You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: _________________________________________ Petsa: ________________


Baitang at Pangkat: _______________________________

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:


MELC 39: Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan
at sa pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga
pagpapahalaga ng kabataan. EsP8PBIIId-10.3

ALAM Mo Ba…
Paggalang at Pagsunod…
Mano po. Makikiraan po. Nay, maari po ba akong lumabas? Ano po iyon?
Paki-abot naman po niyan. Opo, gagawin ko na. Good morning, sir! Good morning, mam!
Pamilyar ka ba sa mga katagang nabanggit? Ano ang ipinahahayag ng mga ito?
Nagmamano ka pa ba sa mga magulang mo at mga nakakatanda? Marunong ka pa bang
bumati sa iyong mga guro? Kapag ikaw ay nauutusan dagli ba ang iyong pagsunod? Kung
ang sagot mo ay OPO, binabati kita at patuloy kang nagpapahalaga sa PAGGALANG at
PAGSUNOD.
Ang salitang paggalang ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig
sabihin ay “paglingon o pagtinging muli” naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.
Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng
paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga. Natutunan
mo noong unang markahan na ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal. Ito
ang sandigan ng lahat ng mga pagpapahalaga na mayroon ang tao mula pagkabata
hanggang sa pagtanda. Sa pamilya natutunan kung paano gumalang at sumunod.
Ang pagkilala sa halaga ng pamilya at mga kasapi nito ay naipapakita sa
pagsusumikap na gumawa ng mabuti at umiwas sa paggawa ng masama. Ang karangalang
tinataglay ng pamilya ang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat kilalanin ng bawat kasapi
nito.
Maipakikita rin ang paggalang sa pamamagitan ng nararapat at naaayon na uri at
antas ng komunikasyon sa kapwa. May marapat na antas ng komunikasyon para sa mga
bagong kakilala at sa mga mahal mo sa buhay, at di kailanman marapat ang magsalita ng
masama, magmura o manglait ng kapwa. Maging ang mga isyu ng pananakit at pang-
aagrabyado ng kapwa ay malayong gawin mo, bilang pagsunod sa Gintong Aral o “Golden
Rule” at mga utos ng magulang mo, tulad ng 'huwag kang makipag-away', 'huwag kang
mananakit ng kapwa' at 'makitungo ka nang maayos sa iyong kapwa'. Mahalagang tandaan
ng bawat isa ang isinasaad ng Gintong Aral: Anuman ang gawin mo sa iyong kapwa ay
ginagawa mo rin sa iyong sarili.
Natututuhan ba ang paggalang at pagsunod? Kailan ito dapat ituro?
Pagkatapos ng tatlo hanggang apat na taon, nagsisimula nang mahubog ang kilos-
loob ng isang bata. Kaya’t habang siya ay nagkakaedad, nabibigyang katwiran niya ang
kaniyang ikikilos kung kailangang sundin ang ipinag-uutos at tuluyang magpasakop o
mangangailangan muna siya ng pagsangguni kung ang ipinag-uutos ay kanyang gagawin o
hindi (Isaacs, 2001; nabanggit sa Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya Gabay sa
Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapahalaga, 2010; Sheen, 2009). Samakatuwid ang birtud
ng paggalang at pagsunod ay nangangailangan ng patuloy na paghubog upang ito ay
maisagawa ng may kaakibat na responsibilidad. Ang bawat pagsunod ay kailangan din ng
masusing pagkilatis kung ang iniuutos sa iyo ay tama at mabuti o kaya ay makakasama sa
iyo at sa kapwa. Halimbawa, nagpadala ng sulat kay kuya ang paaralan dahil sa ginawa
nitong pambubulyaw sa guro, nalaman ito ng nakababatang kapatid dahil kalat sa paaralan
ang nangyari kaya inutusan ni kuya na huwag sabihin sa nanay nila ang nangyari at hindi
din niya ibibigay ang sulat na ipinadala sa kanya. Titimbangin ng nakakabatang kapatid kung
gagawin niya ito o hindi, may maidudulot ba na mabuti kay kuya kung susunod siya o
maaaring ikapahamak pa niya ito. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang gagawin mo?
Ayon sa banal na kasulatan: “Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo’y
mabubuhay ka ng matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh ang inyong Diyos.” Ito
ang utos na may kaakibat na pangako sa sinumang tutupad nito. Maipakikita mo ang
paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad kung
kinikilala mo ang kanilang halaga. Dahil dito, kinikilala at pinahahalagahan mo ang kanilang
tungkuling hubugin, subaybayan at paunlarin ang iyong mga magagandang ugali at mga
pagpapahalaga. Mapagtitibay mo ang mga birtud na ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng
pagmamahal, pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Maylalang.

Gawain A: Ayusin at Tukuyin


Panuto: Ayusin ang ginulong titik sa hanay A upang matukoy ang kaisipan na nasa hanay B.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. amplyia Orihinal na paaralan ng pagmamahal

2. skoli oblo Nahuhubog sa bata pagsapit ng 3 – 4 na


taong gulang

3. tesrcepsu Paglingon o pagtinging muli

4. ikalgapla sa alghaa Nakapagpapatibay sa kahalagahan ng


paggalang

5. ondgusap Birtud na kaakibat ng paggalang


Gawain B: Think-Pair-Share.
Panuto:
1. Punan ang talaan ng dalawang (2) paraan ng pagpapakita o pagpapahayag ng
paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad. Itala ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Magulang:

Nakatatanda:
2.
This Photo by
Unknown Author is
licensed under CC
3.
BY-SA-NC
May awtoridad:

http://clipground.com/images/enforcement-clipart-17.jpg

2. Hikayatin ang isang kasama sa bahay na gumawa din ng katulad na gawain.


Pagkatapos nito ay magbahaginan kayo ng inyong mga sagot. Para sa mga may
kakayahang mag-online: humanap ng kapareha sa messenger at magbahaginan kayo
ng sagot.
3. ITALA sa iyong sagutang papel ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa
inyong ginawang pagbabahaginan at ang mga sagot sa sumusunod na tanong:
a. Alin ang mga pahayag na magkatulad kayo? Alin ang magkaiba?
b. Sapat na kaya ang mga paraang ito upang mapagtibay at mapanatili ang
kakayahan mong maging magalang at masunurin? Pangatwiranan.
c. Kung sa tingin mo ay hindi pa sapat ang mga kakayahan mo sa paggalang at
pagsunod, paano mo ito mapapaunlad? Magbigay ng 2 o higit pa na konkretong
paraan upang maisakatuparan ito.

Note: Iba-iba ang mga sagot na ibibigay ng mag-aaral sa gawaing ito. Nasa diskrisyon ng
guro kung paano sila bibigyan ng puntos.

Gawain C: Paggalang at Pagsunod, I-Share Ko


Panuto:
1. Gamit ang iyong Facebook account, magpost ng malikhain at maikling Facebook
status (araw-araw, simula ____ hanggang _______), tungkol sa iyong mga
nagawang kilos na nagpakita ng paggalang at pagsunod sa mga magulang, mga
nakatatanda at mga taong may awtoridad. (para ito sa mga may facebook account).
Itag sa iyong guro upang makita niya ang iyong post. 😊
2. Sa mga walang Facebook account, gumawa ng MALIKHAING LOGBOOK ng
PAGGALANG at PAGSUNOD (Maaaring gawa sa mga tinipong recycled na papel at
iba pang kagamitan na nasa bahay). Lagyan ng petsa ang bawat pahina na
pagsusulatan ng nagawang kilos na nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad.

Rubrics:

CRITERIA 5 3 1

Makatotohanan, Malinaw at May katotohanan Malabo at di-


tuwiran ang post o naisulat Malinaw subalit di- gaanong naipakita
Nilalaman
na paggalang at pagsunod gaanong naipakita ang ang paggalang at
paggalang at pagsunod. pagsunod.

Pagkamalikhain at Napakahusay ng Mahusay ang


bilang ng posts o presentasyon ng post o presentasyon ng post o
Kulang sa husay
naitalang malinaw ang pagkakasulat maayos ang logbook
kaunti ang naipost
at malinis ang logbook at
gawain sa logbook subalit kulang ang o naisulat sa
nakapagtala araw-araw.
naipost o naitala. logbook

Nakakapag
post/nakakapagsulat sa Di nagagawa sa oras /
Takdang oras Huling nagagawa.
takdang araw (araw-araw) naglalaktaw ng petsa

Note: Itatakda ng guro kung kailan magsisimula at magtatapos ang Gawain

EXIT CARD:
Naging malinaw ba sa iyo ang aralin ngayon? Mayroon bang salita o mga salita na di
mo gaanong maunawaan o kaya ay bago sa iyo? Ano-ano ang mga ito? Isulat ang mga
salitang di mo gaanong naunawaan, hanapin ang kahulugan ng mga ito at ilagay sa iyong
sagutang papel. (Maari ka rin magtanong sa mga nakakatanda sa inyong tahanan kung ano
ang pagkaunawa nila sa mga salitang iyong napili)

Sumulat ng maikling pagninilay tungkol sa mga natuklasan mong kahulugan ng mga


salitang napili mo. Ano ang hamon ng mga ito sa iyo?

Mga Sanggunian:

Modyul para sa Mag-aaral – Unang Edisyon, 2013 pp. 268, 270-272, 275, 279
https://www.bing.com/images/search?
http://clipground.com/images/enforcement-clipart-17.jpg
Mabuting Balita Bibliya – Exodu 20:12

Answer Guide/Gabay sa Kawastuhan


Gawain A:
1. pamilya
2. kilos loob
3. respectus
4. pagkilala sa halaga
5. pagsunod

Inihanda ni:
LUZVIMENDA V. FERNANDEZ/SJNHS
luzvimenda.fernandez@deped.gov.ph

Sinuri nina:

CHRISTOPHER F. STA. CRUZ


Head Teacher I

MYRENE C. NATIVIDAD
Head Teacher II

EsP Consultants

You might also like