You are on page 1of 19

Pagbubukas ng mga Daungan sa

Bansa para sa Pandaigdigang Kalakalan


Ang pagkakaroon ng estratehikong
lokasyon ng ating bansa ay nakatulong
nang malaki hindi lamang sa
pagsulong ng ekonomiya nito kundi
maging sa paglaganap ng malayang
kaisipan sa bansa.
Ang pagiging bukas ng
Pilipinas sa mga kaisipang
liberal ay naging daan upang
mahubog sa mga Pilipino ang
pagkakaroon ng damdaming
makabansa.
Ang mga Pilipino noon ay wala
pang konsepto ng nasyon o
bansa. Bago pa dumating ang
mga Espanyol ang pamahalaang
mayroon sa bansa ay mga
nagsasariling barangay lamang.
Walang isang wika,
tradisyon, relihiyon,
o gawaing maaring
magbuklod sa lahat ng mga
Pilipino noon.
Sa pagbubukas ng mga daungan para
sa pandaigdigang kalakalan,
umunlad ang ekonomiya ng bansa.
Nakapasok din ang liberal na ideya at mas
maunlad na kaisipan.

Lumaki ang pagnanasa ng mga


Pilipino na maging malaya at
matamasa ang mga karapatan
sa isang malayang bansa.
Ang kaisipang ito na ikinagalit ng mga
Espanyol ay tinawag nilang
FILIBUSTERISMO o subersibong kaisipan.
Sa pamamagitan ng balita mula sa
babasahin at maging ng kanilang
mga narinig sa mga
mangangalakal na nakarating sa
bansa tungkol sa mga kaugaliang
nangyari sa Europa ay nagkaroon
ng pagkaunawa ang mga Pilipino
ng kaisipang mapanghimagsik o
rebolusyonaryo.
Isa sa mga nakaantig sa kanilang mga puso
ang islogang, “Kalayaan,
Pagkakapantaypantay,
Pagkakapatiran” (Liberte, Elgalite,
Fraternite) ng mga Pranses sa
nangyaring French Revolution noong 1789-
1799 at naging tanyag na rebolusyon ng
mga Amerikano laban sa mga Ingles noong
1775-1783.
Mga kabutihang dulot ng pagbubukas
ng daungan sa bansa para sa
pandaigdigang kalakalan.
Pagbilis ng transportasyon
at
komunikasyon
Pagbuti ng paraan ng
pagsasaka
Pagdami ng mga ani at produkto
Pag-usbong ng liberal na ideya ng mga
Pilipino tungo sa kamalayang
nasyonalismo
Sa pagitan ng mga taong 1834-1898, binuksan
ang ilang mga daungan sa
Pilipinas para sa kalakalang pandaigdig.

Higit pa itong naging malawak nang


mabuksan ang Suez Canal noong
Nobyembre 17, 1869.
Ang pagbukas ng Suez
Canal ay ginawa ng
inhinyerong Pranses na si
Ferdinand de Lesseps na
nagdugtong sa
Mediterranean Sea at Red
Sea.
Ang mga kaisipang
liberal pagtutol sa paraan
ng pamumuno ng isang
lider na hindi karapat-
dapat o ang pagaalsa
laban sa pamahalaan.
Balikan Natin!

You might also like