You are on page 1of 22

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 1 - 4

Manunulat:

Maria Nonita B. Salvador - Vergonville Elementary School


Genelyn A. Encarguez - Vergonville Elementary School
Leodelice J. Loayon - Las Piñas City National High School
Roberto R. Salamat - Zapote Elementary School
Milagros C. Allag - Zapote Elementary School
Kerstine Louise Talavera - Almanza Elementary School

Balideytor sa Wika:
Minerva B. Arroza, CAA Elementary School Annex
Marecris S. Belmonte- CAA Elementary School Annex

Balideytor sa Nilalaman:
Leodelice J. Loayon - Las Piñas City National High School

Balideytor sa Pagkakaangkop:
Lourdes C. Vizcarra - Pilar Village Elementary School

Konsolideytor:
Liza Sandro Malvas - Talon 3 Elementary school
Lourdes C. Vizcarra - Pilar Village Elementary School

2
Paano gamitin ang Modyul

Bago simulan ang Modyul, Kailangan isantabi muna ang lahat ng iyong mga
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng Modyul.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng
kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga
araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa Modyul.
4. Hayaang ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang Mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto.
Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na
pagsasanay para lalong
malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-
araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang Modyul.

3
Aralin Epekto ng Kaisipang Liberal sa
1 Pag-usbong ng Damdaming
Nasyonalismo
SURIIN

ANG LIBERAL NA IDEYA AT KAMALAYANG NASYONALISMO


Ang liberalismo (mula sa wikang Latin liberalis) ay isang malawak na uri ng pilosopiyang
pampolitika na tinuturing ang indibiduwal na kalayaan at pagkakapantay-pantay bilang
mga mahahalagang layuning pampolitika. Ito ay bunga ng mga yugto ng pangyayari sa
kasaysayan na bumago sa pananaw ng mga Europeo sa kanilang kalayaan at karapatang
tinatamasa na kung tawagin ay La Ilustracion o “The Age of Enlightenment”.
Sa Pilipinas, naging matagumpay ang pagpasok ng ideyang liberal dahil sa mga
balita at angkat na aklat na hatid ng pakikipagkalakalan. Nakatulong din sa
pagpapalaganap nito ang mga ilustrado katulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar,
Graciano Lopez Jaena at iba pang mga Pilipino. Hinangad ng mga ilustrado na magkaroon
ng reporma o pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol subalit sila ay itinuring na
filibustero o kaaway ng pamahalaan.
Sa pagpasok ng mga kaisipang liberal sa Pilipinas, ito ay nagdulot ng sumusunod na epekto:
● Nagkaroon ng pagbabagong pampulitika, pangkabuhayan, panrelihiyon at pang-
edukasyon
● Naging mulat ang mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga Espanyol
● Pagtuligsa ng mga nakapag-aaral sa kawalan ng katarungan sa Pilipinas
● Lumaki ang pagnanasa ng mga Pilipino na makalaya ang bansa
A. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
Malaki ang naging pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino noong huling bahagi ng ika-
19 na siglo ng buksan ng Espanya ang Maynila sa pandaigdigang pakikipagkalakalan.

• Nakilala ang Pilipinas bilang top exporter ng ilang piling produkto tulad ng abaka, tabako,
at tubo at iba pa.
• Para sa maayos na pagpapadala ng mga produkto sa iba’t-ibang bahagi ng bansa,
isinaayos at pinabilis ang transportasyon.

• Dumami ang bilang ng mga bangkong nagpapautang sa mga negosyanteng Pilipino sa


Maynila.
Sa pagbubukas ng Suez Canal, isang artipisyal na tubig na nagdurugtong sa Mediterranean
Sea at Red Sea, napabilis ang paglalakbay ng mga Pilipino at Espanyol sa kani-kanilang mga
bansa. Ito ay lubos na nakatulong sa pagpapalitan ng mga produkto at nakapagpaganda
sa ating pamumuhay.

Paano ito nakatulong sa pagpasok ng liberal na ideya sa bansa?


● Napabilis ang paglabas-pasok ng mangangalakal at kalakal sa bansa
● Bumilis din ang pagpasok ng mga kaisipang liberal tulad ng kalayaan (liberty),
pagkakapantay-pantay(equality), at pagkakapatiran (fraternity).

4
● Nagbunga din ito ng pagpasok ng mga aklat na naglalaman ng kaisipang liberal at
rebolusyonaryo na nagmulat sa ilang mga Pilipino, lalo na ang nasa panggitnang-uri.
Halimbawa ng mga aklat na ito ay ang “Uncle Tom’s Cabin” at “Count of Monte Cristo”.
● Dala ng pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa ay ang mga balitang may
kaugnayan sa rebolusyon tulad ng sa Estados Unidos at Pransya na nagsilbing inspirasyon sa
nakararami.

B. Pag-usbong ng Uring Mestizo


Sa pagbubukas ng Suez Canal, nagkaroon ng panggitnang uri sa lipunan na kung
tawagin ay Mestizo na nabuo dahil sa intermarriages o pagpapakasal ng dalawang
magkaibang lahi.
Sila ay tinawag na middle class sapagkat sila ay nasa gitna ng purong Espanyol na nasa
pinakamataas na antas at purong Pilipino na nasa pinakamababang antas ng lipunan.
Ang mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya ay tinawag na mga peninsulares at ang mga
insulares ang mga Espanyol na ipinanganak sa bansang kolonya ng Espanya tulad ng
Pilipinas. Ang sumusunod na antas ay ang mestiso o anak ng mga Pilipino na nahaluan ng
dugong Espanyol o Tsino.

Ang
mga

mayayamang mamamayang Pilipino ay tinatawag na principalia. Ang mga nakapag-aral


na mga Pilipino ay naging kabilang din sa mga principalia; sila ay tinawag na ilustrado. Ang
5
itinuring na pinakamababang antas o uri ng katayuan sa lipunan ay ang mga katutubong
Pilipino. Sila ay tinawag na Indio.

Paano ito nakatulong sa pagpasok ng liberal na ideya sa bansa?


● Maraming mga mestizo sa Pilipinas ang nagkaroon ng oportunidad na makapag-aral
sa mga tanyag na paaralan o unibersidad sa loob at labas ng bansa. Dahil dito, higit nilang
naunawaan ang kaisipang liberal at ang hindi magandang pagtrato ng mga prayle at
opisyal ng pamahalaan sa mga Pilipino. Kalaunan, sila ay tatawaging ilustrado o the
learned na hihingi ng pagbabago sa bansang Espanya at magpapaliwanag sa mga
Pilipino ng kanilang pagkaalipin.

C. Pagpapatibay ng Dekretong Pang-edukasyon


Nakarating sa hari ng Espanya sa tulong ng mga ilustrado ang hindi magandang pagtrato
sa mga Pilipino ng mga prayle at mga opisyal ng pamahalaan at ang estado ng
pamumuhay ng mga Pilipinong hindi nakapag-aral. Dahil dito, nagpalabas ng dekretong
pang-edukasyon ng 1863 ang hari nagbibigay ng pantay na edukasyon para sa mga
mahihirap na bata, matatanda at sa mga naghahangand na maging guro ng kolonya.
Nakapagpatayo ang mga prayle ng paaralang pampubliko para sa mahihirap at
paaralang normal para sa mga gustong maging guro. Halimbawa nito ang Colegio de Santo
Tomas at Ateneo Municipal sa Intramuros (dating Escuela Pia).
Sa kabila ng pagkakaroon ng mga paaralan para sa mga mahihirap, pinaghiwalay ang mga
asignatura ng babae at lalaki. Mas binigyang halaga sa mga paaralan ang edukasyon ng
mga kalalakihan sapagkat sila diumano ang nagtataguyod at bumubuhay sa pamilya.
Tinawag na colegio ang paaralan ng mga kalalakihan at beaterio naman para sa mga
kababaihan.

Colegio de San Juan de Letran

6
Beaterio de Santa
Catalina

Paano ito nakatulong sa pagpasok ng liberal na ideya sa bansa?


● Sa pagkatuto ng mga Pilipino ng wikang Latin at Espanyol na ginagamit ng mga
dayuhan, higit nilang nauwaan ng mga kaisipang liberal na kanilang nababasa sa mga
aklat. Kung dati, yaman ang batayan ng pag-unlad, itinuring din nila ang edukasyon na
simbolo ng pag-unlad at pagbabago. At dahil sa paniniwalang ito, sinikap ng mga Pilipino
na makapag-aral.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming


nasyonalismo?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________

2. Anu-ano ang naging dahilan sa pag-usbong ng kaisipang liberal sa bansa?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________

3. Paano nakatulong ang pagpasok ng kaisipang liberal sa bansa?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________

7
Aralin Layunin at Resulta ng Pagkakatatag ng
2 Kilusang Propaganda at Katipunan sa
Paglinang ng Nasyonalismong Pilipino
SURIIN
Ang hindi makatarungang pagbitay sa tatlong Pilipinong paring martir na sina Mariano
Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora (GomBurZa) ay nagpasidhi ng damdaming
nasyonalismo ng mga Pilipino. Ilang mga ilustrado ay nagsulat ng mga artikulo na
naglalahad ng kanilang dadamin subalit, ito ay hindi pinakinggan ng Espanya. At dahil hindi
naging matagumpay ang kanilang hinihinging reporma, nagbunsod ito sa pagkakatatag ng
isang kilusang gagamit ng dahas upang ipakita sa pamahalaan ng Espanya ang kanilang
pagtutol sa maling pamamalakad at pang-aabuso ng mga ito sa mga Plipino.
Dalawang kilusan ang itinatag ng mga Pilipino, Una, Kilusang Propaganda na kung saan
gumamit ng panulat upang ipaalam sa hari ng Espanya ang tiwaling pamamalakad nito sa
kanyang kolonya. Pangalawa, Katipunan na kung saan gumamit ng dahas matapos mabigo
ang Kilusang Propaganda sa kanilang adhikain.
Sa araling ito, ating tatalakayin ang mga layunin ng Kilusang Propaganda at Katipunan at
ano ang mga naging bunga nito sa kasaysayan ng Pilipinas.

8
9
Kilusang Propaganda Katipunan
⮚ Ang Kilusang Propaganda ay binuo ng ⮚ Ang Katipunan o Kataas-taasan
mga ilustrado sa Madrid na ang layunin ay Kagalang-galangang na Katipunan ng mga
pampanitikan at kultural sa halip na Anak ng Bayan ay lihim na samahan na
pampulitikal. naitatag nina Andres Bonifacio, Ladislao
⮚ Ang ilan sa mga kilalang Diwa, Deodato Arellano, Teodoro Plata at
propagandista ay sina Jose P. Rizal, Graciano Valentin Diaz noong Hulyo 7, 1892 sa Kalye
Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Azcarraga o Claro M. Recto sa ngayon.
magkapatid na Antonio at Juan Luna, ⮚ Layunin
Mariano Ponce at iba pa. ● Pampolitikal
⮚ Ginamit nila ang La Solidaridad bilang nagsusulong ng Kalayaan mula sa Espanya
opisyal na na pahayagan upang iparating ● Moral
ang layunin ng Kilusang Propaganda. Turuan ang mga tao ng kalinisan, mabuting
⮚ Layunin asal at labanan ang bulag na pagsunod sa
● Magkaroon ng pagkapantay-pantay pananampalataya at kahinaan ng karakter.
sa pagtrato sa mga Espanyol at Pilipino sa ● Sibika
ilalim ng batas. Tulungan ang sarili at ipagtanggol ang mga
● Pagkakaroon ng representasyon ng mahihirap at naaapi.
mga Pilipino sa Spanish Cortes. ⮚ Taliwas sa layunin at pamamaraan ng
● Gawing lalawigan ng Espanya ang Kilusang Propaganda, himagsikan at
bansa. armadong pakikibaka ang isinulong ng
● Paglalagay ng mga paring sekular sa Katipunan.
mga parokya. ⮚ Kung karaniwang binubuo ng mga
● Pagkakaroon ng kalayaan sa ilustrado at panggitnang uri ang Kilusang
pagsasalita at pamamahayag Propaganda, ang Katipunan naman ay
⮚ Bagaman hindi nagtagumpay ang binubuo ng mga ordinaryong mamamayan.
Kilusang Propaganda sa Espanya, ⮚ Upang gabayan ang mga Katipunero
ipinagpatuloy ni Jose P. Rizal ang adhikaing tungkol sa adhikain ng samahan, isinulat ni
pangreporma sa pamamagitan ng Emillio Jacinto, “Utak ng Katipunan”, ang
pagtatag ng La Liga Filipina. Kartilya na binubuo ng 13 na katuruan na
⮚ Umuwi si Rizal sa Pilipinas at itinatag dapat sundin ng mga kasapi.
ang La Liga Filipina noong Hulyo 3, 1892 sa ⮚ Kalayaan ang naging opisyal na
isang bahay sa Tondo. pahayagan ng Kaitpunan upang
⮚ Layunin ipalaganap ang mga layunin nito at
● Mapagsama-sama ang mga Pilipino makaakit pa ng maraming miyembro.
● Maipagsanggalang ang mga Pilipino ⮚ Hindi nagtagal, natuklasan ng mga
sa katiwalian at mapang-abusong mga Espanyol ang lihim na kilusan noong Agosto
Espanyol. 19, 1896 ng ipinagtapat ni Teodoro Patiño kay
● Magsagawa ng reporma sa bansa. Padre Mariano Gil na kura paroko ng Tondo
● Mapabuti ang edukasyon, pagsasaka ang lahat ng nalalaman niya sa Katipunan.
at kalakalan sa Pilipinas. ⮚ At nang mabalitaan ito ni Andres
⮚ Bagaman walang hayagang layuning Bonifacio, agad din silang kumilos, at sa
pampulitika ang samahan, nagduda pa rin pagkakataong ito ay hayagang
ang mga Espanyol. nakipaglaban sa mga Espanyol.
⮚ Pinadikp nila si Jose Rizal noong Hulyo ⮚ Sa kabila ng pagkakatuklas ng mga
7, 1892 at ipinatapon sa Dapitan, Espanyol sa Katipunan, ipagpapatuloy ng
Zamboanga kung saan siya namalagi. mga Katipunero ang Himagsikan at ito ay

10
⮚ Ang hindi matagumpay na La Liga makikita sa kaganapan sa Pugad Lawin
Filipina ay nagbunsod kay Andres Bonifacio, noong Agosto 23, 1896.
isa ring kasapi ng La Liga na bumuo ng ⮚ Malaki ang naging bahagi ng
panibagong kilusan na kung tawagin ay Katipunan sa kasaysayan ng ating bansa sa
Katipunan. pagtatanggol sa karapatan at
paghahangad ng kalayaan mula sa
mapaniil na mga dayuhan.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano- ano ang mga layunin ng Kilusang Propaganda?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________

2. Ano-ano ang mga layunin ng Katipunan?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________

3. Sa iyong palagay, alin ang mas epektibong kilusang humihingi ng reporma? Bakit?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________

11
Mga Dahilan at Pangyayaring
Aralin Naganap sa Panahon ng Himagsikang
3 Pilipino
● Sigaw sa Pugad-Lawin
● Tejeros Convention
● Kasunduan sa Biak-na-Bato

SURIIN

Sadyang mapagmahal ang mga Pilipino sa kalayaan. Handa nating ibuwis ang ating
buhay para sa kalayaan. Ngunit sadyang may mga balakid sa daan patungo sa inaasam
na tagumpay na hindi maiwasan

SIGAW SA PUGAD-LAWIN
Nabunyag ang KKK o lihim na kilusan dahil sa pagsisiwalat ni Teodoro Patiño, isang
Katipunero kay Padre Mariano Gil na isang Espanyol ang lihim ng Katipunan. Ang
pagkatuklas ng Katipunan ay naglunsad kay Andres Bonifacio na tumawag ng pulong
kasama ang mga Katipunero sa Balintawak, Caloocan. Napagkasunduan nilang simulan na
ang pakikipaglaban sa mga Espanyol. Sabay-sabay nilang pinunit ang kanilang sedula at
sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas” bilang tanda ng kanilang pakikipaglaban. Ang
pangyayaring ito ang tinawag na Sigaw sa Pugad-Lawin noong Agosto 23, 1896 na kilala rin
sa tawag na rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol. Lumaganap ang paghihimagsik sa
iba’t ibang bahagi ng bansa. Nanguna sa himagsikang ito ang mga lalawigan ng Batangas,
Bulacan, Cavite, Laguna, Nueva Ecija,
Pampanga, Maynila at Tarlac.

Ang nakalulungkot na pangyayari, sa panahon ng pakikipaglaban sa mga Espanyol ay


nahati sa dalawang pangkat ang Katipunan, ang pangkat Magdalo ni Emilio Aguinaldo at
pangkat Magdiwang ni Andres Bonifacio. Ang alitan sa pagitan ng dalawang pangkat ay
nakaapekto sa layunin ng samahan.

Inanyayahan si Bonifacio sa isang pagpupulong upang mamagitan sa paglutas ng


suliranin ng dalawang pangkat. Nagtungo si Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na si
Procopio para pag-usapan kung paano dedepensahan ang Cavite dahil ang mga
Katipunero ay nakararanas ng madalas na pagkatalo sa labanan at upang tapusin na ang
lumalalang hidwaan ng pangkat Magdalo at pangkat Magdiwang. Nagpulong sila sa
Tejeros, Cavite noong Marso 22, 1897 at napagkaisahan nilang bumuo ng isang
pamahalaang rebolusyonaryo na hahalili sa Katipunan. Sa oras ng pagtitipon ay wala si
Aguinaldo. Si Bonifacio ang namuno sa kumbensiyon. Nahalal si Emilio Aguinaldo bilang
pangulo at si Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interyor. Subalit ito ay tinutulan ni Daniel
Tirona dahil si Bonifacio diumano ay hindi isang abogado. Nagdamdam si Bonifacio lalo pa’t
napagkasunduan sa una pa lamang na igagalang ng lahat ang resulta ng halalan. Dahil
12
dito ay idineklara niyang walang bisa ang halalang iyon. Nilisan niya ang kumbensiyon
kasama ang kanyang mga tagasunod. Gayunpaman, nanumpa pa rin sa tungkulin si Emilio
Aguinaldo bilang pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan.
TEJEROS CONVENTION
Dinakip at inakusahan agad ng pamahalaan si Andres Bonifacio at ang kapatid nitong si
Procopio ng rebelyon. Kahit walang sapat na ebidensya ay pinatawan ng parusang
kamatayan ang magkapatid. Sila ay hinatulang nagkasala ng sedisyon o pagtataksil sa
bayan. Kaya, noong Mayo 10, 1897, ang magkapatid na Andres at Procopio ay binaril sa
Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite.
Pagkatapos ng pagpatay kay Bonifacio ay humina na ang mga manghihimagsik. Dahil
dito, ang hukbo ni Aguinaldo ay napilitang lumipat sa Batangas. Mula rito, sila ay nagtungo
sa Bulacan kung saan itinatag ni Emilio Aguinaldo ang Republika ng Biak-na-Bato. Noong
Nobyembre 1, 1897, pinagtibay ang Saligang batas ng Biak-na Bato na binuo nina Felix Ferrer
at Isabelo Artacho.

Ang nakasaad sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato:

❖ Paghiwalay ng Pilipinas sa Espanya at pagtatayo ng Republikang Pilipino


❖ Kalayaan sa pananampalataya
❖ Kalayaan sa Edukasyon
❖ Kalayaan sa panulat
❖ Kalayaan sa pagtataguyod ng sariling propesyon

Nabuo sa isipan ni Gobernador-heneral Primo de Rivera na hindi mapipigil ang rebolusyon


kaya nagpasya siyang makipagkasundo. Ngunit tumanggi si Aguinaldo na makipag-usap sa
kinatawan ni Rivera. Dahil dito ang Espanyol-Pilipino na si Pedro Paterno ay nagboluntaryong
mamagitan sa dalawang panig upang ang mga ito ay magkasundo. Ang kasunduang
pangkapayapaan ay nilagdaan nina Heneral Emilio Aguinaldo at Gobernador-heneral
Primo de Rivera noong Disyembre 14, 1897.

Nilalaman ng Kasunduan sa Biak-na- Bato


Panig ng mga Pilipino Panig ng mga Espanyol
(Emilio Aguinaldo) (Gobernador-heneral Primo de Rivera)
Mga Hininging Pagbabago: Mga Hiningi at Ibibigay:

⮚ Sekularisasyon (pagtatalaga ng ⮚ Maninirahan sina Aguinaldo at


mga paring Pilipino) sa mga parokya at mga kasama nito sa Hongkong
pagtatanggal sa mga organisasyon ng ⮚ Babayaran ng halagang
mga Espanyol Php.800,000.00 sina Aguinaldo kapag
⮚ Pagtatalaga/paglalagay ng mga umalis, isusuko ang 700 na sandata, at
Pilipinong kinatawan sa pamahalaan uutusan ang ibang mga
maghihimagsik na sumuko rin

13
⮚ Pantay na pagtingin sa mga ⮚ Magbabayad ng Php.900,000.00
Pilipino sa harap ng batas sa mga pamilyang napinsala ng
⮚ Kalayaan sa pagsasalita, labanan na hindi kasama sa
pagpapahayag, at pagpupulong himagsikan

Maganda ang layunin ng kasunduan subalit ito ay nabigo. Ang kawalan ng


pagtitiwala ng magkabilang panig sa isa’t isa ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay
ang kasunduan. Ang mga Pilipino ay naghinala sa tunay na layunin ng mga Espanyol kaya
hindi sila nagsuko ng kanilang sandata. Nagpatuloy ang labanan at halos tanaw na ng mga
Pilipino ang tagumpay.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang sinisimbolo ng Sigaw sa Pugad-Lawin?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_____________________

2. Bakit pinawalang bisa ni Andres Bonifacio ang halalan na naganap sa Kumbensyon


sa Tejeros?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________

3. Ano ang layunin ng pagtatatag ng Republika ng Biak-na-Bato?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________

4. Sa iyong palagay, bakit nabigo ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng


Himagsikan?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________

14
Partisipasyon ng mga kababaihan sa
Aralin
rebolusyong Pilipino.
4
SURIIN

Ang KKK o Kataastaasang, Kagalanggalang


Katipunan ng mga Anak ng Bayan ay itinatag ni
Andres Bonifacio matapos na mabuwag ang
naunang samahang La Liga Filipina. Sa likod ng
rebolusyon na naganap sa pagitan ng mga Pilipino
at mga dayuhang Kastila ay ang mga bayaning
nagbuwis ng kanilang buhay para makamit ang
kalayaan. Ilan sa mga bayaning ito ay mga
kababaihan. Bitbit ang katangian ng isang
makabayang Pilipino, sinuong ng ilang mga
kababaihan ang hamon ng rebolusyon.

Hindi madali ang naging gampanin ng mga


kababaihan sa Katipunan. Bagamat sa panahon
ng mga Kastila, ang mga babae ay nasa ilalim ng
kapangyarihan ng mga kalalakihan, hindi nito
napigilan ang ilang mga natatanging kababaihan
na naging bayani ng ating bansa. Paano nga ba
napasama ang mga kababaihan sa naging
himagsikang Pilipino? Karamihan sa mga naging
katuwang ng mga Katipunero sa pakikipaglaban
para sa kalayaan ay ang kanilang mga asawa, anak, kapatid at malalapit na kamag-anak.
Narito naman ang ilan sa mga naging tungkulin ng kababaihan sa katipunan:

a. Nagsilbing manggagamot ng mga katipunero


b. Nakikipag-ugnayan sa mga tao upang mangalap ng mga impormasyon
c. Nagtatago ng mga mahahalagang kasulatan o dokumento ng samahan
d. Nagsasagawa ng mga kasiyahan at sayawan upang maitago mula sa mga guwardiya
na Kastila ang mga pagtitipon ng mga katipunero

Hindi maikakaila ang pagsubok na pinagdaanan ng mga kababaihang Pilipino sa panahon


ng Kastila lalo na’t nang sila ay umanib sa katipunan. May kanya-kanya man silang naging
dahilan at pinagmulan ngunit iisa pa rin ang kanilang hangarin para sa bansa. Ilan sa mga
natatanging kababaihan na nagkaroon ng partisipasyon sa rebolusyon ay ang sumusunod:

15
☑ Tinaguriang “Joan of Arc” ng Visayas
paalinsunod sa bayaning Pranses na namuno sa
TERESA MAGBANUA pakikibaka laban sa mga Ingles sa Orleans, France
(Nobyembre 4, noong 1492.
1869-Agosto 1947) Bumalik sa kanyang bayan upang magsilbing

guro at magsasaka; tumigil lamang sya sa pagtuturo at
tumulong sa asawa niya sa gawain sa bukid.
☑ Nang sumiklab ang digmaan pumunta siya sa
kampo ng mga naghihimagsik na pinamunuan ni Hen.
Perfecto Poblador upang umanib.

☑ Asawa ni Diego Silang.


☑ Siya ay naglalarawan sa babaeng may hawak
GABRIELA SILANG na tabak habang nakasakay sa kabayo.
(Marso 19, 1731- ☑ Pinangunahan ang labanan sa Ilocos nang
Setyembre 20, mamatay ang kanyang asawa.
1763) ☑ Nahuli ng mga Kastila at binigyan ng parusang
kamatayan.

☑ Kapatid ni Dr. Jose Rizal.


JOSEFA RIZAL ☑ Naglingkod bilang pangulo ng lupon ng mga
(1865 - 1945) kababaihan sa Katipunan.
☑ Sila ang nangangalaga sa mga mahahalagang
kasulatan ng Katipunan.

☑ Tinaguriang “Henerala Agueda”.


AGUEDA ☑ Itinalaga ni Hen. Miguel Malvar na pangunahan
KAHABAGAN ang hukbo ng mga kalalakihan na may dalang mga
(taon ng armas.
kapanganakan at ☑ Kasama si Hen. Artemio Ricarte na
kamatayan ay nakipaglaban sa San Pablo, Laguna at habang sakay
hindi nakatala) ng kabayo ay hawak ang kanyang mga armas sa
magkabilang kamay.

16
☑ Siya ang nanguna sa pangangalaga ng mga
TRINIDAD sugatang rebolusyonaryo sa Biak-na-Bato, San Miguel,
TECSON Bulacan kung kaya’t kinilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato”.
(Nobyembre ☑ Tumulong sa pangangalap ng mga armas sa Nueva
18, 1848 – Ecija at Kamaynilaan bago sumiklab ang rebolusyon. Isa
Enero 28, 1928) siya sa iilang kababaihan na humawak ng armas at
nakipaglaban kasama ng mga kalalakihan sa rebolusyon.
☑ Natatanging babae na sumailalim sa sanduguan o
“blood compact” ng Katipunan.
☑ Binansagan din siyang ina ng Red Cross sa Pilipinas
para sa kaniyang paglilingkod sa mga kasamang
Katipunero.

☑ Ipinanganak sa Kalookan at anak nina Nicolas de


GREGORIA DE Jesus at Baltazara Alvarez. Siya ang asawa ng supremo ng
JESUS Katipunan na si Andres Bonifacio.
(Mayo 9, 1875 – ☑ Kilala sa bansag na “Ina ng Katipunan”, “Ina ng
Marso 15, 1943) Himagsikan” at “Lakambini ng Katipunan”.
☑ Karaniwang tinatawag ng mga manghihimagsik na
“Inang Oriang” at naging tagapag-ingat ng mga
mahahalagang kasulatan ng samahan.
☑ Tinagurian bilang Tandang Sora na sa kanyang
MELCHORA edad na 84 ay naging bahagi ng Katipunan noong
AQUINO sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres
(Enero 6, 1812 – Bonifacio noong taong 1896.
Marso 2, 1919) ☑ Hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit
nasa kanya ang katangian ng mabuting pakikipagkapwa-
tao.
☑ Kinupkop niya ang mga Katipunero, ginamot,
pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta
niya ang mga ito sa lugar na ligtas mula sa pag-uusig ng
mga Kastila.
☑ Nagmay-ari ng 25 ektaryang lupain kung saan
nagtitipon ang mga katipunero. Siya ay dinakip at
ipinatapon ng mga Kastila sa Guam.

☑ Ipinanganak sa Kawit, Cavite sa isang mag-asawang


magsasakang sina Atanacio Montoya at Jacoba Patricio.
GREGORIA ☑ Nang sumiklab ang rebolusyon noong 1896 at bilang
MONTOYA y paghihiganti sa pagkamatay ng kanyang asawang si Cacpal, sumapi
PATRICIO sa paksyon ng Magdalo si Montoya at pinangunahan ang labanan sa
(Nobyembre 28, Imus kung saan nakakuha sila ng 13 armas mula sa kalaban.
1863) ☑ Sa isang malawak na palayan sa Calero, Noveleta, malapit sa
pangpang ng Dalahican, tumayo si Montoya habang hawak ang
bandila ng Katipunan at hawak sa kabilang kamay ang isang bolo at
doo’y tinamaan siya ng bala ng kanyon sa kanyang puson na naging
sanhi ng kanyang kamatayan.

17
☑ Kilala bilang “Heroine of Jaro” at Tia Patron.
PATROCINIO ☑ Mula sa pamilya ng mga ilustrado ngunit nakiisa sa
GAMBOA y hangarin na makamit ang kalayaan ng bansa mula sa
VILLAREAL mga Kastila
(taon ng Umanib sa hukbo ng rebolusyon upang manguna

kapanganakan sa pangangalap ng pondo para sa panggagamot sa
at kamatayan ay
mga sugatang sundalo at bilang isang nars ng Red Cross.
hindi nakatala)
☑ Naipuslit ang replica ng watawat ng Pilipinas mula
sa mga guwardiyang Kastila upang dalhin sa Santa
Barbara para sa pagtatag ng rebolusyonaryong
pamahalaan sa Visayas.
MARCELA ☑ Asawa ng Pilipinong diplomatiko na si Felipe
AGONCILLO Agoncillo. Kasama ang kanyang anak na si Lorenza at
(Hunyo 24, 1860- pinsan ni Dr. Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad
Mayo 30, 1946) ang nagtahi ng unang bandilang Pilipino na ginamit ni
Hen. Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano – ano ang naging partisipasyon ng mga kababaihan sa panahon ng


rebolusyon?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
__________

2. Paano nakakatulong sa pag-unlad ng rebolusyong Pilipino ang mga ginampanan ng


mga kababaihan?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
__________

3. Paano mo mailalarawan ang katangian ng mga kababaihan sa panahon ng


rebolusyong Pilipino?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
__________

18
REFERENCE

Aralin 1
https://tinyurl.com/y8ndpfcx

Aralin 2

https://tinyurl.com/r3yj4p8d
https://tinyurl.com/4jbfrhfu

Aralin 4
https://tinyurl.com/y7bw652y

https://tinyurl.com/yat8z8bc

https://tinyurl.com/y8bop6xm

https://tinyurl.com/ybuj8ae4

https://tinyurl.com/ycjjmx9f

https://tinyurl.com/y8xmfvb9
https://tinyurl.com/y9gxb2k6

https://tinyurl.com/ybhb8x4d

https://tinyurl.com/ya9bswkz

https://tinyurl.com/ycctvdeh

https://tinyurl.com/yayb96bg

19
Susi sa pagwawasto
Unang Markahan

Aralin 1

● Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo?
2. Anu-ano ang naging dahilan sa pag-usbong ng kaisipang liberal sa bansa?
3. Paano nakatulong ang pagpasok ng kaisipang liberal sa bansa?

1. A. Pagbabagong pang-edukasyon
B. Pagbabagong pangkabuhayan
C. Pagbabagong panrelihiyon
D. Pagbabagong pampulitika

2. A. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan/ Pagbubukas ng Suez Canal


B. Pag-usbong ng Uring Mestizo
C. Pagpapatibay ng Dekretong Pang-edukasyon

3. A. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan/ Pagbubukas ng Suez Canal


Paano ito nakatulong sa pagpasok ng liberal na ideya sa bansa?
● Ang pagbubukas natin sa pandaigdigang kalakalan ay nakapagdala ng maraming
produkto at kaisipan mula sa Europa. Nakarating sa atin ang mga aklat na naglalaman ng
mga subersibo (liberal na kaisipan) tulad ng “Uncle Tom’s Cabin at Count of Monte Cristo”
na nabasa ng ilang mga Pilipino.
● Dala rin ng kalakalan ang ilang mga balitang kaugnay ng rebolusyong nagpalaya sa
Estados Unidos at France na naging inspirasyon ng marami.

B. Pag-usbong ng Uring Mestizo


Paano ito nakatulong sa pagpasok ng liberal na ideya sa bansa?
● Maraming mestizo sa Pilipinas ang nakapag-aral sa mga tanyag na paaralan sa
Pilipinas, ngunit may mga iilan na nakapag-aral sa Europa at mas lalong naunawaan ang
liberal na kaisipan. Naunawaan nilang hindi maganda ang pagtrato ng mga prayle at
opisyal ng pamahalaan sa mga Pilipino. Sila ay naging mga ilustrado o the learned na
magpapaliwanag sa mga Pilipino ng kanilang pagkaalipin.

C. Pagpapatibay ng Dekretong Pang-edukasyon


Paano ito nakatulong sa pagpasok ng liberal na ideya sa bansa?

● Ang dekretong pang-edukasyon ay nakatulong ng lubos upang maunawaan ng


maraming Pilipino ang liberal na kaisipan mula sa kanilang mga aklat na binabasa. Ito ay
dahil sa ang nasabing dekreto o batas ay nagbigay ng pahintulot sa mga Pilipinong
matutunan ang wikang Espanyol at Latin na ginagamit ng mga dayuhan. Nagbago rin ang
tingin ng mga Pilipino sa pagbabago. Kung dati ay yaman lamang ang batayan nila ng pag-
unlad, ay itinuring na rin nila ang pagkakaroon ng edukasyon na simbolo ng pag-unlad at
pagbabago. Sinikap ng maraming Pilipino na makapag-aral mula sa paniniwalang ito.
20
Aralin 2

Pamprosesong Tanong:

1. Ano- ano ang mga layunin ng Kilusang Propaganda?


Sagot:
Magkaroon ng pantay na pagtingin sa ilalim ng batas ang mga Pilipino at Espanyol
Gawing lalawigan ang Pilipinas ng Espanya
Representasyon ng mga Pilipino sa Cortes
Sekularisasyon
Kalayaan sa pamamahayag at pananalita.

2. Ano-ano ang mga layunin ng Katipunan?


Sagot:
Pampolitikal-nagsusulong ng Kalayaan mula sa Espanya
Moral-Turuan ang mga tao ng kalinisan, mabuting asal at labanan ang bulag na pagsunod
sa pananampalataya at kahinaan ng karakter.
Sibika-Tulungan ang sarili at ipagtanggol ang mga mahihirap at naaapi.

3. Sa iyong palagay, alin ang mas epektibong kilusang humihingi ng reporma? Bakit?
Sagot:
Mas naging epektibo sa paghingi ng reporma ang Katipunan bunga na rin ito ng kabiguan
ng Kilusang Propaganda na maipahayag sa pamahalaang Espanya ang hangarin at
hinaing ng mga Pilipino sa kamay ng mapang-abuso at tiwaling pamahalaang Espanya.

Aralin 3

● Pamprosesong Tanong:

1. Paano naganap ang Sigaw sa Pugad-Lawin? Ano ang mga pangyayaring may
kaugnayan rito?
2. Bakit pinawalang bisa ni Andres Bonifacio ang halalan na naganap sa Kumbensyon
sa Tejeros?
3. Ano ang layunin ng pagtatatag ng Republika ng Biak-na-Bato?
4. Sa iyong palagay, bakit nabigo ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng
Himagsikan?

1. Ang Sigaw sa Pugad-Lawin ay naganap matapos matuklasan ng mga Espanyol ang


KKK, isang lihim na kilusan.

21
2. Napagkasunduan ng mga Katipunero sa pangunguna ni Andres Bonifacio na simulan
na ang paghihimagsik laban sa mga Espanyol. Pinunit nila ang kanilang mga sedula at
sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas” bilang tanda ng kanilang pakikipaglaban.
Nag- ugat ang pagpapawalang-bisa ni Bonifacio sa naganap na halalan sa Kumbensyon
sa Tejeros sa pagtutol ni Daniel Tirona nang siya ay mahalal bilang Direktor ng Interyor ng
bagong tatag na Rebolusyonaryong Pamahalaan.

3. Ang layunin ng pagtatatag ng Republika ng Biak-na-Bato ay ihiwalay ang Pilipinas sa


Espanya at makamit ang kalayaan sa pananampalataya, edukasyon, panulat, at
mapaunlad ang sariling propesyon.

4. Ang isang malaking kabiguan o naging hadlang upang magtagumpay ang mga
Katipunero sa pakikipaglaban ay ang hindi pagiging buo ng kanilang samahan,
pagkakampi-kampi, at kawalan ng tiwala sa isa’t isa.

Aralin 4

Pamprosesong Tanong:

1. Ano – ano ang naging partisipasyon ng mga kababaihan sa panahon ng rebolusyon?

2. Paano nakakatulong sa pag-unlad ng rebolusyong Pilipino ang mga ginampanan ng mga


kababaihan?

3. Paano mo maisasalarawan ang katangian ng mga kababaihan sa panahon ng


rebolusyong Pilipino?

1. Partisipasyon ng mga kababaihan sa panahon ng rebolusyon?

Nagsilbing manggagamot ng mga katipunero,Nakikipag-ugnayan sa mga tao upang


mangalap ng mga impormasyon,Nagtatago ng mga mahahalagang kasulatan o
dokumento ng samahan,Nagsasagawa ng mga kasiyahan at sayawan upang maitago
mula sa mga guwardiya na Kastila ang mga pagtitipon ng mga katipunero,Naglingkod sa
mga kasamahang katipunero,naglingkod bilang pangulo ng Katipunan.

2. Ang ginampanan ng mga kababaihan na nakatulong sa pag-unlad ng rebulosyong


Pilipino ay ang pagpapatuloy ng pakikipaglaban ng nasawi ang kanilang asawa katulad ni
Gabriela Silang,pinagpatuloy nya ang pakikipaglaban ng namatay ang kaniyang
asawa,Nakatulong din ng sila ay umanib sa Katipunan at ang kanilang layunin ay iisa.Bitbit
ang katangian ng isang makabayang Pilipino,sinuong ng ilang kababaihan ang hamon ng
rebulosyon.

3. Ang katangian ng mga kababaihan sa panahon ng rebolusyong Pilipino ay matatapang,


matatalino,matulungin, may prinsipyo,may paninindigan at may malasakit at pagmamahal
sa mga pilpino at sa bansang Pilipinas.

22

You might also like