You are on page 1of 3

MATH Excellence Academy of Binalonan, Inc.

Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan

ACADEMIC HANDOUTS
ARALING PANLIPUNAN 5
Quarter 2, Week 3

Most Essential Learning Competency:

1. Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa


kapangyarihan ng Espanya.
A. Pwersang military/Divine and rule
B. Kristyanismo
Topic/Lesson: Mga Paraan sa Pagsasailalim sa Pilipinas

REDUCCION
 Ito ay sapilitang pagpapatira sa mga katutubo mula sa orihinal nilang tirahan gaya na
lamang sa tabing ilog o kabundukan tungo sa bayan na tinatawag na pueblo

Layunin ng Reduccion
1. Pagpapatupad ng mga batas sa mga katutubo.
2. Paglaganap ng Kristiyanismo
3. Madali ang pangongolekta ng buwis
4. Pagbabantay sa kanila
5.Paghuli sa mga lumabag sa batas.
Pueblo bilang Bagong Kaayusang Bayan

SIMBAHAN
 Sentro ng pueblo na siyang nagsilbing himpilan ng Kristiyanisasyon sa tiyak na pook.
Kalapit nito ay ang paaralan, ospital, at pulisya. Sa tapat naman nito ang plaza isang
hugis-parisukat na bukas na espasyo at mula rito ay nagsasanga-sanga ang mga daan.

Bajo el son de le campana


 Dito ibinatay sa paninirahan sa pueblo na ibig sabihin ay sa ilalim ng tunog ng kampana.

Pueblo bilang Bagong Kaayusang Bayan

CABECERA
 Tawag sa tirahang nasa ilalim ng tunog ng kampana.

VISITA
 Ang mga nayon o baryo na nakapaligid sa cabecera.

Negatibong Epekto ng Reduccion sa mga Katutubo

1. Nalayo sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.


2. Nawalay sila sa kanilang kamag-anakan.
3. Napilitan sa pagbayad ng buwis.
4. Sumunod sa patarang Espanyol kahit labag sa kanilang kalooban.

TULISANES
 Tawag ng mga Espanyol/Prayle sa taong- labas na minabuting manirahan sa mga
kabundukan upang doon mamuhay nang malaya. Ayaw nilang sumailalim sa patakan ng
Espanyol.

TRIBUTO
 Isang buwis na kung saan layunin ng mga Espanyol na lumikom ng pondo mula sa
kolonya upang matustusnang pangangailangan nito.

EXTRACTIVE
 Ang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas sa larangan ng ekonomiya na
nakabatay sa pagkuha ng lakas-paggawa at likas na yaman ng bansa.

Real Situado
 Tulong na salapi nagalling Mexico kung saan dito umasa ang isang bansa upang
matugunan anpangangailangan sa kolonya. Sa usaping pagbubuwis sinasabing hindi
naman talaga Spain ang kumita mula sa pananakop sa Pilipinas kundi ang mga Espanyol
na ipinadala rito

Halaga ng Tributo
 Ang pagbabayad ng buwis ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain

Taon ng pangongolekta ng tributo

1571-8 reales
1589-10 reales
1851-12 reales

Cedula Personal
 Isang kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng
pagbabayad ng buwis.

 Doble ang pahirap na dulot ng cedula personal sapagkat kailangang dala niya ito lagi
ngkatutubo saan man siya magpaunta.

 Nagpapatunay ng kanyang pagkakakilanlan at ng kanyang lugar ng paniraha.

ENCOMIENDA
 Isang sistema kung saan ipinagkatiwala sa mga conquistador ang isang teritoryo.

 Ang paggawad ng sistemang ito ay nagsisilbing pabuya o gantimpala sa mga Espanyol na


nakatulong sa paglaganap ng Kolonyalismo.

 Administratibong yunit para sa koleksiyon ng buwis.

Conquistador
 Sundalong Espanyol na nakatulong sa pagpapatupad at paglalaganap ng kolonyalismo.

 Itinalaga sa kanya ang pagmamahala ng encomienda.

Encomendero
 Tawag sa taong ginawaran ng Encomienda na may karapatang maningil ng buwis sa mga
mamamayang sakop niya o sakop ng encomienda.
 Maaari niyang gawin sa loob ng tatlong henerasyon at pagkatapos ay kailangan na niyang
ibalik sa pamahalaan ang encomienda.

Encomienda bilang pabuya sa Conquistador

Cabeza de Barangay
 Pinuno ng barangay sa panahon ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas na itinalaga ng
encomendero na tagasingil ng buwis

Paraan sa pagbabayad ng buwis.


 Pagbabayad ng 8 reales sa loob ng isang taon.
 Sa anyo ng ani
 Sapilitang paggawa

SAPILITANG PAGGAWA
 Hango ito sa polo y servicio na nangangahulugang “gawaing pampamayanan”.
 Ipinatupad noong 1580 sa lahat ng kalalakihan na may gulang na 16 hanggang 60.
 Ang pagtatrabaho ay nasa 40 na araw sa loob ng isang taon.
 Kadalasang ginagawa ay kalsada, tulay, simbahan, bahay na bato, munisipyo at galyon.

Polista
 Nagtatrabaho sa sapilitang paggawa.
 Buwis na binabayaran upang maligtas mula sa sapilitang paggawa

You might also like