You are on page 1of 14

 8






Redeveloped Division Initiated Self-Learning Module

Kagawaran ng Edukasyon– Sangay na Palawan


i
Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 8
Redeveloped Division Initiated - Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Kahalagahan ng Pakikipagkaibigan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Roger F. Capa, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa muling Pagsusulat ng Modyul


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ronalyn B. Conales
Editor: Rheyzamee P. Ladao
Manunulat: Ronalyn B. Conales
Tagaguhit: Ronalyn B. Conales
Editor: Rheyzamee P. Ladao
Tagalapat: Ronalyn B. Conales
Tagaguhit: Ronalyn B. Conales
Tagasuri: Ma. Luz N. Darjuan
Tagalapat: Ronalyn B. Conales
Joy E. Galgo, Cristy R. Temple,
Tagasuri: Ma. Luz N. Darjuan
Elma C. Plen
Joy E. Galgo
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rosalyn C. Gadiano
Rosalyn C. Gadiano
Rodgie S. Demalinao
Rodgie S. Demalinao
Allyn G. Gonda, PhD
Learning Area EPS
Clemencia G. Paduga

Department of Education: MIMAROPA- Sangay na Palawan


Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan

iii
Edukasyon sa
Ang Kahalagahan ng
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan Pakikipagkaibigan
Ikatlong Linggo

MELC
➢ Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga
natutuhan mula sa mga ito. (EsP8PIIc-6.1)

➢ Nasusuri ang kaniyang pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng


pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle (EsP8PIIc-6.2)

Layunin

1. Natutukoy ang taong itinuturing na mga kaibigan.


2. Naitatala ang mga natutunan mula sa mga kaibigan.
3. Nasusuri ang mga uri ng pakikipagkaibigan.

Subukin Natin
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang-papel.

1. Ano ang dapat na maging batayan sa pagkakaroon ng tunay na kaibigan?


A. Kapayapaan
B. Kapangyarihan
C. Pera at kayamanan
D. Mabuting Pag-uugali

2. Maliliit pa lang sina Ricky at Victor ay pareho na silang mahilig mag pinta at
gumuhit. Ito na ang kanilang naging libangan. Sa tuwing may patimpalak sa
kanilang lugar sa pagpinta at pagguhit ay magkasama silang sumasali. Dahil
dito, mas lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan. Anong uri ng
pagkakaibigan ang ipinapakita ng dalawa?
A. Kabutihan
B. Panlibangan
C. Pangangailangan
D. Pansariling kasiyahan

1
3. Ang mga sumusunod ay taong itinuturing mong kaibigan maliban sa,
A. Guro
B. Kaaway
C. Kaklase
D. Pamilya

4. Kapag may mabuting ugnayang namamagitan sa inyo ng iyong kaibigan, ang


pahayag ay tumutukoy sa _____________.
A. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.
B. Natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig.
C. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan.
D. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan
sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan.

5. Alin sa mga sumusunod na uri ng pakikipagkaibigan ang nabuo batay sa


pagkagusto (admiration) at paggalang sa isa’t isa.
A. Kabutihan
B. Kasiyahan
C. Pangangailangan
D. Kakayahang interpersonal

6. Sino ang isang griyegong pilosopo na nagbigay ng tatlong uri ng


pakikipagkaibigan.
A. Plato
B. Aristotle
C. Socrates
D. Confucius

7. “Kaibigan kita dahil kailangan kita.” Ang pahayag ay uri ng


pakikipagkaibigan batay sa:
A. Kabutihan
B. Panlibangan
C. Pangangailangan
D. Pansariling kasiyahan

8. Sila ang itinuturing na pangalawa mong magulang.


A. Guro
B. Kalaro
C. Kaklase
D. Kapitbahay

9. Madalas ito ang mga tao na masaya kang kasama o kausap katulad ng kalaro
sa basketbol, mga kasama sa pamamasyal o ang madalas na nagpapatawa sa
iyo sa oras ng kuwentuhan.
A. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan.
B. Pagkakaibigan na nakabatay sa panlibangan.
C. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan.
D. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan.

2
10. Ito ang pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal.
A. Pagkakaibigan
B. Pagtutulungan
C. Pakikipagkaibigan
D. Pagmamalasakit

Para sa bilang 11-15


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA
kung ang ipinapahayag ay tama at MALI naman kung ang ipinapahayag ay mali.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.

________11. Ang mga kaibigan ay may malakas na impluwensya sa ating pagkilos.


________12. Ang tunay na kaibigan ay nariyan tuwing kasiyahan lamang ng ating
buhay.
________13. Ang pakikipagkaibigan ay isang kapangyarihang ugnayan.
________14. Kinakaibigan ni Alicia si Trixia dahil alam niyang papakopyahin siya sa
kanilang pagsusulit.
________15. Ang ating magulang ang pinakamatalik nating kaibigan.

Ating Alamin at Tuklasin


Bago tayo magpatuloy sa araling ito, balikan muna natin kung may naalala
ka sa nakaraang paksa natin?

Naalala mo pa ba ang Golden Rule?

Ang ating tunay na kaibigan ay hindi tayo iiwan sa anomang pagsubok na


darating sa ating buhay. Nariyan sila sa oras ng kasiyahan at kalungkutan.

Ano nga ba ang kabutihang naidudulot ng pakikipagkaibigan?

“Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa haba ng pinagsamahan kundi sa


mga panahong hinding hindi ka iiwan kapag kailangan”

Ayon sa Webster’s Dictionary, ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng


pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o
pagpapahalaga (esteem). Ito ay isang pasya o hakbangin na may malinaw na
hangarin kaya naman ito ay dumadaan sa isang mahaba at mahirap na proseso.

Mga Taong Itinuturing kong Kaibigan


“Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong
malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Ito’y isang natatanging

3
damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga sa isang ordinaryong
kakilala lamang. Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa.
Naiaangat nito ang antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng isang
lipunan.”

Narito ang ilan sa mga taong itinuturing na mga kaibigan:

1. Pamilya- Sila ang puno’t dulo ng disiplina at magandang asal ng isang tao.
Nahuhubog sa pamilya ang pagkatao na maging responsible at marunong
gumawa ng tungkulin at respetuhin ang karapatan ng bawat tao. Ito ay
binubuo ng ama, ina at anak.
2. Kapitbahay- Sila ang maituturing kong pinaka malapit na kamag-anak. Sila
ang aming nalalapitan sa oras ng pangangailangan kalaunay nagiging mga
kaibigan na rin natin.
3. Guro- Sila ang tumutulong sa paghubog ng mga sumusunod na henerasyon
para sa pagkamit ng magandang kinabukasan at sila rin ang itinuturing na
pangalawang magulang.
4. Kaklase- Sila ang mga taong nakilala sa loob ng silid aralan.
5. Kalaro- Sila ang mga taong kasama sa paglalaro.

Mga Natutunan mula sa Mabuting Kaibigan


Ang mga kaibigan ay may malakas na impluwensya sa ating pagkilos, lalo na
sa ating kabataan. “Malaki ang magiging impluwensya nila sa inyong pag-iisip at
pagkilos, at maging sa kahihinatnan ng inyong pagkatao.
Ang pakikipagkaibigan ay isang kapangyarihang ugnayan. Nakapagdudulot
ito ng positibo, makatotohanan, at matibay na pundasyon ng ating
pagkakakilanlan at pagkatao. Sa aklat ni Joy Carol (2008) na The Fabric of
Friendship, tinukoy ang maraming bagay na naidudulot ng pakikipagkaibigan sa
pagpapaunlad ng ating pagkatao.

1. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili. Kapag may mabuting


ugnayang namamagitan sa inyo ng iyong kaibigan, ang kakayahang
magbahagi ng taglay na mga katangian sa isa’t isa ay nakapagpapasaya sa
atin.

2. Natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig. Kapag tayo ay


nakikinig sa sinasabi ng ating kaibigan na may bukas na kaisipan, nalilinang
ang ating kakayahang umunawa at maging mabuting tagapakinig.

3. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa


pamamagitan ng mga tunay na kaibigan. Sabi nga, malalaman mo
lamang ang tunay na kaibigan at hindi kung mayroon kang parehong
pagdanas dito. Nariyan ang tunay na kaibigan sa lungkot at saya ng ating
buhay.

4. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa


pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan. Ang mga
suliranin ang nakapagpapatatag sa isang tao at sa pagitan ng magkaibigan
ang mga suliranin din ang maaaring maging instrumento upang mas
mapatatag ang kanilang samahan. Dahil ang tunay na pagkakaibigan ay
nangangailangan ng pagtanggap sa kabuuan ng isa’t isa, walang suliranin, o
hindi pagkakaunawaan ang makasisira rito.

4
5. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan.
Ito’y isang sorpresa sa ating buhay; ang pagkakaroon ng pagkakataon na
makaunawa ng bagong pananaw, bagong pamamaraan ng pakikitungo, at
bagong pakikipagkaibigan.

Mga Uri ng Pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle:

1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan. Ito ay


pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao
rito. Kaibigan kita dahil kailangan kita, linyang madaling makapaglalarawan
dito. Ito ay napakababaw na uri ng pagkakaibigan, kulang ng kabutihan,
katarungan, pagmamahal at pagpapahalaga.
2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan. Ang ganitong uri
ng pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na
masaya kang kasama o kausap. Madalas ito ang mga tao na masaya kang
kasama o kausap katulad ng kalaro sa basketbol, mga kasama sa
pamamasyal o ang madalas na nagpapatawa sa iyo sa oras ng kuwentuhan.
3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan. Ito ay nabubuo batay sa
pagkagusto (admiration) at paggalang sa isa’t isa. Hindi ito madaling mabuo,
nangangailangan ito ng mas mahabang panahon kung ikukumpara sa
dalawang naunang natalakay na uri. Ngunit kung ihahalintulad din sa mga
nauna, ito ay mas tumatagal at mas may kabuluhan.

Tayo’y Magsanay

Gawain 1: Para sa Akin!

Panuto: Ilahad ang sariling pagpapakahulugan sa salitang kaibigan gamit


ang word network graphic organizer. Isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.

5
KAIBIGAN

Gawain 2: HANAPIN AKO!

Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga taong itinuturing mong kaibigan. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang-papel.

6
Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Isulat ang P kung ang pangungusap o sitwasyon ay nagpapakita ng


Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan, PK kung ito’y nakabatay sa
pansariling kasiyahan at K naman kung sa kabutihan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Noon pa man ay magkaibigan na sina Miko at Zian dahil kapwa sila mahilig
sa badminton at mga online games.
2. Hindi ko kakayaning mabuhay ng wala ka sa tabi ko.
3. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo batay sa pagkagusto
(admiration) at paggalang sa isa’t isa.
4. Kaibigan kita dahil kailangan kita.
5. Si Ronel ay hindi nagpapakopya ngunit siya ay kaibigan ko pa rin.

Gawain 2
Panuto: Punan ng tamang salita mula sa kahon ang mga pahayag upang mabuo
ang diwa ng mga natutunan mo sa isang mabuting kaibigan. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang-papel.

pagtingin pahalagahan tagapakinig mabuti ideya

1. Natutukoy kung sino ang ___________ at di mabuting kaibigan sa


pamamagitan ng mga tunay na kaibigan.
2. Nakalilikha ito ng mabuting ___________ sa sarili.
3. Natututuhang _______________ ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan
sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan.
4. Natutuhan kung paano maging mabuting ______________.
5. Nagkakaroon ng mga bagong ________ at pananaw sa pakikipagkaibigan.

7
Ang Aking Natutuhan
GAWAIN: AKROSTIK: KAIBIGAN

Panuto: Bumuo ng Akrostik gamit ang salitang KAIBIGAN sa pamamagitan ng


pagsulat ng mga pangungusap na nagsisimula sa bawat letra ng salitang ito. Ang
mga pangungusap na ito ay dapat naglalahad ng kahalagahan ng kaibigan. Isulat sa
kahon ang sagot.
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Kaayusan ng ideya 20
Nilalaman ng sagot 10
Kaankupan ng sagot 5
Kabuuang Puntos 35

K
A
I
B
I
G
A
N
8
Ating Tayahin
Pangwakas na Pagtataya

Panuto: Suriing mabuti ang salitang hiningi ng mga pahayag na nasa PAHALANG
at PABABA. Isulat ang iyong sagot sa crossword puzzle.

PAHALANG

PABABA

9
10
GAWAIN 3 GAWAIN 2
1. PK
2. P
3. K
4. P
5. PK
GAWAIN 4
1. MABUTI
2. PAGTINGIN
3. PAHALAGAHAN
4. TAGAPAKINIG
5. IDEYA
SUBUKIN NATIN
ATING TAYAHIN 1. D
1. TAGAPAKINIG 2. D
2. KAIBIGAN
3. B
3. PAGMAMAHAL
4. KALARO 4. A
5. KABUTIHAN
5. A
6. GURO
7. PAMILYA 6. A
8. PANGANGAILANGAN
9. SULIRANIN 7. C
10.PAKIKIPAGKAIBIGAN 8. A
11.KAPITBAHAY
12.KASIYAHAN 9. D
13.KAKLASE
10. A
11. TAMA
12. MALI
13. TAMA
14. MALI
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian
Bognot, Regina Mignon C., Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S.
Lagarde, Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Pasig City: Department of Education.
2013.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone no. (048) 434-0099

11

You might also like