Professional Documents
Culture Documents
Modyul 14 Karahasan Sa Paaralan
Modyul 14 Karahasan Sa Paaralan
PAUNANG PAGTATAYA:
Panuto: Isulat ang titik ng pinaka-angkop na sagot
sa sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa
paaralan maliban sa:
a. Pambubulas
b. Pandaraya
c. Fraternity
d. Gang
2. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas
maliban sa :
a. Pagkaranas ng karahasan sa tahanan
b. Paghahanap ng mapagkatuwaan
c. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
d. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase
3-4- Basahin at unawain ang kaso ni Rebecca sa
ibaba , pagkatapos sagutin ang bilang 3 at 4.
Ang unang mga taon sa hayskul ay isang labis
na pahirap sa akin .Pinatindi ito ng mga taong
walang ibang pinagkatuwaan kung di ang
pambubulas sa kapwa.
May mga mag-aaral na natuwang sulatan ako
ng mga masamang salita , tinukso-tukso,
sinundan-sundan pag-uwi at niloko sa telepono.
Isinumbong ko na siya sa aming guidance
counselor at ipinaalam ko rin sa aming
prinsipal ngunit wala pa ring nagbago. Isang
araw sa aming klase ,sinuntok niya ako,
sinaklot ang aking kamay na sobrang masakit
na. Hindi ako nakatiis, sinampal at minura ko
na siya , kaya binitawan niya ako at di na
sinaktan.
Ayaw ko ng karahasan ,kaya di ko lubos maisip
bakit ako gumanti.Dahil dito kinalimuhian ko
ang aking sarili.Sana pinlampas ko nalang ang
panggugulo niya .Sa panahon ng pag-aaral kasi,
naghahanap ang isang kabataang tulad ko sa
aking sarili na kahit ganoon kaliit na bagay ay
may epekto sa aking buhay hanggang pagtanda.
3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?
A. Ang pagtuntong ng hayskul?
B. Ang kasamaan ng ugali ng isang
nambubulas?
C. Ang epekto ng pambubulas?
D.ang paghihiganti , nagpapahinto ng
panggugulo?
4. Ano ang naging epekto kay Rebecca ng
pambubulas sa kaniya ng kanyang kaklase?
a. Nahirapan sa pag-aaral
b. Napilitang gumanti
c. Kinamuhian ang sarili
d. Hinanap ang sarili
5. Ano ang nararapat na tugon ng may kinauukulan ng
paaralan sa pambubulas?
A. Hindi naintindihan dahil natural lamang sa mga
kabataan ang kalikutan?
b. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin
sa klase
c. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa
paaralan
d. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa
pagsupil sa karahasan sa paaralan
6. Bakit may mga mag-aaral na sumasali sa fraternity o
gang?
A. Wala silang mapaglaanan ng oras
b. May kikilala sa kanila bilang kapatid
c. Kulang sila ng atensiyon mula sa kanilang mga
magulang
d. Marami ang lalaban para sa kanila kung masangkot
sila sa gulo.
7. Maiwasan at masupil ng mga mag-aaral ang karahasan
sa pamamagitan ng:
a. Pagsunod sa payo ng magulang
b. Paggalang sa awtoridad ng paaralan
c.. Pag-aaral na mabuti
d. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa
buhay.
8. Kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili
sapagkat:
a. Nakatutulong ito sa pagbuo ng malusog at
mapanagutang pananaw sa buhay
b. Nakatutulong ito sa pag-unawa sa mga
gumagawa ng karahasan sa paaralan
c. Nakatutulong ito sa paghanap ng paraan kung
paano mapansin at mahalin ng iba
d. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga pangarap sa
buhay habang nag-aaral
9. Ang sumusunod ay kailangan sa pagmamahal
sa kapwa maliban sa:
a. Pagtanggap sa kaniya anuman ang estado sa
buhay
b. Pagbibigay sa kaniya sa lahat ng nais niya sa
buhay
c. Paggalang sa kaniyang dignidad bilang tao
d. Pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na
katarungan
10. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit
dapat iwasan at supilin ang mga karahasan sa
paaralan?
A. Upang makatuon sa pag-aaral
b. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
c. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa
pag-aaral
d. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at
ang awtoridad ng paaralan
BAKIT NGA BA NAGAGANAP ANG IBAT-IBANG
KARAHASAN SA PAARALAN?
BAKIT KAYA LUMALAWAK ITO?
BAKIT MAHALAGANG UMIWAS SA ANUMANG
URI NG KARAHASAN SA PAARALAN?
SURIIN ANG MGA LARAWAN
ANO ANG SINISIMBOLO NG MGA
LARAWANG INYONG NAKITA?
ANO ANG MGA SITWASYON SA PANG-
ARAW-ARAW NA BUHAY SA PAARALAN
ANG IYONG NAALALA NG NAKITA MO ANG
MGA LARAWAN? IBAHAGI.
GAWAIN 1: