You are on page 1of 7

4

Learning Activity Sheet sa Filipino


Kuwarter 3 – MELC 4
Nailalarawan ang tauhan batay sa
ikinikilos, ginawi, sinabi at naging
damdamin

REHIYON VI – KANLURANG
VISAYAS
Filipino 4
Learning Activity Sheet (LAS) 4
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Filipino 4

Manunulat: Sheryl Rose V. Panday


Editor: Rosalinda F. Barrientos
Tagasuri: Gemma I. Baon
Tagaguhit: Democrito V. Barrientos II
Tagalapat: Rosalinda F. Barrientos

Division of Aklan Management Team:

Miguel Mac D. Aposin, Ed.D. CESO V


Jose Niro R. Nillasca
Dr. Dobie P. Parohinog
Mahnnie Q. Tolentino
Marth S. Tropa

Regional Management Team:


Dr. Ramir B. Uytico
Dr. Pedro T. Escobarte, Jr.
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
MABUHAY!

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Aklan sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator na matulungan ang ating mga mag-aaral
na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang


matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing maging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral. (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang


matulungan ka na magpatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan.

Pangunahing Layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 4

Pangalan______________________________ Baitang at Seksyon____________


Petsa _____________________

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino 4

Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinikilos, ginawi, sinabi at naging damdamin

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


● Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinikilos, ginawi, sinabi at naging
damdamin. (F4PS-IIIb-2.1)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Paglalarawan sa katangian at damdamin ng tauhan batay sa


pananalita at kilos na isinasaad sa binasa.

Ang katangian ng tauhan ay mailalarawan ayon sa pahayag na kaniyang


sinabi. Matutukoy rin ang kanyang iniisip at nadarama. Maaaring
pagkainip,pagkapagod, pagdaing, pagkainis, pagsang-ayon, paninisi, pag-alo,
pag-awat at panghihikayat at iba pa.

III. Mga Sanggunian:


Yaman ng Lahi 4- Patnubay ng Guro pp.180-181
Yaman ng Lahi 4 – Kagamitan ng Mag-aaral pp. 78-83
Hiyas sa Pagbasa 4 – pp. 128-137
Hiyas sa Wika 4 – p. 109

IV. Mga Gawain:

1. Mga Panuto

Basahin at unawain ang teksto sa ibaba. Gumawa ng isang talaan sa


kuwaderno.
AURELIO TOLENTINO

Iba-iba ang naging paraan ng pakikibaka ng mga Pilipino noong panahon ng


pananakop ng mga Español. Isa na rito si Aurelio Tolentino na nakipaglaban sa
kanyang sariling pamamaraan para sa ikalalaya ng bayan.

Si Tolentino, isang tunay na mandudula ay kasapi ng Katipunan. Kahit siya’y


hinuli at pinilit na isiwalat ang lihim ng Katipunan, nanatili siyang matatag.

Noong panahon ng Americano ay isinulat niya ang dulang Kahapon, Ngayon


at Bukas. Inilalarawan ng dula ang nakakaawang kalagayan ng mga Pilipino sa
ilalim ng iba’t ibang mananakop at nagbabalang mag-aalsa rin ang mga Pilipino
laban sa mga Americano. Sa pangalawang gabi ng pagtatanghal, hinuli ng mga
sundalong Amerikano si Tolentino at 13 sa kaniyang mga kasamahan. Una siyang
hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ngunit pinawalan din siya matapos ang
siyam na taon.

2. Pagsasanay/Aktibidad

2.1 Pagsasanay A

Gamit ang kuwaderno, isulat ang mga damdaming inilalarawan ng tekstong nabasa.

Pangalan ng tauhan ____________________________________________

Ano ang ginawa niya?

Una Gitnang Bahagi Katapusan


Ano ang damdamin niya?

2.2 Pagsasanay B

Narito pa ang ibang pahayag na hango sa ibang kuwento. Isulat sa papel ang
katangian ng tauhan na inilalarawan sa pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang mga
salitang naglalarawan ng damdamin.

maawain masungit magalang mabait


masayahin malungkutin mainipin mapaghikayat

1.Magandang umaga po. Kayo po ba si Gng. Reyes? _______________________

2.Oo, ako nga. Anong maitutulong ko sa iyo? __________________

3.Limusan mo na ang bata. Mukhang hindi pa kumakain. Putlang-putla na.


__________________

4.Ang tagal naman ni Joyce! Kanina pa tayo rito. ______________

5. O, hayun na pala siya! Ngiti na tayo lahat. ____________________

6. Paano na ito? Ako na lamang ang tao sa bahay. Wala na naman silang lahat.
___________________

7. Naku, umalis ka nga riyan. Huwag mo akong abalahin. _____________________

8. Ikaw naman, hindi na mabiro. Sige ka, tatanda ka kaagad. __________________

9. Ano? Uutang ka na naman! Aba’y hindi ka pa bayad sa kinuha mo noong una.


_____________________

10. Ate, huwag masyadong malakas magsalita! Napapahiya iyong tao. ___________

V. Repleksiyon
Ang katangian ng alinmang tauhan sa kuwento ay makikilala sa
pamamagitan ng anyo, kilos, salita at ugali. Makikilala ang mga
katangiang ito ng tauhan sa tulong ng mga salitang naglalarawan.

VI. Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 2.1

AURELIO TOLENTINO

Nakipaglaban sa kanyang sariling pamamaraan para sa ikalalaya ng


bayan

Una Gitnang bahagi Katapusan

Nagsulat ng dula Hinuli at pilit na Hinatulan ng


tungkol sa ipasiwalat ang lihim panghabambuhay na
nakakaawang ng Katipunan. pagkabilanggo.
kalagayan ng mga
Pilipino.

( sariling ( sariling ( sariling paglalarawan


paglalarawan) paglalarawan) batay sa tekstong
nabasa)

Pagsasanay 2.1

1. magalang 6. malungkutin
2. magalang 7. masungit
3. maawain 8. masayahin
4. mainipin 9. masungit
5. mapanghikayat 10. mabait

You might also like