilipino hanggang naging 28 ang mga
letrang bumubuo dito.

Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang sa Pilipinas sa buwan ng Agosto. Karaniwang itinatapat


ito sa Agosto 18 na kaarawan ni Pangulong Manuel L Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng
Wikang Pambansa”.

Puno:   Narra

Pambansang Puno: Narra

Ang Narra ay matuwid, matigas, matibay at


matatag na punongkahoy. Ang mga katangiang ito ng
Narra ay maihahalintulad sa mga Pilipino. Ang Narra ay
matatagpuan sa buong bansa ngunit ang karamihan ay
sa Bicol, Mindanao at sa Lambak ng Cagayan. Dahil sa
magandang uri ng kahoy nito, mainam itong gawing
mga muwebles at gamit sa pagpapatayo ng mga
bahay.
Bayani:  Dr. Jose Rizal

Pambansang Bayani: Dr. Jose Rizal

Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isinilang


noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang ama ni Rizal ay
isang matagumpay na negosyante at magsasaka. Ang kanyang ina,
na may tindahan sa isang bahagi ng ibaba ng kanilang bahay ay
matalino at edukada na mahilig sa literature at matematika. Lumaki si
Rizal sa isang pamilyang sagana sa mga pangangailangan dahil sa
kasipagan ng mga magulang. Itinuturing na prominente ang kanilang
pamilya sa panahon ng kolonisasyon. Mula sa kanyang kamusmusan
ay sagana si Rizal sa pagkalinga at pagmamahal ng kanyang pamilya.
Matiyaga siyang bina-basahan ng kanyang ina ng mga tula at
kuwento sa gabi. Sa edad na tatlo ay natuto na siyang sumulat at
magbasa. Mula pagkabata, nasaksihan niya ang karahasan ng mga
Kastila sa mga Pilipino. Edad 10 si Rizal nang pagbintangan ang
kanyang ina sa isang kasalanang hindi nito ginawa. Pinalakad si
Donya Teodora nang mahigit 20 milya papunta sa kapitolyo ng Sta.
Cruz ng mga Kastilang opisyal na pinapakain nila sa kanilang
tahanan. Sa kabila ng mga aksyong legal at mga apela sa Maynila, nakulong pa rin si Donya Teodora
nang mahigit dalawang taon. Nang sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite, pinagbintangang kasabwat kaya
pinatay ng mga Kastila ang mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora. Ang kapatid ni Rizal na si Paciano
ay nagtago dahil guro nito si Padre Jose Burgos, isa sa tatlong paring martir. Upang makaiwas sa lalo
pang pag-uusig ng mga Kastila, nagpalit ng apelyido ang pamilya. Ang Mercado ay naging Rizal. Sa
panahong iyon, pinag-iinitan ang mga Pilipinong matalino at may kakaibang kakayahan. Ngunit hindi nila
napigilan si Rizal. Siya’y nakapag-aral sa magagandang eskuwelahan, natuto, lalong nahasa ang talino,
kakayahan at talento at nakapaglakbay sa maraming panig ng mundo. Si Rizal ay nakilala bilang isang
magaling na manggagamot, pintor, arkitekto, magsasaka, orador, guro, enhinyero, manunulat at iba pa.
Inihayag ni Rizal ang kanyang pagiging makabayan at tumulong upang buksan ang isipan ng mga Pilipino
upang ipaglaban ang kalayaan. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat. Ang pinakatampok niyang
akda ay kanyang dalawang nobela na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. Dahil sa kanyang mga
panulat at sa adhikaing makalaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila, si Rizal ay pinaratangang taksil sa
pamahalaan. Siya ay ipinakulong at binaril ng mga Kastila sa Luneta noong Disyembre 30, 1896.

Bahay:  Bahay Kubo

Pambansang Tirahan: Bahay Kubo

Ang tipikal na Bahay Kubo ay simple at


munting tirahan na yari sa mga materyal
gaya ng kawayan, buho at nipa o kogon. Sa
panahon ngayon, ang Bahay Kubo ay halos
nakikita na lamang sa mga liblib na lugar ng
bansa at sa mga bukid. Karaniwan itong
pahingahan ng magsasakang galing sa
pagtatrabaho sa bukid. Gayunpaman,
ginagawa rin itong pang-akit sa mga turista o bakasyunista sa mga piling pasyalan o pook-
bakasyunan gaya ng mga resort.

Bulaklak:  Sampaguita

Pambansang Bulaklak: Sampaguita

Maputi at mabango ang Sampaguita.


Simbolo ito ng kalinisan. Ang pagtitinda ng
sampagita ay karaniwan na ring hanapbuhay
ng ilang mga Pilipino. Tinatalian nila ito at
ginagawang kuwintas, “corsage” o korona sa
mga pagdiriwang. Ginagamit din ang mga
ito sa pag-welcam ng mga panauhin. Ang
langis nito ay dini-distill at ipinagbibili. Ang
Sampaguita ay naging Pambansang Bulaklak
ng Pilipinas mula noong 1934. Ang bayan ng
San Pedro, Laguna ay kilala bilang Bayan ng
Sampaguita ng Laguna”. Bilang pangunahing suplayer ng Sampaguita sa buong Laguna at
Metro Manila, ang produksiyon nito ang isa sa mga pinagkakakitaan ng maraming mamamayan
sa bayang ito. Ipinagdiriwang ang “Linggo ng Sampaguita” sa San Pedro, Laguna tuwing
Pebrero 16 – 20.

Prutas:  Mangga

Pambansang Prutas: Mangga

Ang Mangga ay may iba’t ibang uri


ngunit halos lahat ay hugis-puso.
Marahil ito ang isa sa mga pinagbasehan
kung bakit ito ang naging Pambansang
Prutas ng Pilipinas. Maaari kasi itong
sumagisag sa pagiging mapagmahal ng
mga Pilipino. Ang pangalan ng prutas na
ito ay hango sa salitang Tamil na
“maangai” o sa salitang Malayalam na
“maanga”. Pinasikat ito ng mga
Portugis pagkatapos ng kanilang
eksplorasyon sa India kaya naging
“manga” sa Portugis. Ang Mangga ay
may makinis na balat. Karamihan ay dilaw ang kulay nito kapag hinog na. Berde ang kulay
nito kapag hilaw pa.
Dahon:   Anahaw

Pambansang Dahon: Anahaw

Ang dahon ng Anahaw ay


malapad na korteng pamaypay.
Kapag tag-ulan, ginagamit ito ng
mga magsasaka na panakip sa
kanilang likod. Ito ay karaniwang
tumutubo sa mga kagubatan sa
maraming bahagi ng kapuluan. Ang
dahon ng Anahaw ay ginagawa ring
pamaypay, banig at pambubong ng
bahay. Ang puno nito na tumataas
hanggang 20 metro at may
diametrong 20 centimetro ay
karamihang ginagamit sa mga
palaisdaan. Ang kahoy nito ay
ginagamit na haligi at sahig ng mga bahay sa kanayunan. Maganda rin itong materyal sa
paggawa ng pana, baston at iba pa. Ang buko ng Anahaw ay puwedeng gulayin. Inaalagaan din
ang Anahaw bilang ornamental. Maganda itong pandagdag sa dekorasyon kapag may
pagdiriwang.

 Hayop:  Kalabaw
 
Pambansang Hayop: Kalabaw

Ang Kalabaw ay masipag, matiyaga,


malakas at maamong hayop na inaalagaan
ng mga magsasakang Pilipino. Ang mga
katangiang ito ay maihahalintulad sa mga
katangian ng mga Pilipino. Sadyang
maasahan ang kalabaw sa maraming
gawaing-bukid lalo na sa pag-aararo at
paghihila ng mga mabibigat na bagay. Ang
kalabaw ay malaking hayop at karaniwang
itim ang kulay. Albinong kalabaw ang
tawag sa hindi itim. Minsan lamang
manganak sa loob ng isang taon ang
kalabaw. Likas na tahimik ang kalabaw.
Bihira lamang itong mag-ingay. Kalimitan, sa umaga at sa hapon ito nanginginain ng mga
damo. Kapag hindi nagtatrabaho, ang kalabaw ay namamahinga sa putikan o kaya ay
lumalangoy sa ilog.

You might also like