You are on page 1of 2

DALIG NATIONAL HIGH SCHOOL

ESP 9.Fourth Quarter


SUMMATIVE No. 1 and 2 (weeks 1-8)

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag at piliin kung TAMA O MALI ang isinasaad ng bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
_____1. Ayon kay Jürgen Habermas, tayo ay nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-
mundo (lifeworld), at ito ay nabubuo sa pagkomunikasyon ng kaniyang mga kasapi.
_____2. Ang pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at palakasan, negosyo o
hanapbuhay na angkop sa sariling talento, kakayahan at hilig ay makatutulong sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.
_____3. Ang impluwensya ng aking barkada/kaibigan sa kurso na aking pipiliin ay dapat sundin at
pahalagahan.
_____4. Ang pagkilala sa sarili at pagkuha ng mga impormasyon ukol sa kurso o hanapbuhay na pipiliin ay
susi sa pagkakaroon ng kasiyahan at kaayusan sa paggawa.
_____5. Ang impluwensiya ng barkada/kaibigan sa kurso na aking pipiliin ay dapat sundin at pahalagahan.
PANUTO: Multiple Choice. Basahing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.
6.Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa
nalalapit na Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
7. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay
ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot.
A. Hilig B. Talento C. Pagpapahalaga D. Wala sa nabanggit
8.Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o
galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong
nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at
iba pa?
a. Hilig c. Pagpapahalaga
b. Kasanayan (skills) d. Talento
9. Alam ni Lemuel na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na
suportahan siya. Kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang
institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalaala daan upang maging gabay niya.
Anong pansariling salik ang isinagawa ni Lemuel?
a. katayuang pinansyal b. hilig c. mithiin d. pagpapahalaga
10.. Malungkot si Jonah dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa gusto niyang kursong Engineering at
mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman, ang kanilang lokal na pamahalaan ay nanghihikayat
ng mga potensyal na mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. Sila ay
sasailalim sa 6-month training, at pagkatapos ay may naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kaniyang
pagsasarili, naisip niyang ito ang magiging daan tungo sa kaniyang magandang pangarap para sa kaniyang sarili at
pamilya. Pumayag siya at naging desidido sa kaniyang desisyon na piliin ito. Anong pansariling salik ang
isinaalang-alang ni Jonah sa kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking
demand sa lipunan?
a. katayuang pinansyal b. mithiin c. pagpapahalaga d. kasanayan
11. Alam ni Hannah ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay
namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha sa kaniyang ina. Apat na
buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang
kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo pa siya naman ay bukas pagdating sa
komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Kahanga-hanga si Hannah dahil siya ay may matatag na loob
na magpasya para sa kaniyang sarili. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
a. mithiin b. kasanayan c. pagpapahalaga d. hilig
12. Ito ay uri ng hilig o interes kung saan likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging mapanghikayat,
mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals. Ang mga taong may mataas na interes
dito ay madalas na masigla, nangunguna at may pagkusa at kung minsan ay madaling mawalan ng pagtitimpi at
pasensya
a. social b. enterprising c. conventional d. realistic
13. Ito ay uri ng hilig o interes kung saan ang mga nasa ganitong grupo ay kakikitaan ng pagiging palakaibigan,
popular at responsable. Gusto nila ang interaksyon at pinaliligiran ng mga tao. Madalas na mas interesado sila sa
mga talakayan ng mga problema o sitwasyon ng iba at mga katulad na gawain, kung saan mabibigyan sila ng
pagkakataong magturo, magsalita, manggamot, tumulong at mag-asikaso
a. social b. enterprising c. conventional d. realistic
14. Ito ay uri ng hilig o interes kung saan ang mga taong may mataas na interes dito ay mailalarawan bilang malaya
at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan. Nasisiyahan ang mga nasa ganitong interes sa
mga sitwasyon kung saan nakararamdam sila ng kalayaan na maging totoo, nang walang anumang estrukturang
sinusunod at hindi basta napipilit na sumunod sa maraming mga panuntunan. Nais nila ang mga gawaing may
kaugnayan sa wika, sining, musika, pag-arte, pagsulat at iba pa.
a. artistics b. enterprising c. investigative d. realistic
15. Ang mga sumusunod ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso alin ang HINDI kasama kung ikaw ay pipili ng
kurso sa Senior High school?
a. mithiin b. hilig o interes c. payo ng barkada d. kasanayan/skills

PANUTO:Enumerasyon: Ibigay ang mga hiningi.Isulat ang sagot sa bawat bilang.


A. Mga salik sa pagpili ng tamang kurso akademiko, teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
16.
17.
18.
19.
20.
.

You might also like