You are on page 1of 34

ARALIN

8:
 MGA PAARALANG PAROKYAL
 PAARALANG PAMBAYAN

ATING
 PAARALANG SEKUNDARYA
 PAARALANG PAMBABAE AT
PANLALAKI

ALAMIN  MGA PAARALANG NORMAL


 MGA UNIBERSIDAD
 EPEKTO NG EDUKASYONG
KOLONYAL
 ANTAS NG LIPUNAN NOONG
PANAHON NG ESPANYOL
 KATAYUAN NG MGA KABABAIHAN
SA LIPUNAN
Isa sa naging instrument ng mga Espanyol
sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay ang
edukasyon. Ang mga misyonero ang
nagpatayo ng mga paaralang parokyal at
misyonero. Ang mga misyonero ang
nagsilbing guro sa mga paaralang ito.
Pangunahing itinuturo rito ay relihiyon. Sa
mga paaralang primarya,pinababasa at
ipinasasaulo ang nilalaman ng Doctrina
Cristiana, ang unang aklat na nalimbag sa
Pilipinas.
Ang mga dasal at kanta ay itinuro sa
wikang Espanyol at Latin. Ipinakakanta sa
kanila ang mga himno sa nobena. Itinuro rin
ang wastong pag-uugali, pagsulat, pagbasa,
matematika, musika at sari-saring
hanapbuhay. Ang mga aralin ay isinasaulo at
ang hindi makasaulo ay pinaparusahan sa
pamamagitan ng pagpalo.
Tingnan at pag-aralan ang
guhit-panahon (timeline)
ng pagdating ng iba't
ibang pangkat ng mga
misyonero sa ating bansa.
Sa pagdaan ng maraming
taon,pinaunlad at pinalaki ng
mga misyonero ang paaralang
parokyal at misyonero.
Kalaunan ay nagpatayo na
rin sila ng mga kolehiyo at
MGA PAARALANG
PAROKYAL
• Ang mga unang paaralang naitatag ng mga
Espanyol noon ay mga paaralang parokyal na
pinamamahalaan ng mga kura paroko. Tinuruan
nila ang mga katutubo ng relihiyon, pagsulat,
pagbasa, pagbilang, paglikha ng sining at musika
at paghahanapbuhay. Ipinasaulo nila ang mga
aralin. Mabilis matuto ang mga katutubo dahil dati
na rin silang may hilig sa pag-aaral at dati nang
may Sistema ng edukasyon. 6
MGA PAARALANG PAMBAYAN
• Noong 1863, ipinag-utos ng hari ng Espanya ang
pagtatatag ng paaralang primarya para sa mga lalaki at
babae sa bawat lalawigan. Ipinag-utos din ang
pagpapatayo ng paaralang normal para sa mga guro sa
ilalim ng pamamahala ng mga Heswita. Sapilitan at
walang bayad ang pag-aaral sa primarya at wikang
Espanyol ang ginamit sa pagtuturo.
• Nagbukas ng mga paaralang pambayan ayon sa
itinadhana ng kautusan noong 1863 tungkol sa
edukasyon. Ang naging inspektor at tagasuri nito ay ang7
MGA PAARALANG PAMBAYAN
• Maraming kaalaman ang itinuro sa mga
kalalakihan tulad ng heograpiya, pagsasaka,
kasaysayang Espanyol, matematika, pagsulat,
Doctrina Christiana, magandang asal at pag-
awit. Ang mga ito ay itinuro rin sa kababaihan,
maliban lamang sa pagsasaka, heograpiya at
kasaysayang Espanyol. Pagbuburda,
paggagantsilyo at pagluluto ang kapalit na
itinuro sa kanila. 8
MGA PAARALANG
SEKUNDARYA
•Nagtatag din ang mga prayle ng mga
paaralang sekundarya. Ang layunin nito ay
upang maihanda ang mga mag-aaral sa
pagpasok sa mataas na paaralan.
•Itinatag ng mga Heswita ang Colegio de
San Ignacio noong taong 1589 sa Maynila.
•Sa Cebu, itinatag ang Colegio de San
Ildefonso. 9
MGA PAARALANG
SEKUNDARYA
•Itinatag din ng mga Heswita ang Colegio de
San Jose noong taong 1601.
•Ang mga Dominikano naman ay nagtatag
ng kanilang kolehiyo noong 1611. Ito ay ang
Colegio de Nuestra Senora del Santisimo
Rosario na naging Colegio de Santo Tomas
noong 1625.
10
MGA PAARALANG
SEKUNDARYA
•Ang mga itinuturo sa mga koleyihong
ito ay ang Banal na Kasulatan o
Bibliya, ang Doctrina Christiana, etika,
heograpiya, balarilang Latin at
Espanyol, matematika, panitikang Latin
at pilosopiya, lohika, retorika at
panulatan. Espanyol ang gamit na 11
MGA PAARALANG PAMBABAE AT
PANLALAKI
•Nagtatag din ng mga paaralang pambabae
na naglalayong gawing mabuting
maybahay ang mga kababaihan.
•Noong 1589, itinatag ang kauna-unahang
paaralang pambabae, ang Kolehiyo de
Santa Potenciana. Ang kolehiyong ito ay
para lamang sa mga anak na babae ng mga
sundalong Espanyol at sa mga ulila. 12
MGA PAARALANG PAMBABAE AT
PANLALAKI
Itinatag din ang:
•Kolehiyo ng Santa Isabel (1596),
•Beateryo ng Santa Catalina (1696),
•Kolehiyo ng Santa Rosa (1750),
•Kolehiyo ng Concordia (1869) at
•Kumbento ng Asuncion (1892).
13
MGA PAARALANG PAMBABAE AT
PANLALAKI
•Itinuro sa mga kolehiyong ito ang Doctrina
Christiana, Espanyol, Latin, kasaysayan,
musika, magandang asal, matematika,
pagpipinta at mga sining na pantahanan.
Binigyang diin ang pagtuturo ng kaalaman
tungkol sa gawaing pantahanan tulad ng
pagluluto, pagbuburda, pag-aayos ng
bulaklak at iba pa. 14
MGA PAARALANG PAMBABAE AT
PANLALAKI
• Taong 1589 nang itatag ng mga Heswita ang Colegio de
San Ignacio, ang kauna-unahang paaralang panlalaki na
pinamunuan ni Padre Antonio Sedeño, S.J. Ang
paaralang ito ay itinatag para sa mga kalalakihang
nagnanais na maging pari.
• Itinatag din ang Colegio de San Ildefonso sa Cebu (1596),
ang Colegio de San Jose sa Maynila (1601), ang Colegio
de Nuestra Señora del Santisimo Rosario (1611) na
naging Colegio de Santo Tomas (1625), ang Colegio de
San Juan de Letran (1630) para sa mga ulilang batang
15
lalaki at ang Escuela Pia (1817) na naging Ateneo de
MGA PAARALANG PAMBABAE AT
PANLALAKI
•Sa paaralang panlalaki, itinuro ang
katesismo, wikang Espanyol at
Latin, pagsulat, kasaysayan,
musika, heograpiya, pilosopiya,
lohika at retorika, magandang asal,
pagbasa at matematika.
16
MGA PAARALANG PAMBABAE AT
PANLALAKI
• Hiwalay ang paaralang pambabae sa paaralang
panlalaki. Ang mga guro sa mga paaralang
pambabae ay misyonerong madre. Sa
paaralang panlalaki, ang mga guro ay mga
misyonerong pari. Ang layunin ng pagbubukas
ng mga paaralang pambabae ay hindi para
ipantay ang kanilang katayuan sa mga lalaki,
kung hindi gawin silang mabuting maybahay.
17
MGA PAARALANG NORMAL
• Matapos na buksan ang mga paaralang primarya at
sekundarya ay lumaki ang pangangailangan ng mga
guro ng ating bansa. Dahil dito, nilikha ang isang
komisyon noong 1855 upang pag-aralan ang kalagayan
ng edukasyon sa Pilipinas. Ayon sa komisyon,
kailangang magtatag ng mga paaralang normal para sa
mga babae at lalaki. Taong 1865 nang binuksan ang
paaralang normal na para sa mga lalaki lamang. Pero
dahil hindi pa rin sapat ang dami ng guro, nagbukas ng
paaralang normal para sa kababaihan noong 1871. 18
MGA UNIBERSIDAD
• Nagtatag ang mga misyonerong pari ng mga unibersidad. Iba't
ibang kurso rin ang binuksan sa unibersidad para sa mga
kalalakihan. Ang mga ito ay medisina, abogasya, parmasya at
iba pa. Ang mga unibersidad na naitatag noon ay ang
1. Unibersidad ng San Ignacio noong 1589, ang kauna-
unahang unibersidad na itinatag ng mga Heswita; sumunod
na itinatag ang
2. Unibersidad ng Santo Tomas ng mga Dominikano
noong 1611, at Unibersidad ng San Felipe na itinatag ng
pamahalaan noong 1707. 19
MGA UNIBERSIDAD
•Ang mga ito ay naitatag upang maipagpatuloy
ng mga nais magtapos ng kolehiyo ang
kanilang pag-aaral.
May mga Pilipinong nakatapos ng medisina,
abogasya, parmasya, pagkamanunulat at
marami pang iba. Ilan sa mga nakapagtapos sa
pag-aaral ay sina Dr. Jose Rizal, Apolinario
Mabini at Graciano Lopez-Jaena. 20
EPEKTO NG EDUKASYONG
KOLONYAL
• Hindi maikakaila na maganda ang itinatadhana ng mga
batas tungkol sa pagbubukas ng mga paaralan. Ngunit
hindi masasabing tagumpay ang mga layunin nito dahil
sa ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad ay bukas
lamang para sa mga Espanyol at mestisong Espanyol.
Taong 1863 nang magbukas ng mga paaralang
pambayan. Kahit na ipinag-utos ng hari ng Espanya na
ituro ang wikang Espanyol sa mga Pilipino, ito ay hindi
nasunod dahil sa pangamba ng mga Espanyol na baka
magkaunawaan at magkaisa ang mga ito at labanan sila.21
EPEKTO NG EDUKASYONG
KOLONYAL
• Bagama't walang lugar ang mga Pilipino sa mga
paaralan, naimpluwensiyahan din sila nito. Nakita
nila ang kahalagahan ng edukasyon para sa
kaunlaran ng bansa. May mga Pilipinong nagsikap
makapag-aral. Ang kanilang kaalaman ay naging
malawak. Nabuksan ang kanilang mga isipan at
nagkaroon ng bagong pananaw sa buhay. Ito ang
nagbukas sa mga mata ng ilang Pilipino na
gumawa ng hakbang at tumulong sa kapwa upang22
EPEKTO NG EDUKASYONG
KOLONYAL
• Dahil magkaiba ang edukasyon ng mga babae at
lalaki, nabawasan ang mga karapatan ng
kababaihan. Sila ay naging sunod-sunuran sa
kanilang mga asawa. Naging pantahanan lamang
ang kanilang gawain. Hindi sila maaaring
makipagkasundo, bumili at magbenta ng mga ari-
arian nang walang pahintulot ng asawa. Hindi sila
maaaring mangasiwa ng lupain, maghanapbuhay
at maging testigo sa korte. 23
24
Nahahati sa apat na
pangunahing antas
ang mga mamayan
sa Lipunan noong
panahon ng mga
Espanyol. Ito ang
mga sumusunod:

25
1. Peninsulares
•Sila ang mga nabibilang sa pinakamataas
na antas. Sila ang mga Espanyol na
ipinanganak sa Espanya at ang
nagpapalakad ng pamahalaan. Sila
lamang ang may karapatan sa mga
usaping nangangailangan ng
pagdedesisyon. 26
2. Insulares at Creoles
• Nasa ikalawang antas ng lipunan ang mga
insulares at creoles. Ang mga Espanyol na
ipinanganak sa Pilipinas ang tinatawag na
insulares. Sila ang katuwang ng mga
peninsulares sa pagpapatakbo ng pamahalaan sa
pamamagitan ng pagiging kawani ng
pamahalaan. Ang mga katutubong may dugong
Espanyol naman ang tinatawag na mga creoles o
27
mestiso.
3. Principalia, Ilustrados at Sangley
•Sila naman ang mga nabibilang sa ikatlong
antas. Ang mga principalia ay mga
nakaririwasang katutubo na may karapatang
bumoto. Sila ay naihahalal sa mga
mabababang tanggapan ng pamahalaan. Sila
ay dating kabilang sa mga maharlikang
angkan ng datu na namumuno noong panahon
bago dumating ang mga Espanyol. 28
3. Principalia, Ilustrados at Sangley
• Ang mga katutubong nakapag-aral sa mga
kolehiyo at unibersidad ang mga tinatawag na
ilustrados. Sila ay mga doktor, abogado,
inhinyero, manunulat at iba pa.
• Ang mga sangley naman ay mga mangangalakal
at mestisong Tsino na matagumpay sa
pagnenegosyo sa kabila ng paghihigpit sa kanila
ng mga Espanyol. Sila ay may pamayanan sa labas
ng Intramuros na tinatawag na parian. 29
4. Indio
• Sila ang ikaapat at pinakamababang antas sa
lipunan noong panahon ng Espanyol. Ito ay
kinabibilangan ng nakararaming katutubo. Sila
ang mga katutubong binubusabos o ginagawang
alipin ng mga Espanyol at ilang nakaririwasang
katutubo na nakikigaya sa kaugalian ng mga
Espanyol. Sila ang mga anak-pawis na mga
magsasaka, mangingisda, manggagawa, polista,
labandera, minero, karpintero at iba pa. 30
Katayuan ng mga Kababaihan sa Lipunan
• Bago dumating ang mga Espanyol ay may mataas na
katayuan ang mga kababaihan sa lipunan. Ang mga
babae noon ay hindi lang pantahanan. Sila ay
nagiging lider din at maimpluwensiya sa lipunan.
Ngunit ang mga ito ay nagbago noong panahon ng
mga Espanyol. Pinapahalagahan pa rin ang mga
kababaihan at nirerespeto ng mga kalalakihan. Kung
sila'y dalaga pa, palagi silang sinasamahan o
binabantayan sa mga pagtitipong kanilang 31
Katayuan ng mga Kababaihan sa Lipunan
• May mga limitasyon ang kanilang pakikitungo sa
mga kalalakihan. Inaasahan silang maging pino o
kimi sa kanilang ikinikilos lalo na sa harap ng mga
lalake. Sila ay iniiwan lamang sa bahay o kaya sa
paaralan. Ang mga paaralan na tinatawag na
kolehiyo ay pinangangasiwaan ng mga madre.
Hindi sila nakapag-aral sa mga pamantasan upang
mag-aral ng propesyong gaya ng abogasya,
medisina at inhenyera. 32
Katayuan ng mga Kababaihan sa Lipunan
•Tinuruan lamang sila na maging
mabuting asawa at ina sa hinaharap.
Marami ring pumasok sa kumbento
upang maging madre. Bagamat hindi sila
nakakapag-aral sa mga unibersidad
upang maging propesyonal,
pinahihintulutan naman sila ng batas na 33

You might also like