You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga

Amerikano
Mararamdaman ang epekto ng pananakop ng mga Amerikano sa Sistema
ng pampublikong edukasyon na itinayo nito sa bansa. Matapos
mapasakamay ng mga Amerikano ang Maynila noong Mayo 1898,
sinimulan na ang pagtatatag ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.
Sa simula, mga sundalong Amerikano muna ang nagsilbing unang guro
na kalaunan ay napalitan ng mga gurong galing sa America. Ang
pinakamalaking pangkat ng mga guro ay dumating sa Pilipinas noong
1901 lulan ng barkong Thomas. Itinalaga sa Maynila at mga lalawigan
ang mga gurong ito na binansagang Thomasites.

Sa ilalim ng Batas bilang 74, itinatag ang Kagawaran ng Pampublikong


Instruksiyon (Department of Public Instruction). Sa pamamagitan din ng
batas na ito ay nabigyang-daan ang pagkakaroon sa bansa ng mga
normal school at trade school tulad ng Philippine Normal
School/University at ang Philippine School of Arts and Trades na kilala
ngayon bilang Technological University of the Philippines.

Noong 1903, nagpadala ng mga Pilipinong iskolar ang pamahalaang


kolonyal sa America. Tinawag silang mga pensionado dahil tinutustusan
ng pamahalaan ang kanilang pag-aaral. Marami sa kanila ang nag-aaral
ng edukasyon, abogasya, medisina at inhinyeriya. Pagbalik ng mga ito sa
Pilipinas, sila ang mga naging guro at propesor o kaya ay tagapaglingkod
sa ibat-ibang sangay ng pamahalaan.

Noong 1907, pinalabas ng Asamblea ng Pilipinas ang Batas Gabaldon na


isinulat ng mambabatas na si Isauro Gabaldon ng Nueva Ecija. Sa
pamamagitan ng batas na ito, nabigyang-bisa ang pagtatayo ng
dalawang pampublikong paaralan sa bawat lalawigan. Maraming
estudyante ang nakapasok sa mga pampublikong paaralan dahil ito ay
sapilitan. Ingles ang ginamit bilang wikang panturo.

Bagamat hindi na bago sa Pilipinas ang libre at sapilitang pagpapaaral


dahil naisagawa na ito noong panahon ng mga Espanyol, mas malakas
naman ang naging epekto ng programa ng mga Amerikano dahil naging
mas malawak ang saklaw nito. Bukod sa matrikula, libre rin ang mga
aklat, lapis at papel. Kaugnay pa nito, nagpalabas din ang mga
Amerikano ng kautusan na maaring ikulong ang mga magulang na hindi
pinapapasok ang kanilang mga anak sa paaralan. Dahil sa patakarang
ito, lumaki ang bahagdan ng mga mamamayan na natutong bumasa at
sumulat at ang wikang Ingles ay agad na naging pangunahing wika ng
edukasyon at pamamahayag. Naging daan din ang edukasyon sa
pagsalin ng mga kaalamang Kanluranin ukol sa pag-aalaga ng kalusugan
at pagpapanatili ng kalinisan upang makaiwas sa sakit.

Sa panahon din ng mga Amerikano, naitatag sa bansa ang mga


pamantasan tulad ng Unibersidad ng Pilipinas nooong 1908. Ito ang
naging sentro ng edukasyong sekular na hindi katulad ng mga
pamantasang pinatatakbo ng mga Kongregasyong Katoliko.

Bukod sa simbahang Katoliko, binigyang-laya rin ng mga Amerikano ang


ibang sekta ng relihiyon na makapagtatag ng mga institusyong pang-
akademya. Ang halimbawa nito ay ang mga Protestante na nagtatag ng
Silliman University sa Dumaguete sa isla ng Negros noong 1901.
Nakapagtatag din ang mga sekular na pribadong mga pamantasan tulad
ng Far Eastern University at University of Manila.

Nabigyan din ng pagkakataon ang pagtatatag ng mga unibersidad para


sa kababaihan tulad ng Escuela de las Seoritas na ngayon ay kilala
bilang Centro Escolar University at Philippine Womens University.
Nagbibigay-daan ito sa pag-usbong ng mga babaeng propesyonal sa
larangan ng medisina, abogasya at edukasyon.

Edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga


Kastila
Ang kultural na pagbabago ng lahing Pilipino ay batay sa relihiyon. Ang
edukasyon ay pinamahalaan ng mga prayle sa pamamagitan ng
pagbubukas ng mga paaralang parokya (paaralan ng simbahan) na
siyang naging isang paaralang itinatag sa Cebu.

Doctrina Christiana
Ang pagtatag ng mga paaralan ay isang paraan upang maitanim sa
isipan ng mag-aaral ang Kristiyanismo.

Ang paaralang primarya para sa mga batang katutubo ay naitatag


lamang sa huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo. Ang mga aralin ay
nakasentro sa relihiyon, bagamat itinuturo rin ang kagandahang-asal,
pagbasa, pagsulat, pagbilang, musika, Doctrina Christiana, at mga
kasanayang nauukol sa pamumuhay at pamamahay. Sinabi ni Padre
Pedro Chirino na ang mga Pilipino ay matatalino; madali nilang natutunan
ang wikang Kastila at pagbigkas nito. Madali rin nilang natutunan ang
kahit ano.

Nagtatag din ng mataas na paaralan ang pamahalaang Kastila upang


madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Noong taong 1565
dumating ang mga Agustino, Sumunod ang mga Pransiskano noong
1577. Dumating sa Marikina ang mga Hesuita noong 1581. Ang mga
Dominikano naman ay dumating noong 1587 at ang mga Rekolito noong
1606.

Kauna-unahang Paaralan para sa mga Lalaki[baguhin | baguhin ang


batayan]
May mga kolehiyo para sa mga lalaki na itinatag ng mga Hesuita tulad ng
Kolehiyo ng San Ignacio sa Cebu na ngayo'y seminaryo ng San Carlos at
Kolehiyo ng San Jose (1601) sa Maynila.

Seal ng Ateneo de Manila, dating Escuela Pia


Noong 1865 pinamahalaan ng mga Hesuita ang Escuela Pia ng Maynila.
Ito ang Ateneo de Manila University ngayon. Ang mga Dominiko ay
nagtatag din ng mga paaralan para sa mga lalaki. Ang una ay ang
Nuestra Senora del Rosario (1611) sa Maynila. Ito ang naging Kolehiyo ng
Santo Tomas.

Kauna-unahang Paaralang Pambabae[baguhin | baguhin ang batayan]


Intramurosjf0791 06.JPG
Colegio de Santa Rosa - Intramuros
Nagtatag din ng mga paaralang pambabae. Layunin ng mga ito na
ihanda ang kababaihan alinman sa pagiging mabuting asawa at ina ng
tahanan o sa pagmamadre. Ang ilang paaralan ay ang (Colegio de Santa
Potenciana - 1589), (Colegio de Sta. Isabel - 1632), (Colegio de Santa
Rosa - 1750), (Kumbento ng Asuncion - 1892), at (Colegio ng Concordia -
1896). Sa mga kolehiyong ito itinuturo ang Doctrina Christiana, Espanyol,
Latin, Kasaysayan, Matematika, Musika, kagandahang-asal, pagpipinta,
at sining-pantahanan tulad ng pananahi, pagbuburda, paggawa at pag-
aayos ng mga bulaklak.

Iba pang paaralang itinatag[baguhin | baguhin ang batayan]


Maliban dito, nagtatag ng iba pang mga paaralan at mga pamantasan. 3
unibersidad ang itinatag sa kapuluan. Ang una ay ang Unibersidad ng
San Ignacio na tumagal hanggang 1766. Ang pangalawa ay ang Kolehiyo
ng Nuestra Senora del Rosario na naging Unibersidad ng Santo Tomas. At
ang pangatlo ay ang Unibersidad ng San Felipe na tumagal hanggang
1726.

Ang paaralang bayan ay nagbukas ng paaralan para sa mga lalaki at isa


para sa mga babae sa bawat munisipyo. Maliban sa mga asignatura,
tinuruan ang mga babae ng pagbuburda, paggagantsilyo, at pagluluto sa
halip na pagsasaka.

Nagtatag din ng paaralang normal para sa mga lalaki sa pamamahala ng


mga Hesuita. Ang mga nakatapos sa pag-aaral dito ay naging guro sa
paaralang primarya. Sila ay ligtas sa pagbabayad ng buwis at sapilitang
paggawa. Ang mga gurong ito ay kinikilalang mataas na tao sa lipunan.
Kabilang sila sa mga principalia. Dahil dito, sila ay iginagalang at may
malaking impluwensiya sa pamayanan.
Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon
ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados
Unidos. Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng
hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941.
Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl
Harbor, Hawaii, at Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras
sina Heneral Douglas MacArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L.
Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng
militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa
puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan
ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan)
papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.[1]
Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si
MacArthur sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan
Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang
sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal
nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa
Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-tauhan
lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.[1] Noong Oktubre
1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga
Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Tangway
ng Leyte. Naproklaman bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osme a
nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na nabomba ng mga sundalo ng
Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano
ang mga puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang Bulubundukin
(Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa
tinatangka nilang pagtakas.[1]

You might also like