You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
SUNGAY INTEGRATED SCHOOL
Sungay, Integrated School
DIAGNOSTIC TEST
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Pangalan:___________________________________Petsa:____________
Baitang at Pangkat: ___________________________Score:____________
I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinaka angkop
na /.sagot.
1. haligi ng tahanan – ama : ilaw ng tahanan - ______
a. ama b. ina c. anak d. kapitbahay
2. Ito ay ang magulang ng lahat ng birtud ayon kay Marcus Tulius Cicero.
a. katapatan b. paggalang c. pasasalamat d. pananagutan
3. Alin sa sumusunod ang una at pinaka pangunahing pamantayan sa paghubog ng isang
maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilangkarapatan
d. mga patakaran sa pamilya
4. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa
lipunan ang itinuturing na pinakamaliit sa lipunan?
a. paaralan b. barangay c. pamahalaan d. pamilya
5. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat
ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat
mong tularan?
a. Buo at matatag b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos d. Hindi nagkakaroon ng alitan
6. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. buhay c. edukasyon d. pagkain at tahanan
7. Ayon sa kanya, ang ultimate end o huling layunin ng tao ay kaligayahan.
a. Aesop b. Aristotle c. Alexander the Great d. Plato
8. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng
sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
a. pagtanggap b . katarungan c. pagmamahal d. pagtitimpi
9. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya
maliban sa:
a. pagtitiwala
b. pagtataglay ng karunungan
c. pagkakaroon ng ganap na Kalayaan
d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
10. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga
gawaing ispiritwal maliban sa:
a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng
pananampalataya
d. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa
pananampalataya .
11.Ang ___________________ ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang
ipahayag ang kaniyang iniisip at
pinahahalagahan.
a. kilos b. pamumuhay c. komunikasyon d. wika
12.Sila ang mga taong labas sa iyong sarili na maaaring magulang, kamag-anak, kaibigan,
kaklase at pati na rin kaaway.
a. kapwa b. kaibigan c. magulang d. kamag-anak
13.BFF, Friendship, Bes, Pre, Repapips ay ilan lamang sa mga katawagan ng isang tao sa
itinuturing niya na ____________________.
a. kapwa b. kaibigan c. magulang d. kamag-anak
14. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kanyang nakita, naramdaman,
naamoy, nalasahan at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kanyang pag – iisip.
a. kilos b. mood c. emosyon d. desisyon
15.Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga
na tayo ay magrelax. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagrerelax?
a. paglakad lakad sa parke
b. paninigarilyo
c. pagbabakasyon
d. panonood ng sine
16.Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?
a. suntukin na lamang ang pader
b. kuhain ng mga paboritong pagkain
c. huwag na lamang siyang kausapin muli
d. isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba
17. Ito ay tumutukoy sa limang panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang
kasiyahan o paghihirap sa tao.
a. pandama
b. kalagayan ng damdamin
c. sikikong damdamin
d. ispiritwal na damdamin
18.Damdamin na nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan.
a. pandama
b. kalagayan ng damdamin
c. sikikong damdamin
d. ispiritwal na damdamin
19. Ito ay pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19.
a. teenage pregnancy b. abortion c. sekswalidad d. pornograpiya
20. Ito ay karamdaman sa isip na maihahalintulad sa depresyon.
a. stress b. sexual dysfunction c. post abortion syndrome d. abortion
21.Mga mahahalay na paglalarawan o babasahin, larawan o palabas na layuning pukawin ang
sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
a. pornograpiya b. seksuwalidad c. teenage pregnancy d. abortion

22. Isa sa itinuturing na nagiging dahilan ng diborsyo o paghihiwalay.


a. pornograpiya b. sexual dysfunction c. celibacy d. abortion
23. Ito ay mga lalaki o babae na nasa hustong gulang na nagnanasa at bumibiktima sa mga
bata at paslit.
a.pedophiles b. celibacy c. fraternity d. gangster
24. Ito ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae na ninanais mong maging.
a.pornograpiya b. seksuwalidad c. pedophiles d. fraternity
25. Ito ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal.
a. genuine love b. crush c. puppy love d. infatuation
26. Isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan
ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.
a. vandalism b. bullying c. stealing d. gambling
27. Isang panlipunan o akademikong organisasyon o samahan na gingamitang alpabetong
griyego na batayan sa kanilang mga pangalan.
a. fraternity b.friend c.family d. clan
28. Ito ay pagkakaiba sa pagitan ng mga nakababata at nakatatandang henerasyon, lalo na sa
pagitan ng mga anak at mga magulang.
a. generation gap b.technological gap c. gap d. mental gap
29.Ang sumusunod na mga salitang Latin ay ang pinagmulan ng salitang gratitude maliban sa
isa.
a. gratitus b. gratis c. gratus d. gratia
30. Ito ay nagsisilbing munting tinig na gagabay o gumagabay sa bawat kilos ng tao.
a. konsensya b. damdamin c. isip d. loob o inner self
31. Ito ay pag – ibig na walang pinipili o pasubali.
a. self love b. familial love c. universal love d.unconditional love
32. Ang ________________ ay gawi ng isang taong mapagpasalamat.
a. paggalang b. pasasalamat c. paglingon d. panlilinlang
33.. Nagsisimula sa ______________ ang kakayahang kumilala sa halaga.
a. pamilya b. kaibigan c. guro d. kaklase
34. Ito ay pangmatagalan, may kasarinlan, aktibo at panghabambuhay.
a. kasarapan b. karangalan c. moral na birtud d. kaligayahan

Gamitin ang mga sumusunod na pagpipilian upang masagutan ang bilang 35 hanggang 37:
a. aspektong intelektwal b. aspektong pangkabuhayan
c. aspektong panlipunan d. aspektong politikal
_______________35. Ito ay kakayahan ng tao na mamuhay ng may kasama at maging bahagi
ng lipunan.
_______________36. Ito ay kaalaman at kakayahang matugunan ang mga pangangailangan
ng sarili at ng kapwa.
_______________37. Ito ay kaalaman at kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng
makatao at makatarungang lipunan
II. Panuto: Para sa Bilang 38 hanggang 40, tukuyin kung ang sumusunod ay diyalogo o
monologo.
______________38. Nagkaroon ng pagpupulong ang samahang Kabataan – Pambansang
Samahan sa Edukasyon sa Pagpapahalaga (K-PSEP) sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang
pangulo nito, ay mahusay magsalita. Palagi itong kampeon sa pagtatalumpati sa kanilang
paaralan. Nais ni Joan naimungkahi sa samahan ang isang proyekto para sa nalalapit na “Boys
and Girls Week,” ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Si Wency ang nasunod sa lahat
ng proyekto.
______________39. Pinagagalitan ni Aling Juana si Milet dahil sa ginawa nitong pag-alis nang
walang paalam. Walang magawa si Milet kundi ang umiyak. Lubos siyang nagsisisisapagsuway
sa kaniyang ina.
______________40. Malapit na ang ika-13 kaarawan ni Jules. Kinausap siya ng kaniyang mga
magulang tungkol sa kung ano ang nais niya sa kaniyang kaarawan. Sinabi ni Jules na nais niya
ang isangparty upang maimbita ang kaniyang mga kaibigan. Iminungkahi naman ng kaniyang
mga magulang na sila’y kumain na lamang sa labas at ang gagastusin sa party ay ibili na
lamang ng mga damit para sa mga bata sa ampunan. Sa huli’y pumayag si Jules sa mungkahi
ng magulang. Nais nitong maging mas makabuluhan ang kaniyang kaarawan.

III. Isulatang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at


salitang MALI kung hindi.
______________41. Angtaong may pasasalamat ay marunong ding tumingin sa positibong
bahagi ng buhay sa kabila ng pagsubok.
______________42. Ang pakikipag- ugnayan sa kapwa ay nararapat na may lakip na
paggalang at pagmamahal.
______________43. Ang pang matagal ang pagkakait ng pagkakataon sa isang tao na
makipag- ugnayan ay positibo at mabuti ang epekto sa pagkatao.
______________44. Kayang kayang tugunan ng tao ang lahat ng kanyang pangangailangan ng
nag- iisa.
______________45. Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.
______________46. Likas sa isang tao ang maghanap ng kapwa.
______________47. Ang tunay nakaibigan ay hindi basta basta mahahanap.
______________48. Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at
katapatan.
______________49. Ang tunay na kaibigan ay lumalapit lalo na sa panahong ang lahat ay
lumalayo.
______________50. Ang kabutihan o kagandahang loob ng isang indibidwal ay tunay na nag-
uugat sa kaniyang pagkatao.
-GOODLUCK-

You might also like