Nang dumating ang mga Espanyol sa ating bansa nagkaroon
ng pagbabago ang sistema ng kanilang edukasyon. Ang di-
pormal na edukasyon sa panahon ng ninuno ay naging pormal. Tingnan mo ang larawan upang maunawaan mo kung bakit sinabing ang di pormal na sistema ay naging pormal. DEKRETONG EDUKASYON NG 1863 Ipinag-utos ng Monarkia ng Espanya noong 1863 ang pagpapatayo ng paaralang primarya para sa mga lalaki at babae. Ito ay sapilitan at walang bayad ang pag-aaral sa primarya. Ipinag-utos din niya ang pagpapatayo ng mga paaralang normal o mga paaralang magtuturo at magsasanay para sa mga magiging guro at nakalaan lamang para sa mga lalaki sa ilalim ng pamamahala ng mga Heswita. Wikang Espanyol ang ginamit sa pagturo Naging inspektor nito ang mga kura paroko.(pari/prayle) MGA ASIGNATURANG TINUTURO 1. Kristyanismo 2. Wastong Pag- uugali/pagpapahalaga 3. Moralidad 4. Heograpiya 5. Wikang Espanyol 6. Kasaysayan ng Espanya 7. Matematika 8. Agrikultura/Pagsasaka 9. Pag-awit 10. Pagbabasa at pagsusulat sa wikang Espanyol Mga itinuturo sa mga kababaihan maliban sa pagsasaka, heograpiya, at kasaysayan ay ang,… 1. Pagbuburda 2. Paggagantsilyo 3. Pagluluto Epekto ng pagpapatupad ng dekretong edukasyon ng 1863 1. Nakita ng mga Pilipino ang halaga ng edukasyon para sa kaunlaran ng bansa. 2. Namulat ang kanilang kaisipan at pananaw sa buhay at sa bayan. 3. Nabuksan ang kanilang mga mata. 4. Sumibol ang kanilang diwang makabayan. 5. Sila ay gumawa ng iba’t ibang mga hakbang upang makatulong sa kapwa Pilipino at maging malaya. Pangkatang Gawain Ipakita ang kahalagahan ng edukasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain. Unang pangkat: tula
Pangalawang pangkat: sayawit
Ikatlong pangkat:graphic organizer
Ikaapat na pangkat: dula-dulaan
____1. Ginawang kumpolsaryo ang pag-aaral sa primarya. ____2. Sila ang mga binigyan ng karapatan na makapag-aral sa pormal na paaralan. ____3. Isang makarelihiyong institusyon para sa pag-aaral ng mga babae. ____4. Dahilan ng mababaw na pagpapairal ng Kastila o ng mga prayle sa sistemang edukasyon ng bansa. ____5. Pangunahing layunin sa pagpapairal ng edukasyon ng mga Kastila sa bansa Relihiyong kristiyano Dekretong edukasyon 1863 Beaterio Mga lalaki Paglaganap ng kaisipang liberal