You are on page 1of 3

Baitang 8 – Edukasyon sa Pagpapakatao

KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang patuloy na pagsasabuhay ng katapatan sa salita at sa gawa ay isang birtud na
nangangailangan ng ____pagkukusa____
A. pagpapasiya C. kolektibong pagkilos
B. pagkukusa D. pagsasagawa
2. Ipinagtapat agad ni Edward sa kaniyang ama ang pagkasira ng cellphone na hiniram
niya rito. Ano ang pinakamabuting maidudulot ng ginawa ni Edward para sa kaniyang
sarili?
A. Makakkaiwas na maparusahan.
B. Matuto ng leksyon sa mga pangyayari
C. Malalaman ng lahat ang tunay na pangyayari.
D. Magkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan ng loob
3. Ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pang aabuso sa salita na ginagamit ngtao.
Ito rin ay isang panlilinlang o pagbaluktot sa ________________.
A. katotohanan C. karapatan
B. katiwalian D. kredibilidad
4. Sinabi ni Jayson sa kaniyang ina, na isa siya sa mga mag-aaral na nagkamit ng
karangalan sa Ikalawang Markahan kahit hindi naman talaga siya kabilang dito. Anong
dahilan ng pagsisinungaling ang ipinakita ni Jayson sa sitwasyong ito?
A. Upang makaagaw ng atensyon.
B. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao
C. Upang makaiwas sa personal na pananagutan.
D. Upang makaiwas sa pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay
ay seryoso o Malala.
5. Si Harvey ay isa sa kinikilala na mahusay na mag-aaral sa kanilang pangkat. Minsan
ay nahuli siyang nangongodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga
kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay Harvey kaugnay sa pagtingin sa kaniya
ng mga kamag-aral?
A. Mawawalan ng mga kaibigan.
B. Gagayahin ng ibang mag-aaral.
C. Hindi na paniniwalaan at pagkakatiwalaan.
D. Hindi na pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.

6. Sino sa mga sumusunod ang nagpamalas ng katapatan?


A. Si Ramil na inako ang kasalanan ng nakababatang kapatid upang hindi ito
mapagalitan.
B. Si Amaya na patuloy na itinatago ang lihim ng kaibigan sa kabila ng di
pagkakaunawaan.
C. Si Flor na nagpaalam sa kaniyang ina na gagawa ng proyekto kasama ang
kamag-aral ngunit dadalo pala sa isang pagdiriwang.
D. Si Leo na iniiba ang usapan tuwing tatanungin siya sa tunay na damdamin
para sa kaniyang mga magulang na matagal na nawala.
7. Ngayong panahon ng pandemya, ang mga mag-aaral na tulad mo ay
nakapagpapatuloy ng pag-aaral sa pamamagitan ng tinatawag na “Modular Delivery
modality” o pagsagot sa mga gawain na nasa modyul. Paano mo maipapakita ang
katapatan sa ganitong sitwasyon?
A. Pasagutan ang mga gawain sa nakatatandang kapatid.
B. Pagsasaliksik sa internet ng mga impormasyon at tamang sagot.
C. Tingnan at kopyahin ang mga susi sa pagwawasto sa bawat gawain.
D. Pagbabasa ng mga aralin at pagsagot sa mga gawain batay sa iyong
pagkaunawa
8. Anong uri ng pagsisinungaling ang madalas na nagagawa ng tao kapag nakadarama
siya ng galit o inggit sa kanyang kapwa?
A. Selfish Lying C. Antisocial Lying
B. Prosocial Lying D. Self-enhancement Lying
9. Sa pagpapamalas ng katapatan sa gawa, may kasabihan na “action speaks louder
than words”. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito?
A. Patunay ito ng pagpapakita ng katapatan sa salita.
B. Patunay ito na mas binibigyang halaga ang gawa kaysa sa salita.
C. Patunay ito na mas binibigyang halaga ang salita kaysa sa gawa.
D. Patunay ito na binibigyang halaga ang katapatan sa salita at sa gawa.
10. Anong pagpapahalaga ang maaari nating makuha mula sa ating kapwa sa
pagsasabi ng totoo at pagpapamalas ng katapatan?
A. Paghanga C. Pagtitiwala
B. Paggalang D. Pagkilala

ANSWER:
1B 7D
2B 8A
3A 9 B
4A 10 c
5C
6D

You might also like