You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A-CALABARZON
SANGAY LUNGSOD NG ANTIPOLO
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
TP 2021-2022

Pangalan:_____________________ Baitang at Pangkat:______________________

Panuto: Basahin at Unawain: Ang mga sumusunod na mga sitwasyon o gawain nagaganap sa
pamilyang pilipino Isulat ang TAMA kung ito ay tamang gawain at MALI kung ito ay maling gawain.
__________1. Nawalan ng trabaho ang ama ng Pamilyang Santos na naninirahan sa Antipolo, Rizal,
Ngunit hindi ito naging hadlang , nagtulong-tulong ang bawat miyembro na maghanap-buhay upang
matugunan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
__________2. Ipinanganak na isang lumpo si Grace, sa kabila ng kanyang kapansanan siya ay
tinanggap, minahal at inalagaan ng kanyang pamilya.
__________3. Maraming anak ang mag asawang Pedro at Maria, ang bawat isa sa kanilang mga
anak ay may nakaatas na gawain sa bawat araw.
__________4.Panganay sa limang magkakapatid si Myrna, kaya siya ang sumusubaybay sa kanyang
maliliit na klapatid kapag wala ang kanilang mga magulang.
__________5. Si Richard at Raymond ay isinilang na Kambal, magkapareho sila ng itsura pero
magkaiba ng hilig at gusto kaya madalas sila nag aaway.
__________6. Nag abroad si aleng Nora sa hirap ng buhay upang maitaguyod ang kaniyang mga
anak sa pag aaral ,ngunit sa kabila ng kanyang pag susumikap ang sang anak niya ay nagloko sa
pag-aaral.
__________7. Kapag may personal na problema si Zyrus humihingi siya ng payo at gabay sa
kanyang mga magulang.
__________8. Si Lorna ang nakaka angat sa buhay sakanilang magkakapatid, kaya kapag gipit ang
kanyang mga kapatid lagi siya nagpapahiram sa mga ito at sinasauli naman ito ng kanyang mga
kapatid.
__________9. Sa Kultura ng pamilyang Pilipino nanatili pa rin ang paggamit ng po at opo sa mga
nakatatanda bilang tanda ng paggalang.
__________10. Maraming problema kinakaharap ang pamilyang pilipino ngunit sama-sama pa rin
hinaharap at nagtutulong ang bawat miyembo para manatili silang buo at nag mamahalan.
__________11. Naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan,
ninanais at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t-isa. Ito ang daan tungo sa pagkakaunawaan ng
lahat.
__________12. Ang komunikasyon na ginagawa ay upang makamit ang layuning pansarili, o kung
ang pakay ay marinig lamang at hindi makinig.
__________13. Katarungan ang pinakamabisang hatid ng komunikasyon at pagmamahal naman ang
pinaka mataas.
__________14. Sumisigaw at galit na galit na nakikipag-usap si Ana sa kanyang kamag-aral.
__________15. Mas magiging madali ang makinig at umunawa hindi lamang sa sinasabi kundi sa
mga hindi masabi ng kapamilya.
__________16. Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga
pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natutuhan sa loob ng tahanan
__________17. Ang Pagbabayanihan ay hindi na bago sa mga Pilipino. Isa sa ipinagmamalaki nating
pagpapahalagang Pilipino.
__________18. Ito ay isa sa ipinangmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na pagtanggap
lalo na sa mga bisita
___________19. Pag-uusap ng mag-anak kapag may suliraning pampamilya
___________20. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan,
pampolitikal, at pang-ekonomiyang seguridad ay karapatan ng pamilyang Pilipino.

Panuto: Basahin at Unawain.Tukuyin Kung ang mga sumusunod na sitwasyon o gawain ay banta sa
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. Lagyan ng
hugis bilog ( ) kung ito ay banta at hugis puso ( ) kung hindi ito banta.
_________21. Sa Pamilyang Pilipino, sa kabila ng mga pagsubok sa pangaraw-araw na
pamumuhay, ang mga magulang ay ginagawa ang abot ng makakaya upang mabigyan ng edukasyon
o mapag-aral ang kanilang mga anak.
_________22. Ilan sa mga kabataang Pilipino ay hindi na nakakatapos ng pag-aaral dahil sa
pakikipag-barkada.
_________23. Dahil sa dami nilang magkakapatid, huminto muna sa pag-aaral si Kyla
_________24. Si Marrianne ay palagi na lang gumagamit ng (cellphone,laptop) kaya hindi na siya
nakapagsisimba tuwing linggo.
_________25. Mas pinapakinggan ni Joanne sa kanyang mga kaibigan kaysa sa kanyang mga
magulang.
_________26. Sa Kagustuhan mag-aral ni Lilibeth, kumuha siya ng pagsususulit para sa iskolar ni
Gov. Siya ay nakapasa at nakatapos ng pag-aaral.
_________27. Si Jerome ay laging pinagkakatiwalan at ginagabayan ng kanyang mga mgulang sa
paggawa ng pasya.
_________28. Ang Pamilyang Angeles ay laging nagsisimba kada linggo at nag nonovena tuwing ika
anim (6:00) ng hapon.
_________29. Si Rose ay kasama sa kanilang organisasyon sa kanilang simbahan na merong Bible
study tuwing linggo at nagbibigay ng tulong sa komunidad.
_________30. Masipag na pumapasok sa paaralan si Joseph, tanggap niya ang new normal sa
edukasyon.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sagot sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
_____31. panlipunan at pampolitikal A. unconditional Love
_____32. Kasunduan ng pag-iisang B. pamilya
dibdib ng isang lalaki at babae ayon C. kasal
sa batas upang bumuo ng di mapaghihiwalay D. layunin ng pamilya
na buhay E. gampanin ng pamilya
_____33. Ang una at pinakamahalang F. bukas-palad
yunit ng lipunan G. panlipunan at pampolitikal
_____34. bawat magulang ay handang mag-aruga H. bayanihan
at magmahal sa kanilang mga anak I. hospitality
_____35. pag-aanak at edukasyon ng mga anak J. pakikipagkapwa
_____36. dalawang papel o Gampanin ng Pamilya
_____37. magiliw na pagtanggap sa mga bisita
_____38. Grupo ng mga mamamayang Pilipino na
na nagbibigay ng libreng tulong sa Kapwa Juan
_____39. kahandaang magbigay ng tulong sa iba
_____40. kabutihan ng kapwa ang inuuna bago ang
sarili na ipinakikita sa pakikisama

Panuto: Basahin at Unawain ang sumusunod na pahayag/tanong.Matalinong sagutin ang bawat


aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

41.Sino ang una at pangunahing guro ng mga anak?


a. guro b. magulang c. kapitbahay d. kaibigan
42. Ito ang original at pangunahing karapatan ng mga anak
a. pagbibigay ng edukasyon
b. paggabay sa pagpapasya
c. paghubog ng pananampalataya
d. pagpili ng relihiyon
43. Paano magagabayan ang mga anak sa paggawa ng mabuting pagpapasya
a. bigyan ng payo
b. bigyan ng suporta
c. bigyan ng tulong
d. bigyan ng laya at pagtitiwala
44. Ang isang anak na hindi marunong pakinig at sumunod sa magulang. Ano ang magiging bunga
nito?
a. kasiyahan b. problema c. pagsisisi d. kalungkutan
45. Sa paghubog ng pananampalataya kailangan natin sumangguni sa aral at turo ng ating
Panginoong Diyos. Ano ang tawag sa Banal na aklat ng mga Kristiyano?
a.Q”uran b. Bible c. Purpose Driven Life d. love
46. Anumang kilos na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang iniisip at pinahahalagahan.
Kabilang dito ang wika, kilos, tono, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa.
a.komunikasyon b.boses c. wika d. tono
47.Ano ang ipinakikita kung nakikipag-usap sa pamilya palagi at laging nagsasabi ng totoo sa
magulang
a. aktibong pakikinig b. pagiging tapat at bukas
c. maalalahanin d. malikhain
48. Bakit kailangan malinaw at tuwiran na pakiki-pag-usap lalo na sa pamilya?
a. para malutas ang problema b. maayos na pakikipag-usap
c. para matuto d. malinaw na pag-uusap
49. Ilan pagkakataon dapat makipag-usap sa bawat miyembro ng pamilya?
a. palagi b. minsan c. madalang d. madalas
50. Ano ang kailangan upang maunawaan at maisagawa ang sinasabi sa iyong mga magulang?
a. mabuting tagapakinig b. mabuting tagapagsalita
c. mahusay sumayaw d. mahusay umawit
51. Paano maipakikita ang paggalang sa kausap sinuman o anuman katayuan o nalalaman
a. ligaya o lugod b. atin-atin c. malikhain d. pag-ala-ala at malasakit
52. Ano ang Kailangan para maging maganda ang pakikipagusap?
a. masigla at masaya sa pakikipag-usap b. atin-atin lang
c. matamlay d. masungit
53. Anong paraan mapabuti ang komunikasyon gamit ang talino at pagtuklas ng tamang paraan?
a. pag-ala-ala at malasakit b.malikhain
c. atin-atin d. hayag o bukas
54. Sa komunikasyon ito ay isang hadlang kung saan tinatago ang saloobin o nararamdaman kaya
dapat ito ay iwasan
a. umid o walang kibo c. daramdamin
b. magkaibang pananaw d. Ilag sa kausap
55. Ito ay hadlang sa komunikasyon kung saan iniisip na ang sasabihin ay nagtatampo ang kausap
kaya nagsisinungaling kaya ito ay dapat iwasan
a. umid o walang kibo b. daramdamin
c. magkaibang pananaw d. Ilag sa Kausap

Panuto: Isulat ang letra A kung gawain Panlipunan at letra B kung gawaing Pampolitikal. Isulat ang
sagot sa patlang.
________56. pangangalaga sa kalikasan
________57 pagbabantay sa mga batas
________58. paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan
________59. pagsusulong ng bayanihan
________60. bukas-palad

You might also like