You are on page 1of 19

ARALING PANLIPUNAN 5 REVIEWER

Pangalan:__________________________________
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
_____1. Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?
A. Silangang Asya B. Hilagang Asya
C. Kanlurang Asya D. Timog Silangang Asya
_____2. Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?
A. Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
B. Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
C. Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.
D. Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o
dagat.
_____3. Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?
A. Karagatang Indian B. Karagatang Atlantiko
C. Karagatang Pasipiko D. Karagatang Arktiko
_____4. Anong isla ang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan
ang Pilipinas?
A. Kiribati B. Micronesia C. Moluccas D. Palau
_____5. Mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga
sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila.
A. base militar B. opisina C. paaralan D. palaruan
_____6. Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking
pamana ang kanilang iniwan sa Pilipinas?
A. edukasyon B. ekonomiya C. relihiyon D. sandatahang lakas
_____7. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?
A. para maging sikat ang isang bansa
B. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
C. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa
D. para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura,
ekonomiya, pamahalaan at relihiyon ng isang bansa.
_____8. Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog -
Silangang Asya.
A. Teorya ng Continental Drift B. Teorya ng Tulay na Lupa
C. Teorya ng Ebolusyon D. Teorya ng Bulkanismo
_____9. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng
mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
A. Teorya ng Tulay na lupa B. Teorya ng Ebolusyon
C. Teorya na Continental drift D. Teorya ng Bulkanismo
_____10. Alin sa ibaba ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay
magpaliwanag ng sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?
A. Mitolohiya B. Relihiyon
C. Sitwasyon D. Teorya

_____11. Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ang tao sa pamamagitan ng isang


maykapangyahiran na tinatawag na _________.
A. Apoy B. Diyos
C. Hangin D. Tubig
_____12. Sila ay naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni Melu, na
kanilang Diyos.
A. Badjao B. Bagobo
C. Igorot D. Manobo
_____13. Ang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon sa relihiyon.
A. Babaylan B. Datu
C. Diyos o Allah D. Lakan
_____14. Alin sa sumusunod ang pinaniniwalaang puno o halaman na pinagmulan ng
sinaunang tao sa bansa batay sa mitolohiya?
A. Gumamela B. Kawayan
C. Narra D. Mangga
_____15. Ano ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesyano?
A. Pananakop B. Pakikipagkalakalan
C. Pakikipagkaibigan D. Pagpapakilala ng relihiyon
_____16. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga
tinapyas na batong magaspang?
A. Panahong Neolitiko B. Panahong Paleolitiko
C. Maagang Panahon ng Metal D. Maunlad na Panahon ng Metal
_____17. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng
Bagong Bato?
A. pakikipagkalakalan
B. tumira sa mga yungib
C. magsaka at mag-alaga ng mga hayop
D. mangaso at mangangalap ng pagkain
_____18. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga
maharlika?
A. bagani B. bayani
C. pulis D. sundalo
_____19. Ang mga sumusunod ay mga natatamasang karapatan ng mga kababaihan sa
Ifugao maliban sa isa. Alin sa mga ito?
A. bomoto o pumili ng lider
B. magkaroon ng kayamanan
C. pagiging kapalit ng datu
D. pumili ng mapangangasawa
_____20. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong
panahong pre-kolonyal?
A. ari-arian B. diborsyo
C. krimen D. pag-aaral
_____21. Alin dito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat
barangay?
A. pananakop B. pagbili o pagbabayad
C. sanduguan D. pag eespiya
_____22. Sino ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang
barangay lalo na kung may mga pagtitipon?
A. bagani B. gat C. lakan D. umalohokan
_____23. Anong paraan ng pagsasaka ang nililinis at sinusunog muna ang burol bago
taniman?
A. pag-aararo B. pagbabakod
C. pagkakaingin D. pagnarnarseri
_____24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
A. pagsasaka B. pangingisda
C. pangangaso D. pagiging katulong sa ibang bansa
_____25. Naging tanyag ang mga Pilipino noon dahil sa mga gawaing ito maliban sa isa.
Ano ito?
A. pagpapalayok B. paghahabi
C. paggawa ng sasakyang pandagat D. paggawa ng kasangkapang
elektroniks

_____26. Ano ang tawag sa sistema ng pakikipagkalakalan noong pre-kolonyal?


A. barter B. komunismo
C. open trade D. sosyalismo
_____27. Anong lugar ang naging tanyag at sentro ng kalakalan sa bansa noong pre-
kolonyal?
A. Cebu B. Davao
C. Leyte D. Manila
_____28. Ano ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na
mula sa metal tulad ng ginto?
A. pangangaso B. pangingisda
C. metalurhiya D. pangangalap ng pagkain
_____29. Ang ___________ ay ginagamit sa paggawa ng mga palamuti tulad ng pulseras at
hikaw noong pre-kolonyal.
A. bato B. dahon
C. perlas D. plastik
_____30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dalang produkto ng mga Tsino sa bansa?
A. kristal B. salamin
C. tapayan D. timbangan
_____31. Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng
mga sandata mula sa bakal, ano ang tawag sayo?
A. karpentero B. latero
C. mason D. panday
_____32. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong
pre-kolonyal o bago dumating ang mga mananakop?
A. may sariling teritoryo B. may sariling pamahalaan
C. may pananampalatayang Kristiyano D. may sistema ng pagbasa at pagsulat
_____33. Alin sa mga sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?
A. Alipin B. Isang bilanggo
C. Pagiging kriminal D. Kagitingan at kagandahan
_____34. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at
awayan?
A. nagkaroon sila ng isang paligsahan
B. kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
C. sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu
D. nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugo
_____35. Anong kulay ng kangan ang isinusuot ng datu?
A. asul B. berde
C. itim D. pula
_____36. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao?
A. pamahalaang lokal B. pamahalaang lalawigan
C. pamahalaang sultanato D. pamahalaang pambarangay
_____37. Alin sa mga sumusunod ang HINDI inihahanda ng pamilya para sa kanilang
miyembro na yumao at ililibing?
A. paglilinis sa katawan B. pagpapadala ng pera at pagkain
C. pagbibihis ng magarang kasuotan D. paglalagay ng langis sa katawan
_____38. Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.
A. Islam B. Animismo
C. Hudaismo D. Kristiyanismo
_____39.Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?
A. Luzon B. Mindanao
C. Samar D. Visayas
_____40. Dumating ang mga Arabong Muslim sa Pilipinas upang _______.
A. bumisita B. makipaglaban
C. makipagkalakalan D. manakop
_____41. Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang _____.
A. espirito B. kaugalian
C. sulat D. wika
_____42. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga
sinaunang Pilipino ang _________ na maipagmamalaki natin ngayon.
A. Katapangan B. Paraan ng pagsulat
C. Awit at sayaw D. Kultura
_____43. Ano ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?
A. Abakada B. Alibata
C. Baybayin D. Latin
_____44. Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay
halaga sa mga yumaong pamilya. Ito ay isa sa mga _______ ng ating mga ninuno o
sinaunang kabihasnan sa ating lipunan.
A. Ala-ala B. Kaalaman
C. Kontribusyon D. Simbolo
_____45. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon
ng ating mga ninuno sa ating lipunan ngayon?
A. Uri ng pananamit B. Sistema ng pagsulat
C. Paraan ng makikipagdigma D. Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha
_____46. Ito ay katawagan ng isang tao na naniniwala sa Relihiyong Islam.
A. Kristiyano B. Muslim
C. Budista D. Hudyo
_____47. May kaalaman na ang mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrumento
at sa paglikha ng musika. Sila ay may sariling ____________.
A. Awit at Sayaw B. Pasalita at Pasulat
C. Panitikan at Sining D. Paniniwala
_____48. Ano ang magandang naidulot ng mga ibat-ibang sining at panitikan sa ating
mga ninuno?
A. Naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala, at mga karanasan ng ating
mga ninuno.
B. Naisalin nila sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang kultura
C. Naging makulay at kaaya-aya ang pamumuhay ng ating mga ninuno
D. Lahat ng nabanggit
_____49. Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga
sumunod na henerasyon?
A. Sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan
B. Sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang barangay
C. Sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito
D. Lahat ng nabanggit
_____50. Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino
ay may sariling kultura, paniniwala, wika at pagsulat.
A. Tama B. Mali
C. Hindi ako sigurado D.
Hindi ako naniniwala
26. A
1. D
27. D
2. D 28. C
3. C 29. C
4. C 30. C
5. A 31. D
6. C 32. C
7. D 33. D
8. B 34. D
9. D 35. D
36. C
10. A
37. B
11. B
38. A
12. B 39. B
40. C
41. A
42. D
13. C
14. B
15. B
16. B
17. c
18. A
19. D
20. B
21. C
22. D
23. C
24. D
25. D

ARALING PANLIPUNAN 5 REVIEWER

Pangalan:__________________________________
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamangsagot at isulat bago
ang numero.

1. Ano ang tawag sa pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa?
A. kapitalismo C. komunismo
B. kolonyalismo D. sosyalismo
2. Kailan naganap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas?
A. Marso 2,1521 C. Marso 16,1521
B. Marso 6,1521 D. Marso 31,1521
3. Sino ang pinuno ng Cebu na bininyagan bilang tanda ng pagiging Kristiyano?
A. Lapu-Lapu C. Rajah Kolambu
B. Rajah Humabon D. Rajah Sulayman
4. Sino ang pinuno ng mga Espanyol na nagwagi sa labanan sa Cebu at Maynila?
A. Juan Garcia C. Ruy Lopez de Villalobos
B. Miguel Lopez de Legazpi D. Saavedra Ceron
5. Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na napasailalim sa kapangyarihan ni Legazpi maliban sa isa. Ano
ang lugarnaito?
A. Albay C. Masbate
B. Cavite D. Mindoro
6. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag na ang kayamanan ay isa sa mga layunin ng Espanya sa
pagtuklas at pagsakop ng bagong lupain?
A. maipalaganap ang kristiyanismo
B. makamit ang katanyagan ng bansa
C. mapaunlad ang ekonomiya ng kolonya
D. maangkin ang mga likas na yaman ng bansa
7. Alin ang isa sa mga dahilan kung bakit nabigo ang mga katutubong Pilipino sa pagpigil sa mga dayuhang
Espanyol na sakupin ang kanilang mga pamayanan?
A. Hindi nagkakaisa ang mgakatutubo.
B. Itinatag ng mga Espanyol bilang isang lungsod ang Maynila.
C. Muntik nang matalo ng mga katutubong Pilipino ang mga Espanyol.
D. Mas kakaunti ang bilang ng mga mandirigmang Pilipino laban sa Espanyol
8. Alin dito ang pangunahing dahilan ng paglalakbay ng mga Europeo sa Malayong Silangan?
A. Hanapin ang pulo ng Moluccas
B. Makipagkaibigan sa mga Pilipino
C. Maipalaganap ang Kristyanismo sa bansa
D. Ang pakikipagkalakalan ng mga Espanyol sa mga bansang Asyano
9. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang nangyari sa ating pananampalataya nang dumating si Magellan
sa Pilipinas noong 1521?
A. Natakot ang mga Pilipino.
B. Narating ni Magellan ang Limasawa.
C. Pag papalaganap ng Kristiyanismo.
D. Nagkaroon ng labanan ang grupo nina Magellan at Lapu-lapu sa Mactan.
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagtuklas at pananakop ng mga Espanyol?
A. Maging tanyag at makapangyarihan
B. Maipalaganap ang Relihiyong Kristiyanismo
C. Upang palakasin ang mga mahihinang bansa
D. Makuha ang kayamanan ng mgamasasakopnalupain
11. Ang mgasinaunang Pilipino ay saganasaibat-ibang .
A. espirito C. sulat
B. kaugalian D. wika
12. Bago pa man dumating ang mga Espanyol saPilipinas ay taglayna ng mgasinaunang Pilipino ang
mgasumusunodnamaipagmamalaki natin ngayonmalibansa isa. Ano ito?
A. Awit at sayaw C. Kristiyanismo
B. Katapangan D. Paraan ng pagsulat
13. Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay halaga sa mga yumaong
pamilya, ito ay isa sa mga__________ ng ating mga ninuno o sinaunang kabihasnan sa ating lipunan.
A. Ala-ala C. tradisyon
B. Katuwaan D. Simbolo
14. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating mga ninuno sa
ating lipunan ngayon?
A. Uri ng pananamit
B. Sistema ng pagsulat
C. Paraan ng pakikipagdigma
D. MalalimnapagtitiwalasaManlilikha
15. Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling kultura,
paniniwala, wika, at pagsulat.
A. Tama C. Hindi akosigurado
B. Mali D. Hindi akonaniniwala
16. Sa ilalim ng kapangyarihang panghukuman, ang prayle ay may kapangyarihang .
A. Magpasya kung sino ang ititiwalag sa simbahan
B. Mamahala sa halalang local at gawaing pambayan
C. Magtala ng bilang ng mga ipinanganganak at inililibing
D. Mangasiwa sa sakramento tulad ng binyag, kumpil, at kasal
17. Ang mga sumusunod ay mga batas na dapat sundin sa pagpapabinyag maliban sa isa.
A. Dapat may pangalan na hango sa santo
B. Dapat pormal na tinatanggap bilang kasaping relihiyon
C. Dapat may dugo ng Espanyol ang pamilyang nagpapabinyag
D. Dapat may huling pangalan o apelyidong Espanyol ang bibinyagan
18. Ang malaking papel sa pagpapatupad ng Kristiyanismo ay ginampanan ng ____
A. Gobernadorcillo
B. pamahalaan
C. simbahan
D. tahanan
19. Ano ang layunin ng mga Espanyol sa pananakop ng mga katutubo?
A. Pagpapayaman ng mga katutubo
B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
C. Pagtatag ng pamahalaang sultanato
D. Paglalakbay sa mga magandang tanawin
20. Paano naakit ang mga Pilipino sa Kristiyanismo?
A. Binigyan ng sertipiko ang mga Pilipino.
B. Binigyan sila ng mga lupaing sasakahin.
C. May libreng pabahay ang mga dayuhan.
D. Gumawa ng paraan ang mga prayle para matanggap sila.

21. Paano ipinakitani Magellan ang Pwersa Militar ng Espanya sa pagpasok nila sa Pulo ng Mactan?
A. Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan.
B. Nag sanduguan sina Lapu-lapu at Magellan.
C. Nagdadala sila ng mga pagkain galing saCebu.
D. Nagdaraos ng pagpupulong si Magellan sa kanilang pinuno.
22. Sino ang unang itinalagang pinuno ng Pwersang Militar ng Espanya sa Maynila?
A. Andres de Urdaneta C. Martin de Goiti
B. Ferdinand Magellan D. Rajah Sulayman
23. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil
pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?
A. divide and rule C.merkantilismo
B. kolonyalismo D. sosyalismo
24. Ano ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol para mag tagumpay ang
kanilang pananakop sa bansa.
A. pakikigpagkaibigan sa mga katutubo
B. pagbili ng mga produktong gawang mga katutubo
C. pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo
D. paglaban sa mga mananakop gamit ang mga sibat,bangkaw, at iba pa.
25. Alin sa mga gawaing nakatala sa ibaba ang hindi ginawa sa simbahan noon?
A. Pagmimisa sa pamumuno ngpari
B. Pagsasaulo ng mga dasal at rosary
C. Pag-aawit ng mga awiting pansimbahan
D. Pagsasagawa ng novena sa pamumuno ng ministro
26. Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong paniniwala?
A. Para maging pari din ang mga Pilipino
B. Para sila ay makapunta sa mga bundok
C. Para ganap na maipapatupad ang kolonyalismo
D. Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino
27. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga pueblo o sentrong
populasyon?
A. Falla C. Reduccion
B. PoloYServicio D. Residencia
28. Sa pananakop ng mga Espanyol, ang simbolo ng hukbong sandatahan ay
A. espada B. ginto C. krus D. pera
29. Sino ang pinuno ng Cebu nang sakupin ni Legaspi ang kanilang lugar?
A. Humabon C. Raha Tupas
B. Kolambu D. Martin de Goite
30. Ano ang kadalasang nangyari sa mga lumaban sa mga Espanyol?
A. binibiyayaan C. nagiging opisyal
B. pinaparusahan D. nagiging sundalo
31. Ano ang ginagawa ng mga Espanyol kung hindi sila tinatanggap ng mga katutubo sa kanilang
lugar?
A. lumisan sila C. nagmamakaawa sila
B. nagpaalipin sila D. gumagamit sila ng puwersa
32. Bakit natalo ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?
A. duwag sila
B. kulang sa armas
C. maawain sila sa dayuhan
D. marunong silang gumamit ng baril
33. Ang relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol ay _.
A. Animismo C. Kristiyanismo
B. Budismo D. Paganismo
34. Ito ay patakarang sapilitang ipinatupad ng mga Espanyol para lumipat ng tirahan ang mga katutubo.
A. Doctrina Ekspedisyon C. Kristiyanisasyon
B. Ekspedisyon Reduccion D. Reduccion

35. Ano ang katibayang papel na pinanghahawakan ng mga Pilipino na sila ay nag babayad ng
buwis sa Pamahalaang Espanyol?
A. bandala C. listahan
B. cedula personal D. resibo
36. Ang taunang quota ng mga produkto sa mga lalawigan na kailangang ibenta ay tinatawag
na .
A. bandala C. realsitudo
B. encomienda D. tributo
37. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng sapilitang paggawa sa Pilipinong
polista?
A. Naging mapagkumbaba sila.
B. Natuto silang magtipid ng pagkain.
C. Sila ay naging matiyaga sa pagtatrabaho.
D. Nawawalay sila sa kanilang pamilya nang matagal.
38. Ang pinakamapangyarihang opisyal sa bansa sa pamahalaang sentral ay .
A. Alcalde Mayor C. Corrigedor
B. Cabeza de Barangay D. Gobernador-Heneral
39. Ang tawag sa ibinayad na halaga ng isang polistang hindi makapag tatrabaho sa sistemang polo.
A. encomienda B. falla C. reduccion D. tributo
40. Bakit mahalaga ang tungkulin ng Royal Audiencia sa panahon ng Espanyol?
A. Ito ang nagsisilbing hukumang pambarangay noon.
B. Ito ang sumasaklolo sa mga Pilipinong nagkakasala
C. Ito ang pinakamataas na hukuman sa panahon ng Espanyol
D. Ito ang nagbibigay ng sweldo sa mga opisyal ng pamahalaan.
41. Sino-sino ang nagtatrabaho sa Polo Y Servicio?
A. Babaeng walang asawa
B. Mga hindi lumipat sa poblacion
C. Mga lalaking walang asawa
D. Mga lalaking 16 hanggang 60 taon
42. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ng mga polista noon?
A. pagkakaingin
B. pagtitinda ng alahas
C. pagtatrabaho sa mga pamilihan
D. pangunguha ng mga ligaw na hayop at prutas
43. Tawag sa namamahala sa buong lalawigan. Tungkulin niya ang mangolekta ng buwis sa kanyang
nasasakupang lalawigan.
A. Gobernadorcillo C. Alcalde mayor
B. Cabeza De Barangay D. wala sa nabanggit
44. Sa pagpapatupad ng patakarang bandala, ang mga magsasakaay
A. Binabayaran kaagad ang kanilang mga produkto.
B. Kinukumpiska ang mga produktong mga katutubo.
C. May kapalit na produkto rin galing sa mga Espanyol.
D. Binibigyan ng premyong mga Espanyol kung makukuha ang mga produkto.
45. Ang paglikom ng buwis ay napupunta sa tungkulin ng
A. pamahalaang lokal C. pamahalaang sentral
B. kataas-taasang hukuman D. pampublikong pamahalaan
46. Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong paniniwala?
A. Para maging pari din ang mga Pilipino
B. Para sila ay makapunta sa mga bundok
C. Para ganap na maipatupad ang kolonyalismo
D. Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino
47. Ano ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol para mag tagumpay
ang kanilang pananakop sa bansa?
A. pakikipagkaibigan sa mga katutubo
B. pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo
C. pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo
D. paglaban sa mga mananakop gamit ang mga sibat, bangkaw, at iba pa.

48. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil
pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?
A. divide and rule C. merkantilismo
B. kolonyalismo D. sosyalismo
49. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga pueblo o sentrong
populasyon?
A. Falla C. Reduccion
B. PoloYServicio D. Residencia
50. Alin sa mga gawaing nakatala sa ibaba ang hindi ginawa sa Simbahang Katoliko noon?
A. Pagmimisa sa pamumuno ng pari
B. Pagsasaulo ng mga dasal at rosaryo
C. Pag-awit ng mga awiting pansimbahan
D. Pag-aayuno ng anim na buwan

Ikatlong Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan V
(File submitted to depedclub.com)

Pangalan: _____________________________________________ Petsa:________________________________

Baitang/Seksyon:____________________________________ Guro: ________________________________

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang nagpahayag na Open City ang Maynila noong Disyembre 26, 1941?
A. Heneral Douglas Mac Arthur C. Heneral Jose Basco
B. Heneral Jose Raon D. Heneral Jose Lopez
2. Ano ang binomba noong Disyembre 7, 1941 na isang base- militar sa Estados Unidos ng mga
Hapones?
A. Pearl Harvard C. Pearl Harbor
B. Pearl of the Orient D. Pearl Point
3. Ang lahat na nahuling sundalong Pilipino at Amerikano ay pinalakad mula Mariveles, Bataan
hanggang Capas, Tarlac ng mga Hapones. Ano ang tawag dito?
A. Long Walk C. Long Distance
B. Journey to Remember D. Death March
4. Ano ang tawag sa mga Pilipinong Espiya?
A. HUKBALAHAP C. Hapones
B. Makapili D. Huk
5. Sino ang naging pangulo sa Ikalawang Republika?
A. Manuel A. Roxas C. Emilio Aguinaldo
B. Elpedio Quirino D. Jose P. Laurel
6. Nang sakupin tayo ng Hapones, nagtatag sila ng pambansang pamahalaan na tinawag nilang
_______________.
A. Samahan ng Estado C. Taga paying Hapones
B. Sanggunian Bayan D. Samahan ng Pangasiwaang Sentral
7. Ang bumubuo ng pamunuan ng Philippine Executive Commission ay _____________.
A. apat C. walo
B. anim D. sampu
8. Ang samahan ng Pangasiwaaang Sentral ay bumuo ng magbibigay ng payo sa Komisyong
Tagapagpaganap. Ano ito?
A. Tagapangulong Komisyon C. Sangguniang Bayan
B. Sanggunian ng Estados Unidos D. Kapisanan sa Paglilingkod sa Bansa
9. Ang bawat komisyonado ay may-
A. Tagapayong Espanyol C. Tagapayong Hapones
B. Tagapayong Pilipino D. Tagapayong Amerikano
10. Lahat ng hakbang ng mga komisyonado ay dapat munang________________.
A. pagtibayin C. piliin
B. hatiin D. ipanalangin
11. Pinag-utos ni Pang. Jose P. Laurel ang paggamit ng _______________ bilang wikang opisyal.
A. tagalog C. Niponggo
B. Ingles D. Waray
12. Ang wika ng mga Hapones ay ______________.
A. Ingles C. Espanol
B. Mandarin D. Niponggo
13. Idineklara ni Hen. Douglas MacArthur na open city ang Maynila. Nangangahulugan ito na _____________.
A. lilisanin ng mga tao ang lungsod C. walang military na magtatanggol sa lungsod
B. ipagtatanggol ng military ang lungsod D. bobombahin ng mga Hapones ang lungsod
14. Sinong amerikanong heneral ang natira upang ipagtanggol ang Corregidor?
A. Manuel L. Quezon C. Jonathan Wainwright
B. Douglas MacArthur D. Franklin Roosevelt
15. Alin ang dahilan ng pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng United States at Japan?
A. Pagbomba ng Clark Airbase C. pagsalakay sa Pearl Harbor
B. Pagtakas ni Hen. MacArthur D. pagtatatag ng HUKBALAHAP

16-25 Isulat ang N kung naglalarawan at DN kung hindi naglalarawan sa uri ng pamumuhay ng mga
Pilipino sa panahon ng Hapones.

________16. Namuhay sa takot ang mga Pilipino sa panahon ng mga Hapones.


________ 17. Lumaganap ang sakit dahil sa hirap ng buhay at kakapusan sa pagkain.
________ 18. Hinuli ang mga kalalakihan at ikinulong.
________ 19. Matiwasay at tahimik ang pamumuhay ng mga Pilipino.
________ 20. Bawat Pilipino ay may proteksyon ang buhay.
________ 21. Kinontrol ang himpilan ng mga radyo
________ 22. Lumilipat ang mga Pilipino sa lugar kung saan walang mga Hapones.
________ 23. Nagpalipat-lipat sila para maiwasan ang mga Hapones.
________ 24. Malaya ang mga Pilipino na magawa ang kanilang nais.
________ 25. Kinakatakutan ng mga Pilipino ang Makapili o tinatawag na espiya.

26-33 Alin sa mga sumusunod na paraan ang ginawa ng pamahalaan sa paglutas ng suliranin sa
panahon ng Hapones? Lagyan ng / kung tama at X kung mali ang tinutukoy sa bawat
pangungusap.

________ 26. Itinatag ang Sanggunian sa Pagpaplanong Pangkabuhayan


________ 27. Nagtanim ng mga gulay sa bakanteng lupa.
________ 28. Iniutos ang pagtatanim ng mga halamang namumulaklak.
________ 29. Itinatag ang Bigasang Bayan.
________ 30. Kinontrol ang halaga ng bilihan sa mga pamilihan.
________ 31. Nagtatag ng mga Kooperatiba
________ 32. Paglulungsad ng mga Proyekto kaugnay ng pagpaparami ng pagkain
________ 33. Labis na pagpapatubo sa mga negosyanteng Pilipino

Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

________ 34. Rehabilitasyon at industriyalisasyon ng bansa A. Ramon Magsaysay


________ 35. Pinairal ang Patakarang Pilipino Muna B. Manuel A. Roxas
________ 36. Nagpatayo ng mga poso artesano C. Ferdinand Marcos
________ 37. Pagpapanumbalik ng tiwala ng bayan sa pamahalaan D. Carlos P. Garcia
________ 38. Paglikha ng mapagkakakitaan ng mga tao E. Elpidio Quirino
________ 39. Nagpatupad ng Reporma sa Lupang Pansakahan F. Diosdado Macapagal

40. Sino ang naging unang pangulo sa Ikatlong Republika?


A. Ferdinand Marcos C. Elpidio Quirino
B. Manuel A. Roxas D. Carlos P. Garcia
41. Ano ang tawag sa pagbibigay ng karapatan sa mga mamamayang Amerikano at Pilipino sa
paglinang ng likas na yaman ng ating bansa?
A. Partner Rights C. Company Rights
B. Business Rights D. Parity Rights
42. Anong bangko ang namahala sa pagpapautang upang maisaayos ang industriyang sakahan at
negosyo sa bansa?
A. Rehabilitation Finance Corporation C. National Finance Cooperative
B. Rehabilitation Corporation D. National Cooperative
43. Binigyang diin nito ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao. Layunin ng
pamahalaan sa Bagong Lipunan ang paglutas ng suliranin sa kakulangan sa tirahan sa mga
lungsod. Ano ang tawag sa proyektong ito?
A. Zonal Improvement Program C. Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services
B. Bagong Pilipinas D. Pabahay para sa mga Mayayaman
44-48 Isulat kung Tama o Mali ang inihahayag sa mga pangungusap sa panahon ng Ikatlong
Republika. Isulat ang sagot sa patlang.

___________ 44. Itinatag ang Pambansang Pangasiwaan sa Paglilipat-tirahan at Pagsasaayos upang


mabigyan ng sariling lupang tirahan at sakahan sa mga nangangailangan.
___________ 45. Pinamahalaan nito ang pagbibigay ng maayos na tirahan sa mga iswater.
___________ 46. Itinatag ito upang mapangalagaan ang mga may sariling lupa at tirahan.
___________ 47. Layunin nitong tulungan ang mga iskwater na nais na magsibalik sa kanilang
sariling lalawigan.
___________ 48. Itinatag ito upang tulungan ang mga nagpapaupa ng mga apartment.

49-53 Isulat ang S kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at DS kung di ka sang-ayon.


__________ 49. Ang pagpapatuloy ng makaamerikanong sistema ng edukasyon ay makabubuti sa
pamumuhay ng mga Pilipino.
__________ 50. Ang pagtuturo ng mga gawaing mapapakinabangan tulad ng pag-aalaga ng bibe,
manok at iba pa ay makatutulong sa pagtugon ng mga pangunahing pangangailangan
ng tao.
__________ 51. Paggamit ng wikang pambansa bilang panturo.
__________ 52. Pagbubukas ng paaralang pambayan at pagtatatag ng paaralang bokasyunal.
__________ 53. Pagtuturo tungkol sa buhay ng mga bayaning Pilipino.

54. Sino ang sumulat ng Balarila ng Wikang Pambansa at sumulat ng nobelang Banaag at Sikat?
A. Amado Hernandez C. Alejandro Abadilla
B. Francisco Baltazar D. Lope K. Santos
55. Siya ang gumawa ng pag-aaral tungkol sa mga katutubong awit at sayaw.
A. Aurora Quezon C. Geronima Pecson
B. Francisca Reyes Aquino D. Vicente Manansala
56. Si Guillermo Tolentino ay nakilala sa kanyang obra na makikita sa UP, monumento ni Bonifacio sa
Caloocan. Anong obra ito?
A. Bagong Malaya C. Oblation
B. Seven Hills Away D. Plantation
57. Sino ang unang babaing nahalal na senador sa bansa noong 1947?
A. Helenita Benitez C. Francisca Reyes Aquino
B. Aurora Quezon D. Geronima Pecson
58. Isang institusyong pangkawanggawa para sa mga naulilang lubos at mga babaing napariwara.
A. Philippine National Red Cross C. United Nations Commissions
B. Asociacionn Catolica de Damas Filipinas D. Social Aid Committee
59. Sino sa mga sumusunod ang mahusay umawit?
A. Lea Salonga C. Francisca Reyes Aquin
B. Cecilia Munos Palma D. Geronima Pecson
60. Sino ang nagsimula ng paggamit ng katutubong panitikan at awit bilang paksa sa musika?
A. Antonio Molina C. Felipe Padilla
B. Lucio San Pedro D. Antonio Buenaventura
61. Ang mahalagang katangian ng mga gusali sa panahong ito ay ang tinatawag na __________ na
Matibay na sementong tabing upang ikubli ang mga bintana sa sinag ng araw.
A. sunset C. sundown
B. sunbreaker D. sunrise
62. Sino si Victor Edades?
A. Ama ng Balarila C. Ama ng Makabagong Sining
B. Ama ng Panitikan D. Ama ng Suriang Pambansa
63. Ang mga negosyong lubos na pag-aari ng mga Pilipino ay ang papayagan lamang ng
makalahok sa kalakalang tingian.
A. Market Stalls Act C. Filipino Retailer Fund Act
B. National Marketing Corporation D. Retail Trade Nationalization Act
64. Batas na nangangalaga sa mga mangagawa sa pag-aabuso o pagmamalabis sa kanila ng mga
may-ari ng kompanya.
A. Market Stalls Act C. Filipino Retailer Fund Act
B. National Marketing Corporation D. Magna Carta of Labor
65. Ang pamahalaan ay bumuo ng iisang korporasyon na magtutustos ng murang paninda sa mga
Pilipinong magtingi.
A. Market Stalls Act C. Filipino Retailer Fund Act
B. National Marketing Corporation D. Magna Carta of Labor
66. Ang batas na ito ay nag-uutos sa maga dayuhang negosyante na unti-unti nang alisin ang
kanilang negosyo sa ating bansa.
A. Market Stalls Act C. Filipino Retailer Fund Act
B. National Marketing Corporation D. Retail Trade Nationalization Act
67. Batas na nagbibigay ng katiyakang benepisyo sa mga manggagawasa mga oras ng kanilang
pangangailangan
A. Social Security Act C. Filipino Retailer Fund Act
B. National Marketing Corporation D. Retail Trade Nationalization Act

68-75 Isulat ang Oo kung sang-ayon ka sa inihahayag sa pangungusap at Hindi kung hindi.
_________ 68. Nalinang ang nayonalismo sa mga Pilipibago nang pinairal ang patakarang “Pilipino
Muna”.
_________ 69. Nabigyan ng pagkakataon ang mga dayuhang makapagnegosyo bago ang mga
Pilipino.

_________ 70. Naging mahalaga sa mga Pilipino ang patakarang ito sapagkat naunang nabigyan sila
nang pagkakataong mapaunlad ang kabuhayan bago ang mga dayuhan.
_________ 71. Nararapat na makinabang ang mga dayuhang negosyante sa mga likas na yaman ng
bansa.
_________ 72. Sa patakarang ito ipinakita ni Pangulong Carlos P. Garcia ang kanyang pagiging
makabansa.
_________ 73. Ang dayuhan ang dapat na makinabang sa likas na yaman ng bansa.
_________ 74. Sa pamamagitan ng “Pilipino Muna” napaunlad ang industriyang Pilipino.
_________ 75. Naging malaking tulong sa pagkabawas ng kontrol ng mga dayuhan sa kalakalan sa
bansa.

SUSI NG PAGWAWASTO SA IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

MAKABAYAN HEKASI V
(File submitted to depedclub.com)

1. A 26. / 51. S

2. C 27. / 52. S

3. D 28. X 53. S

4. B 29. / 54. D

5. D 30. X 55. B
6. D 31. / 56. C

7. B 32. / 57. D

8. A 33. X 58. B

9. C 34. B 59. A

10. A 35. D 60. D

11. A 36. A 61. B

12. D 37. E 62. C

13. C 38. C 63. A

14. C 39. F 64. D

15. C 40. B 65. B

16. N 41. D 66. D

17. N 42. A 67. A

18. N 43. C 68. OO

19. DN 44. TAMA 69. HINDI

20. DN 45. TAMA 70. OO

21. N 46. MALI 71. HINDI

22. N 47. TAMA 72. OO

23. N 48. MALI 73. HINDI

24. DN 49. DS 74. OO

25. N 50. S 75. OO

ARALING PANLIPUNAN 5 REVIEWER

Pangalan:__________________________________

Panuto: Piliin ang A kung ito ay Pag-aalsang Panrelihiyon, B kung Pag-aalsang Pang-ekonomiko, C kung
Pag-aalsang Politikal, at D Pag-aalsang Pangteknolohiya.

1. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Pedro Ambaristo dahil sa paghihigpit ng mga Espanyol sa


produksiyon at pagbebenta ng basi.
2. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Apolinario dela Cruz o mas kilala na Hermano Pule dahil
tinanggihan siyang maging pari.
3. Isang pag-aalsa na pinamunuan ng mga Datu ng Maynila dahil gusto nilang mabawing muli ang
kanilang kalayaan at karangalan
4. Isang pag-aalsa na pinamunuan ng mag-asawang Diego at Gabriela Silang dahil sa galit nila sa buwis
na ipinapataw ng mga Espanyol at nais nilang palayasin ang mga ito
5. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Dagohoy dahil tinanggihan ng isang pari na bigyan ng isang
kristiyanong libing ang kaniyang kapatid.
6. Isang pag-aalsa sa Timog Katagalugan ng mga magsasaka dahil gusto nilang maibalik sa kanila ang
mga lupang inangkin ng mag Espanyol
7. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Francisco Rivera na pumigil sa pagpapatuloy at pagtangkilik sa
kristiyanismo sa pamamagitang ng pagbabalik sa mga prayle ng mga rosaryo at iskapularyo.
8. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Andres Malong na nag-ugat dahil sa hindi pagbabayad ng mga
Espanyol sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa paggawa ng barko
9. Isang pag-aalsa na pinamunuan nina Don Pedro Almazan bilang suporta kay Malong.
10. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Tapar ng Iloilo na naghanagad na magtayo ng bagong sangay ng
Kristiyanismo.
11. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Francisco Maniago na nag-ugat naman sa pagtutol ng mga
Kapampangan sa sapilitang paggawa ng galyon at hindi pagbabayad sa binibiling palay.
12. Isang pag-aalsa na pinamunuan nina Miguel Lanab at Alababan kung saan ay pinugutan ila ng ulo
ang mga misyonerong Dominican at hinikayat ang mga Itneg na magnakaw, dumumi sa mga imahen
ng santo, at sunugin ang mga simbahan.
13. Isang pag-aalsa ng mga Boholano sa Kristiyanismo na pinamunuan ni Tamblot.
14. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Lakandula dahil sa hindi pagtupad ng mga Espanyol sa pangakong
malilibre sa pagbabayad ng buwis at polo ang mga kaanak ni Lakandula.
15. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Agustin Sumuroy dahil sa polo y servicio o sapilitang paggawa sa
Samar na ipinapadala sa mga malalayong lugar tulad ng Cavite.
16. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Datu Bancao na lumaban sa simbahang Katolika ng Leyte
17. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Pedro Ladia na isang Moro na taga-Borneo na nag-ugat sa
pagkumpiska ng mga Espanyol sa kanyang mga ari-arian.
18. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Magalat at kaniyang mga kapatid dahil sa hindi makatwirang
pagbubuwis ng mga Espanyol.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

19. Bakit tinutulan ng mga Pilipino ang Monopolyo sa Tabako?


a. Walang bumibili ng tabako
b. Napagod sila sa pagtatanim
c. Naging mapang-abuso ang mga Espanyol
d. Mas marami ang manggagawang Tsino kumpara sa mga Pilipino
20. Noong nagkaroon ng pag-aalsang agraryo ay agad na pinag-utos ni Haring Ferdinand VI na ibalik
ang mga lupain, ngunit umapela ang mga prayle kaya walang lupain ang naibalik. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
a. Walang kapangyarihan ng hari
b. Walang sinusunod ang mga prayle
c. Mas makapangyarihan ang mga Filipino
d. Ang kakayahan at kapangyarihan ng mga prayle hindi lamang sa usaping panrelihiyon.
21. Bakit hindi pinayagang maging pari si Hermano Pule?
a. Dahil siya ay isang Tsino
b. Dahil siya ay makasalanan
c. Dahil may dugo siyang Amerikano
d. Dahil Espanyol lamang ang maaaring maging pari o kaya ay mestizo
22. Ano ang ginawa kay Hermano Pule dahil sa kanyang pagtatayo ng isang samahan o kapatiran na
kanyang itinatag?
a. Hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad at ang kaniyang katawan ay
pinutol-putol at ibinandera sa publiko
b. Hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng silla electrica at tsaka pinakain sa mga piranha
c. Hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng stone to death o pagbato sa kanya hanggang sa
siya ay mamatay
d. Hinayaan siyang mabuhay kapiling ang mga tigre sa kagubatan ng Sierra Madre.
23. Anong tunggalian sa Europa ang naganap sa pagitan ng Great Britan ang France mula 1756-1763?

a. Seven Years War


b. 300 Years War
c. World War I
d. WorldWarII

24. Bakit nadamay ang Pilipinas sa tunggaliang Great Britain at France?


a. Dahil sa dami ng armas ng mga Filipino
b. Dahil gagamitin ang mga Filipino bilang bala sa kanyon
c. Dahil tayo ay kolonya ng Espanya na kaalyado ng France
d. Dahil tayo ay kolonya ng Espanya na kaalyado ng Great Britain

Panuto: Piliin ang A kung ang pag-aalsa ay nagtagumpay, at B kung hindi.

25. Pag-aalsa ng mga Datu sa Tondo


26. Pag-aalsa ng mga Igorot
27. Pag-aalsa ng mga Itneg
28. Pag-aalsa ni Tapar sa Panay
29. Pag-aalsa ng mga Magtangaga sa Cagayan
30. Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol
31. Pag-aalsa ni hermano Pule sa Tayabas, Quezon
32. Pag-aalsa ni Ladia sa Malolos, Bulacan
33. Ang kalakalang Galyon ay kilala rin sa anong tawag?

a. Kalakalang Maynila-Acapulco
b. Kalakalang Cadiz- Maynila
c. Kalakalang France-Great Britan
d. KalakalangSuez-Panama

34. Bakit hindi nakinabang ang mga Filipino sa kalakalang galyong gayong kalahok ang mga Filipino
mula ika-16 hanggang ika-19 na siglo?
a. Hindi marunong sa merkado ang mga Filipino
b. Palaging nabubulok ang kanilang mga produkto
c. Palaging itinutumba ng mga bagyo ang sinasakyang galyon
d. Ang tanging gampanin lang ng mga Pilipino sa kalakalang galyon ay ang paggaa ng galyon at
hindi sa pakikipag-kalakalan
35. Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik sa paghina ng kalakalang galyon?
a. Okupason ng Bristish sa Maynila
b. Pagkakatuklas ng bagong rutang pangkalakalan
c. Paghina ng kalakalan ng mangga sa Mexico
d. Deklarasyon ng Cadiz Constitution
36. Paano nakaapekto ang pagtuklas sa bagong rutang pangkalakalan sa paghina ng kalakalang galyon?
a. Dulot ng paglaki ng merkado sa Mexico para sa tela
b. Dahil sa paglaganap ng malayang ideya
c. Pagtatag ng Compania de Libre Comercio sa Madrid noong 1778 na ngangasia sa direktang
kalakalan sa pagitan ng Spain at Maynila
d. Wala itong epekto
37. Ano ang pumalit sa Compania de Libre Comercio na humamon rin sa katatagan ng kalakalang
galyon?

a. Real Compania de Filipinas


b. Real Sociedad delos Amigosdel Pais
c. Real Property of ProFriends
d. Real Situado
Panuto: Piliin mula sa mga sumusunod na pagpipilian para sa bilang 38-42 ang mga dahilan ng pagkakabigo
ng Pag-aalsa.

38. May mga Pilipinong nakipagtulungan sa mga mananakop upang masupil o hindi matuloy ang mga
pag-aalsa.
39. Hindi naging madali para sa mga Pilipino ang manghikayat ng dagdag na kalahok sa mga planong
pag-aalsa dahil hindi sila nagkakaintindihan
40. Nahirapan ang mga Filipino na magpadala ng mga mensahe tungkol sa pag-aalsang isasagawa lalo
na sa mga liblib na bundok at kagubatan
41. Hindi kinaya ng mga Pilipino na makipagsabayan sa sopistikado at makabagong armas ng mga
Espanyol
42. Mga pag-aalsa mula sa iba’t ibang magkakalayo at maliliit na mga lugar sa Pilipinas.
43. Karapat dapat bang hangaan ang mga Pilipinong nakipaglaban sa mga Espanyol kahit na nabigo sila?
a. Oo, sapagkat nagpapakita ito ng kanilang pagmamahal sa bayan na kahit sariling buhay ay
itataya
b. Oo, dahil ang pagkatalo ay nagpapakita ng pagkabayani
c. Hindi, dahil hindi naman ito nakatulong sa kalayaan
d. Hindi, dahil hindi naman sila kilala.
44. Ano sa iyong palagay ang naging relihiyon ng mga Pilipino kung sa simula pa lang ay hindi na natin
hinayaang masakop tayo ng mga Espanyol?
a. Kristiyanismo pa rin dahil laganap ito sa buong mundo
b. Maaaring Islam dahil isa na ito sa mga relihiyon sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga
Espanyol at nananatiling Muslim ang karamihan ng Pilipino sa Mindanao
c. Budhismo dahil sa mga karatig nating bansa sa Timog-Silangan Asya
d. Hinduismo, dahil sa mga Indian na pumupunta sa Pilipinas
45. Ano sa iyong palagay ang nangyari kung hindi tayo nakipaglaban sa mga Espanyol?
a. Maaaring hanggang ngayon ay kolonya o teritoryo pa rin tayo ng Espanya
b. Marahil ay mga Amerikano ang unang nakasakop sa atin.
c. Marahil ay Espanyol ang isa sa ating official languages.
d. Lahat ng nabanggit ay maaaring tama.
46. Posible pa bang mawala ang kalayaang tinatamasa natin ngayon?
a. Oo, kaya dapat nating pahalagahan at ingatan ang kalayaang ito
b. Oo, dahil sa banta ng Amerika na sakupin tayo
c. Hindi, dahil sa sapat na kaalaman at kahandaan ng mga Pilipino sa digmaan
d. Hindi, dahil hindi na uso ngayon ang agawan ng teritoryo
47. Sa paanong paraan masasabi na ikaw ay isang mabuting mamamayan?
a. Sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng buwis
b. Sa pamamgitan ng pagbuo ng organisasyon na magtataksil sa bayan
c. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at alituntunin ng bansa
d. Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga demostrasyon na hindi alam ang pinaglalaban
48. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mo karapatan at tungkulin bilang isang Pilipino?
a. Karapatang pumili ng relihiyon; pagrespeto sa ibang relihiyon
b. Karapatang maglabas ng saloobin; siguraduhing walang taong masasaktan
c. Karapatang makaalam ng impornasyon; suriin ang mga impormasyon kung tama
d. Pakikiisa sa mga gawaing magdadala sa bansa sa kapahamakan; Piliin ang sarili bago bayan
49. Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ang anibersaryo ng EDSA People Power, kaninong
kabayanihan ang kinikilala rito?
a. Kabayanihan ng mga Pilipino sa kanilang pagkakaisa sa pagkamit ng kalayaan ng bansa at
wakasan ang Martial Law.
b. Kabayanihan ng mga Amerikano sa pagtulong nila sa pagkamit ng ating kalayaan
c. Kabayanihan ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol
d. Kabayanihan ng mga kababaihan na bahagi ng kasaysayan
50. Makikiisa ka ba sa mga demostrasyong magdadala sa kapahamakan ng Pilipinas at kawalan ng
seguridad ng bawat isa?
a. Hindi, dahil isang Pilipino ay tungkulin kong makiisa sa mga bagay na makakatulong sa
aking bansa at hindi sa makakasama
b. Hindi, dahil hindi ito nagpapakita ng pagmamahal sa bayan
c. Hindi, dahil kaming mga kabataan ang magiging pag-asa ng ating bansa sa hinaharap
d. Lahat ng nabanggit ay tama at nangangakong mananatili ito sa aking isip hanggang sa
hinaharap.

You might also like