You are on page 1of 7

4

Learning Activity Sheet


sa Filipino
Kuwarter 3 – MELC 1
Nakapagbibigay ng hakbang ng
Gawain.(F4PS- IIIA-8.6) isang

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS

1
Filipino 4
Learning Activity Sheet (LAS) 3
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 4

Manunulat: Jose Darren J. Andres


Editor : Marth S. Tropa
Tagasuri : Marivic Z. Bajoyo
Tagalapat : Jinealyn I. Tropa

Division of Aklan Management Team:


Miguel Mac D. Aposin, Ed.D., CESO V
Dr. Dobie P. Parohinog
Mahnnie Q. Tolentino
Marth S. Tropa

Regional Management Team:


Dr. Ramir B. Uytico
Dr. Pedro T. Escobarte, Jr.
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

2
MABUHAY!

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo


sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Aklan
at Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management
Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan
ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga
gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay
naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-
kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila
ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning
center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw


ang mga panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na
patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral
(learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing Layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng


makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-
aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat Gawain.

3
Kuwarter 3, Linggo 1.a

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.1

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: _________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 4


Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain

I. Kasanayanng Pampagkatutu at Koda

Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain. (F4PS-IIIA-8.6)

II. Panimula:

Ang mga karanasan o pangyayari sa isang seleksiyon ay may


pagkasunod-sunod o hakbang. Hindi lamang pangyayari kundi maging sa
prosesong paggawa ng bagay ay may sinusunod na hakbang. Ito ang lakad
ng buhay upang maging sitematiko at makabuluhan.

Halimbawa:
Pagsaing ng bigas:
Linisin muna ang bigas ilagay sa kaldero lagyan ng tubig at isalang
Paggalaw ng tao mula sa pagkabata
Paggapang pag-upo pagtayo paglakad pagtakbo

III. Sanggunian:
Yaman ng Lahi (Wika at Pagbasa sa Filipino) ph.103-109

IV. Mga Gawain


Gawain 1

Panuto: Lagyan ng angkop na bilang ayon sa pagkasusunod-sunod ng hakbang na


hinihingi sa bawat gawain.

A. Paggawa ng Polboron

______Salain ang harina at asukal.

4
______Ihalo ang powdered milk.

______Haluin hanggang maluto.

______Ihalo ang margarine.

______Balutin sa makulay na papel.

______Pagsama-samahin lahat sa kawali.

B. Paggawa ng Suman

______Paghahalo ng malagkit sa gata ng niyog hanggang sa maluto.

______Paglalagay ng malagkit sa gata ng niyog na nasa talyasi o malaking kawali.

______Pagbabalot ng malagkit sa dahoon ng saging.

______Paglalagay ng asukal sa hinahalong malagkit at gata.

______Pagpapakulo sa nakabalot na suman upang lalong maluto.

C. Paggawa ng Leche Flan

_____Paghahalo ng dalawang latang gatas kondensada at dalawang kutsarang katas ng


kalamansi.

_____Pagbabasag ng isang dosenang itlog at pagbabati nito.

_____Pagpapasingaw sa mga llanerang nilagyan ng binabating itlog at gatas.

_____Paglalagay ng pinakuluang tinunaw na asukal sa llanerang paglalagyan ng leche flan.

_____Paghahango ng mga llanerang may nalutong leche flan.

5
Gawain 2
Panuto: Umisip ng isa pang pagkain na maaaring itinda sa isang mini-fair. Isulat ang
pamamaraan kung paano ito ihahanda. Gamiting format ang nasa ibaba.

Pamagat :____________________________________
Layunin :____________________________________
Mga Sangkap :____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
Mga Hakbang :____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

V. Repleksiyon

Ano ang dapat mong tandaan sa wastong paghahanda ng isang masarap na pagkain o isang
gawain?

6
VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
A 1 B. 3 C. 3
2 1 2
5 4 4
3 2 1
6 5 5
4

Gawain 2

You might also like