You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII-CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
ADLAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Adlay, Carrascal, Surigao del Sur

DIAGNOSTIC TEST
Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Pangalan:____________________________________Petsa:________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________Guro: _______________________________
I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinaka angkop na
sagot.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon
sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A. barangay
B. paaralan
C. pamahalaan
D. pamilya

2. Haligi ng tahanan – ama: ilaw ng tahanan - ______


A. anak
B. ina
C. kamag-anak
D. kapitbahay

3. Ito ay ang magulang ng lahat ng birtud ayon kay Marcus Tulius Cicero.
A. paggalang
B. pananagutan
C. pasasalamat
D. katapatan

4. Alin sa sumusunod ang una at pinaka pangunahing pamantayan sa paghubog ng isang


maayos na pamilya?
A. Mga patakaran sa pamilya.
B. Pagkakaroon ng mga anak.
C. Pinagsama ng kasal ang magulang.
D. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan.

5. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat
ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na
dapat mong tularan?
A. Buo at matatag.
B. May disiplina ang bawat isa.
C. Hindi nagkakaroon ng alitan.
D. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos .

6. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.


A. buhay
B. edukasyon
C. pagkain at tahanan
D. kalusugan
7. Ayon sa kanya, ang ultimate end o huling layunin ng tao ay kaligayahan.
A. Aesop
B. Aristotle
C. Alexander the Great
D. Plato

8. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng


sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
A. pagmamahal
B. pagtanggap
C. pagtitimpi
D. katarungan

9. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya


maliban sa:
A. pagtitiwala
B. pagtataglay ng karunungan
C. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
D. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga

10. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa
mga gawaing ispiritwal maliban sa:
A. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya.
B. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya.
C. Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng
pananampalataya.
D. Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa
pananampalataya.

11. Ang ___________________ ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang


ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan.
A. pamumuhay
B. kilos
C. komunikasyon
D. wika

Gamitin ang mga sumusunod na pagpipilian upang masagutan ang bilang 12 hanggang 14:
A. aspektong intelektwal C. aspektong pangkabuhayan
B. aspektong panlipunan D. aspektong political

12. Ito ay kakayahan ng tao na mamuhay ng may kasama at maging bahagi ng lipunan.
13. Ito ay kaalaman at kakayahang matugunan ang mga pangangailangan ng sarili at ng
kapwa.
14.. Ito ay kaalaman at kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng makatao at
makatarungang lipunan.

15.. Sila ang mga taong labas sa iyong sarili na maaaring magulang, kamag-anak, kaibigan,
kaklase at pati na rin kaaway.
A. magulang
B. kaibigan
C. kapwa
D. kamag-anak

16. BFF, Friendship, Bes, Pre, Repapips ay ilan lamang sa mga katawagan ng isang tao sa
itinuturing niya na ____________________.
A. magulang
B. kaibigan
C. kapwa
D. kamag-anak
17. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kanyang nakita, naramdaman,
naamoy, nalasahan at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kanyang pag – iisip.
A. desisyon
B. emosyon
C. mood
D. kilos

18. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na
tayo ay magrelax. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagrerelax?
A. paninigarilyo
B. pagbabakasyon
C. Panonood ng sine
D. Paglakad lakad sa parke

19. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?


A. Suntukin na lamang ang pader
B. Kuhain ng mga paboritong pagkain
C. Huwag na lamang siyang kausapin muli
D. Isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba

20. Ito ay tumutukoy sa limang panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang


kasiyahan o paghihirap sa tao.
A. ispiritwal na damdamin
B. pandama
C. kalagayan ng damdamin
D. sikikong damdamin

You might also like