You are on page 1of 7

8

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino


Kuwarter 2–MELC 9
Pag-uugnay ng Tema ng Napanood
na Programang Pantelebisyon sa
PAGMAMAY-ARI NG PAMAHALAAN
Akdang Tinalakay

HINDI IPINAGBIBILI
REGION VI-KANLURANG VISAYAS

Filipino 8

Learnin

g Activity Sheet (LAS) ang Edisyon, 2020ilipinas

ag
Filipino 8

i
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 9
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Cristine A. Afable


Editor : Gemma B. Obsiana
Tagasuri : Catherine D. Diaz
Tagalapat : Gemma B. Obsiana

Division of Capiz Management Team:


Dr. Salvador O. Ochavo, Jr., CESO V
Dr. Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Dr. Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
MABUHAY!

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng
isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 2, Linggo-5

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 9

Pangalan:_________________________ Grado at Seksiyon:____________________

Petsa:________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

Pag-uugnay ng Tema ng Napanood na Programang Pantelebisyon


sa Akdang Tinalakay

I.Kasanayang Pampagkatuto at Koda


1. Naiuugnay ang tema ng napanood na programang
pantelebisyon sa akdang tinalakay. (F8PD-IIf-g-26)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Sa paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang naganap sa ating
buhay bunga ng mahabang panahon ng pananakop sa ating bansa. Dala ng
mga pagbabagong ito ang mabilis na pag-unlad ng panitikan sa bansa. Mula sa
mga pasalinlabing anyo hanggang sa mga nakalimbag na mga akdang
pampanitikan na noon ay nababasa lamang natin ngunit ngayon ay naririnig at
napanonood na natin sa mga radyo at telebisyon. Hindi rin natin maitatanggi
na bahagi na rin ng ating sistema ang mabilis na makaangkop o mayakap ang
mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan.
Tunay ngang malakas ang impluwensiya ng mga pagbabagong ito sa
ating buhay. Tulad na lamang ng pagkahilig ng mga Pilipino sa panonood nga
telebisyon. Kaya, hindi natin maikaiila na naging bahagi na ito ng ating pang-
araw-araw na gawain, marahil sapagkat ang mga napanonood natin ay may
kaugnayan sa mga pangyayari sa ating buhay o kaya’y maiuugnay natin sa
ating mga nababasa o naririnig.
Sa tulong ng inilaang mga gawain ay maiuugnay mo ang akdang iyong
babasahin sa napanonood mong mga programang pantelebisyon at
matutuklasan mo ang mga kaugnayan nito sa pang-araw-araw mong
pamumuhay at sa kulturang iyong kinamulatan.

III.Mga Sanggunian

Afable, Cristine A. (2020). Yakapin ang Sariling Pagkakakilanlan. Hindi


nailathang sanaysay.

IV.Mga Gawain

1. Panuto: Basahin ang sanaysay na sariling katha at gawin ang mga


kasunod na gawain.

Yakapin ang Sariling Pagkakakilanlan


ni: Cristine A. Afable
Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi maikaiila ang pagkahumaling
nating mga Pilipino sa mga imported na bagay. Takam na takam din tayo kapag
imported ang mga pagkaing nakahain sa atin. Higit din nating hinahangaan ang
mga mapuputi kaysa mga kayumangging-kaligatan kaya nais nating mag-bleach.

4
Marami tayong nagugustuhan na marahil ay wala sa atin kaya pilit nating
niyayakap ang mga kaugaliang hindi tunay na atin.
Maraming pagbabago na ang naganap sa kaugaliang Pilipino dala ng
modernisasyon. Sa kabataan ngayon, marahil ay sasabihin nilang ebolusyon ito ng
isang Pilipino. Mula sa mga ninuno nating pagala-gala hanggang sa makabagong
Pilipino ngayon. Simbolo ito ng kaunlaran. Isang makabagong Pilipino na halo-halo
ang kinalakhang kaugalian.
Ngunit paano natin maaabot nang tuluyan ang rurok ng kaunlaran kung
wala tayong sariling pagkakakilanlan? Kung puro hybrid na Pilipino ang ating
nakasasalamuha dahil mas ginustong yakapin ang kultura ng iba at ang wika ng
iba? Kung mas ipinagmamalaki ang magaling mag-Ingles at ikinahihiya ang
pagsasalita ng sarili niyang wika? Ito ang pilit nating iminumulat sa ating
kabataan simula pa lamang sa kanilang kamusmusan. Na mas matalino ang
nakapagsasalita ng Ingles at nakakabakya ang mag-Filipino.
Marahil ay may pag-asa pa. Simulan nating palakihin ang ating mga anak
sa mga kaugaliang tunay na atin. Sa wikang tunay na atin. Palakasin muna natin
ang ating pagka-Pilipino. Simulan natin sa ating sarili at pamilya na lumikha ng
isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.

2. Pagsasanay/Aktibidad

A. Magtala ng palabas o mga palabas sa telebisyon na madalas pinanonood


ng iyong pamilya. Ilahad ang dahilan kung bakit ninyo ito pinanonood.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

mga dahilan mga dahilan


Palabas na
mga dahilan madalas pinanonood
mga dahilan
ng aking pamilya

B. Magtala ng mga programang pantelebisyon na may impluwesiyang


dayuhan ang tema ng palabas at ang katumbas nitong palabas sa ating
bansa. Sa iyong palagay bakit kaya may pagkakatulad ang mga ito?
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Palabas sa Telebisyon na may Katumbas na Palabas sa Ating


Impluwensiyang Dayuhan Bansa

Sa iyong palagay, bakit kaya may pagkakatulad ang mga ito?

____________________________________________________________________________
5
C. Pumili ng isang palabas sa telebisyon at iugnay mo sa sanaysay na
binasa sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga kaugalian at paniniwala
ng bidang tauhan. Magbigay ng mga mungkahi kung paano mababago ang
mga kaugalian at paniniwalang ito at mapauunlad ang kulturang Pilipino.
Magsisilbing gabay ang rubrik sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
Pamagat ng palabas sa telebisyon: _____________________________________
Pagkukuwento:________________________________________________________

3. Mga Batayang Tanong:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Anong talamak na sakit ng lipunan ang nais tukuyin ng may-akda sa


kaniyang sanaysay?
2. Paano inilahad ng may-akda na talagang laganap ang kaisipang kolonyal sa
mga Pilipino?
3. Naniniwala ka ba na hanggang ngayon ay naghahari pa rin sa ating mga
Pilipino ang kaisipang kolonyal? Bakit?

4. Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor

Nilalaman/ kaangkupan sa Paksa = 40%


Gramatika/retorika = 40%
Orihinalidad = 20%

Kabuoan = 100%

V. Repleksiyon

Sagutin ang tanong upang masigurong natutuhan ang kasanayang pinag-


aralan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang iyong natutuhan sa araling ito?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

6
VI. Susi sa Pagwawasto

C. Nakasalalay sa guro ang pagwawasto batay sa rubrik

Mga batayang Tanong (Posibleng sagot)


1. Ang kolonyal na pag-iisip ng mga Pilipino.
2. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hilig at pag-
uugali ng mga Pilipino.
3. Opo dahil mas nakalalamang ang pagtangkilik sa mga
imported na kagamitan at pagkain maging sa paggamit ng
wika.

You might also like