You are on page 1of 2

 Aralin 15 Mga Pagbabago sa Panahon ng mga Amerikano Inihanda ni: Arnel O.

Rivera
 2. Panimula • Sa loob ng mahigit apatnapung taong pananakop sa bansa, maraming natutuhan
ang mga Pilipino sa kultura ng mga Amerikanong nagpabago sa kanilang pamumuhay.
 3. Pamayanan • Isinaayos ng mga Amerikano ang mga pamayanan sa bansa sa pamamagitan
ng pagsasama-sama o paghahati-hati ng mga pamayanan. May mga lugar na inilaan upang
maging sentro ng kaunlaran.
 4. Lungsod • Ang mga mauunlad na bayan ay ginawang mga lungsod. Ito ang naging
pangunahing sentro ng pamahalaan, kalakalan, at edukasyon. Ilan sa mga lungsod na itinatag ng
mga Amerikano ay ang Baguio, Bacolod, Davao at Zamboanga.
 5. Transportasyon • Ipinakilala ng mga Amerikano ang iba’t ibang uri ng sasakyang-panlupa,
pandagat at panghimpapawid sa bansa. Pinagtuunan din ang pagsasaayos at pagpapagawa ng
mga tulay, lansangan, daungan at mga breakwater.
 6. Escolta, Manila (1905) Tranvia na de kuryente na pag-aari ng MERA
 7. China Clipper ng PAN-AM
 8. Edukasyon • Tatlong pangunahing layunin ng edukasyon noong panahon ng Amerikano. –
Pagpapalaganap ng demokrasya – Pagtuturo ng wikang Ingles – Pagpapakalat ng kulturang
Amerikano Si Gob. William H. Taft kasama ang mga Thomasites at kanilang mga mag-aaral
 9. Edukasyon • Ipinakilala din mga Amerikano ang sistema ng pampublikong paaralan. • Ang
mga matatalinong mag-aaral ay ipinadala sa Estados Unidos upang makapag-aral ng libre.
Tinawag sila bilang mga pensyonado (iskolar).Camilo Osias, kasapi sa unang pangkat ng mga
 10. Mga Paaralang Itinatag ng mga Amerikano • Philippine Normal School (1901) • Siliman
University (1901) • Centro Escolar University (1917) • University of the Philippines (1908) •
University of Manila (1914) • Philippine Womens University (1919) • Far Eastern University
(1919)
 11. Relihiyon • Ipinatupad ng mga Amerikano ang patakaraan ukol sa pag- hihiwalay ng
simbahan at estado. • Ipinakilala din nila ang relihiyong Protestantismo at pamamahagi ng
bibliya.
 12. Relihiyon • Pinayagan din ang pagtatatag ng bagong mga relihiyon tulad ng Philippine
Independent Church (Gregorio Aglipay) at Iglesia ni Cristo (Felix Manalo).
 13. Konlusyon • Ang mga pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano ay nakatulong sa pag-unlad ng bansa. Higit ang naging pag-unlad nito kung
ihahambing noong panahon ng mga Kastila. Gayumpaman, mayroon din itong masamang
naidulot na naging dahilan ng Kilusang Propaganda noong panahon ng Amerikano.

Ang edukasyon ng Pilipino sa panahon ng mga Amerikano ay naiiba sa


edukasyon sa ilalim ng mga Kastila. Kung sa panahon ng mga Kastila ay tanging mga
mamamayan, maykaya at makapangyarihan lamang ang nakapag-aaral, ang sa
Amerikano ay demokratiko. Nangangahulugang bukas-palad ang paaralan sa lahat ng
nais matuto. Ang mga batang Pilipino ay pinipilit na pamasok sa paaralan, paano’y
urong-sulong sila kung mag-aaral o hindi. Upang mahikayat ang mga batang pumasok
sa paaralan nang sila’y matuto ng Ingles, binibigayan sila ng lapis at papel at may libre
ring pagkain. Isa pang ikinaiiba ay ang edukasyong Amerikano ay hindi nakasalig sa
relihiyon. Ang tuon nila ay sa mga paraang gagawin upang maging mabuting
mamamayan ang Pilipino. Ang layunin ng edukasyong Kastila ay gawing mabuting
mamamayan ang mga Pilipino para sa kabilang-buhay samantalang ang sa Ameikano
ay gawing mabuting mamamayan para sa buhay dito sa lupa.

Kung pilit ng mga Kastila na magsaulo ang mga batang Pilipino, pinilit naman ng
mga Amerikano na ituro ang wikang Ingles sa lahat ng paaralang-bayan. Ang Kastila ay
hindi inalis sa mga paaralang Kastila ang ginagamit na wika. Gaya ng San Juan de
Letran, Ateneo de Manila at iba pa. Ang puno’t dulo nito’y marami sa ating
kababayanng Pilipino ay natuto ng wikang Ingles. Isa pang insentibo na ibinigay ng mga
Amerikano upang maging “Kayumangging Amerikano” o “Amerikanong Kayumanggi” ay
ang pagpapadala sa Amerika ng mga Pilipinong “may berdeng utak” upang
magpakadalubhasa sa larangang kanilang napili. Masasabing ang lahat ng ito’y
tagapagbandila ng sibilisasyong Amerikano. Ang mga Pilipino ay nagpilit magsalita ng
Ingles bagamat nagkakabuhul-buhol ang kanilang mga dila.

Ang kurikulum na ipinasok ng mga Amerikano sa mga paaralang-bayan ay sipi


sa kurikulum sa Estados Unidos. Ang naging bunga nito’y higit na naunawaan ng mag-
aaral na Pilipino ang mga salitang Ingles at kulturang Ingles kaysa mga bagay na
katutubong Pilipino. Maging ang mga aklat na ginamit ay pawang galing sa Amerika.
Dahil dito, ang lahat ng natutuhan ng ma Pilipinong mag-aaral ay mga bagay na
palasak sa Amerika ngunit di kilala sa Pilipinas. Ito marahil ang pinagmulan ng “colonial
mentality” ng mga Pilipino.

Ang nagaganap na ito sa mga paaralang-bayan ay nababatid ni Quezon kaya’t


nang naging pangulo siya ng Makasariling Pamahalaan ay pinalitan niya ang mga aklat
at ginawang Pilipino ang diwa’t kaluluwa. Sinimulang ituro ang talambuhay ng mga
bayaning Pilipino. Upang makasunod sa itinatadhana ng Konstitusyon na ang
edukasyong primarya ay libre. Nagpanukala si Quezon sa Asamblea na lakihan ang
badyet ng Kagawaran ng Pagtuturong Pambayan. Ang badyet noong 1939-40 na
30,000 milyong piso ay ginawang 35.5 milyon. Nilikha rin ni Quezon ang batas ukol sa
mga Paaralang Pribado at ang Tanggapan ng Edukasyong Pribado sa Pilipinas. Ang
layunin nito’y mapagbuti ang istandard ng mga paaralang pribado gayon din ang mga
unibersidad. Sa panahon din ni Quezon naganap ang pagtuturo sa mga matatandang di
marunong bumasa’t sumulat. Noong 1936 ay itinatag ang Tanggapan ng Edukasyon ng
Matatanda na ang mga layunin ay ang mga sumusunod: 1.) ituro sa matatanda ang
pagiging mabuting mamamayan; 2.) pagtuturo ng karunungang bokasyonal; 3)
pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa mga di-marunong bumasa’t sumulat; 4.) pagtuturo
sa mga babaeng wala sa paaralan; at 5.) pagpapalaganap ng mga gawain ng
tanggapan. Bunga nito, bago sumiklab ang digmaan noong 1941, ang bilang ng mga
paaralan para sa matatanda ay umabot na sa 2,457 na may 148,000 humigit-kumulang
na mag-aaral.

You might also like