You are on page 1of 16

Pagkamamamayan

Pagkamamamayan
• pagiging kasapi o
miyembro ng
isang bansa ayon
sa itinatakda ng
batas
Ang Mga
Mamamayang Pilipino
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang
Batas ng 1987, maituturing na mamamayang
Pilipino ang sumusunod:
1.) Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang
Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987
2.) Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino
3.) Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang
Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang
pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong
gulang
4.)Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang
Pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon
Ang Mga
Mamamayang Pilipino
Ang isang
mamamayang Pilipino
na nakapag-asawa ng
dayuhan ay
mananatiling Pilipino
maliban kung pinili
niyang sumunod sa
pagkamamamayan ng
kanyang asawa.
Pagkamamamayan

Kapanganakan Naturalisasyon
Kapanganakan
Jus Sanguinis Jus Loci o Soli
• Nakabatay ang • Naayon ang
pagkamamamayan pagkamamamayan
sa mga magulang o sa lugar ng
isa sa kanila kapanganakan
• Ang prinsipyong
sinunusunod sa
Pilipinas
Naturalisasyon
• Paraan kung saan
ang isang dayuhan
ay nagnanais maging
mamamayan ng
isang estado ay
sumasailalim sa
isang pormal na
pagtanggap ng bansa
Naturalisasyon
1. Siya ay dalawampu’t isang taong gulang na.
2. Siya ay naninirahan sa Pilipinas nang
tuloy- tuloy sa loob ng sampung taon. Ito ay
maaaring maging limang taon na lamang
kung:
a.Ipinanganak siya sa Pilipinas;
b.Nakapag-asawa siya ng isang Pilipino;
c.Nakapagturo siya ng dalawang taon sa
pribado o pampublikong paaralan; at
d. Mayroon siyang bagong industriya o
nakagawa ng isang bagong imbensyon sa
Pilipinas
Naturalisasyon
3. Siya ay may mabuting pagkatao.
4. Naniniwala siya sa Saligang Batas ng
Pilipinas.
5. May matatag siyang hanapbuhay at may ari-
arian sa Pilipinas.
6. Nakapagsasalita at nakasusulat siya ng
wikang Pilipino.
7.Tinatanggap niya ang kulturang Pilipino.
8. Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga
paaralang nagtuturo ng kultura at
kasaysayan ng Pilipinas.
Naturalisasyon
Dahilan ng Hindi Pagkakamit ng
Naturalisasyon
1. Pagsalungat sa nakatatag sa
pamahalaan
2. Paggamit ng dahas upang
magtagumpay ang kanilang
kagustuhan at kaisipan
3. Nahatulan sa salang kaugnay ng
moralidad gaya ng pagsusugal,
prostitusyon at iba pa
Naturalisasyon
Dahilan ng Hindi Pagkakamit ng
Naturalisasyon
4. Walang paniniwala sa ating pag-
uugali, tradisyon, simulaing maka-
Pilipino, at iba pa
5. Pagiging mamamayan ng bansang
hindi nagkaloob ng karapatang
maging natrulisadong mamamayan
ng Pilipinas
Dalawang
Pagkamamamayan
Saligang Batas Artikulo IV. Seksyon V. Ang
dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay
salungat sa kapakanang pambansa at dapat
lapatan ng kaukulang batas.

• Ayon sa Republic Act 9225, maaring maging


mamamayang Pilipino muli ang mga dating
mamamayang Pilipino na naging mamamayan
ng ibang bansa
Dalawang
Pagkamamamayan
• Prinsipyong Jus Sanguinis-
pagkamamamayan batay sa kapanganakan
• Hal. Pilipino at Australyanong magulang
Pagkawala ng
Pagkamamamayang
Pilipino
1. Naging naturalisadong mamamayan siya ng
ibang bansa.
2. Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng
ibang bansa.
3. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang
Batas ng ibang bansa pagsapit niya ng 21 taong
gulang.
4. Nagpawalang-bisa siya ng naturalisadong
pagkamamamayang Pilipino
Pagkawala ng
Pagkamamamayang
Pilipino
5. Napatunayan siyang tumakas sa hukbong
sandatahan ng ating bansa at kumampi sa
kaaway sa panahon ng digmaan
6. Itinakwil niya ang kaniyang
pagkamamamayan at nag-angkin ng
pagkamamamayan ng ibang bansa
(expatriation)
Muling Pagtamo ng
Nawalang
Pagkamamamayang
Pilipino
1. Muling naturalisasyon
2. Aksiyon ng Kongreso
3. Pagbabalik sa Pilipinas at muling
pagsumpa ng katapatan sa Republika
ng Pilipinas
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa
isang tumakas na miyembro ng
Sandatahang Lakas

You might also like