You are on page 1of 4

PRES. CORAZON C.

AQUINO HIGH SCHOOL


Maricaban, Pasay City

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA E.S.P. 8

Pangalan: _____________________________________ Petsa: ________________


Baitang at Seksiyon: _____________________________ Marka: ________________

TEST I- PAGKILALA: Kilalanin ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
sagot sa patlang na nasa unahan ng mga bilang.

__________1. Isang cell o basic unit ng lipunan na kung saan ang ama at ang ina ay
binigkis ng kasal, nakatira sa iisang bubong, may mga anak na nagmula
mismo sa dugo ng mag-asawa na bumubuo ng sariling kultura sa loob ng
kanilang tahanan.
__________2. Sila ang pinakapuno ng pamilya, unang mga guro ng mga anak at taga-
pasya sa sa pamilya.
__________3. Itinuturing na pinaka-unang paaralan ng mga anak.
__________4. Pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao. Kung wala ito, ang iba pang kara-
patan ng tao ay hindi niya matatamasa.
__________5. Uri ng pamilya na binubuo ng nuclear family at iba pang kapamilya o
kamag-anak sa dugo tulad ng lolo, lola, tita, tito at iba pa. Sila ay
maaaring sama-samang nakatira sa iisang bubong o hindi.
__________6. Pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa isa o higit pang bilang ng
tao o grupo upang maipaabot ang ideya, opinion, kuru-kuro, saloobin,
damdamin at iba sa paraang pasalita,pasulat, pasenyas, paggamit ng
simbolo at makabagong teknolohiya.
__________7. Sila ay ang mga taong nakapaligid sa atin at nakakasalamuha sa araw-
araw nating pamumuhay, kakilala man o hindi na nakakatulong sa pag-
papaunlad ng ating pagkatao.
__________8. Isang organisasyon, samahan, pundasyon, o kompanya na kinailangang
itatag dahil sa isang layunin. Ito ay may piniling pinuno at hinikayat na
mga miyembro.
__________9. Uri ng pamilya na binubuo ng tatay, nanay at mga anak na nakatira sa
isang tahanan.
__________10. Asignatura na naglalayon na linangin ang mga angkop na pagpapa-
halaga at paunlarin ang katauhang moral ng isang indibidwal.

TEST II-TAMA O MALI: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap.


sulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung
hindi.

__________ 1. Ang pangunahing layunin ng pamilya bilang isang maliit na institusyon ay


magkaroon ng mga anak o procreation.
__________ 2. Kayamanan, kagandahan at pagkakaroon ng anak ang tanging basehan
ng pagkakaroon ng masayang pamilya.
__________ 3. Walang kondisyon ang isang pag-iibigan kung ibinibigay ang lahat ng
magustuhan ng taong minamahal.
__________ 4. Nakasalalay ang katatagan ng lipunang Pilipino sa bawat pamilyang
bumubuo nito.
__________ 5. Ang pagpuna palagi sa mali ng isang miyembro ng pamilya ay nagpapakita
ng pagpapahalaga.
__________ 6. Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng
pananagutan sa isa’t isa, pagiging tapat, pagsasama-sama bilang isang
pangkat, at pag-aalaga sa isa’t-isa.
__________ 7. Hindi mahalaga ang mga karapatan ng isang anak kumpara sa mga
karapatan ng mga magulang.
__________ 8. Ang pakikipagkapwa ay pagkilala sa kahalagahan ng ibang tao sa
pagtatamo ng kaganapan sa sarili, kaya nararapat lamang na pakitunguhan
sila tulad ng pakikitungong nais mong makamtan.
__________ 9. Ang bawat pamilya ay may iba’t-ibang paraan ng pagsasabuhay ng
kanilang pananampalataya ayon sa alituntunin ng simbahang kanilang
kinaaniban.
_________10. Ang paglaan ng panahon para magkasama-sama upang makita ang isa’t-
isa ay isang paraan upang maging matibay ang bigkis ng pamilya.
_________11. Sa pakikipag-ugnayan tayo ay nagbabahagi ng tamang impormasyon at
nadaragdagan ang ating mga kaalaman.
_________12. Ang pakikisalamuha sa kapwa ay hindi nagbibigay ng pagkakataon upang
mapatibay ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya.
_________13. Ang Intrapersonal ay antas ng komunikasyon na namamagitan sa
dalawang tao o mahigit pa.
_________14. Sa pamilya, natural ang pamumuno ng mga magulang. Hindi maaaring piliin
kung sino ang iyong magiging magulang kahit na ang magiging anak.
_________15. May mga layunin at tungkulin ang pamilya.

TEST III – Tukuyin kung sino ang sinasaad sa bawat pangungusap. Isulat ang AMA, INA o
ANAK sa patlang na nasa unahan ng mga bilang.

_________1. Paggalang at pagpasakop sa mga magulang, mahusay na pag-aaral at


pagtulong sa gawaing bahay.
_________2.Tungkulin niya ang pakainin, bigyan ng matitirhan at pag-aralin ang mga anak.
_________3. Pagtuturo ng mga mabuting asal sa mga anak at katuwang ng asawa sa
pagdidisipsiplina sa kanila.
_________4. Siya ang may huling pagpapasiya para sa kapakanan at kabutihan ng lahat.
_________5. Makiisa sa mga minimithi ng mga magulang.
_________6. Nangangasiwa sa pagbabadyet para sa pamilya.
_________7. Naglalaan ng oras para makatulong sa gawaing-bahay.
_________8. Mamahalin niya ang kanyang asawa at magsasama sa hirap at ginhawa.
_________9. Huwaran ng kasipagan, kabutihang-loob at kalinisan sa sambayanan.
_________10. Arugain ang mga magulang sa panahon na matanda na sila.

TEST IV- Alamin kung ang sumusunod ay tungkuling panlipunan o pampolitikal. Isulat sa
patlang na nasa unahan ng mga bilang ang PL kung panlipunan at PPL kung
pampolitikal.
______ 1. Pagsali sa mga club sa paaralan.
______ 2. Pagsunod sa curfew hour ng barangay.
______ 3. Paggawa ng sulat para sa punong barangay tungkol sa proyekto ng paglilinis sa
talipapa.
______ 4. Pagsali sa mga gawain sa barangay tulad ng palaro o paliga.
______ 5. Pagbibigay ng mga damit at banig sa mga nasunugan.
______ 6. Pagtanggap nang magiliw sa mga panauhin.
______ 7. Pag-anyaya sa mga magulang na hindi pa kasal na sumali sa kasalang bayan.
______ 8. Paghikayat sa mga kapitbahay na panatilihing malinis ang bakuran.
______ 9. Pag-aayos at paglalabas lang ng basura sa oras na dadaan na ang trak na
kukuha nito.
______ 10. Pagbibilin ng bahay sa kapitbahay kapag umuuwi ng probinsya.

TEST VI- MULTIPLE CHOICE: Tukuyin kung saan aspeto nakakatulong ang mga
sumusunod na mga Institusyon ng lipunan. Isulat ang titik
lamang ng tamang sagot sa patlang na nasa unahan ng
mga bilang.

_____1. SIMBAHAN
A. Pagpapaunlad ng kabuhayan
B. Pagtugon sa mga material na pangangailangan
C. Pagtugon sa pang-espiritwal na mga pangangailangan ng tao
D. Paghubog sa kakayahang pang isport ng mga kabataan
_____2. PAARALAN
A. Pagpapatibay sa pananampalataya at pananalig sa Diyos
B. Pagtugon sa pagpapaunlad ng kaisipan, kaalaman at panlipunang aspeto ng
mga kabataan
C. Panlalamang sa kapwa
D. Paghihikayat sa mga kabataan na sumali sa fraternity, sorority, gang at iba pang
kaguluhan
_____3. PAMILYA
A. Pinagmumulan ng mga responsableng pinuno para sa kaunlaran ng bayan
B. Pagkonsenti sa masasamang gawain, asal at bisyo ng mga anak
C. Pagmulat sa maka-mundong mga bagay
D. Pagsasanay sa kagalingang intelektuwal ng mga anak

_____4. PAMAHALAAN
A. Pagpapalaganap ng mga karahasan at kasamahan sa lipunan
B. Pagtugon sa mga pangangailangang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga
mamamayan
C. Pagkakawatak-watak ng mga pinuno at pamilyang pinaglilingkuran
D. Pagsugpo sa mga krimen sa lipunan

_____5. PAMAYANAN/LIPUNAN
A. Paghahanda para sa mabuting kinabukasan ng mamamayan
B. Pagmulat sa wastong paggamit at pagpapayaman ng kalikasan
C. Pagmulat sa mabuti at mapanagutang pakikipagkapwa
D. Pagtugon sa pangangailangan pinasyal ng mga mamamayan

Unang Lagumang Pagsusulit sa EsP 8 A. Z. Delos Reyes, T3

You might also like