You are on page 1of 2

PANGALAN:__________________________________________________________________________

ANTAS AT SEKSYON:__________________________________________________________________
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKATLONG MARKAHAN
SUMMATIVE TEST
#3
I.Panuto: Basahin at sagutin ang bawat tanong. Isulat sa gilid ng bawat bilang ang letra na tamang sagot. (2 puntos ang bawat bilang)

1. Ano ang kahulugan ng “pagpupunyagi”?


a. Ang kakayahan na tanggapin ang sariling pagkakamali
b. Ang kakayahan na madama ang nararamdaman ng kapwa
c. Ang kakayahan na gawin ang kinakailangang pagkilos kahit na anong hirap o gaano katagal
d. Ang kakayahan na tumulong sa kapuwa kahit gaano man ito kahirap

2. Alin ang HINDI nagpapakita ng pagpupunyagi?


a. May tiwala sa sarili
b. May malakas na hangarin
c. May mataas na pinag-aralan
d. May maliwanag at tiyak na plano

3. Paano masasabi na may paninindigan ang isang tao?


a. Ginagawa ang gusto kahit mali
b. Mas mataas ang tiwala sa sarili kaysa sa iba
c. Ipinaglalaban ang mahirap at mahihina
d. Ginagawan ng pagkilos ang nabuong desisyon para matupad ito

4. Alin ang isa sa mga gabay sa pagsasabuhay ng kasipagan at pagpupunyagi sa paggawa?


a. Iasa sa iba ang nasimulang gawain
b. Sikaping mapaunlad ang sarili
c. Gawin nang walang pahinga ang gawain
d. Gawin ang trabaho na nakalaan sa kaibigan

5. Alin ang pinakaangkop na pananaw sa pagkakamali o kabiguan sa paggawa?


a. Ang pagkakamali o kabiguan ay mensahe na tayo ay tao lamang
b. Ang pagkakamali o kabiguan ay bunga ng kasalanan sa Diyos
c. Ang pagkakamali o kabiguan ay paghamon sa pag-unlad ng sarili sa gawain
d. Ang pagkakamali o kabiguan ay tanda na wala tayong magagawa kung hindi natin kaya

6. Alin ang nagpapakita ng pagkakaroon ng integridad?


a. Masaya ang atleta sa panalo ng kalaban
b. Ayaw simulan ng electrician ang pagkukumpuni ng sirang TV hanggat walang bayad
c. Nagdahilan ang drayber para hindi hulihin sa paglabag sa batas trapiko
d. Ginagawa ng empleyado ang kaniyang trabaho kapag dumaraan and tagapamahala

7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng disiplina?


a. “Gagawin ko ang aking trabaho nang may buong husay”
b. “Mamaya ko na gagawin ang aking trabaho. Maaga pa”
c. “Uunahin ko muna ang hilig kong gawin bago ang aking obligasyon”
d. “Bahala na ang ating mga lider para sa solusyonan ang prolema”

8. Anong salita ang nagsasabi na ang paggawa ay may kabutihang moral na nagpapalakas ng
pagkatao?
a. Karunungan c. Etika
b. Disiplina d. Kasipagan

9. Alin sa mga halimbawa ang malinaw na nagpapakita ng etika sa paggawa?


a. Tinapos ni “A” nang may husay at bilis ang kaniyang trabaho
b. Sinimulan ni “B” ang gawain nang matanggap niya nag paunang bayad
c. Tinatamad si “C” kaya ipinagpaliban niya ang kaniyang nakatakdang gawain
d. Ginawa ni “D” ang iniutos sa kaniya na gawin kahit hindi niya alam kung para saan

10. Paano magiging makabuluhan ang paglilikod sa kapwa sa pamamagitan ng paggawa?


a. Maging tapat sa paggawa
b. Tukuyin ang iyong kakayahan
PANGALAN:__________________________________________________________________________
ANTAS AT SEKSYON:__________________________________________________________________
c. Maging mapagpakumbaba sa paggawa
d. Lahat ng nabanggit
II.Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung totoo ang pahayag at MALI kung hindi.
______________1. Ang paggamit ng shortcut ay matalinong paraan upang mapadali ang trabaho nang may husay.
______________2. Nalilinang ang kakayahan ng tao ng mabuting paggawa.
______________3. Kasipagan at disiplina ang kailangan para magtagumpay.
______________4. Mataas na pinag-aralan ang basehan para makapagsilbi sa kapwa.
______________5. Nagiging magaan at kasiya-siya ang gawain kung may positibong pananaw sa pagganap nito.

Prepared by: Checked by: Noted by:

ALONA M. TAYAO SHIRLEY C. BAUTISTA ANGELICA F. OLASO


Teacher III Head Teacher I Principal III

You might also like