You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: _________________________________________ Petsa: ________________


Baitang at Pangkat: _______________________________

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:


MELC 34: Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat
o kawalan nito. EsP8PBIIIb-9.2

ALAM Mo Ba…
PASASALAMAT SA KABUTIHANG LOOB NG KAPWA
Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng birtud ng pasasalamat? Paano ito
nakakatulong sa paghubog ng ating pagkatao at pakikipagkapwa?

Ayon sa pag - aaral ng Institute for Research on Unlimited Love (IRUL) ang pagsasabuhay
ng pasasalamat ay isa lamang sa mga paraan upang maiwasan ang mga sakit at
mapanatiling maayos ang kalusugan. Nangangahulugan lamang na ang pagpapakita ng
pasasalamat ay may magandang benepisyo sa ating kalusugan at magbigay ng kaligayahan
sa atin buhay. Dahil sa pagsasabuhay ng birtud na pasasalamat, mas nagiging kuntento
tayo at natututong pahalagahan ang mga simpleng bagay na ating natatanggap.

Sa Kulturang Pilipino, ang pagpapasalamat ay naipapakita natin sa pagtanaw ng utang na


loob. Ang pagtanaw ng utang na loob ay hindi lamang pagbabalik ng kabutihang ginawa ng
iyong kapwa sa iyo ngunit ito rin ay pagpapakita ng kabutihan sa iba dahil sa kabutihang
natamo.

Nagkaroon ka na ba ng ganitong karanasan sa iyong kapwa? Naipakita mo na ba ang iyong


pasasalamat kahit sa simpleng paraan lamang?

Gawain A: JAR OF GRATITUDE


PANUTO: Magbigay ng mga sumusunod na mga Tao, Bagay, Lugar, Pagkain at Pangyayari
na iyong pinasasalamatan. Ilahad ang iyong dahilan kung bakit ito ang iyong napili. Isulat ito
sa loob ng JAR.

TAO BAGAY LUGAR PAGKAIN PANGYAYARI


Gawain B: SITUATIONAL ANALYSIS
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at suriin kung ito ay nagpapakita ng
pasasalamat. Sagutan ang tsart sa bawat sitwasyon. Isulat sa HANAY 1 kung paano
ipinakita ang birtud ng pasasalamat at sa HANAY 2 kung hindi naipakita ang pasasalamat,
ano ang iyong gagawin?

1. Si Selena ay anak ng isang jeepney driver. Sa hindi inaasahang pagkakataon, natigil


ang trabaho ng kanyang tatay dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Sa panahon na
iyon, lubos ang kanilang pangangailangan dahil sa kinakaharap na sitwasyon. Ang
kanilang kapitbahay na si Aling Nena ay isang opisyal sa barangay. Sila ay
tinulungan na makapabilang sa mga bibigyang ng financial assistance. Lubos ang
pasasalamat ng pamilya ni Selena kay Aling Nena. Ipinangako ng pamilya na
gagamitin nila ang nakuhang pera para matustusan ang kanilang mga
pangangailangan.
Paano ipinakita ang birtud ng Paano kung hindi naipakita ang
pasasalamat? pasasalamat. Ano ang iyong gagawin?

2. Si Jeffrey ay isang nurse. Siya ay nagsisilbing frontliner sa hospital na kanyang


pinagtatrabuhan. Malaki ang sakrispyo ni Jeffrey bilang isang nurse dahil hindi na
sya nakakauwi sa kaniyang pamilya. Makalipas ang isang buwan, nakauwi na si
Jeffrey sa kanilang lugar at bumungad sa kanya ang pagkilala mula sa kanyang
pamilya at mga kapitbahay bilang isang frontliner na handing ibuwis ang kanyang
buhay para sa bayan.
Paano ipinakita ang birtud ng Paano kung hindi naipakita ang
pasasalamat? pasasalamat. Ano ang iyong gagawin?

3. Ang mga magulang ni Parsha ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Dahil sa pandemya, si


Parsha ay piniling mag online class. Nangangailanan si Parsha ng mga kagamitan
para siya ay makapag online class. Sinabi niya ito sa kanyang mga magulang at
agad itong binilhan ng cellphone, computer, wifi, webcam at iba pang mga gamit sa
online class. Dahil sa pagkakaroon ng maraming gadgets, nalihis ang atensyon nito
sa pag oonline games at hindi na niya nagagawa ang kanyang mga gawain
pangpaaralan. Labis ang pagkadismaya ng kanyang mga magulang ng malaman nila
ito at makitang bagsak ang kanyang mga grado.
Paano ipinakita ang birtud ng Paano kung hindi naipakita ang
pasasalamat? pasasalamat. Ano ang iyong gagawin?
Gawain C: LIHAM PASASALAMAT
Panuto: Sa panahon ng pandemya, marami tayong mga taong gustong pasalamatan. Sino
sino ang mga taong iyong pasasalamatan? Bakit sila ang iyong napiling pasalamatan?
Paano sila nakatulong at naging parte ng iyong buhay?
Sumulat ng isang liham pasasalamat (open letter) sa mga taong gusto mong pasalamatan
na nagkaroon ng malaking bahagi sa iyong buhay ngayong panahon ng pandemya.
Sundin ang pormat na nasa ibaba. Maaari itong pangkalahatan o para sa iisang tao.

PASASALAMAT SA KABILA NG
PANDEMYA

Nagmamahal,

Sanggunian:
EsP 8 Modyul para sa Mag-aaral – Muling Limbag 2014 pp 227

https://www.pinterest.ph/pin/
https://brainly.ph/question/490272
https://thenounproject.com/jamjaricons
Inihanda ni:

LALAINE LOSENADA / ANHS

Sinuri nina:

CHRISTOPHER F. STA. CRUZ


Head Teacher I

MYRENE C. NATIVIDAD
Head Teacher II

EsP Consultants

You might also like