You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office
BONUAN BUQUIG NATIONAL HIGH SCHOOL
DAGUPAN CITY

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
MODYUL 4: PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA, AT MAY
AWTORIDAD
LAYUNIN:

NAKIKILALA ANG MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGGALANG NA GINAGABAYAN NG


KATARUNGAN AT PAGMAMAHAL BUNGA NG HINDI PAGPAPAMALAS NG PAGSUNOD AT
PAGGALANG SA MAGULANG
NAKATATANDA AT MAY AWTORIDAD
I. BASAHIN
Lahat ng tao ay napasasailalim sa awtoridad. Maging ang pinakamataas na taong napagkalooban ng awtoridad, tulad
ng pangulo ng bansa, ay napasasailalim din sa isang awtoridad na kailangan din niyang sundin. Ang sinumang tao na
napagkalooban ng awtoridad ay may kapangyarihang magtalaga at magpatupad ng mga panuntunan. Ang
pagkakaroon ng ganitong tungkulin ang nagbibigay ng karapatan sa taong may awtoridad upang mapanatili ang
pagkakaisa, pagtutulungan, kapayapaan, disiplina at kapakanan ng mga taong nasasakupan upang makamit ang
kabutihang panlahat. Kung kinikilala ng kaniyang nasasakupan ang halaga ng kaniyang awtoridad, ang paggalang at
pagsunod sa kanila ay madaling maisabuhay. Sa mga ganitong pagkakataon, mahalaga ang pagsangguni sa mga taong
pinagkakatiwalaan at tunay na nagmamalasakit, na maaaring bahagi rin ng pamilya (malapit o malayo), tulad ng iyong
nanay o tatay, mga nakatatandang kapatid, tiyuhin o tiyahin, lolo o lola. Maaari ding sumangguni sa mga awtoridad na
labas sa pamilya na binigyan ng lipunan ng kapangyarihang ingatan ang dignidad, ipaglaban ang karapatan, at tugunan
ang pangangailangan ng mga taong kaniyang nasasakupan. Ilang halimbawa nito ay ang mga guro, mga opisyal sa
mga ahensya ng pamahalaan, puno ng simbahan at lider ng kinikilalang pananampalataya, upang mapanatili ang
kapayapaan, disiplina at kapakanan ng pangkat, alang-alang sa kabutihang panlahat

II. KARAGDAGANG BASAHIN/SANGGUNIAN (Pakibasa ang nasa pahina 270-280 sa ESP 8 Book)
III. GAWAIN
Punan ang talaan ng dalawang paraan ng pagpapakita o pagpapahayag ng
paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad. (Isulat ang sagot sa isang 1 whole
sheet of paper)
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office
BONUAN BUQUIG NATIONAL HIGH SCHOOL
DAGUPAN CITY

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
MODYUL 4: PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA, AT MAY
AWTORIDAD
LAYUNIN:

NAHIHINUHA NA DAPAT GAWIN ANG PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG,


NAKATATANDA AT MAY AWTORIDAD DAHIL SA PAGMAMAHAL
I. BASAHIN
MAGBASA AT PAG-ARALAN ANG TUNAY NA TAGUBILIN NG DIYOS SA PAGGALANG SA MGA
TAONG MAY AWTORIDAD. Malaki ang maitutulong ng kanilang taglay na karunungan at kakayahan upang
magampanan ang tungkuling ipinagkaloob sa kanila sa pagkamit ng layunin at pagtugon sa kabutihang panlahat.
LAGI MONG IPANALANGIN ANG MGA TAONG MAY AWTORIDAD NA IKAW AY PAMAHALAAN.
Ang pagkakaroon ng awtoridad ay isang maselang tungkulin dahil nakasalalay ang kapakanan ng mga nasasakupan sa
mga pagpapasiya na kaakibat ng mga ipinatutupad na batas o patakaran.
MAGING HALIMBAWA SA KAPWA. Kung nais mong makaimpluwensya ng kapwa upang sila ay maging
magalang at masunurin, mas maraming pakinabang ang maidudulot nang pagsasabuhay ng birtud ng paggalang at
pagsunod
ALAMIN AT UNAWAIN NA HINDI LAHAT NG PAGPAPASIYA AT MGA BAGAY NA DAPAT SUNDIN
AY MAGIGING KAAYA-AYA PARA SA IYO. Maipakikita pa rin ang paggalang kahit na magkasalungat ang
mga pananaw at paniniwala. Kailangan lamang ng maayos na diyalogo upang maisaalang-alang ang kabutihang
panlahat

I. KARAGDAGANG BASAHIN/SANGGUNIAN (Pakibasa ang nasa pahina 270-280 sa ESP 8 Book)


II. GAWAIN
Magbigay ng tatlong kahalagahan sa bawat paraan ng pagpapalalim ng pagsunod at paggalang
sa nakakatanda at awtoridad. (Isulat ang sagot sa isang 1 whole sheet of paper)

Bakit?
MAGBASA AT PAG-ARALAN ANG TUNAY NA
1. ___________________
TAGUBILIN NG DIYOS SA PAGGALANG SA
2. ___________________
MGA TAONG MAY AWTORIDAD.
3. ___________________
Bakit?
LAGI MONG IPANALANGIN ANG MGA TAONG
1. ___________________
MAY AWTORIDAD NA IKAW AY
2. ___________________
PAMAHALAAN.
3. ___________________
Bakit
1. ___________________
MAGING HALIMBAWA SA KAPWA.
2. ___________________
3. ___________________
ALAMIN AT UNAWAIN NA HINDI LAHAT NG Bakit?
PAGPAPASIYA AT MGA BAGAY NA DAPAT 1. ___________________
SUNDIN AY MAGIGING KAAYA-AYA PARA SA 2. ___________________
IYO. 3. ___________________

You might also like