You are on page 1of 3

MATH Excellence Academy of Binalonan, Inc.

Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan

ACADEMIC HANDOUTS
ARALING PANLIPUNAN 5
Quarter 2, Week 5

Most Essential Learning Competency:

1 Nasusuri ang mga epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.
A. Patakarang pang ekonomiya(Halimbawa:Pagbubuwis,Sistemang Bandala,Kalakalang
Galyon,Monopolyo sa Tabako,Royal Company,Sapilitang paggawa at iba pa.
B. Patakarang pampolitika(Pamahalaang kolonyal)

Topic/Lesson: Ang Simbahan at Mga Prayle


Ang salitang prayle ay buhat sa salitang frere, na ang ibig sabihin ay kapatid. Hango ito sa panininwala sa
katolisismo na ang lahat ay magkakapatid kay Kristo. Malaki ang mga nagging gampanin ng mga prayle.

Mga naging gampanin ng mga prayle.

1.Pag papalaganap ng Katolisismo sa mga Pilipino

2. Pag sisilbing simbolo ng kapangyarihan ng Espanya sa bawat bayan ng bansa.

3. Pamamahala sa bawat bayan at pag iimpluwensya sa mga pinuno nito.

4.Pamumuno sa pag oorganisa ng sistemang politika sa mga bayan at sa pagpili ng mga tao para sa mga
tao para sa posisyon na gobernadorcilo at cabeza

5. Pangangaral sa pamamagitan ng sermon, na pinakikinggan at sinusunod ng mga mamamayan

6. Pagtulong sa mga mamamayan dahil ang mga prayle ay tinatakbuhan din sa mga panahon ng
kaguluhan, kahirapan at rebelyon

7. Pagsisilbi bilang tagapagtala dahil ang bawat Pilipinong bininyagan ay may datos na itinatago ng
simbahan na nasa pangangalaga ng mga prayle

8. Pagkakaroon ng control sa usaping pinansyal sa simbahan, tulad ng pondong nanggagaling sa


dunasyon at;

9. Pagtatanggol sa mga Plipino mula sa mga mapangabusong lider ng mga Espanyol


Mahahalagang Prayle sa Pilipinas

a. Padre Pedro de Valderrama

 Siya ang namumuno sa unang pagdiriwang ng misa sa Pilipinas at nagbinyag sa mga unang
Pilipinong Katoliko.

b. Padre Juan De San Antonio

 Siya ang sumulat ng Vocabulario Tagalog na ginamit upang magkaunawaan ang mga
mamamayan.

c. Padre Juan de Plasencia

 Siya ang sinasabing sumulat sa Doctrina Cristiana, ang isa sa mga pinakaunang aklat na
nailimbang sa Pilipinas.

d.Padre Manuel Blanco

 Nagtayo siya ng magandang hardin sa bahagi ng Intramuros at sumulat ng Flora de Filipinas na


ukol sa mga magagandang halaman na mayroon sa Pilipinas.

e. Padre Diego Cera

 Si Padre Diego ay ang prayleng nagging dahilan ng pagkakabuo ng sikat na Las Pinas Bamboo
Organ

f. Padre Miguel Ducos

 Tumulong sya sa paglaban sa mga rebeldeng moro

Marami sa mga Prayle ang masasabi nating may naiambag sa Pilipino at mayroon ding nagging tagaulat
ng mga pangaabso ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Nauunawaan ng mga prayle ang bigat ng saloobin
ng mga Pilipino na pinaglingkoran ng mga dayuhan, magtrabaho ng walang karampatang sahod o
kabayaran, at magbayad ng mataas na buwis sa kabila ng mababang kita o minsan ay kawalan ng
kabuhayan.

Ang pagbubukas ng mga Prayle ng mga paaralan ay nagbigay daan sa malaking pagbabago ng mga
mamamayan sa pamamagitan ng pagalis ng kamangmanagan sa maraming Pilipino. Nagkaroon sila ng
pagkakataon upang maunawaan ang kanilang sitwasyon. Hindi nagkulanag ang mga Prayle sa
pagtaguyod ng ebanghelisasyon at nirespeto sila ng mga Pilipino.

Ano ano na ba ang mga paaralang naitatag noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas? Paano
nakatulong ang mga ito sa kolonya sa kabuuan?

 Ang Colegio de santa Potenciana ang unang paaralang naitatag sa bansa noong 1589. Sinundan
ito ng Colegio Maximo de san Ignacio na naitatag ng mg Espanyol sa Pilipinas noong 1590.
Priyoridad sa paaralang ito ang mga lalaki, na natuto ng matimatika, agham, sining at panitikan.

Noong 1611 naman ay tinatag ng mga Dominikano ang Colegio de Nuestra Seniora del Santisimo Rosario
(Ngayon ay unibersidad ng santo Tomas) na matatagpuan sa sampalok Maynila kilala ito ngayon bilang
“Pontifica University” at “The Catholic University of the Philippines.” Hindi naglaon ay nakilala ang
paaralang ito sa larangan ng medisina. Noong 1632 ay naitatag namn ang paaralan para sa kababaihan
ang Colegio de Santa Isabel na matatagpuan parin sa Maynila.

You might also like