You are on page 1of 11

BALITAAN

1. BONIFACIO DAY – tuwing ika – 30 ng Nobyembre ay ginugunita ang kapanganakan at


kadakilaan ni Andres Bonifacio

2. XI JINPING – ang kasalukuyang pangulo ng Tsinan a bumisita sa Pilipinas para sa isang state visit

3. KAUNA – UNAHANG ECO – AIRPORT – binuksan na noong Nobyembre 2018 sa kauna –


unahang eco – airport sa bansa na matatagpuan sa Bohol

4. LUCAS BERSAMIN – siya ay itinalaga bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema

5. BALANGIGA BELLS – noong ika – 11 ng Disyembre ay naibalik na sa Pilipinas ang cultural


treasure matapos kuhanin ng mga Amerikano noong 1901

6. FILIPINO AT PANITIKAN – alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema ay tatanggalin na sa


kolehiyo bilang core subjects ang Filipino at Panitikan

7. BASURA MULA SA SOUTH KOREA – itinambak sa Misamis Oriental ang mga basurang mula
sa South Korea na may taglay na hazardous materials. Nakatakdang ibalik ito ngayong Enero

8. KIAN DELOS SANTOS – hinatulan ng guilty ang tatlong mga pulis sa Caloocan sa pagpaslang sa
tinedyer na ito

9. BUILD, BUILD, BUILD – isang programa ng kasalukuyang administrasyon na may layuning


magpatayo ng mga imprastrakturang magkokonekta sa lahat ng mga Pilipino

10. MARTIAL LAW – isinusulong na palawagin pa ng isa pang taon ang Martial Law na idineklara sa
pulo ng Mindanao upang masulusyunan ang kaguluhan sa pulo
ARALIN 10 PAGBABAGONG KULTURAL SA PAMAHALAANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL

 Mahigit tatlong daang taong SINAKOP ng mga Espanyol ang ating mga lupain. Sa mahabang
panahong ito, maraming pagbabagong naganap sa ating bansa.
 Noong una, MAGKAKAHIWALAY at PINAMUMUNUAN ng kani – kanilang pinuno ang mga pangkat ng
katutubo. sa ating mga lupain. Bawat pangkat ng katutubo na naninirahan sa mga PULO noon ay
may SARILING WIKA at KAUGALIAN kaya naging MAHIRAP ANG PAGKAKAISA.
 Dahil na rin sa kawalan ng pagkakaisa, NAPADALI ANG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL.
 Bukod dito, may mga ALITAN din ang mga PANGKAT. Naging dahilan ito upang MAHIKAYAT NG MGA
ESPANYOL ang ating mga ninuno sa PAKIKIPAGTUNGGALI SA MGA PANGKAT NA AYAW
MAGPASAKOP SA KANILA. MADALI rin nilang NASAKOP ang ating bansa dahil mas BIHASA SILA SA
LARANGAN NG PAKIKIDIGMA at MAS MALAKAS AT MAKABAGO ANG KANILANG MGA SANDATA.

PATAKARANG KOLONYAL
 Nang masakop ng mga Espanyol an gating lupain, PINALITAN nila ang DATING PAMAHALAANG
BARANGAY ng ating mga ninuno. Nagtatag sila ng PAMAHALAANG KOLONYAL. Ang pamahalaang ito
ay SENTRALISADO.
 Sa PATAKARANG KOLONYAL – ang mga lupaing nasakop ay KINAMKAM at ITINURING NA PAG – AARI
NG BANSANG MANANAKOP. Lahat ng kayamanan ay INANGKIN at KINUHA NANG SAPILITAN.
Gumamit sila ng DAHAS upang MASUPIL ANG SINUMANG TUMANGGI sa kanilang patakaran.

PATAKARANG SENTRAL

GOBERNADOR – HENERAL
 namumuno sa pamahalaang sentral na itinatag ng Spain sa Pilipinas
 tumayong kinatawan ng hari ng Spain sa ating bansa
 pinakamataas na opisyal
 nagpaptupad ng mga batas na nanggagaling sa Spain
 pinuno ng Sandatahang Lakas ng Spain sa ating bansa
 siya ang humirang at nagtanggal sa mga opisyal ng pamahalaan at sa ma pari na nangasiwa sa mga
parokya, maliban sa mga hinirang ng hari ng Spain

Nahati sa DALAWANG SANGAY ang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Pilipinas:


1. TAGAPAGPAGANAP o EHEKUTIBO
2. PANGHUKUMAN o HUDISYAL

WALANG LEHISLATIBO o TAGAPAGBATAS noon. Ang mga batas ay nanggagaling sa Spain at ang mga
batas na ginawa sa Pilipinas ay ang mga kautusan ng gobernador heneral.
PAMAHALAANG LOKAL
 Naging MADALI at EPEKTIBO ang PANANAKOP at PAMAMAHALA ng mga Espanyol dahil TINIPON
NILA ANG MGA TAO SA HIWA – HIWALAY NA POOK AT IPINASAILALIM SA KANILANG
KAPANGYARIHAN. Pinaghati – hati sa iba’t ibang DIBISYONG POLITIKAL ang pamahalaan. Ang bawat
dibisyon ay may kani – kanilang PINUNO.

DALAWANG URI NG LALAWIGAN


1. ALCALDIA – mga lalawigang nasupil na at hindi na lumalaban; inilagay sa pamamahala ng OPISYAL
NA SIBIL at pinamumunuan ng ALKALDE MAYOR.

2. CORREGIMIENTO – mga lalawigang patuloy na lumalaban; inilagay sa pamamahala ng MILITAR o


mga SUNDALO at pinamumunuan ng CORREGIDOR

PAMAHALAANG LALAWIGAN
 Pinamamahalaan ng ALCALDE MAYOR ang lalawigan
 Siya ay hinirang ng gobernador – heneral
 May karapatan siyang EHEKUTIBO at HUDISYAL
 Maaaring maningil ng BUWIS at may pribilehiyo siyang magnegosyo dahil maliit lamang ang
ibinibigay na suweldo sa kanya

PAMAHALAANG BAYAN
 Ang mga BAYAN ay tinawag na PUEBLO.
 GOBERNADORCILLO – namahala sa pueblo; inihalal ng mga mamamayang may – asawa; nang
lumaon, inihalal siya ng LABINDALAWANG CABEZA DE BARANGAY at ng GOBERNADORCILLO NA
KANYANG PAPALITAN

GOBERNADORCILLO
 tungkuling mangolekta ng buwis
 nangangasiwa ng mga usaping panghukuman
 asikasuhin ang mga pinuno ng pamahalaan na bumibisita sa bayan
 katulong niya ang isang hepe ng pulisya at mga mababang kawani sa pamamahala ng nasasakupan
 walang suweldo, hindi nagbabayad ng buwis, hindi nagsasagawa ng sapilitang paggawa o polo

Ang PAMAHALAANG BAYAN at NAHAHATI sa mga BARYO.

CABEZA DE BARANGAY
 namamahala sa mga baryo
 pinili ng gobernadorcillo
 tungkuling maningil ng buwis sa baryo
 walang suweldo, hindi nagbabayad ng buwis, hindi kasama sa pagsasagawa ng polo
 kalipi nila ang mga matataas na tao at iginagalang sa pamayanan
PAMAHALAANG LUNGSOD
 Ang malalaking bayan ay naging LUNGSOD katulad ng:
a. Maynila c. Naga e. Albay
b. Cebu d. Vigan

 Nang naitatag ang mga lungsod sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, noong ika – 17 dantaon, tinawag ang
mga ito na AYUNTAMIENTO sa pamumuno ng DALAWANG ALKALDE, LABINDALAWANG KONSEHAL,
ISANG HEPE NG PULISYA, ISANG KALIHIM, at iba pang KAWANI NG PAMAHALAAN. Ang mga lungsod
ang naging SENTRO NG KABIHASNAN AT KALAKALAN

ROYAL AUDIENCIA
 Royal Audiencia o KATAAS – TAASANG HUKUMAN
 itinatag upang ang mga KATIWALIAN, PANG – AABUSO, at PANG – AAPI ng mga nanunungkulan sa
pamahalaan ay MAIHABLA rito.
 pinamumunuan ng GOBERNADOR – HENERAL; siya rin ang TAGAPAYO nito
 Hindi naging maganda ang kinalabasan nito dahil HINDI NAGING MAAYOS at MAKATARUNGAN ANG
MGA NAGING PASYA NITO. LALO LAMANG LUMALA ANG MGA PANG – AABUSO AT
PAGSASAMANTALA ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino.

ANG PAGMAMAY – ARI NG LUPA


 Nang masakop ng mga Espanyol ang ating bansa, IDINEKLARA NILANG PAGMAMAY – ARI NG HARI
ANG LAHAT NG LUPA. KINAMKAM nila ang mga lupa ng ating mga ninuno. NAWALA ANG
KARAPATAN ng ating mga ninuno sa kanilang lupa. Ang bawat Kristiyanong katutubong pamilya ay
INATASANG SAKAHIN ANG APAT HANGGANG LIMANG EKTARYANG LUPA. Sila ay HINDI NAGMAMAY
– ARI NG LUPA O LANDOWNER kundi TAGAPAGHAWAK lamang ng lupa o LANDHOLDER. Ayon sa
batas ng mga kolonyalistang Espanyol, HINDI SILA MAAARING MAGMAMAY – ARI O MAGBEBENTA
NG LUPA DAHIL ANG MGA LUPA AY PAG – AARI NG HARI NG SPAIN.
 Ang PAMAMAHAGI NG LUPA AY NAGING PANTAY – PANTAY para sa mga katutubo. Walang
nagbubungkal ng lupa na hindi nabigyan ng lupa. Maganda sana ang sistemang ito ngunit ito ay
NAABUSO. NAGDULOT ITO NG KARAGDAGANG PAHIRAP sa mga katutubo dahil sa PAGPATAW NG
SAPILITANG PAGBABAYAD O PAGBIBIGAY NG BUWIS NA NAGPALIIT SA BAHAGI NG KITA NG MGA
KATUTUBO.

ANG RESIDENCIA
 itinatag ng Hari sa hangad na maging makatarungan ang pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas
 HAYAG NA PAGSISIYASAT NG AUDIENCIA O GOBERNADOR – HENERAL SA MGA OPISYAL AT KAWANI
NG PAMAHALAAN SA PAGTATAPOS NG KANILANG PANUNUNGKULAN upang alamin kung mayroong
mga karaingan laban sa kanila at parusahan, kung may kasalanan, ang nasabing opisyal.
 Ilan sa mga gobernador – heneral ang naparusahan dahil sa sumbong laban sa kanila ng mga taong
napinsala nila o ng kanilang mga kaaway
VISITA – lihim na pagsisiyasat sa mga ginawa at ginawi ng opisyal ng pamahalaan
 kaiba sa residencia, ang pagsisiyasat sa VISITA ay LIHIM, samantalang ang sa RESIDENCIA ay HAYAG

ENCOMIENDA
 malawak na lupaing ipinagkaloob ng hari ng Spain sa mga Espanyol at mga Pilipino na nakatulong sa
pagpapayapa ng mga katutubo. Ang mga lupain ay ipinagkatiwala upang kanilang PANGASIWAAN at
PAUNLARIN
 naging mapagmalabis ang mga ENCOMIENDERO sa paniningil ng tributo o buwis. Namili pa sila kung
PAGKAIN o GINTO ang ibabayad ng ating mga ninuno. Kahit mga bata ay pinagbabayad ng buwis
kaya MARAMI SILANG NAKAMKAM NA KAYAMANAN. NABAON SA UTANG AT NAGHIRAP nang husto
ang mga katutubong Pilipino
 nagalit ang mga katutubong Pilipino sa pagmamalabis ng mga encomiendero. NAG – ALSA SILA
LABAN sa mga ito. PINATAY nila ang ilan sa mga ABUSADONG ENCOMIENDERO. Pati mga prayle ay
nagalit din sa mga encomiendero at ISINUMBONG sila sa hari ng Spain. Naging pabaya rin ang mga
katutubo sa kanilang pangangailangan at kabuhayan. ITO AY UPANG HINDI NA MARAGDAGAN PA
ANG MGA KAYAMANANG KINUKUHA NG MGA ENCOMIENDERO. Dahil dito, ANG MGA INDUSTRIYA
AY HINDI UMUNLAD AT ANG PAMUMUHAY SA ATING BANSA AY NAGING MAHIRAP.

 Ang bilang nga mga ENCOMIENDA ng Hari noong PANAHON NI LEGAZPI (1572) – ay anim
Maynila Cebu Cavite Mindoro Panay Mindanao

 Ang bilang nga mga ENCOMIENDA ng Hari noong ni GOBERNADOR – HENERAL LUIS PEREZ
DASMARIÑAS (1593) – umabot sa tatlumpu’t tatlo

 Naging 94,310 ang ENCOMIENDA noong 1608. Ito ay pinawalang – bias lamang ng hari noong 1791
sa mga reklamong pang – aabuso

SISTEMANG KASAMA

HACIENDA - malawak na lupain


HACIENDERO – nagmamay – ari ng mga hacienda

 ang mga KATUTUBONG PILIPINO na dating may – ari ng mga lupain ay naging NANGUNGUPAHAN na
lamang. Ang mga katutubong hindi makabayad ng upa ay naging kasama na lamang.

SISTEMANG KASAMA – isang uri ng pag – uugnayan ng may – ari ng lupa at ng magsasaka. Ang
hatian sa ani ay pantay o may 50 – 50 bahagi ang bawat isa sa kanila. Ang bahaging kontribusyon ng
haciendero sa PAGTATANIM, BINHI, MGA KAGAMITAN, AT HAYOP na kinakailangan sa pagsasaka. Ang
kadalasang nangyayari ay nangungutang ang magsasaka upang may pantustos siya sa mga kakailanganin
sa pagtatanim.
 Ang SISTEMANG KASAMA ay lubos na nagpahirap sa maraming magsasaka dahil HINDI
MAKATWIRAN ANG HATIAN SA PUHUNAN SA PAGTATANIM. Ang kanilang NAUTANG ay KINAKALTAS
o BINABAWAS sa bahagi ng kanilang kita. Ang UTANG AY KADALASANG MAY PATONG PANG INTERES
kaya NABABAON SA UTANG ang magsasaka.

KALAKALANG GALLEON
 Nagkaroon ng KALAKALAN sa pagitan ng PILIPINAS at MEXICO. Ito ay tumagal mula 1565 hanggang
1815.
 Tinatawag na KALAKALANG GALLEON o KALAKALANG MAYNILA – ACAPULCO (MEXICO). Dahil sa
kalakalang ito, nagkaroon ng PALITAN NG PRODUKTO SA PAGITAN NG ASYA, MEXICO, at AMERIKA.

GALLEON – tawag sa SASAKYANG PANDAGAT na ginagamit sa PAGHAHATID NG MGA PRODUKTO


mula sa SILANGAN. Dala nito ang mga kalakal tulad ng:
a. pampalasa (spices) c. porselanang tsina e. ivory
b. sutla d. batong hiyas f. bulak

 Sa pagbabalik ng galleon sa Pilipinas mula sa Mexico, dala nito ang BALITA, SULAT, KAUTUSAN o
BILIN NG HARI, MGA SALAPING PILAK NA KARANIWANG NAGKAKAHALAGA NG ₱250,000.00 NA
TULONG SA BUDGET NG PAMAHALAAN SA MAYNILA, at ang kita sa napagbilhan ng mga produkto
 Sa pag – alis at pagdating ng galleon, MALAKI at MAHALAGA ang tulong na nagawa nito sa
kabuhayan ng mga tao. LUMAGO ang ekonomiya ng bansa.

BANDALA – sapilitang pagbili ng mga Espanyol sa mga ani ng mga katutubo sa murang halaga.

 May nakatakdang bilang o dami ng produktong ipagbibili sa pamahalaan ang bawat lalawigan. Ang
ating mga ninuno ay kadalasang binigyan lamang ng kasulatan ng pangako para sa mga aning
ipinagbili nila, ngunit hindi sila nabayaran. Hindi natupad ang maraming mga pangako kaya
maraming mga Pilipino ang naghirap.
ARALIN 11 ANG EDUKASYONG KOLONYAL
 Nang dumating ang mga UNANG PRAYLENG MISYONERONG ESPANYOL sa ating bansa, ang mga tala
ng ating mga ninuno na natagpuan nilang nakasulat sa mga DAHON AT BANAKAL NG
PUNONGKAHOY ay kanilang SINUNOG. Ito ay kanilang ginawa sa PANINIWALA NILANG GAWA ITO
NG MGA DIYABLO. Itinuro nila ang simulain ng relihiyong Kristiyanismo.

 Nagtayo sila ng iba’t ibang PAARALAN sa ating bansa. Ito ang SIMULA ng GAWAING PANG –
EDUKASYON noon. Nais nilang MAPALAGANAP ANG ARAL NG KRISTIYANISMO, sapagkat naniniwala
sila na paraan ito para magkaroon ng magandang kalooban ang mga tao.

MGA PAARALANG PAROKYAL


 Ang mga UNANG PAARALANG naitatag ng mga Espanyol noon ay mga PAARALANG PAROKYAL na
PINAMAMAHALAAN NG MGA KURA PAROKO. Tinuruan nila ang mga katutubo tungkol sa
RELIHIYON, PAGSUSULAT, PAGBASA, PAGBILANG, PAGLIKHA NG SINING AT MUSIKA, AT
PAGHAHANAPBUHAY. Ipinasaulo nila ang mga aralin. MABILIS NATUTO ang mga katutubo dahil dati
na rin silang may HILIG SA PAG – AARAL at dati nang may SISTEMA NG EDUKASYON.

PAARALANG SEKUNDARYA
 Nagtatag din ng mga PAARALANG SEKUNDARYA ang mga PRAYLE. Ang mga layunin nito ay upang
MAIHANDA ANG MGA MAG – AARAL SA PAGPASOK SA MATAAS NA PAARALAN.
 Itinatag ng mga HESUWITA ang KOLEHIYO NG SAN IGNACIO noong taong 1589 sa MAYNILA.
 Sa Cebu, itinatag ang KOLEHIYA NG SAN ILDEFONSO. Itinatag rin ng mga Hesuwita ang KOLEHIYO NG
SAN JOSE noong taong 1601.
 Ang mga Dominiko naman ay nagtatag ng kanilang kolehiyo noong 1611. Ito ay ang COLEGIO DE
NUESTRA SEÑORA DEL SANTISIMO ROSARIO na naging KOLEHIYO NG SANTO TOMAS noong 1625.
 Ang mga itinuturo sa mga kolehiyong ito ay ang
a. Banal na Kasulatan o Bibliya f. matematika
b. Doctrina Christiana g. panitikang Latin at pilosopiya
c. etika h. lohika
d. heograpiya i. retorika
e. balarilang Latin at Espanyol j. panulatan

 ESPANYOL ang ginamit na WIKANG PANTURO


PAARALANG PAMBABAE AT PANLALAKI
 Nagtatag din ng mga PAARALANG PAMBABAE na NAGLALAYONG GAWING MABUTING ASAWA ANG
KABABAIHAN. Noong 1594, itinatag ang KAUNA – UNAHANG PAARALANG PAMBABAE, ang
KOLEHIYO DE SANTA POTENCIANA. Ang kolehiyong ito ay para lamang sa mga ANAK NA BABAE NG
MGA SUNDALONG ESPANYOL AT SA MGA ULILA. Itinatag din ang:
a. Kolehiyo ng Santa Isabel (1596) d. Kolehiyo ng Concordia (1869)
b. Beateryo ng Santa Catalina (1696) e. Kumbento ng Asuncion (1892)
c. Kolehiyo ng Santa Rosa (1750)

 Itinuturo sa mga kolehiyong ito ang:


a. Doctrina Christiana d. kasaysayan g. matematika
b. Espanyol e. musika h. pagpipinta
c. Latin f. magandang asal i. sining na pantahanan

 HIWALAY ang paaralang pambabae sa paaralang panlalaki. Ang mga guro sa mga PAARALANG
PAMBABAE ay MISYONERONG MADRE. Sa PAARALANG PANLALAKI, ang mga guro ay mga
MISYONERONG PARI.

 Sa PAARALANG PANLALAKI, itinuturo ang:


a. katesismo f. musika k. magandang asal
b. wikang Espanyol g. heograpiya l. pagbasa
c. wikang Latin h. pilosopiya m. matematika
d. pagsulat i. lohika
e. kasaysayan j. retorika

Habang sa mga itinayong KOLEHIYO at BEATERYO PARA SA KABABAIHAN, itinuro naman ang:
a. katesismo e. kasaysayan i. matematika
b. wikang Espanyol f. musika j. pagpipinta
c. wikang Latin g. magandang asal
d. pagsulat h. pagbasa
k.

Binigyang diin ang pagtuturo ng kaalaman tungkol sa GAWAING PANTAHANAN tulad ng:
a. pagluluto c. pag – aayos ng d. atbp.
b. pagbuburda bulaklak

 Ang LAYUNIN ng pagbubukas ng mga PAARALANG PAMBABAE ay hindi para ipantay ang kanilang
katayuan sa mga lalaki, kundi GAWIN SILANG MABUTING MAYBAHAY.
PAARALANG NORMAL
 Kinailangan ang mga GURO dahil sa mga BINUKSANG PAARALANG PRIMARYA at SEKUNDARYA. Dahil
sa pangangailangang ito, lumikha ng isang KOMISYON noong taong 1855 upang PAG – ARALAN ANG
KALAGAYAN NG EDUKASYON SA PILIPINAS. Iniulat ng komisyon na KAILANGANG MAGTATAG NG
MGA PAARALANG NORMAL PARA SA MGA BABAE AT LALAKI. Gayunpaman, taong 1865 nanag
binuksan ang PAARALANG NORMAL para sa mga LALAKI lamang. Pero dahil HINDI PA RIN SAPAT
ANG DAMI ng guro, taong 1871 nang binuksan ang PAARALANG NORMAL para sa KABABAIHAN. Ito
ay NAGKAKALOOB NG KATIBAYAN PAGKATAPOS NG TATLONG TAONG PAG – AARAL.

UNIBERSIDAD
May mga UNIBERSIDAD na naitatag ang mga PARING MISYONERO. Iba’t ibang KURSO rin ang binuksan
sa unibersidad PARA SA KALALAKIHAN. Ang mga ito ay:
a. medisina
b. abogasya
c. parmasya
d. atbp.

Ang mga unibersidad na naitatag noon at ang:


a. Unibersidad ng San Ignacio (1589) – kauna – unahang unibersidad na itinatag ng mga Hesuwita
b. Unibersidad ng Santo Tomas (1611) – Dominiko
c. Unibersidad ng San Felipe (1707) – itinatag ng pamahalaan

Ang mga ito ay naitatag upang MAIPAGPATULOY NG MGA NAIS MAGTAPOS SA KOLEHIYO ANG
KANILANG PAG – AARAL.

May mga Pilipinong nakatapos ng pag – aaral ng medisina, abogasya, parmasya, pagka – manunulat, at
marami pang iba. Ilan sa mga nakapagtapos sa pag – aaral ay sina:
a. Dr. Jose Rizal b. Apolinario Mabini c. Graciano Lopez – Jaena

PAARALANG PAMBAYAN
 Noong 1863, ipinag – utos ng Hari ng Spain ang PAGTATATAG NG PAARALANG PRIMARYA para sa
mga lalaki at babae sa BAWAT LALAWIGAN. Ipinag – utos din ang PAGPAPATAYO NG PAARALANG
NORMAL para sa mga guro sa ILALIM NG PAMAMAHALA NG MGA HESUWITA. SAPILITAN at
WALANG BAYAD ang pag – aaral sa primary at WIKANG ESPANYOL ang ginamit sa pagtuturo.
 Nagbukas ng mga PAARALANG PAMBAYAN ayon sa itinadhana ng Kautusan noong 1863 tungkol sa
edukasyon. Ang naging INSPECTOR at TAGASURI nito ay ang mga KURA PAROKO.
 Maraming kaalaman ang itinuro sa mga kalalakihan tulad ng heograpiya, pagsasaka, kasaysayang
Espanyol, aritmetika, pagsulat, Doctrina Christiana, magandang asal, at pag – awit. Ang mga ito ay
itinuro rin sa kababaihan, MALIBAN lamang sa pagsasaka, heograpiya, at kasaysayang Espanyol.
PAGBUBURDA, PAGGAGANTSILYO, at PAGLULUTO ang kapalit ng itinuro sa kanila.
EPEKTO NG EDUKASYONG KOLONYAL

 Hindi maikakaila na MAGANDA ang itinatadhana ng mga batas tungkol sa PAGBUBUKAS NG


PAARALAN. Ngnunit hindi masasabing tagumpay ang mga layunin nito dahil sa mga paaralan,
kolehiyo, at unibersidad ay BUKAS LAMANG PARA SA MGA ESPANYOL at MESTISONG ESPANYOL.
Taong 1863 nang MAGBUKAS NG MGA PAARALANG PAMBAYAN.

 Kahit na ipinag – utos ng Hari ng Espanya na ituro ang wikang Espanyol sa mga Pilipino, ito ay HINDI
NASUNOD dahil sa PANGAMBA NG MGA ESPANYOL NA BAKA MAGKAUNAWAAN at MAGKAISA ANG
MGA ITO LABANAN SILA.

 Bagama’t walang lugar ang mga Pilipino sa mga paaralan, NAIMPLUWESIYAHAN din sila nito. Nakita
nila ang KAHALAGAHAN NG EDUKASYON PARA SA KAUNLARAN NG BANSA. May mga Pilipinong
NAGSIKAP MAKAPAG – ARAL. Ang kanilang kaalaman ay NAGING MALAWAK. Nabuksan ang kanilang
mga isipan at nagkaroon ng pagbabago ng pananaw sa buhay. Ito ang nagbukas sa mga mata ng
ilang Pilipino na GUMAWA NG HAKBANG AT TUMULONG SA KAPWA UPANG MAGISING ANG
DIWANG NASYONALISMO.

 Dahil pinag – iba ang edukasyon ng mga babae sa mga lalaki, NABAWASAN ANG MGA KARAPATAN
NG KABABAIHAN. Sila ay naging SUNOD – SUNURAN sa kanilang mga asawa. Naging PANTAHANAN
lamang ang kanilang mga gawain. Hindi sila maaaring MAKIPAGKASUNDO, BUMILI, at MAGBENTA
NG MGA ARI – ARIAN NANG WALANG PAHINTULOT NG ASAWA. Hindi sila maaaring MANGASIWA
NG MGA LUPAIN, MAGHANAPBUHAY, at MAGING TESTIGO SA KORTE.

PAGBABAGO NG ANTAS SA LIPUNAN

Nagbago ang batayan ng pag – uuri ng antas ng katayuan ng tao sa lipunan. Ito ay nabatay sa
KAYAMANAN at PINAG – ARALAN. Ang mga kolonyalistang Espanyol ang NANATILING NASA ITAAS. Ito
ang mga tinawag na PENINSULARES at INSULARES. Ang mga PENINSULARES ang mga Espanyol na
IPINANGANAK SA SPAIN at ang mga INSULARES ang mga Espanyol na IPINANGANAK SA BANSANG
KOLONYA. Ang sumunod na antas ay ang MESTISO o ANAK NG MGA PILIPINO NA NAHALUAN NG
DUGONG ESPANYOL. Ang PRINCIPALIA ang mga MAYAYAMANG MAMAMAYANG PILIPINO. Ang mga
NAKAPAG – ARAL NA MGA PILIPINO ay naging kabilang din sa mga PRINCIPALIA. Ang PINAKAMABABANG
ANTAS ay ang tinawag na INDIO o MGA KATUTUBONG PILIPINO.

ANTAS SA LIPUNAN
PENINSULARES

INSULARES
MESTISO
PRINCIPALIA

You might also like