You are on page 1of 4

Pangalan____________________________________ Puntos:

_____

Unang Pagtataya sa Eukasyong Pagpapakatao Sa Grade 7


Ika-apat na Markahan
Naipapaliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri ng buhay. (EsP7PB-IVc-14.1)
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa paggawa ng wastong pasiya.
 Nakabubuo ng isang mabuti at makabuluhang pasiya sa uri ng buhay na nais.

A.PASULAT NA PAGTATAYA (Written Assessment) Puntos:____________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at
isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
____1.Sa anomang proseso ng pagpapasiya, alin sa mga sumusunod ang kinakailangan isaalang-
alang upang hindi maging padalos-dalos ang pasiya?
A.himala B.pangarap C.panahon D.mithiin
____2.Ayusin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagbuo ng mabuting
pagpapasiya.
I.Mangalap ng mga kaalaman
II.Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya
III.Magnilay sa mismong aksiyon
IV.Pag-aralan muli ang pasiyang ginawa
V.Tayain ang sariling damdamin sa isasagawang pasiya
A.I, III, II, V, IV B.III, IV, I, IV, V C.I, III, V, IV, II D.III, II, I, V, IV
____3.Bakit mahalaga na magkaroon ng mabuti at tamang pagpapasiya sa buhay?
A.upang hindi makasakit ng kapwa
B.upang makilala mo kung sino ang tunay mong mga kaibigan
C.upang makatanggap ng pabuya sa huli
D.maging gabay sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao
____4.Nakita ni Ethel ang isang grupo na nangunguha ng mga endangered species na pitcher plant.
Pinaalalahanan niya ang mga ito na labag sa batas ang kanilang ginagawa subalit hindi sila
nakinig. Tumawag agad siya sa kanilang kapitan upang iulat ang sitwasyon. Anong instrumento
sa mabuting pagpapasiya ang ginamit ni Ethel sa ginawang pasiya?
A.pangarap at mithiin B.isip at damdamin C.kasanayan at kalooban D.pag-ibig at pagkukusa
____5.Ayon sa ginawang pasiya ni Ethel, ano ang naging gampanin ng kanyang isip?
A.Pagtatakda ng gampanin batay sa sitwasyon
B.Pag-unawa ng sitwasyon upang maging batayan sa pagpili
C.Pagpapahalaga sa magiging resulta
D.Pagdamdam ng napiling pasiya
____6.Pangarap ni Demar maging isang licensed engineer. Nakapasa siya sa entrance exam sa
unibersidad. Kinausap siya ng guidance counselor upang alamin kung anong field ng
engineering ang kukunin niya. Matapos magpasiya ni Demar ay may agam-agam pa din siya.
Ano ang dapat niyang gawin?
A.Sundin ang gusto ng mga kaibigan.
B.Kumuha ulit ng panibagong pagsusulit sa ibang kurso.
C.Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na mas ibayong pagsusuri.
D.Kausapin ang guidance counselor na siya na ang magpasiya.
____7.Habang kayo ay kumukuha ng pagsusulit sa asignaturang EsP, bumulong sayo ang iyong
kaklase at humingi ng pabor na pakopyahin siya ng mga sagot mo. Anong mabuting
pagapapsya ang gagawin mo?
A.Pagbibigyan mong makita ang iyong mga sagot.
B.Magpapanggap ka na hindi mo siya narinig.
C.Hihingi ka ng pasensya at tatanggihan mo siya.
D.Sasabihin ang mga maling sagot sa kaniya upang bumagsak.
____8.Para kay Mahatma Gandhi, ang panalangin ay isang aliyansa sa pagitan ng Diyos at ng tao.
Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
A. Ang relihiyon ang tanging makapagliligtas sa tao.
B.Dapat ay magsimba lagi tuwing araw ng Linggo.
C.Ang panalangin lamang ang tanging sagot sa lahat ng katanungan sa buhay.
D.Ang panalangin ang daan upang maiparating sa iyong pinaniniwalaang Diyos ang mga
kahilingan.
____9.Bilang isang indibidwal, ano ang dapat mong taglayin upang harapin ang mga isyung
panlipunan sa susukat sa iyong moral na paninidigan? Kailangan mo ang sapat na kaalaman at
kakayahan tungkol sa _______________.
A.pagsasagawa ng moral na pagapapasiya C. patakaran sa paaralan at tahanan
B.pagbibinata at pagdadalaga D.pagkakaiba ng pangarap at mithiin
____10.Alin sa mga sumusunod ang HINDI angkop na depinisyon ng mabuting pagpapasiya?
A.Ito ay pagpapasiya na ayon sa impluwensya ng iba.
B.Isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba
ng mga bagay-bagay.
C.Ito ay resulta ng pagpili ng kilos o aksyon ng isang indibidwal sa isang sitwasyon.
D.Ito ay mahalagang proseso sa ating pagpili dahil sa pagsasagawa nito, hindi maiiwasan na
tayo ay magdalawang isip sa ating gagawing pasiya.

____11.Ang Pakahulugan sa moral na dilemma ayon kay Kohlberg “Ito ay mga sitwasyong
nagpapahayag ng dalawang magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng dalawang
magkaiba o natutunggaling pagpapahalaga. Ibig sabihin nito na:
A.Mahirap ang magpasiya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip tungkol sa mga iba’t
ibang posisyon
B.Ang pagpapasiya ay nababatay sa ating mga pagpapahalaga
C.Ang pagpapasiya ay pagpili sa maraming pagpipilian
D.Madali ang magpasiya kung alam nating ang sarili nating mga pagpapahalaga
____12. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
A.Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso
B.Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya
C.Ang lahat ng ating kilos ay nakabatay sa ating isip at kilos
D.Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa .
____13.Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasiya?
A.Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip
B.Kinakailangan ito ng panahon upang laruin
C.Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng ginagawang tira
D.Kailangang isaalang-alang dito and iyong mga pagpapahalaga
____14.Karaniwan ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip” sa mga
mahalagang pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito;
A.Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
B.Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya
C.Mahirap talaga ang gumawa ng pasiya
D.Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon
____15.Kahit na bingyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Chit ng kanyang ama sa kanilang
kumpanya, pinili pa rin nito ang magtayo ng sariling negosyo. Ito ang tunay na nagpapasaya sa
kanya.
A.Nakahihiya naming mabansagang COO o Child of Owner sa isang kumpanya bagama’t ikaw
ay mahusay na CEO
B.Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng pasiya
C.Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang buhay
D.Mahalaga kay Chit ang kanyang pansariling kaligayahan
____16.Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang
magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong….
A.Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri
B.Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili
C.Gawin na lamang kung ano ang magpapasaya sa iyo
D.Gawin na lamang ang magpapasaya sa mas nakararami
____17. Ang higher good ay tumutukoy sa:
A.Kagandahang loob sa bawat isa C. Ikabubuti ng mas nakararami
B.Kabutihang panlahat D.Ikabubuti ng mga mahal sa buhay

B.Pagganap na Pagtataya (Performance Task) Puntos:___________


Pasiya ko, Destinasyon ko!
Panuto: Ang daang ating tinatahak ay nakadepende sa ating pasiya sa buhay.
Pagmasdan ang larawan sa ibaba, suriin ito at sagutin ang mga naibigay na tanong.

Ang mga imahe ay nakopya sa internet

Tanong:
1.Anong Direksiyon ang iyong tatahakin? Sa kaliwa? kanan? o sa gitna?
Ipaliwanang
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
2.Mahirap ba ang magpasiya sa mga dapat gawin sa buhay? Bakit?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka ng iyong Sagot


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Kompleto ang nilalaman at lahat ng nabanggit ay may 4
kaugnayan sa tanong
Organisasyon Malinaw at lohikal ang pagkakalahad ng mga ideya 3
ng Ideya
Mekaniks Wasto ang paggamit ng mga bantas, kapitalisasyon at 3
pagbabaybay
Kabuuan 10

Pasiya ko, Buhay ko!


Panuto: Panahon na para magsulat ka ng iyong pahayag ng layunin sa buhay. Gamitin ang mga natutunan sa
pagbuo nito. Isulat ang iyong layunin sa buhay

____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______
____________________________________________________
______.

You might also like