You are on page 1of 9

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pampagkatuto
Ikatlong Markahan – MELC 7
Pagsunod at Paggalang sa Mga Magulang,
Nakatatanda at may Awtoridad

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa


Pagpapakatao 8

Manunulat: Mrs. Jocelyn R. Nobleza


Editor: Mrs.. Liezyl L. Potato
Tagasuri: Mr. Alan Vincent B. Altamia

Tagaguhit: Mrs. Reshell L. Llamas

Division of Capiz Management Team: Salvador O. Ochavo, Jr.


Jose Niro R.Nillasca
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Alan Vincent B. Altamia
Regional Management Team: Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
Miriam T. Lima
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay
nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa pakikipagtulungan
ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan
ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-
kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at
ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon
sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan
at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.
Gawaing Pampagkatuto

Pangalan ng Mag-aaral:___________________ Grado at Seksiyon:_________


Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA


PAGPAPAKATAO 8

Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang ,Nakatatanda at may Awtoridad

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga magulang nakatatanda


at may awtoridad dahil sa pagmamahal,sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa
kanilang awtoridad na hubugin ,bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng
kabataan (EsP8PBIIId-10.3)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ang pagsunod at paggalang sa mga magulang ay isang napakahalagang birtud


na kailangang isabuhay ng mga anak . Bilang isang anak kailangan mong maunawaan
at pahalagahan ang papel na ginagampanan ng iyong mga magulang para hubugin ang
iyong mga magandang ugali at pagpapahalaga upang maging ganap ang iyong
pagkatao.

Isang magandang bahagi ng kultura at ito’y ipinagmamalaki nating mga Pilipino


ay ang pagpapakita ng paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda. Ayon sa aklat ng
Respect for the Elderly : Implications for Human Service P roviders ni Sling,2004, hingin
ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng mayamang
karanasan sa buhay.

May mga taong pinili ang Diyos upang pagkalooban ng tungkulin at pagkatiwalaan
ng kanyang awtoridad ( Ayon kay Wolf,n.d. ).Ang kanilang taglay na karunungan at
kakayahan ay may malaking maitutulong upang magampanan ang tungkuling
ipinagkaloob sa kanila sa pagkamit ng layunin at pagtugon sa kabutihang panlahat.

1
Ang birtud na ito ay mapagtitibay sa pamamagitan ng pagpapakita mo ng
pagmamahal,pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos. Sa
kasaluluyang panahon, isang napakalaking hamon sa mga kabataan ang paggalang at
pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad sa pagpapanatili ng
kaayusan at kapayapaan kung saan nakakaranas ang karamihan ng matinding stress
bunga ng Covid-19 Pandemic. .Maraming nakalulungkot na pangyayaring nararanasan
ng mga kabataan . Sila’y napahamak dahilan sa kawalan ng kakayahang sumunod ,
gumalang at may kakulangan na rin sa pagpapahalaga nito. Iba’t ibang suliranin ang
maaring malunasan at higit sa lahat uunlad ang iyong pagkatao kung nauunawaan at
maisasabuhay ang birtud ng pagsunod at paggalang.

III. Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul para sa Mag-aaral, pahina 142-143

Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S.


Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras

MELC p. 107

IV. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Basahin at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at pagkatapos sagutin ang


mga katanungan
.

Sitwasyon A

Si Peter at Marvin ay matalik na magkaibigan at parehong nasa ika-walong


baitang sa junior high school. Pareho silang mahilig sa computer ngunit naglalaro
lamang sila tuwing Sabado. Isang araw ,niyaya ni Marvin si Peter na lumiban sa
klase para maglaro ng computer games ngunit hindi siya pumayag .Ayaw niyang
magalit ang kanyang ama at sumama ang loob ng kanyang sakiting ina pag
malaman na may ginawa itong hindi tama.

2
Sitwasyon B

Parehong nurse sa abroad ang mga magulang ni Kisha . Iniwan siya sa pag
aaruga ng kanyang lolo at lola kaya kapag siya’y may problema ang unang
makakaalam at hinihingan nito ng payo ay ang matanda bilang pagkilala sa
karunungang dulot ng kanyang mayamang karanasan sa buhay . Alam niya na
dahil sa katandaan ng kanyang lola ay maramdamin na rin ito kung kaya’t
maingat siya sa mga salitang binibitiwan kaya mahal na mahal siya ng kanyang
lola . 2

Sitwasyon C

Gustong -gusto ni Jorge na mag drive ng motorsiklo sa pagpasok sa


paaralan ngunit ayaw ng kanyang ama na isang pulis dahil siya ay 14 na taong
gulang pa lang . Ipinaliwanag ng kanyang ama na ipinagbabawal ng batas l sa
isang tulad niya ang magdala ng motorsiklo o anumang sasakyan . Pinapangako
siya ng kanyang ama na huwag gumamit ng motorsiklo hanggang hindi siya
sumapit sa tamang edad at magkaroon ng lisensiya. Nangako naman si Jorge
dahil alam nito na kapag hindi niya susundin ang kanyang tatay ay
nangangahulugan iyon ng kawalan ng respeto sa ama at paglabag sa batas na
ipinapatupad nito

Mga Tanong

1. Tama ba ang ginawa ni Peter na hindi pagsama sa kanyang kaibigan ?


Bakit?
2. Anong magandang bahagi ng kulturang Pilipino ang ipinakita ni Kisha ?
Bakit kailangan niyang igalang ang kanyang lola?
3. Dapat bang tularan ng mga kabataang tulad mo ang mga ugali na
ipinakita nina Peter ,Kisha at Jorge ? anu –ano ang mga ugaling i

3
Pagsasanay 2

Suriin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong.

Si Adonis ay 14 na taong gulang at nag- iisang anak nina Mang Fred at Aling
Nena. Pagsapit ng gabi ay hindi na siya pinapayagang lumabas ng bahay dahil siya ay
menor de edad kaya palagi itong pinaalalahanan ng kanyang mga magulang
.Parehong panggabi ang trabaho ng kanyang mga magulang at ang tanging kasama
ni Adonis sa bahay ay ang kanyang Lola na palagi rin siyang pinaalalahanan sa
kahalagahan ng pagiging masunuring anak at apo. Isang gabi habang nagpapahinga na
ang kanyang lola ay palihim itong umalis papunta sa mga barkada at nagkayayaan pa
itong uminom ng alak. Nahuli sila ng mga pulis na lasing kaya ipinatawag ang kani-
kanilang mga magulang upang paalalahanan ang mga ito ng kanilang mga
responsibilidad at mabigyan ng tamang aksiyon ang mga ginawang hindi tama ng
kanilang anak.

Mga Batayang Tanong:

1. Naging masunurin bang anak si Adonis? Bakit?

2. Naipakita ba ni Adonis ang kanyang pagsunod at paggalang sa mga


magulang, nakatatanda at may awtoridad ? Bakit?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Bakit kailangan ng isang tao na magkaroon ng birtud ng paggalang at


pagsunod sa mga magulang ,nakatatanda at may awtoridad?

4. Ano ang mangyayari sa ating lipunan kung magkaroon ang lahat ng tao
ng birtud ng paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at
may awtoridad?

4
Batayan sa pagbibigay ng iskor sa pagsasanay 2 ( Rubrik )
Napakahusay Mahusay Nangangailangan
ng Pag-unlad
15 10 5

Pagkakabuo Angkop at wasto ang mga May ilang salita ginamit Walang kaugnayan
salitang ginamit sa ginawang na hindi angkop sa sa paksa ang mga
paksa paksa salitang ginamit
Nilalaman Mabisang naipahayag ang Hindi gaanong Hindi naipahayag
paksa naipahayag ang paksa nang mabisa ang
paksa

V. Repleksiyon

Bilang isang kabataan , inaasahan ka na maging mabuting halimbawa sa


iyong kapuwa . Kailangan mong isabuhay ang pagiging magalang at
masunurin sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa
pagmamahal ,pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos.

Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa kahalagahan ng paggalang


at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________.

5
5
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. Oo, sagot ng mga mag-aaral
2. Pagsunod at paggalang sa
nakatatanda,
pagmamahal at malalim na
Sagot ng mga mag-aaral
pananagutan
3. Pagsunod at paggalang,
pagmamahal
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like