You are on page 1of 24

8

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 6
Pagkilala sa mga Uri, Sanhi at
Epekto ng mga Umiiral na
Karahasan sa Paaralan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Ikaapt na Markahan – Modyul 6: Pagkilala sa mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral
na karahasan sa paaralan Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Criscel Calunsag-Miranda
Editor: Nor E. Bunda
Tagasuri: Bernadette R. Ulay
Tagalapat: Criscel Calunsag-Miranda
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul - Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assist. Schools Division Superintendent
Christine D. Bagacay - Chief Curriculum Implementation Division
Hermogina G. Bonga - Education Program Supervisor in EsP/VaEd
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
- Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City


Telefax: 216-3504
E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph
8
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 6

Pagkilala sa mga Uri, Sanhi at


Epekto ng mga Umiiral na
Karahasan sa Paaralan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

iv
Alamin Natin

Isa sa mga mahahalagang panuntunan upang makaiwas sa Covid-19 ay


ang pananatili sa ating mga tahanan. Ang pagsunod sa panuntunan na ito
ay napakahusay na desisyon. Tatlong bagsak para sa iyo!

Dahil dito, hindi na madalas ang iyong pakikipagkita sa iyong mga


kaibigan, kaklase at mga guro. Siguro ay nami-miss mo na sila, lalong-lalo na
ang pagpasok sa eskwelahan. Kung ibabalik natin ang panahon kung saan
wala pang pandemya, anong awit kaya ang babagay sa iyong karanasan sa
eskwela?

Ang paaralan ang itinuturing na pangalawang tahanan ng maraming mga


mag-aaral. Katulad ng kaligtasan at kapanatagan na mayroon sa tahanan ay
inaasahan din na makakamtan ito sa paaralan. Subalit hindi lingid sa iyo ang
mga balitang may mga kaguluhan na nagaganap sa paaralan, kaguluhan na
maaaring nakararating sa kaalaman ng mga guro na nabibigyang-pansin at
naisasaayos, ngunit maaaring mayroon rito ang lingid sa kaalaman ng mga
namamahala ng paaralan.

Sa araling ito, bibigyang-tuon ang iba’t ibang mga karahasan na


nangyayari sa paaralan. Bakit nga ba ito nagaganap? Bakit ito lumalawak?
Bakit mahalagang umiwas sa anumang uri ng karahasan sa paaralan? Bakit
mahalagang ito ay mapigilan? Sa kasalukuyan, isa itong suliranin na
nangangailangan ng agarang solusyon. Sa karagdagan, inaasahang
maipamamalas ng mag-aaral ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at
pag-unawa:

1. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na


karahasan sa paaralan (EsP8IPIVc-14.1)
2. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na
kailangan upang maiwasan at matugunan ang karahasan sa
paaralan (EsP8IPIVc-14.2)

2
Subukin Natin
Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa


_______.
A. Pambubulas C. Fraternity
B. Pandaraya D. Gang
2. Ito ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang
tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang
biktima.
A. Pambubulas o Bullying C. Pang-aalipin
B. Pangungutya D. Pandaraya
3. Ito ay uri ng pambubulas sa pamamagitan ng pagsasalita o pagsusulat ng
masasamang salita laban sa isang tao.
A. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
B. Pasalitang Pambubulas
C. Pisikal na Pambubulas
D.Wala sa nabanggit
4. Ito ay uri ng pambubulas na may layuning sirain ang reputasyon at ang
pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
A. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
B. Pasalitang Pambubulas
C. Pisikal na Pambubulas
D. Wala sa nabanggit
5. Ito ay uri ng pambubulas na may pisikal na pananakit sa isang indibidwal
o pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-aari.
A. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
B. Pasalitang Pambubulas
C. Pisikal na Pambubulas
D. Wala sa nabanggit
6. Kailan masasabi na ang karahasan na naganap ay isang pambubulas?
A. Nabulyawan ni Ross si Phoebe ng isang beses sa klase.
B. Nasagi ni Chandler si Rachel ng hindi sinasadya kaya ito nadapa.
C. Iniabot ni Monica ang ilan sa kanyang baong pera kay Joey para sa
kanilang gawain.
D. Isinagawa ni Brad ang pagkuha ng papel mula kay Angelina ng paulit-
ulit, lalo na tuwing may asignatura o pagsusulit.

3
7. Ang mga sumusunod ay karakter ng isang nambubulas (bully) maliban sa
isa _________.
A. Humihingi ng tulong sa awtoridad upang matulungan ang
nangangailangan
B. Hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya
C. Hindi naramdaman sa kaniyang pamilya ang pagmamahal
D. Ginamitan ng pananakit bilang pagdisiplina
8. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin
ang mga karahasan sa paaralan?
A. Upang makatuon sa pag-aaral.
B. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan.
C. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aral.
D. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng
paaralan.
9. Ang pagmamahal sa sarili ang isa sa pinakamahalagang sandata na
magagamit ng isang kabataan. Sa anong paraan maipapakita ang birtud
na ito?
A. Nagpapakita ng awa sa pamilya at mga kaibigan.
B. Iniingatan ang sarili at inilalayo ang sarili sa kapahamakan.
C. Inilalayo ang sarili upang maging ligtas di bale na mapahamak ang
iba.
D. Mapagmahal sa kapwa at may pagnanais sa isang mapayapang
pamumuhay,
10. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit mahalagang matutuhan ng lahat
na igalang at mahalin ang kaniyang kapwa, maliban sa isa ________.
A. Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang
pagmamahal na inilalaan.
B. Ang pagmamahal sa kapwa ay pagsunod sa anumang nais nila, tama
man ito o mali.
C. Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pag-unawa sa
kaniya.
D. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.

4
Aralin Natin

Nakasaksi ka na ba ng aktwal na karahasan sa paaralan? Ano ang


naramdaman mo nang masaksihan ito?

Basahin at alamin ang ibig sabihin ng karahasan sa paaralan kabilang


ang mga halimbawa nito.

Ang mga Karahasan sa Paaralan

Alam ng karamihan na ang paaralan ay isang institusyon para sa


pagtuturo sa mga mag-aaral sa ilalim ng paggabay ng isang guro. Bukod dito,
mailalarawan din na ang paaralan bilang isa sa institusyon na humahasa sa
isang indibidwal sa pakikipagkapwa. Sa paaralan lumalawak ang mundong
ginagalawan ng isang bata, malayo sa kinalakhan nitong tahanan, at dito
nagsisimula ang pakikitungo niya sa mga taong hindi niya kadugo o kamag-
anak. Nahahasa ang kakayahan na ito upang makayanan niya anuman ang
hamon na kaniyang haharapin sa paaralan lalo na sa malawak na lipunan.

Napapansin mo ba ang pagbabago sa ating panahon ngayon lalo na sa


paaralan? Marami ang balita tungkol sa mga karahasan na nangyayari sa
paaralan. Nakakalungkot isipin na ang dating pinagkakatiwalaang ligtas na
lugar ay nababahiran na ng karahasan. Ano ang mga dahilan nito? Bakit ito
ay itinuturing na malalang suliranin na hindi lamang sa ating bansa ngunit
maging sa mundo?

Lumabas sa isinagawang survey ng Plan Philippines noong 2008 sa


2,442 mga bata sa 58 pampublikong paaralan sa bansa na karamihan sa mga
karahasan na nararanasan ng mga mag-aaral sa paaralan ay dulot ng
kanilang kapwa kabataan. Ano nga ba karahasan sa paaralan?

Ayon sa National Criminal Justice Reference Service ng Estados


Unidos, ang karahasan sa paaralan ay anumang kilos na lumalabag sa
misyon at bisyon ng edukasyon, sa paggalang sa kapwa magaaral o anumang
kilos na humahadlang sa layunin ng paaralan na maging ligtas sa pagdarahas
ng tao, pag-aari, droga, armas, o kaguluhan.

Ano-ano nga ba ang mga karahasan na maaaring nagaganap sa


paaralan? Ang ilan sa mga pangunahing kategorya ng karahasan sa paaralan
ay pambubulas o bullying, labanan, pag-aaway o pagsasakitan sa loob man
o sa labas ng paaralan, pagdadala ng droga, sexual harassment, vandalism,
pagnanakaw, pagdadala ng mga nakasasakit na bagay, at marami pang iba.

5
Gawain: Sipat Larawan

Panuto: Suriin ang dalawang larawan. Ano ang pagkakaiba nila? Maari mo
bang ilarawan ayon sa iyong pag-unawa? Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1 2

1. Ano ang kaibahan ng dalawang larawan?


_________________________________________________________________

2. Ano ang mapapansin sa unang larawan? Ano ang iyong masasabi


tungkol dito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Ano ang mapapansin sa pangalawang larawan? Ano ang iyong


masasabi tungkol dito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawin Natin

Napansin mo ba ang pagkakaiba ng dalawang larawan? Sa unang


larawan makikita ang kasayahan ng mag-aaral papunta sa paaralan. Ganito
ang mukha ng isang taong naniniwalang may naghihintay sa kaniyang bago
at masayang karanasan sa paaralan. Habang ang pangalawang larawan ay
mababakas ang lungkot. Maaaring indikasyon ito na hindi siya masaya sa
kaniyang pagpasok sa paaralan, o may suliranin na kinakaharap.

6
Mga Pangunahing Karahasan na Laganap sa Paaralan

Ang Pambubulas o Bullying


Ito ay ang madalas na nangyayaring karahasan sa paaralan kung saan
ang mag-aaral ang biktima. Ang pambubulas o bullying ay isang sinasadya
at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan
ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.
Ang hindi pantay na kapangyarihan o lakas sa pagitan ng mga tao ay
dahilan kaya nagaganap ang pambubulas. Ang mga batang nambubulas ay
ginagamit ang kaniyang kapangyarihan, na nakahihigit sa kaniyang
binubulas – pisikal na lakas, pagkakaroon ng kaalaman sa mga nakahihiyang
impormasyon tungkol sa binubulas o kaya naman ay popularidad – upang
kontrolin o magdulot ng panganib sa kapwa. Matatawag lamang na
pambubulas kung ito ay isasagawa ng paulit-ulit o may potensiyal na maulit
sa takdang panahon.
Ang pambubulas ay hindi palaging marahas. Sa katunayan, mas
malalim ang sugat na iniiwan ng pambubulas na hindi marahas. Upang mas
maging madaling unawain ito ay tatalakayin ang tatlong uri ng pambubulas

Uri ng Pambubulas
1. Pasalitang Pambubulas
Ito ay nangangahulugan ng agsasalita o pagsusulat ng
masasamang salita laban sa isang tao. Ang pangangantyaw,
pangungutya, panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw,
pagmumura, pang-iinsulto, pagpapahiya sa iyo sa harap ng maraming
tao, at iba pa ay ilan sa mga halimbawa nito.
Ang pangungutya at panunukso ang
pinakapangunahin sa nararanasan ng mga mag-aaral sa
paaralan ayon sa pag-aaral ng PLAN Philippines. Kahit
sa maagang yugto ng pagaaral ng mga bata sa
paaralan ay nararanasan na nila ang kutyain at
tuksuhin bunga ng iba-ibang kadahilanan. 50% sa
mga mag-aaral na nasa Una hanggang Ikatlong
Baitang, 67% sa Ikaapat hanggang Ika-anim na
Baitang ang 65% sa mga nasa high school ang
mayroong ganitong karanasan. Hindi ito marahas ngunit nakaalarma
ang maaaring maidulot nito sa mga batang madalas na nakararanas
nito.

7
2. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
Ang layunin nito ay sirain ang reputasyon at
ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Kasama rito
ang hindi pagtanggap sa isang tao o sadyang pang-
iiwan sa kaniya sa maraming pagkakataon,
panghihikayat sa ibang mag-aaral na huwag
makipagkaibigan sa isang particular na indibidwal o
pangkat, pagkakalat ng tsismis, pagpapahiya sa
isang tao sa gitna ng nakararami at iba pa.
3. Pisikal na Pambubulas
Ang pananakit sa isang indibidwal o
pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-aari
ay uri ng pisikal na pambubulas. Kasama rito
ang panununtok, paninipa, pananampal,
pangungurot, o ang biglang pag-alis ng upuan
habang nakatalikod upang matumba ang
nakaupo. Ang pagkuha at pagsira sa gamit o
pagpapakita ng hindi magagandang senyas ng
kamay ay iilan din sa mga halimbawa nito.

Profile ng mga Karakter sa Pambubulas

Ang Nambubulas
Ang dahilan ng pambubulas ng isang tao ay maaring maugat sa
pamamaraan ng pagpapalaki ng kaniyang mga magulang ayon sa
isinagawang pag-aaral ni Tusinski (2008). Sabi niya sa kaniyang pag-aaral,
ang isang bata na nambubulas ay:
1. Mas malamang na napalaki ng isang pamilyang napabayaan na gawin ang
lahat ng kaniyang gustong gawin at hindi napaaalalahanan lalo na sa mga
hindi tamang nagagawa.
2. Hindi naramdaman sa kaniyang pamilya ang pagmamahal
3. Hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya
4. Ginamitan ng pananakit bilang pagdisiplina
5. Nakita ang pagiging marahas ng magulang na magdudulot ng pagkakaroon
ng damdamin ng poot sa kapwa at malaon ay makaramdam ng kasiyahan sa
pananakit sa iba

8
Kapag ang bata ay nagtataglay ng higit sa dalawang karakter maaaring
maituturing sila na nambubulas. Ito ang lumalabas na pasimula sa
pagkakaroon ng kakayahan ng isang mambubulas na makapanakit ng
kanilang kapwa.
Ang isang mambubulas ay may pagkiling sa mga gawaing masama at
nakasasakit ng kapwa at makikita ang kanilang malabis na pagnanais na
mangibabaw (dominance) sa lahat. Ginagamit nila ang pangingibabaw na ito
upang maisakatuparan ang kanilang mga ninanais, napasusunod nila ang
mga batang mas mahina sa kanila. Nakalulugod sa kanila ang maramdaman
ang kanilang kapangyarihan at kakayahang kontrolin ang ibang tao.
Kumikilos sila ng ganito dahil labis na mataas ang kanilang tiwala sa
kanilang sarili (Tusinski, 2008). Iniisip nila nararapat lamang para sa kanila
ang sundin at katakutan ng iba (entitlement) at kailangang kilalanin bilang
pinakamakapangyarihan sa buong paaralan.

Gawain
Bully Survey
Ikaw ba ay binubulas o ikaw ang nambubulas? Alamin natin sa
pamamagitan ng pagsagot ng survey. Basahin ang mga pahayag at lagyan ng
tsek ( ) ang iyong sagot, oo o hindi. Pagkatapos sagutan ay sundin ang
panuto upang malaman ang iyong estado.

Pahayag OO Hindi
1. Natutuwa ka bang pagtuunan ng pansin ang mga taong mas maliit
s aiyo o maging sa mga hayop?
2. Mayroon bang mga tao na sumisimangot s aiyo o nagpapakita ng
hidni magandang sinyales ng kamay?
3. Gusto mo bang manukso o manghamak ng ibang tao?
4. Mayroon bang nagkalat ng tsismis o nagsabi ng masama tungkol sa
iyo?
5. Kapag nanunukso ka ng ibang tao, natutuwa ka bang makita na sila
ay napipikon o nagagalit?
6. Madalas ka bang tinutukso ng ibang mag-aaral?
7. Natutuwa ka ba a pagkakamali ng ibang tao?
8. Madalas ka bang pinagbubulungan ng ibang mag-aaral?
9. Gustong-gusto mo bang kumuha at sumira ng gawain ng iba?
10. Hindi ka ba isinasali sa mga laro o gawain o isinasabay sa pagkain?
11. Gusto mo bang isipin ng ibang mag-aaral na ikaw ang
pinakamalakas at pinakamatapang sa buong paaralan?
12. Iniiwan ka ba ng mga barkada o maraming barkada ang hindi ka
nais na isali?

9
13. Madalas ka bang magalit?
14. Pinagkakatuwaan ka ba ng ibang mag-aaral dahil sa iyong
pananamit, buhok, salamin sa mata, o kulay ng balat?
15. Matagal ba bago mapawi ang iyong galit?
16. Naranasan mo na bang dumaan sa isang “hazing” bago isali sa isang
pangkat o samahan?
17. Isinisisi mo ba sa ibang tao ang mga maling nangyayari sa iyong
buhay?
18. May nagbabanta ba sa iyo na ikaw ay sasaktan?
19. Gusto mo bang gumanti sa mga taong nakasakit sa iyo?
20. Naranasan mo na ba ang maitulak, itaboy, o kaya ay saktan ng ibang
mag-aaral?

Bilangin ang sagot na OO sa mga Even Numbers (hal. 2,4,6, etc)


1 hangang 5 – Nangangahulugan na ang mag-aaral ay nakaranas na ng
pambubulas
6 hanggang 10 - Agaran ang tulong na kailangan ng mag-aaral upang malampasan
ang kaniyang pinagdaraanan
Bilangin ang sagot na OO sa Odd Numbers (hal. 1,3,5, etc)
1 hanggang 2 - may potensiyal na maging mambubulas sa hinaharap
Mahigit sa dalawa – isang mambubulas at nangangailangan ng tulong upang
maisaayos ang mga gawi

Karagdagang Kaalaman

Mga Epekto ng Pambubulas


“Nakababahala ang palaki nang palaking bilang ng mga nabibiktima ng
pambubulas dahil ang mga biktima nito ay mayroong posibilidad na
makalinang ng pagiging mailap at ng takot na makaaapekto sa pamamaraan ng
kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang kapwa, makahahadlang sa kanilang
pakikilahok sa paaralan at makapagpapababa ng kanilang marka sa pag-aaral.”
- Michael Diamond, Direktor ng PLAN Philippines

Napagtanto na may mga epekto ang pambubulas sa isang bata. Maaari


itong magdulot ng takot sa pagharap ng mga bata sa lipunan. Magdudulot ito
ng madalas na pagliban sa klase na malaon ay magbubunga ng paghinto sa
pag-aaral at pag-ayaw na muli pang bumalik sa paaralan. Narito pa ang ilan
sa mga pangunahing epekto ng pambubulas:

10
1. May mga pag-aaral na makapagpapatunay na ang mga biktima ng
pambubulas ay may posibilidad na magkaroon ng labis na pagkabalisa,
kalungkutan, suliranin sa pagtulog (sleep difficulties), mababang tiwala sa
sarili, maging sakit ng ulo at tiyan at pangkalahatang tensiyon kumpara sa
mga kabataan na hindi nagiging biktima ng pambubulas. Ang pambubulas
na ito ay magdudulot ng stress sa biktima na malaon ay magdudulot ng
mahinang pangangatawan laban sa sakit at impeksyon kung kaya mas
marami sa nakararanas ng ganito ay nagiging sakitin.

2. Ang biktima ng pambubulas ay madalas na


kakaunti ang kaibigan o maaaring walang
kaibigan. Dahil sa kanilang labis na pagiging
balisa at sa kanilang mababang pagtingin sa
kanilang sarili, masyadong mahirap para sa
kanila ang humanap at magkaroon ng kaibigan.
Maaari itong magdulot ng pag-iisa at pagiging
malayo sa nakararami at magkakaroon sila ng
paniniwala na hindi sila karapat-dapat na
magkaroon ng kaibigan.
Bukod pa rito, ayaw ding makipagkaibigan
ng ibang mga mag-aaral sa mga biktima ng pambubulas dahil sa takot na
maging sila ay maging biktima rin at hindi rin sila magustuhan ng ibang
mag-aaral kapag nakitang sila ay nakikihalubilo sa mga binubulas.

3. Isa pa sa posibleng epekto sa biktima ng


pambubulas ay ang posibiliad na sila mismo ay
maging marahas, maaaring sa panahon ng
pambubulas o sa hinaharap. Ang karahasan
na ito ay maaaring nilang gawin sa kanilang
sarili, sa paaralan o maaaring sa taong
nambubulas sa kanila. Maaaring makagawa
sila ng mas marahas na bagay lalo pa at naging
malabis ang sakit na kanilang naranasan mula
sa mga nambubulas. Sila ay napipilitang
gumanti at makapanakit.

11
Sanayin Natin

Gawain 1: Word Puzzle

Kaya mo bang sumagot ng puzzle? Gamit ang iyong nalalaman sa aralin


na ito, hanapin ang sagot sa loob ng puzzle. Maaring ito ay naka-pahalang,
patayo o dayagonal. Pagkatapos isulat ito sa sagutang papel.

I A A W A P E D P U
P A S N O A Y S A K
A G K A T M A O S O
N A M B U B U L A S
O T I A N U Y A L O
L I N G B B A G I S
A M A S A U R T T Y
Y L S B A L N K A A
P I S I K A L O N L
A M Y A W S A K I K

1. Kung ang isang tao ay nananadya at may madalas na malisyosong


pagtatangka sa kanyang kapwa, ang tawag sa kanya ay
_____________________.
2. Ang halimbawa ng ganitong uri ng pambubulas ay panununtok,
paninipa, pananampal, pangungurot. Ito ay ________________________.
3. Ang paninigaw, pagmumura, pang-iinsulto, at pagpapahiya sa iyo sa
harap ng maraming tao ay ilan lamang halimbawa ng ____________.
4. Ang pangunahing layunin ng ganitong uri ng pambubulas ay sirain ang
reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ay
________________________.
5. Ang pambubulas ay kilala sa salitang English na ________________.

Gawain 2: Crumpled Paper

Ikaw ba ay nabulas? Ano ang epekto nito sayo? Kung hindi naman ay
ilalagay natin ang ating sarili sa taong nakaranas ng pambubulas. Alamin
natin kung ano kaya ang epekto nito sa kaniya.

Kagamitan na kinakailangan:
1. Papel na hindi lukot (kasing laki ng iyong kamao)

Pamamaraan:
1. Gusutin ang papel maaaring gamit ang kamay, o kaya ay paa. Pwedeng
tapakan ang papel at gawing parang bola.

12
2. Habang ginagawa ang unang hakbang, magsalita ng hindi maganda
patungkol sa papel (pwedeng ilabas ang sama ng loob, ngunit hindi
kailangang magsisigaw o manakit).
3. Matapos magusot ang papel, ilagay ito sa ibabaw ng lamesa at hayaan.
4. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

a. Bumalik ba sa maayos na porma ang papel?


b. Kumusta ka matapos ang gawain? Gumaan ba ang loob mo?
c. Sa iyong pagkakaintindi, ano ang ibig sabihin ng gawain? Ano ang
layunin nito?

Tandaan Natin

Ang gawain na Crumpled Paper ay hango mula sa aktibidad na ginawa


ng isang guro sa New York upang ipakita sa kanyang mag-aaral ang
pangmatagalang epekto ng bullying o pambubulas. Kumusta ang karanasan
mo sa gawaing ito? Tiyak ay may natutunan ka mula rito. Magaling!

Madaling magbitaw ng salita, lalo na kung ikaw ay masyadong masaya


o kaya ay sobra ang galit. Ang emosyong ito ay pwede maglaho o mabago
anumang oras subalit ang epekto nito sa ibang tao ay tulad ng gusot sa papel.
Mahirap na nitong maibabalik sa dating anyo ang damdamin ng isang tao,
lalong-lalo na ang masasamang salita,, bagkos itoy mananatili sa taong
napagsalitaan natin ng masasakit, at mag-iiwan ito ng sugat.

Kaya ay maging maingat tayo sa pagbitaw ng mga salita o sa ating mga


kilos. Pag-isipan muna ito, at huwag kalimutan na ikonsidera ang damdamin
at kapakanan ng ating kausap. Sa ganitong paraan, ikaw din ay tatratuhin
ng tama ng kapwa mo. Ika nga ng Golden Rule, kung ayaw mong gawin sayo,
huwag mong gawin sa iba.

Gawain: Uri-Sanhi-Epekto
(Uri ng
karahasan)

(Sanhi ng (Epekto ng
karahasan karahasan)

Basahin ang mga senaryo at gumawa ng sariling graphic organizer.


Gawing basehan ang nasa itaas.

13
1. Isang bagong mag-aaral ang katabi mo sa klase at siya ay nahihirapan
na makipaghalubilo sa ibang kaklase. Ang iba sa iyong mga kaibigan
ay pinagbubulungan siya at pinagtatawanan. Hindi nila ito tinuturing
na kaibigan.

2. Nakita mo isang araw na si Roy ay tinulak ng isa ring estudyanteng


mas malaki pa sa kanya. Nasalampak si Roy sa may pader sa lakas ng
pagtulak nito. Ilang ulit mo na itong nasaksihan.

3. Nakita mong may nakaupo sa upuan mo sa loob ng silid-aralan, ayaw


na ayaw mo itong ginagamit ng iba kaya ay napagsalitaan mo ng hindi
maganda ang kaklase mo. Nagsabi ka pa sa buong klase ng
pangmamaliit laban sa kanila.

Sa Positibong Punto!

Pagmamahal sa SARILI, KAPWA, at BUHAY:


Mga Sandata laban sa Karahasan sa Paaralan

Ika nga, ang lahat ay dapat na nag-uugat sa sarili. Ang pagmamahal sa


sarili ang isa sa pinakamahalagang sandata na magagamit ng isang kabataan
upang maiwasan na masangkot sa anumang karahasan sa paaralan.
Bawat isa sa atin ay kaiba o unique. Mahalaga ka, isa kang hindi na
mauulit na ekspresyon ng diwa ng Diyos. Ikaw lang ang mayroong
natatanging pagkakataon upang kilalanin nang malalim ang iyong sarili at
tuklasin ang landasin na para sa iyo.
Maging masaya at kontento tayo sa kung anumang meron tayo na
kaloob ng Diyos. Dalawang bagay ang mahalaga upang maiwasan ang
pagiging mapaghanap at ang kawalang ng kapanatagan ng tao:
1. Kaalaman sa Sarili –

Mahalagang kilalanin ang sarili. Ano ang iyong talento at kakayahan?


Ano ang iyong kalakasan at kahinaan? May kaalaman ka ba sa iyong
damdamin? Ano ang tunay na layunin mo sa buhay? Ano ang gusto mong
marating sa hinaharap? Ano ang tunay na makapagpapasaya sa iyo? Ito ay
mahahalagang tanong na nangangailangan ng sagot upang masabi mong
mayroon kang kaalaman sa iyong sarili.

14
Mahalagang masagot ang mga tanong na ito upang maging panatag ang
iyong damdamin at ang iyong kabuuan. Sa ganitong paraan mo lamang
mauunawaan at matatanggap ang iyong sarili bilang ikaw at hindi maghanap
ng mga bagay na hindi naman talaga para sa iyo. Ang pag-unawa at
pagtanggap ay pangunahin patungo sa pagmamahal. Ganito
mapagtatagumpayan ang pag-iwas na masangkot sa anumang kaguluhan
lalo na sa paaralan.

2. Paggalang sa Sarili –
Upang magkaroon ka ng paggalang sa kapwa, kailangan mo
munang magkaroon ng paggalang sa iyong sarili. Ibig sabihin nito ay ang
pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili (self-esteem or self-worth). Sa
madaling salita, mayroon kang positibong pagtingin sa iyong sarili.

Kung may pagmamahal sa sarili mas magiging madali na ang maglaan


ng pagmamahal sa kapwa. Likas sa tao ang makatanggap ng paggalang at
pagmamahal mula sa kaniyang kapwa dahil siya ay anak ng Diyos at dahil
lahat ng tao ay biniyayaan ng dignidad, lahat tayo ay karapat-dapat dito.
Bakit mahalagang matutuhan ng lahat na igalang at mahalin ang kaniyang
kapwa?

1. Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang


pagmamahal na inilalaan. Hindi ito hinihingi o binibili, bagkus inaani dahil
sa itinanim na paggalang sa kapwa. Palaging pagsikapang gawin kung ano
ang makabubuti para sa lahat at magkaroon ng positibong pagtingin sa lahat
at nakatitiyak na susuklian din ito ng higit sa iyong ibinigay. Ngunit hindi
nangangahulugan na palaging tayong maghihintay ng sukli mula sa ating
ibinigay. Tandaan na ang tunay na pagmamahal ay wala kundisyon at walang
hinihintay na kapalit.

2. Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pag-unawa sa


kaniya. Kapag mahal mo ang isang tao nakahanda kang tanggapin siya bilang
siya. Walang kundisyon at walang inaasahang kapalit. At higit sa lahat
palaging nakahandang dumamay sa tagumpay at lalo’t higit sa kabiguan.

3. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan. Ang


katarungan, katulad ng natalakay sa mga nagdaang aralin, ay pagbibigay sa
kapwa ng nararapat para sa kapwa, ang paggalang sa kaniyang dignidad
bilang tao.

15
Payabungin Natin

Bakit mahalaga ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan sa


paaralan at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito?

Tama! Maliban sa tayo ay inatasan na mahalin ang ating kapwa tulad


ng pagmamahal natin sa ating sarili, tayo rin ay may tungkulin sa ating
kapwa, at isa doon ay ang ilayo sila sa kapahamakan. Kung mapayapa ang
komunidad kung saan tayo napapabilang, maging ang ating tahanan o ang
ating paaralan man, magiging mapayapa, ligtas at masaya din ang ating
pamumuhay.

Gawain: Deserve ko ‘to!

Gumawa ng isang malikhaing Bookmark na may nakasulat na mga


salitang may pagganyak (motivating) na nakalaan para sa iyong sarili.
Basahin ang pamantayan sa pagmamarka upang maging gabay mo sa
gawain.

Ito ay maglalaman ng pagkilala sa iyong sarili bilang ikaw at kung ano


ka – isang taong may paggalang, may pagpapahalaga sa mabuting
pakikipagkapwa, at may pagmamahal.

Maaari mo bang gamitin ang bookmark na nalikha tuwing mag-aaral


ka ng modyul mo? Mahusay! May bookmark ka na, may words of motivation
ka pa!

Pamantayan ng Pagmamarka:

20 puntos – napakamalikhain ang pagkakagawa, malinis at magagamit ng wasto ang


bookmark, maganda ang pagkakasulat ng mga salitang pagganyak, at orihinal ito.
15 puntos – may pagkamalikhain ang pagkakagawa, medyo malinis at magagamit ng
wasto ang bookmark, maganda ang pagkakasulat ng mga salitang pagganyak, at may
parte ito na orihinal.
10 puntos – hindi gaanong malikhain ang pagkakagawa, hidni gaanong malinis at
magagamit ng wasto ang bookmark, may naisulat ng mga salitang pagganyak, at
kaunti lang ang parte nito na orihinal.
5 puntos – nakagawa ng bookmark, hindi orihinal ang naisulat na mga salitang
pagganyak
Walang puntos – walang naisumiteng bookmark

16
Suriin Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Pumili lamang ng titik at isulat


ito sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang mga umiiral na karahasan sa paaralan?


A. Pambubulas C. Fraternity
B. Pandaraya D. Gang
2. Ano ang tawag sa isang sinasadya at madalas na malisyosong
pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan
ng isa o mahigit pang biktima?
A. Pambubulas o Bullying C. Pang-aalipin
B. Pangungutya D. Pandaraya
3. Alin sa mga sumusunod sa mga uri ng pambubulas ang pagsasalita o
pagsusulat ng masasamang salita laban sa isang tao?
A. Wala sa nabanggit
B. Pasalitang Pambubulas
C. Pisikal na Pambubulas
D. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
4. Ito ay uri ng pambubulas na may layuning sirain ang reputasyon at
ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
A. Wala sa nabanggit
B. Pasalitang Pambubulas
C. Pisikal na Pambubulas
D. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
5. Nangangahulugan ito na pambubulas na may pisikal na pananakit sa
isang indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-aari.
A. Wala sa nabanggit
B. Pasalitang Pambubulas
C. Pisikal na Pambubulas
D. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
6. Kailan masasabi na ang karahasan na naganap ay isang pambubulas?
A. Nabulyawan ni Ross si Phoebe ng isang beses sa klase.
B. Nasagi ni Chandler si Rachel ng hindi sinasadya kaya ito nadapa.
C. Iniabot ni Monica ang ilan sa kanyang baong pera kay Joey para sa
kanilang gawain.
D. Isinagawa ni Brad ang pagkuha ng papel mula kay Angelina ng
paulit-ulit, lalo na tuwing may asignatura o pagsusulit.

17
7. Ang mga sumusunod ay karakter ng isang nambubulas (bully) maliban
sa isa _________.
A. Humihingi ng tulong sa awtoridad upang matulungan ang
nangangailangan.
B. Hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya
C. Hindi naramdaman sa kaniyang pamilya ang pagmamahal.
D. Ginamitan ng pananakit bilang pagdisiplina.
8. May pangmatagalan na epekto ang pambubulas sa mga biktima nito.
Totoo ba ito o hindi?
A. Totoo. Sumasaya sila kapag nabibiktima sila nito.
B. Hindi. Kapag mapagpatawad ang tao, madali nila itong
malilimutan.
C. Hindi. Pagkatapos ng pananakit sa emosyonal o pisikal, nabubura
na agad ito.
D. Totoo. Maaaring maging mahiyain, nagkakasakit, o kaya ay
nagiging mambubulas.
9. Ang pagmamahal sa sarili ang isa sa pinakamahalagang sandata na
magagamit ng isang kabataan. Sa anong paraan maipapakita ang
birtud na ito?
A. Mapagmahal sa kapwa at may pagnanais sa isang mapayapang
pamumuhay.
B. Inilalayo ang sarili upang maging ligtas di bale na mapahamak ang
iba.
C. Iniingatan ang sarili at inilalayo ang sarili sa kapahamakan.
D. Nagpapakita ng awa sa pamilya at mga kaibigan.
10. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit mahalagang matutuhan ng
lahat na igalang at mahalin ang kaniyang kapwa, maliban sa isa:
A. Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang
pagmamahal na inilalaan.
B. Ang pagmamahal sa kapwa ay pagsunod sa anumang nais nila,
tama man ito o mali.
C. Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pag-
unawa sa kaniya.
D. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.

18
Pagnilayan Natin

Ngayon ay nadagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa uri ng


pambubulas, at nalaman mo rin ang iyong estado – nambubulas o binubulas,
pati ang epekto ng pambubulas sa isang tao. Naintindihan mo na hindi ito
simpleng bagay at dapat na pagtuonan ng pansin upang matulungan ang
sino mang nakakaranas nito. Bilang may kamalayan na sa usaping ito, ano
ang kaya mong gawin para sa kapwa mo mag-aaral?

Gawain 1 Anti-bullying Pledge

Ang pagbabago ay magsisimula sa ating sarili. Kaisa ka rin ba sa


pagbabago laban kontra pambubulas? Basahin ang Pledge sa baba. Isa itong
pangako laban sa pambubulas na iyong natutunan sa araling ito.

Anti-bullying Pledge

Ako ay nangangako
na ako ay maninindigan laban sa pambubulas.
Ituturing ko ang aking kapwa
Ng may PAGGALANG at MABUTING PAKIKITUNGO.
Magkakaroon ako ng MATIBAY NA PAGPAPASYA na ako
ay hindi mambubulas
at TAPANG na magsalita kung ako ay nakasaksi.
Ako ay may RESPONSIBILIDAD na tumulong sa aking
kapwa mag-aaral na biktima ng pambubulas
at magsumbong sa awtoridad.

19
20
Sagot sa Tandaan Natin
1. Uri - Sosyal na pambubulas
Sanhi – (maaaring magkaiba ang sagot)
Epekto - (maaaring magkaiba ang sagot)
2. Pisikal na pambubulas
Sanhi – (maaaring magkaiba ang sagot)
Epekto - (maaaring magkaiba ang sagot)
3. Pasalitang pambubulas
Sanhi – (maaaring magkaiba ang sagot)
Epekto - (maaaring magkaiba ang sagot)
Sagot sa Suriin Sagot sa Subukin
Natin Natin
1. a 1. b
2. a 2. a
3. b 3. c
4. d 4. a
5. c 5. c
6. d 6. d
7. a 7. a
8. d 8. c
9. c 9. b
10. b 10. b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mga Imahe
Transparent happy student clipart attitude on school.
https://www.clipartkey.com/view/oJTwJh_transparent-happy-student-clipart-
attitude-on-school-cartoon/retrieved on 4/20/2021

Girl computer cyber bullying. https://pixabay.com/illustrations/girl-


computer-cyber-bullying-bully-5683621/ retrieved on 4/20/2021

Transparent bullying.
https://www.clipartkey.com/view/iooooR_transparent-bullying-clipart-social-
bullying-png/ retrieved on 4/21/2021

Check icon. https://iconscout.com/icon/check-175.retrieved on


4/21/2021

Bully boy with school kid bullying.


https://pixabay.com/illustrations/bully-boy-with-school-kid-bullying-5786897/
retrieved on 4/22/2021

Bullying boys. https://pixabay.com/illustrations/bully-bullying-boys-


624747/ retrieved on 4/22/2021

School boy. https://pixabay.com/illustrations/school-boy-back-to-


school-child-3420041/ retrieved on 4/22/2021

Verbal abuse. https://thenounproject.com/term/abuse/43499/


retrieved on 4/24/2021

Bullied by schoolmates. https://theconversation.com/not-every-


schools-anti-bullying-program-works-some-may-actually-make-bullying-worse-
116163/ retrieved on 4/24/2021

Mga Aklat

Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T., Gayola, Marie


Aiellen S. Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia, C. Martin, Marie Ann M. Ong, at
Rheamay T. Paras. “Ang Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda at
May Awtoridad?”. Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul ng mga Mag-aaral, Pahina
381-394

21

You might also like