Professional Documents
Culture Documents
Walang pag-aalinlangang binura at sinunog ng mga kastila ang halos lahat ng mga manuskripto
at ebidensiya ng edukasyon at kultura ng mga ninuno natin sa paniniwalang ito raw ay gawa ng
diyablo
Pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng kolonyalismong Kastila ang pagtuturo ng
Katolisismo at pagpapailalim ng mga katutubo sa korona ng Espanya
Ang mga unang paaralan, dala ng mga misyonero, ay pagsunod sa kautosan ni Charles V noong
Hulyo 17, 1550 na nagtakda na ang lahat ng mga sinakop ng Espanya ay tuturuan ng wikang
Español.
Pinag-aral sa mga sekondaryang paaralan ang mga anak ng mga dating namumuno sa mga
barangay bilang preparasyon sa magiging papel nila bilang mga gobernadorcillo at Cabeza de
Barangay
Itinayo ng mga Heswita ang Colegio de Niños noong 1596 subalit nagsara rin ito matapos ang
limang taon
Colegio Maximo de San Ignacio (1589) - itinatag ng mga Heswita at ito’y naging unibersidad
noong 1621.
College of San Ildefonso (1599) - ngayo’y University of San Carlos sa Cebu College of San Jose
(1601)
College of the Immaculate Conception (1817) - ngayo’y Ateneo de Manila University
Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario (1611) - ngayo’y Unibersidad sa Santo Tomas
Seminario de Niños Huerfanos de Pedro y San Pablo (1620) - ngayo’y College of San Juan de
Letran
Minamaliit ng mananakop ang kaalamang lokal samantalang pinalaganap ang konserbatibo at
pseudo- siyentipikong kaalaman sa mga paaralang pinapatakbo ng simbahan.
Patuloy ang pagtuturo ng metapisikal.
Ang cura paroko ng simbahan ang namimili ng maestro sa mga eskwelahan na magtuturo ng
alpabeto sa mga bata at pangunahin ang doktrina ng relihiyong Katoliko.
Katekismo ang pokus ng edukasyon.
Mekanikal na pinapabasa at pinapamemorya ang mga misteryo ng rosaryo, dasal at mga ritwal
ng simbahan.
Education Degree of 1863 naging compulsory ang edukasyong primarya bagama’t may
diskriminasyon pa rin sa mga indio at monopolyo pa rin ng simbahan ang edukasyon sa bansa.
Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang malubos ang kanilang pananakop sa bansa at
magtagumpay ang kanilang kampanya ng pasipikasyon.
Pagkapanalo ni Comodore Dewey noong 1898 ay agad pinangasiwaan ng mga Amerikanong
sundalo ang 39 na eskwelahan sa Maynila na may apat na libong (4,000) estudyante
Ang mga naunang mga gurong pampubliko ay mga Amerikanong sundalo.
Sa pamamagitan ng Act 74 na nilagdaan ni Pangulong McKinley noong Enero 1901 ay nailatag
ang struktura ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Amerikano.
Itinatag ang Departament of Public Institution, na nagdala ng mahigit isang libong (1,000)
Amerikanong guro sa bansa, lulan ng barkong S.S. Thomas, na nakilala bilang mga Thomasites,
at ginamit ay ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan.
“Loyalty of the inhabitanants to the soverienty of the United States, and implanting the ideas of
western civilization among them.”