You are on page 1of 5

ARALIN 9 MGA PAGBABAGO SA PANAHON NG PANANAKOP NG JAPAN

 tinawag na PANAHON NG KADILIMAN ang panahon ng digmaan (1942 - 1945) dahil ito ang
panahon na NAGHIRAP NANG HUSTO ang mga Pilipino sa KALUPITAN ng mga Hapones.
Noong mga panahong iyon, NAWALAN NG MGA KARAPATANG PANTAO ang mga Pilipino.
May mga BABAENG NAABUSO at naging COMFORT WOMEN. NAPINSALA NG LUBOS ang
ating bansa noon. INANGKIN ng mga Hapones ang ating PAMAHALAAN, MGA ARI - ARIAN,
MINAHAN, PABRIKA, at iba pang KABUHAYAN. Nagkaroon ng MALAWAKANG
TAGGUTOM at BUMAGSAK ANG EKONOMIYA.

PAGLIPAT - LIPAT NG TIRAHAN


 dahil sa mga LABANAN, marami ang NASIRANG DAAN, TULAY, BAHAY, at mga GUSALI.
Sanhi ng MAGULONG KALAGAYAN NG LIPUNAN, NAGPALIPAT - LIPAT NG TIRAHAN ang
mga Pilipino. Nakatira sila sa kanilang mga kamag - anak o kaibigan sa malalayong lugar. Kapag
nabalitaan nilang darating ang mga Hapones, agad silang lumilikas sa ibang lugar dahil sa TAKOT.
Ang iba ay kung saan - saan na lamang natutulog kapag inabot ng dilim
 maraming mag - anak na Pilipino ang TUMIRA SA MALALAYONG LUGAR at KABUNDUKAN.
Ang mga bahay nila ay YARI SA DAHON NG NIYOG AT KAWAYAN

ANG KABUHAYAN
 dahil sa mga PAKIKIPAGLABAN ng mga SUNDALO at GERILYANG Pilipino sa mga Hapones,
NAPABAYAAN ANG LUPANG SINASAKA. Ang ilang malalawak na palayan sa GITNANG
LUZON ay BULAK ang itinanim. Ang mga PALAY na itinanim ay PARA LAMANG SA
PANGANGAILANGAN NG MGA HAPONES.
 PINABAWASAN ng mga Hapones ang KALAKALAN tulad ng PAGLULUWAS NG
PRODUKSIYON NG ASUKAL patungong America. Pinilit nila ang mga Pilipino na GUMAWA
NG ALKOHOL SA HALIP NA ASUKAL MULA SA TUBO . Ang ALKOHOL ay ginamit ng mga
KAWAL NA HAPONES sa PAGPAPATAKBO NG MGA KOTSE AT SASAKYANG PANDIGMA
 PINAMAHALAAN ng mga Hapones ang INDUSTRIYA NG TABAKO, ABAKA, NIYOG, at
PAGMIMINA. Nagdagdag sila ng ibang kaalaman upang higit na mapaunlad ang mga
industriyang ito. Lumaki ang pakinabang nila at hindi ng mga Pilipino
 ang mga taong may KAALAMAN SA PAGBIBILI AT PAGTITINDA ng ibang kasangkapan ang
UMANGAT SA BUHAY. Naging dahilan para BUMABA ANG PRODUKSIYON NG PAGKAIN,
dahil KAKAUNTI ANG MGA NAG - ASIKASO NG PRODUKSIYON AT PAGPAPARAMI NG
PAGKAIN
 tumaas ang pangangailangan sa pagkain kung kaya nagkaroon ng MALAWANG TAGGUTOM.
Dahil sa ganitong KAKAPUSAN at KAHIRAPAN, nagkaroon ng iba't ibang PANDARAYA. Iba't
ibang KRIMEN ang lumaganap, tulad ng BLACK MARKET o ang ILEGAL NA BENTAHAN NG
IBA'T IBANG PRODUKTO, PANGHUHUTHOT, PAG - IIMBAK, PAGNANAKAW,
PANDARAYA, at LAHAT NG URI NG GAWAIN UPANG MAGKAMAL NG SALAPI
 bunga ng mga pangyayaring ito, BUMAGSAK ANG EKONOMIYA. NAWALAN NG HALAGA
ANG PERA. TUMAAS ANG PRESYO NG BILIHIN. NAWALAN NG MABIBILI ANG MAY
PERA. BUMABA ANG MORALIDAD NG MGA TAO

PAGTATANIM SA MGA BAKANTENG LOTE


 PAGPAPATANIM SA MGA BAKANTENG LOTE ang naisip ni Pangulong Laurel upang maibsan
ang problema. Nagpatanim siya ng mga gulay sa bakanteng lugar. Ang mga BANGKETA sa
Maynila ay may tanim ding gulay. Ang gulay na kangkong ay may malaking naitulong sa mga
Pilipino. Nag - utos din ang pamahalaan na ITAAS ANG PRODUKSIYON NG BIGAS sa
pamamagitan ng MALAWAK NA PAGTATANIM nito. Iba't ibang SAMAHAN din ang
NAITATAG, tulad ng BIBA o BIGASANG BAYAN na NAMAMAHAGI NG BIGAS sa mga
mamamayan
 sa kabilang dako, naging MAPARAAN at MASIPAG ang mga tao upang magkaroon ng panawid
- gutom. Upang maibangong muli ang nasirang ekonomiya at mga industriya, higit silang
NAG - IBAYO SA PAGSISIKAP. Ang mga BAKANTENG LUPA AY KANILANG TINAMNAN ng
mga HALAMANG MAKAKAIN. Naging MATULUNGIN din sila sa isa't isa

ANG PROGRAMANG PANG - EDUKASYON


 ang PROGRAMANG PANG - EDUKASYONG isinulong ng mga Hapones sa ating bansa noon ay
PAGKAKAISA NG MGA ASYANO LABAN SA MGA IMPLUWENSIYA NG KULTURANG
KANLURAN. Narito ang ilan sa kanilang PATAKARANG PANG – EDUKASYON:
1. pagpapalawak ng mga prinsipyo ng Greater East Asia Co - Prosperity Sphere
2. pagtuturo ng Tagalog, kasaysayan ng Pilipinas, at edukasyong pag - uugali
3. pagtuturo ng vocational education sa elementarya
4. pagtuturo ng pagpapahalaga sa paggawa
5. pagpapahalaga at pagpapaunlad sa kulturang Pilipino
6. pagtuturo ng wikang Niponggo at pagtigil sa paggamit ng Ingles
7. pagsulong ng nasyonalismo

 bagama't maganda ang motibo para sa sektor ng edukasyon, ito ay NAWALAN NG SAYSAY
dahil napasailalim sa mga dayuhan ang ating bansa
ANG SINING AT PANITIKAN
 dahil sa PAGBABAWAL ng mga Hapones sa paggamit ng Ingles, naging MASIGLA ANG
PAGSUSULAT ng mga Pilipino sa WIKANG TAGALOG. Ang kalagayan ng panitikan sa panahon
ng Hapones ay NAGING MASIGLA. Ang panahong ito ay itinuring na GINTONG PANAHON
NG PANITIKANG PILIPINO dahil naging MAS MALAYA ang mga Pilipino sa pagsusulat kaysa
noong nakaraang panahon ng Amerikano. ITINAGUYOD ng mga Hapones ang
PAGPAPAYAMAN SA PANITIKAN GAMIT ANG KATUTUBONG WIKA sa bansa. Ang mga
aklat sa Ingles ay IPINASUNOG ng mga Hapones upang MASIGURADONG HINDI
MABABAHIRAN NG KANLURANING IDEYA ang panitikang nililikha ng mga Pilipino

MGA MANUNULAT AT KANILANG NAISULAT


1. Narciso Reyes - Lupang Tinubuan 6. Jose Esperanza Cruz - Tatlong Maria
2. Liwayway Arceo - Uhaw ang Tigang na Lupa 7. Gervacio Santiago - Sa Lundo ng Pangarap
3. NVM Gonzales - Lunsod, Nayon at Dagat - dagatan 8. Isidro Castillo - Lumubog ang Bitwin
4. Julian Balmaceda - Sino Ba Kayo? 9. Genoveva Edroza - Matute - Bangkang Papel
5. Fidel Sicam - Pitong Taon

 noong panahon ng mga Hapones, ang mga GAWAING SINING AY PANSAMANTALANG


NATIGIL. May iilan lamang na nakagawa ng mga likhang nagpapakita ng resulta ng digmaan
tulad nina:
1. Dominador Castañeda 4. Romeo Tabuena
2. Demetrio Diego 5. Gene Cabrera
3. Diosdado Lorenzo

ANG PAGWAWAKAS NG DIGMAAN


 NILISAN ni Pangulong Quezon at Heneral MacArthur ang Pilipinas SA PANAHON NG
MATINDING PAG - ATAKE AT PAGBOMBA ng mga Hapones sa bansa. INILIPAT ni Pangulong
Quezon ang Pamahalaang Commonwealth sa America UPANG HINDI ITO BUMAGSAK SA
KAMAY NG MGA HAPONES. Si Heneral MacArthur naman ay TUMAKAS sa AUSTRALIA
UPANG PANGUNAHAN ANG DEPENSA NITO MULA SA MGA KAAWAY . Sinabi niyang
"I SHALL RETURN" at NANGAKONG BABALIK upang LABANAN ang mga Hapones at
PALAYAIN ANG PILIPINAS
 ang mga hukbong galing sa United States na tutulong sa atin ay halos TATLONG TAONG
HININTAY NG MGA PILIPINO. Noong AGOSTO 9, 1944, SUMALAKAY ANG MGA
AMERIKANO SA DAVAO. Noong OKTUBRE 20, 1944, Si MacArthur ay NAGBALIK SA
PILIPINAS bilang pagtupad niya sa kanyang pangakong babalik. Lumunsad siya kasama ng
kanyang mga sundalo sa GOLPO NG LEYTE. Hinati sa DALAWANG PANGKAT ang CENTRAL
PHILIPPINE ATTACK FORCE. Ang UNA ay SUMALAKAY sa DAKONG HILAGA NG LEYTE at
ang IKALAWA ay SUMALAKAY SA DAKONG TIMOG. Nagsagawa ng mga biglaang pagsalakay
ang mga Amerikano sa pamamagitan ng LAKAS PANGHIMPAPAWID sa HILAGA at GITNANG
LUZON. Ito ang NAGING SIMULA upang MAITABOY ANG MGA HAPONES sa Pilipinas. Dahil
dito, napabayaan ng mga Hapones ang kanilang mga himpilan sa Visayas

ANG LIBERASYON NG PILIPINAS


 noong OKTUBRE 24, 1944 nagkaroon ng MALAKING LABANAN SA DAGAT. Sa pag - aagawan
sa GOLPO NG LEYTE, sinalakay ng mga EROPLANONG AMERIKANO at CONVOY
PAGDAONG NG MGA PUWERSANG PILIPINO AT AMERIKANO sa Leyte ng ALLIED
FORCES ang puwersang Hapones na papalapit sa KIPOT NG SAN BERNARDINO. Hinadlangan
nila ng bomba ang barkong Hapones papunta sa Kipot ng San Bernardino. PINALUBOG nila ang
DALAWANG CRUISERS at ISANG DESTROYER NG HUKBONG HAPONES
 noong hapon ng OKTUBRE 24, 1944, nakita ng mga eroplanong Amerikano ang HILAGANG
LAKAS (NORTHERN FORCE) ng HUKBONG PANDAGAT NG IMPERYONG HAPONES NA
PARATING MULA SA JAPAN. Upang WASAKIN ang nanghihinang puwersa ni ADMIRAL
SPRAGUE, nagpakita si VICE ADMIRAL OZAWA sa Ikatlong Plota (Third Fleet) ni ADMIRAL
HALSEY para ilayo ito sa Golpo ng Leyte. Hinabol ni Halsey si Ozawa at naiwang walang bantay
ang Kipot ng San Bernardino. Ang kanilang paghahabulan ay umabot hanggang sa may Lungos
Engaño sa Hilagang Luzon. Natanggap ni Admiral Halsey ang paghingi ng saklolo ni Admiral
Sprague habang sila ay naglalabanan. Sinalakay ng Gitnang Lakas ng Hukbong Pandagat ng
Imperyong Hapones na nakapasok sa Kipot ng San Bernardino ang mga Amerikano. Dumating
ang mga barkong pandigma ni Halsey at nilabanan nito ang plota ng mga Hapones na
pinamunuan ni Vice Admiral Kurita. Dahil sa mabilis na pagsaklolo ni Halsey kay Sprague,
tinawag itong BATTLE OF BULLS. Tinawag din itong LABANAN SA GOLPO NG LEYTE. Ito ang
PINAKAMATINDING LABANANG NAGANAP SA TUBIG SA BUONG MUNDO noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nailigtas nito ang Leyte, pati na ang mga kawal ni Heneral
MacArthur
 mula sa SINGAPORE, pumasik sa Kipot ng Surigao ang Lakas Timog ng Hukbong Pandagat ng
Imperyong Hapones noong gabi ng Oktubre 25. Ngunit lingid sa kaalaman ni Pangalawang
Admiral Nishimura, natuklasan ng task force ng mga Amerikano sa pamumuno ni Rear Admiral
J.B. Oldendorf ang kanilang himpilan at pinasabog nila ito

ANG PAGLUSOB SA GOLPO NG LINGAYEN


 noong kalagitnaan ng Disyembre 1944, pinamunuan ni MacArthur ang paglusob ng mga kawal
na Pilipino at Amerikano sa timog - kanlurang baybayin ng Mindoro. Mula rito, sinalakay ng mga
Amerikano ang Look ng Maynila. Lumusob ang Hukbong Amerikano sa Golpo ng Lingayen noong
Enero 9, 1945. Madaling kumalat sa Gitnang Luzon ang puwersa ng mga Amerikano. Nanghina
ang puwersa ng mga Hapones. Marami ang nagsilikas patungong bundok
ANG PAGBAWI SA MAYNILA
 matapos makuha ang Lingayen noong madaling araw ng Pebrero 3, 1945, pinasok ng mga kawal
na Pilipino at Amerikano ang Maynila. Madali rin nilang napasok ang Cavite, Batangas, at Las
Piñas. May sagupaan ding naganap subalit nanghina na nang lubos ang hukbong pandagat at
panghimpapawid ng mga Hapones. Sinugod agad ng mga tangkeng pandigma ang Unibersidad
ng Sto. Tomas (UST) upang palayain ang mga Amerikano at Pilipinong bilanggo.
 dahil sa sunud - sunod na pagkatalo, ibinuhos ng mga Hapones ang kanilang galit sa mga
mamamayan. Sinunog nila ang mga bahay sa mga lungsod, nilipol nila ang mga sibilyan, at
pinagbababaril at binayonera ang mga tao, kasama ang mga bata

ANG WAKAS NG DIGMAAN


 natapos ang digmaan sa Europe noong Marso 7, 1945. Sa araw na iyon, sumuko sa Allied
Forces ang Germany. Ito ang tinatawag na VICTORY DAY (V-DAY) o ARAW NG TAGUMPAY
SA EUROPE. Sa kabila ng lahat, ang digmaan sa Pasipiko ay nagpatuloy pa rin.
 Hulyo 5, 1945 nang ipahayag ni Heneral MacArthur ang kalayaan ng buong Pilipinas sa bansang
Japan

PINSALA NG DIGMAAN
 napakalaki ng naging pinsala sa buhay at mga ari - arian ng mga tao. Naging kaawa - awa ang
kalagayan ng mga Pilipino sa loob ng tatlong taong pakikipaglaban sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Napinsala nang husto ang Maynila. Ang mga gusali at tirahan ay nawasak. Wala
halos mapasukang trabaho. Nasura ang mga industriya at mga kagamitan sa paggawa. Marami
ang mga nagutom, nagkasakit, at namatay. Ang mga pananim ay napinsala at ang mga hayop ay
nangawala. Nasira ang mga daan, tulay, paaralan, mga pagamutan, at iba pang impraestruktura.

MGA BIKTIMA SA LABANAN SA LEYTE


MGA SUNDALONG PILIPINO MGA GERILYANG PILIPINO MGA SUNDALONG AMERIKANO MGA SUNDALONG HAPONES
9,133 namatay 73 namatay 3,500 namatay 49,000 namatay
7,000 nasugatan 122 nasugatan 12,000 nasugatan

MGA NAPINSALA
Porsiyento ng mga gusali at tirahang nasira - 80%
Porsiyento ng mga kagamitan sa industriya na nasira - 65%
Halaga ng ari - ariang nasira - 8 bilyong piso
Mga taong namatay - 1,111,938

 naging kaawa - awa ang kalagayan ng ating bansa. Naapektuhan pati ang moralidad ng mga tao.
Lumaganap ang nakawan at kriminalidad. Ang mga nagtatrabaho sa pamahalaan ay nasangkot sa
mga eskandalo tungkol sa pangungurakot at pagsasamantala. Dahil sa matagal na napabayaan
ang mga paaralan, bumaba ang antas ng edukasyon.
 sa kabilang banda, upang magkaroon ng panawid - gutom at maibsan ang hirap, naging
mapamaraan at masipag ang mga tao. Nagtanim sila sa mga bakanteng lote upang may makain.
Nagdamayan sila at higit na nag - bayo ang pagsisikap

You might also like