You are on page 1of 22

2

8





Redeveloped Division Initiated Self-Learning Module

Kagawaran ng Edukasyon– Sangay na Palawan


i
Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 8
Redeveloped Division Initiated - Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 1at 2: Ang Pakikipagkapwa
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Roger F. Capa, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo sa Muling Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ronalyn B. Conales
Manunulat: Gladys A. Alifonso, Reemha
Evangeline V. Horiondo
Jay P. Omar, Analin G. Ceralbo,
Editor: Rheyzamee P. Ladao
Ken Karl Joy D. Galpo
Tagaguhit: Reemha Jay P. Omar
Editor: Gladys A. Alifonso Tagalapat: Evangeline V. Horiondo
Tagasuri: Florita Balberan, Wennie L. Tagasuri: Ma. Luz N. Darjuan, Joy E.
Lorzano, Clemencia G. Paduga Galgo, Cristy R. Temple, Elma C. Palen
Tagaguhit: Reemha Jay P. Omar
Tagalapat: Eden L. Limsa Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez Rosalyn C. Gadiano
Rodgie S. Demalinao
Rodgie S. Demalinao
Clemencia G. Paduga
Allyn G. Gonda, PhD
Rutheda M. Bacosa
Clemencia G. Paduga
Wennie L. Lorzano

Department of Education: MIMAROPA- Sangay na Palawan

Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City


Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iii
Edukasyon sa
Ang Pakikipagkapwa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Una at Ikalawang Linggo

MELC : Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa (EsP8PIIa-5.1)

: Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa


aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at pulitikal
(EsP8PIIa-5.2)

Subukin Natin
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang-papel.

1. Anong aspekto ng tao ang napauunlad kapag siya ay marunong sumunod sa


mga batas na ipinatutupad ng barangay?
a. Aspektong Politikal c. Aspektong Intelektuwal
b. Aspektong Panlipunan d. Aspektong Pangkabuhayan

2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapaliwanag na ang tao ay


panlipunang nilalang?
a. Nais ni Hannah ang mag-aral nang tahimik at nag-iisa.
b. Si Alicia ay palaging sumasali sa mga patimpalak sa kanilang
barangay.
c. Hindi nagiging produktibo ang mga ginagawa ni Shiela kapag may
kasama siya.
d. Ang matandang mayaman ay madalas nasa loob ng kanyang
malaking bahay.

3. Alin sa mga sumusunod na katangian ang maaaring maging hadlang sa


maayos na pakikipagkapuwa?
a. Pagiging tamad c. Pagiging relihiyoso
b. Pagiging mapagbigay d. Pagiging maalalahanin

4. Anong aspekto ng pagkatao ang napauunlad kapag ang isang tao ay mahilig
mag-aral, magbasa at mangalap ng iba pang kaalaman sa tulong ng kapwa?
a. Aspektong Politikal c. Aspektong Intelektuwal
b. Aspektong Panlipunan d. Aspektong Pangkabuhayan

1
5. Ano ang nararapat gawin upang positibong maipahayag ang saloobin sa
kapuwa?
a. Huwag na lang magpansinan.
b. Magpasaring ng inis o galit sa kapuwa.
c. Mag-usap nang mahinahon upang magkaunawaan.
d. Magpost ng saloobin sa social media gaya ng facebook, twitter, o
instagram.

6. Ang pagkatuto ng pagnenegosyo ay nagpapaunlad sa anong aspekto ng


pagkatao?
a. Aspektong Politikal c. Aspektong Panlipunan
b. Aspektong Intelektuwal d. Aspektong Pangkabuhayan

7. Alin sa mga sumusunod ang “Golden Rule”?


a. Tapat ko, Linis ko
b. Aanhin pa damo kung patay na ang kabayo.
c. Ang tumakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
d. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

8. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang nagpapakita ng paggalang sa


kapuwa?
a. Pagdadabog kapag inuutusan.
b. Pagmamano sa mga matatanda.
c. Pag-ingay sa klase habang nagtuturo ang guro.
d. Dumaan ka sa gitna ng dalawang tao na nag-uusap na tila walang
napansin.

9. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “No man is an island’?


a. Maikli ang buhay kaya gawin ang mga nais.
b. Kaya kong mabuhay nang hindi umaasa sa iba.
c. Mag-ipon habang malakas pa ang pangangatawan.
d. Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang.

10. Ano ang iyong gagawin kapag nakararanas ka ng pambu-bully mula sa iyong
kamag-aral?
a. Magsumbong sa guro.
b. Gantihan din ang pambu-bully.
c. Isumbong sa kapatid na kasama sa school.
d. Hayaan na lang ang ginagawa nilang pambu-bully sa iyo.

2
Ating Alamin at Tuklasin

Basahin at unawaing mabuti ang maikling talata sa ibaba.

“No man is an island” isang kasabihang palagi na nating naririnig. Subalit alam ba
talaga ng lahat ang kahulugan nito? Ano kaya ang nais nitong ihatid na mensahe sa
ating lahat. Basahin ang kuwento sa ibaba sa panulat nina Reemha Jay P. Omar at
Analin G. Ceralbo.

Sa isang malayong bayan ay may nakatirang isang lalaking mayaman subalit


wala siyang pamilya at wala ring kaibigan. Matiwasay at sagana siya sa kanyang
pamumuhay kaya masaya siya kahit nag-iisa. “Mabubuhay ako nang mag-isa! Hindi
ko kailangan ng sinoman sa buhay ko. Marami akong pera, at hinding-hindi ko
kakailanganin ang tulong ninoman.” wika niya sa kanyang sarili ng pangisi-ngisi.
Palaging nakasara ang kaniyang pintuan ng Kumatok nang kumatok ang kapitbahay
niyang si Mang Fidel. Subalit siya ay nabigo sapagkat walang sumagot mula sa
bahay. Maya-maya ay lumabas na lamang ang mayamang lalaki na tila naiirita dahil
sa kakulitan ni Mang Fidel.
“Ano bang kailangan mo, matandang hampaslupa? Wala akong maibibigay sa
iyo kahit kusing, kaya umalis ka na, dahil naaabala mo ako.” Tumalikod na lamang
na napapaluha si Mang Fidel at tila hindi malaman ang kanyang gagawin.
Marami pang kapitbahay ang sumubok na humingi ng tulong sa mayamang
lalaki, subalit ang lahat ay nabigo.
Dahil sa dami ng kanyang salapi, hindi siya nag-aatubiling waldasin ito sa
kanyang mga bisyo. Dahil sa pagkalulong sa kanyang bisyo, ay naibenta niya ang
lahat ng kanyang ari-arian at wala ng naiwan na kahit ano sa kanya. Hindi niya
alam ang gagawin. Gutom na gutom na siya at wala siyang pambili ng pagkain at
wala na rin siyang matutuluyang tahanan. Hiyang-hiya siya sa kanyang mga
kapitbhay kung kaya hindi niya magawang humingi ng tulong. Nagdilim ang
kanyang paningin hanggang sa mawalan na siya ng ulirat dahil sa gutom at pagod.
Pagkalipas ng ilang oras, napadaan si Mang Fidel sa talahiban malapit sa
kanilang bukid nang mapansin niyang may isang lalaking nakahandusay at
nilapitan ito. Gulat na gulat ang matanda nang makilala kung sino ang lalaking
walang malay. Dali-dali niyang isinakay sa kanyang kalabaw ang lalaki at dinala sa
kanilang dampa. Napansin din niyang maraming sugat at payat na payat na ito.
Pagkatapos ng ilang sandali, nagkamalay ang lalaki at takang-taka kung
kaninong bahay siya naroroon. Malinis na ang kanyang katawan at ginamot ang
kanyang mga sugat. Maya-maya ay pumasok sa silid si Mang Fidel.
“Kumusta na ang iyong pakiramdam? Aniya sa lalaki.
“Maayos na ang aking pakiramdam. Kayo po ba ang nagdala sa akin dito?”
tila nahihiyang tanong ng lalaki.

3
“Oo, nakita kitang walang malay sa may talahiban kaya dinala kita rito. Ito,
kainin mo may dala akong mainit na lugaw. Pagpasensyahan mo na dahil yan lamang
ang nakayanan naming ihanda.”
Maluha-luhang tinanggap ng lalaki ang mainit na lugaw na pakiramdam niya
sa sandaling iyon, iyon na ang pinakamasarap na pagkaing kanyang natikman.
“Maraming salamat sa inyo, Mang Fidel. Alam ko naging maramot ako sa inyo
noong kayo ang lumapit sa akin.”
“Kalimutan na natin ang lahat. Naunawaan ka naman namin. Ang mahalaga
ay maayos na ang iyong kalagayan at maaari ka pang magsimulang muli.”

Tanong:

Ano ang iyong naging pakiramdam habang binabasa ang kuwento? Sa


iyong palagay, bakit nararapat na pahalagahan natin ang ating
kapuwa anoman ang estado natin sa buhay?

Sa kuwentong ito, natutunan mo na mas mahalaga ang mabuting pakikitungo


sa kapuwa higit pa sa anomang materyal na bagay rito sa mundo. Nakapaloob din
dito na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabubuhay kang mag-isa na hindi mo
kakailanganin ang tulong ng iba, maging materyal man ito o serbisyo. Kaya dapat
na maitanim sa iyong puso at isip na ang mundo ay parang gulong. Hindi habang
panahon ay palaging ikaw ang nasa ibabaw. Laging tandaan na ang mabuting
pakikitungo at pag-uugali ay nagdudulot ng seguridad at masayang relasyon sa
iyong kapwa-tao.

Ang Likas na Katangian ng Tao bilang Bahagi ng Lipunan


Nilikha ng Diyos ang tao na may kasamang mamuhay sa mundo at maging
bahagi ng lipunang kaniyang ginagalawan at hindi mamuhay ng nag-iisa. Likas sa
tao ang kanyang kakayahan na makisalamuha sa kanyang kapwa-tao, at magkaroon
ng makabuluhan at mabuting pakikitungo sa iba upang mapanatili ang kaayusan
ng lipunang kanyang ginagalawan. Ang kakayahang makipagkapwa-tao ay hindi
maaalis sa atin sapagkat ito ay likas sa atin.

Ang Golden “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang


ayaw mong gawin sa iyo.”
“Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng
Rule pagmamahal mo sa iyong sarili.”

4
Tingnan ang mga larawan. Unawain ang kanilang usapan at pagnilay-nilayan kung
paano naipakita ang pagiging mabuting tao sa kapwa.

Sitwasyon 1: Malungkot ang batang si Kaloy dahil sa kalagayan ng kanyang


lolong maysakit. Mabigat ang kanyang pakiramdam sapagkat hindi niya alam kung
saan kukuha ng pambayad sa ospital, hanggang sa may lumapit na isang lalaki.

5
Sitwasyon 2: Nailabas nga ni Kaloy ang kanyang lolo sa ospital nang walang
binayaran kahit magkano. Pati ang ilang mga gamot ay libre niyang naiuwi. Kung
kaya laking pasasalamat niya sa taong tumulong sa kanya. At nangako siya sa
kanyang sarili na ibabalik din niya sa kanyang kapwa ang tulong na kaniyang
natanggap. Lumipas ang maraming taon hanggang sa isang araw ay….

Sitwasyon 3: Labis ang pagtataka ni Mr. Ken kung sino ang tinutukoy ng cashier.
Kaya dali-dali siyang pumunta sa lobby ng ospital….

6
Nagustuhan mo ba ang kuwento? Isa lamang ito sa mga halimbawa na
kapag ikaw ay nagpakita ng kabutihan sa iyong kapuwa ay
makatatanggap ka rin ng kabutihan.
Palaging tandaan na ang mabuting pakikipagkapuwa ay hindi palaging
nasusukat sa materyal na bagay kundi sa kabutihang-loob at
pagmamalasakit sa kapuwa.

Kahulugan ng Pagkakaisa,
Komunikasyon at Pagtutulungan
Pagkakaisa,

..

Sa buhay natin, hindi maiiwasang magkaroon tayo ng kasama o kaibigan na


hindi natin makasundo. Ito ay marahil sa kadahilanang magkaiba ang ating
pananaw sa buhay. Maaaring may gusto siya na ayaw mo, at mayroong kang gusto

7
na ayaw niya. Maaari ring dahil mataas ang kanyang tingin sa kanyang sarili. Paano
nga ba natin pakikisamahan ang mga ganitong klaseng kapwa?
May mga sandali na kahit likas sa tao ang makisalamuha at makipag-
ugnayan sa kanyang kapwa sa paraang mabuti, hindi maiiwasang humantong pa
rin ito sa hindi pagkakaunawaan. Sa ganitong pagkakataon, umiiral ang tungkulin
ng lipunan na itaguyod ang adhikain ng iba’t ibang samahan o organisasyon nito
upang makamit ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsulong na itaguyod
ang ugnayang may pagkakaisa, komunikasyon o dayalogo at pagtutulungan o
kooperasyon.
Kapag may malasakit sa sarili at kapwa ang isang tao, ito ay magiging dahilan
ng pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang kabutihang panlahat. Kung mayroon
mang galit at hindi pagkakaunawaan, tungkulin ng pangkat o samahan na
matulungan ang mga miyembrong sangkot upang maibalik ang maayos at
matiwasay na organisasyon. Halimbawa, Sa loob ng klase, mayroon kang kamag-
aral na nakasamaan mo ng loob dahil ginawan ka niya ng hindi mabuti. Sa ganitong
sitwasyon, ang inyong klase ay hindi magkakaroon ng maayos na relasyon. Ang
ibang kamag-aral ninyo ang siyang makatutulong upang kayo ay magkaayos dahil
sila rin ay maaaring maapektuhan ng inyong hindi pagkakaunawaan.
Kung ang pagpapahalaga sa kabutihang panlahat ang laging isasaalang-alang
ng tao, maaaring magsakripisyo ang bawat isa ng pansariling interes, subalit ito ay
magbubunga ng pagkakaisa at kapayapaan.

Mga Gabay sa Pagpapaunlad ng


Mabuting Pakikipag-ugnayan sa
Kapuwa

Paano nga ba natin malalaman kung ang pakikipag-ugnayan natin sa ating


kapuwa ay makabuluhan at mabuti? Paano natin ito pauunlarin?
Narito ang ilang Gabay sa Pagpapaunlad ng Mabuting Pakikipag-ugnayan
sa Kapuwa:
1. Pagiging magalang sa kapuwa. Ang bawat isa ay may kakayahang maging
bukod-tangi, dapat lamang na igalang ang kaniyang katauhan at maging
sensitibo sa kaniyang mga pangangailangan. Laging tandaang hindi lahat ng
nanaisin natin ay kaya nating gawin at kaya ring gawin ng iba. Mapauunlad
natin ang paggalang sa kapuwa sa pamamagitan ng:
• pakikinig sa opinyon ng iba.
• kakayahang ilagay ang sarili sa sitwasyon ng iba upang maramdaman
ang kaniyang nararamdaman at maunawaan ang ibig niyang ipahiwatig.
• pagkakaroon ng malasakit sa kapuwa.
• pagpapanatili ng kapayapaan at kasiyahan; at pag-iwas sa mga
pagtatalo o diskusyon.

8
2. Pagpapahayag ng saloobin. Kapag malaya nating naipahahayag ang ating
saloobin, kadalasang nagbubunga ito ng maayos na pakikipag-ugnayan.
Naiiwasan ng bawat isa ang mangamba na baka siya ay mahusgahan. Maraming
samahan o pagkakaibigan ang nasira dahil sa pagtatago o pagkimkim ng tunay
na mga nararamdaman na nagbubunga upang magkaroon ng hindi magandang
ugnayan at kadalasang nauuwi sa hiwalayan at pagkakalayo ng loob.
Narito ang mga dapat tandaan upang maiwasan ang hindi magagandang
karanasan:
• Mag-usap sa positibong paraan.
• Ihayag ang suliranin sa paraang makahihikayat ng pagkakaisa at
solusyon. Halimbawa: Sa halip na sabihing “Nahuli ka na namang
dumating.” Sa halip sabihin na, “Sana sa susunod ay maaga kang
makarating.”
• Laging bigyan ng pagpapahalaga ang pagkakasundo sa mga bagay-
bagay. Laging solusyon ang hanapin kapag may suliranin.
• Igalang at mahalin ang bawat isa sa lahat ng pagkakataon anoman ang
antas ng bawat isa sa buhay.

3. Pag-unawa sa kalagayan ng kapuwa. Kalakip ng paggalang sa kapuwa ay


ang pag-unawa sa kanyang kalagayan—sa kaniyang kahinaan at sa kaniyang
kalakasan. Iwasan nating husgahan ang ating kapuwa batay sa sariling
pamantayan. Sa halip, lawakan ang pang-unawa at iwasan ang panghuhusga at
ang pagpupumilit na sumunod ang iba sa iyong sariling kagustuhan o pananaw.

Mauunawaan natin ang kalagayan ng kapuwa kung mayroon muna tayong


pag-unawa sa ating sarili sa pamamagitan ng repleksyon, mapauunlad mo ang
iyong sarili kung paano makatutulong na matanggap mo ang iyong kapuwa.

9
Komunikasyon at
Pagtutulungan
Tayo’y Magsanay

Gawain 1: Pamilyar Ka Ba?


Panuto: Sagutin ang crossword puzzle gamit ang gabay sa ibaba upang
tukuyin ang mga inilalarawang mga katauhan na itinuturing mong kapuwa.
Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Gawain 2: Kapwa ko, Mahal ko


Panuto: Pag-aralang mabuti ang nasa larawan. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
sa ibaba sa iyong sagutang-papel.

Tanong #1. Ano ang nararamdaman ng anak habang kinakausap ang


kanyang ina?
Sagot: _____________________________________________________

10
Tanong #2: Sa reaksyon ng ina sa balita ng anak, paano naipakikita ang
mabuting pakikipagkapuwa?

Sagot: _____________________________________________________

Tanong #3: Ano ang mabuting katangiang ipinakita ng kostumer sa tagasilbi?


Sagot: _________________________________________________

Tanong #4: Ano naman ang naging pakikitungo ng tagasilbi sa kanyang


kostumer?
Sagot: _________________________________________________

Tanong #5: Anong uri ng relasyon ang nabuo sa pagitan ng mga tauhan?
Paano naipakita ang kahalagahan ng mabuting pakikipagkapuwa?

Sagot: _________________________________________________

11
Ating Pagyamanin
Gawain 1: Sabihin Mo, Makikinig Ako
Naranasan mo na bang magtago ng damdamin? Ano ang pakiramdam mo
kapag hindi mo maipahayag ang iyong saloobin patungkol sa iyong kapwa? Ano ang
maaring maging resulta kapag hindi mo naiparating ang nais mong sabihin sa iyong
kapwa?
Sa bahaging ito ay bibigyan ka ng pagkakataong ipahayag ang iyong saloobin
sa mga taong nakalista sa talahanayan sa ibaba. Maging tapat sa gawaing ito at
isaalang-alang ang paggamit ng wastong pananalita. Gawing gabay ang
ibinigay na halimbawa.

Tao/Kapuwa Nais ipahayag

Hal. “Sana tatay ay palagi kang


1. Tatay maging responsible at mabuting ama
sa amin na iyong pamilya.”

2. Nanay

3. Kapatid

4. Kaibigan

5. Guro

6. Kapitbahay

7. Kaaway

8. Kaklase

9. Opisyal ng Barangay

10. Presidente ng bansa

12
Gawain 2: Punan ang patlang.

Ang tao ay
likas na
____________
nilalang Nakakamit
Kaya nakikipag-
ng tao ang
ugnayan siya
kaniyang
upang
At sa __________
mapaunlad ang
pamamagitan
mga aspektong:
ng ______________
sa kapuwa, na
______________
indikasyon ng
______________ ______________
______________
______________

Ang Aking Natutuhan


Gawain 1: Sa aking palagay…
Panuto: Sagutin ang mga katanungan ayon sa iyong pagkakaunawa tungkol sa
pakikipagkapuwa. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Paano mo maipakikita ang paggalang sa iyong kapwa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________

13
2. Paano mo mapauunlad ang iyong pagkatao ayon sa iba’t ibang aspekto?
a. Aspektong Panlipunan
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________

b. Aspektong Intelektuwal
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_______________________________________

c. Aspektong Pangkabuhayan
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________

d. Aspektong Politikal
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________

Gawain 2: Plano Ko, Serbisyo Ko, Isasakatuparan Ko

Panuto: Punan ng mga datos na kinakailangan upang maisakatuparan ang


iyong pansariling plano sa pagsasakatuparan ng mga gawain upang
mapaunlad ang mga aspekto ng iyong pagkatao. Gawin ito sa iyong kwaderno.

14
Aspek Para Mga Bakit Mga Maaa Kanino Kailan
to kanino o hadlang ka kakailang ring makiki gagawin
para o magbib aning result pag- ang
saan ang proble igay ng kagamita a ugnaya serbisyo?
gagawing ma serbisy n n?
pagseser o?
bisyo
Intelek
tuwal

Panlip
unan

Pangk
abuha
yan

Politik
al

15
Ating Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa iyong sagutang-
papel ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang. Alin sa mga sumusunod ang


nagpapatunay nito?
a. May kagustuhang mapag-isa sa buhay.
b. May lakas ng loob na mailahad ang kanyang saloobin.
c. May kakayahang ibigay sa sarili ang kaniyang mga pangangailangan.
d. May kagalingan sa pagbibigay ng kasiyahan at magagandang
karanasan sa kapuwa.

2. Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag ang wastong paraan ng pakikitungo sa


kapuwa.
a. Pagkakaroon ng kagustuhan na maging mapag-isa.
b. Nakasalalay sa antas ng pamumuhay ng tao sa lipunan.
c. Pakikitungo sa tao nang may respeto, paggalang at may moralidad.
d. Nakabatay sa kalagayang pang-ekonomiya ng pamilyang kanyang
kinabibilangan.
3. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng makabuluhang pakikipagkapuwa.
Alin sa mga ito ang hindi kabilang?
a. Marunong umunawa.
b. May malasakit sa mga nangangailangan.
c. Magiliw na pakikitungo sa mga mayayaman.
d. Pag-abot ng tulong at pakikiramay sa kapuwa sa oras ng kalamidad.

4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang


magtataguyod ng __________ bilang paglilingkod sa kapuwa at sa kabutihang
panlahat.
a. Kultura c. Hanapbuhay
b. Libangan d. Pagtutulungan

5. Ang aspektong ito ng pagkatao ay napauunlad sa pamamagitan ng


paghahanapbuhay.
a. Moral c. Ispirituwal
b. Edukasyon d. Antas ng Pamumuhay

6. Sa pamamagitan ng pakikiisa at pakikibahagi ng tao sa mga samahan,


nalilinang niya ang kaniyang ________.
a. Abilidad c. Responsibilidad
b. Tungkulin d. Pakikipagkapuwa

16
7. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit mahirap para sa mga Pilipino ang
makipagkapuwa.
a. Pagiging emosyonal sa mga sitwasyon.
b. Kaugaliang tumanaw ng utang na loob.
c. Hindi marunong umunawa sa damdamin ng iba.
d. Walang kakayahang makiramdam sa mga pangyayari.

8. Anong negatibong gawain ang nakaaapekto sa magandang pakikipag-


ugnayan sa kapuwa?
a. Mataas na tingin sa sarili.
b. Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa.
c. Pagrespeto sa kapuwa anuman ang katayuan nito sa buhay.
d. Pagtupad ng tungkuling makibahagi sa mga gawaing panlipunan.

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa katotohanan


tungkol sa diyalogo?
a. Naipakikita ng tao sa kaniyang kapuwa ang pagkalinga.
b. Oportunidad para sa tao na makipag-ugnayan sa kapuwa.
c. May kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
d. Naipakikita ang pakikipag diyalogo sa paglinang ng kasanayan.

10. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting


pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa.
a. Bakit ka nagsinungaling?
b. Sana sa susunod ay magsasabi ka na ng totoo.
c. Lagi akong umaasa na balang araw ay matutunan mo rin ang pagiging
tapat.
d. Pilit kung inuunawa ang hindi mo pagsasabi ng totoo, pero mas mabuti
kung nagtapat ka.

17
18
ATING TAYAHIN SUBUKIN NATIN
1. D 1. A
2. C 2. B
3. C 3. A
4. D 4. C
5. D 5. C
6. D 6. D
7. A 7. D
8. A 8. B
9. D 9. B
10. C 10. D
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian

Bognot, Regina Mignon C., Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie


Aiellen S. Lagarde, Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Pasig City:
Department of Education. 2013.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone no. (048) 434-0099

19

You might also like