You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office
BONUAN BUQUIG NATIONAL HIGH SCHOOL
San Gabriel St., Bonuan Boquig, Dagupan City

DIAGNOSTIC TEST SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


Panuruang Taon 2019-2020

Name: ____________________________________________ Iskor:______________________________


Section: __________________________________________ Guro:_____________________________

PANUTO: Bilugan ang pinakawastong sagot sa bawat katanungan

1. Ang mga ______ang unang guro ng mga anak sa pagpapaunlad ng mga pagpapahalaga
A. magulang B. guro C. kaibigan D. kapatid

2. Isa sa mga pagpapahalagang dapat ituro ng pamilya o magulang sa kanilang mga anak ay ang ________
A. katanyagan B. katarungan C. karangyaan D. kayabangan

3. Ano ang tawag sa pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa?


A. agape love C. conjugal love
B. paternal love D. young love

4. Tuwing araw ng Linggo nagsisimba ang buong pamilya. Ano ang nais ipamulat ng iyong mga magulang?
A. pagiging malapit sa Diyos C. pagiging malapit sa isa’t isa

B. pagiging masayahin D. pagiging palasimba

5. Ang pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki ay may batayan at nag-uugat sa kanilang parehong tao na
may ___
A. dignidad B. pangalan C. kasarian D. pamilya

6. Ang paggawa ng gawaing bahay ay isang gawain na masaya at _______


A. dapat ikahiya B. dapat ipagmalaki C. dapat ipagyabang D.dapat kalimutan

7. Bilang miyembro ng pamilya, may _______ na ginagampanan ang bawat isa.


A. gawain B. bayaran C. responsibilidad D. bahagi

8. Ano ang tawag sa pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak?


A. agape love C. conjugal love
B. paternal love D. young love

9. Bawat isa ay binigyan ng tungkulin sa tahanan ng iyong magulang. Paghuhugas ng pinggan ang iyong
gawain, pag-iigib ng tubig ang gawain ng iyong kuya. Isang araw hindi nakaigib ng tubig ang iyong kuya
dahil siya ay nagkasakit. Anong hakbang ang dapat mong gawin?
A. ipaubaya sa magulang ang gagawin C. ipasa ang tungkulin sa nakbabatang kapatid
B. mag-igib ng tubig na kayang buhatin D. hintaying gumaling ang kuya para mag-igib

10. Ang pamilya ang pinakamalapit nating ______________


A. kapwa B. kaibigan C. kapitbahay D. kaanak

11. Tinuturuan ng iyong nanay ang iyong nakababatang kapatid sa pagsususlat at pagbabasa, maging sa
pagdarasal at pagkakaroon ng kagandahang asal. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. masipag ang iyong mga magulang
B. tungkulin ng magulang na turuan ang anak
C. walang ginagawa ang iyong mga magulang
D. ang magulang ay nagsisilbing guro sa ating tahanan

12. Ang pagbabahagi ng mga _______ ay epektibong paraan upang mapangasiwaang mabuti ang tahanan.
A. gawain B. gastusin C. pagkain D. pagmamahal

13. Ano ang prinsipyong dapat tandaan sa paggawa ng mga gawaing bahay
A. ang nakatatandang kapatid ang gumagawa ng gawaing bahay
B. ipagpaliban ang gawaing bahay
C. gawin ang gawaing gusto lamang
D. ang paggawa ng mga gawaing bahay ay gawaing mahalaga

14. Inimbita ka ng iyong kaibigan na pumunta sa kanyang kaarawan subalit pinag-aalaga ka ng iyong nanay
ng bunso mong kapatid dahil marami siyang tahiin. Ano ang nararapat mong gawin?
A. pupunta sa kaarawan ng kaibigan
B. humingi ng paumanhin sa kaibigan dahil hindi makakapunta
C. dadalhin ang kapatid sa party
D. pilitin ang nanay na payagan kang pumunta ng party

15. Ang ________ ay ugat ng katauhan ng isang tao sapagkat dito siya nagsimula ng kanyang buhay.
A. paaralan B. pamilya C. lipunan D. simbahan
_
16. Nakagawian ng iyong pamilya ang sbay-sabay na kumain sa hapagkainan. Ano ang pagpapahalaga na
ipinapakita ng iyong pamilya?
A. pagkakaisaB. pagkamasinop C. pagtitipid D. pagkamasayahin

17. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
A. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
B. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
C. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
D. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.

18. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________


A. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan (Stado sa buhay)
B. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya (Depende sa yaman)
C. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad
D. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.

19. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa


___________.
A. kakayahan ng taong umunawa
B. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
C. Di makatuwirang pagbibigay ng importansya sa mga mayayaman
D. pagtulong at pakikiramay sa kapwa

20. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________
bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
A. hanapbuhay C. pagtutulungan
B. libangan D. kultura

21. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?


A. Panlipunan C. Politikal
B. Pangkabuhayan D. Intelektwal

22. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa
mga samahan.
A. kusa at pananagutan C. talino at kakayahan
B. sipag at tiyaga D. tungkulin at karapatan

23. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.


A. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
B. kakayahan nilang makiramdam ng tama at mali
C. kanilang pagtanaw ng utang na loob
D. kanilang pagiging maaalalahanin

24. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?


A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
C. Pagkilala sa sarili na mas nakakaangat kaysa ibang tao
D. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka

25. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:


A. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
B. Umiiral ang diyalogo sa pansariling pakikipagusap sa sarili.
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
D. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.

26. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?


A. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
B. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
C. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
D. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”

27. Ang sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni Aristotle sa pagkakaibigan maliban sa:


A. Hindi pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa
B. Nag-aangat ng antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng lipunan
C. Sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang pagkatao sa
kaniyang sariling pananaw
D. Natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga kaysa sa isang
ordinaryong kakilala lamang

28. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na
pagkakaibigan?
A. pagpapayaman ng ari-arian C. pagpapaunlad ng mga
B. Pagsunod sa uso kakayahan
D. pagpapabuti ng personalidad

29. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa


A. Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi
ng sarili
B. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na
makukuha sa iba
C. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagkakaroon ng materyal na mga bagay na importante
sa buhay
D. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong di
naniniwala at di nagtitiwala sa atin

30. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya
sa kaparehong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa
pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang alang ang:
A. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo
B. Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang sekswalidad
C. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
D. Pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan

31. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


A. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga
mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
B. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kaniyang
pinanggalingan.
C. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
D. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang
kalooban.

32. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?


A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
C. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

33. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?


A. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
B. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
C. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
D. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.

34. Ano ang entitlement mentality?


A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng
dagliang pansin.
C. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
D. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang
pangangailangan.

35. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:


A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
D. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao

36. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
A. pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
B. pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
C. paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang
mga magulang.
D. pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa kaniya.

37. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng


a. kalooban b. isip c. damdamin d. konsensya

38. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
B. Pagpapasalamat
C. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
D. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya

39. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?


A. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
B. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
C. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
D. Ang kawalan ng utang ng loob sa taong tumutulong

40. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:


A. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng
makakaya
B. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
C. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
D. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad

41 - 44 Panuto: Suriin ang mga larawan sa Hanay A. Hanapin sa Hanay B ang mga katangian ng tunay na
pagmamahal na tumutukoy sa bawat larawan sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kuwaderno.

Hanay A

Hanay B

A. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal.


B. Ang pagmamahal ay isang birtud.
C. Ang pagmamahal ay mapagbuklod.
D. May kamalayan at kalayaan ang sekswalidad sa tao. Ito ay bunga ng pagpili, may tuon, at nag-uugat sa
pagmamahal.
E. Ang pagmamahal ay mapanlikha.

Para sa bilang 45 hanggang 47, suriin ang bawat sitwasyon at piliin ang sagot na sa palagay mo ay akma sa
pagbubuo ng kaganapan mo bilang lalaki o babae. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

45. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig mo. Masyado ka raw mailap sa
kaniya. Sa pag-aalala mong iwan ka niya, tinanong mo siya kung ano ang kailangan upang mapatunayan
mong talagang mahal mo siya. Tinitigan ka niya at tinanong, “Kung talagang mahal mo ako, handa ka bang
ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa?” Bilang isang mapanagutang lalaki o babae, ano
ang gagawin mo?
A. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi ka pa handa sa nais niya.
B. Isusumbong siya sa mga magulang niya upang hindi siya mapariwara.
C. Kakausapin siya at sasabihing kapwa pa kayo hindi handa para sa ganitong uri ng ugnayan.
D. Magtatanong o kukunsulta sa guidance counselor o sa guro dahil ikaw ay nalilito.

46. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing niyang best friend,
pinakiusapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase na kaniyang naiibigan. Pumayag ka
ngunit habang sila’y unti-unti nang nagkakamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam ng pagseselos. Ano
ang iyong gagawin?
A. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit.
B. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman.
C. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
D. Sasangguni sa guro o guidance counselor.

47. Niyayaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang tema. Halos lahat ng
malapit mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang gawin ito upang hind maging mangmang
tungkol sa sex. Ano ang gagawin mo?
A. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkat alam mong
makasasama sa kanilang murang isip ang pornograpiya.
B. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila.
C. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi makabubuti sa kanila.
D. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-eksperimento, kaya’t sasama ka sa kanila.

Para sa Bilang48 hanggang 50, piliin ang titik ng pangungusap na tumutugma sa mensahe ng pahayag sa bawat
bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

48. Ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae - na ninanais
mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.
A. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
B. Ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao.
C. Maaari mong piliin ang iyong sekswalidad.
D. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera balang araw.

49. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging ganap ang
pagkababae o pagkalalaki.
A. Hindi moral ang taong hindi buo ang sekswalidad at pagkatao.
B. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae.
C. Maaaring hindi magtugma ang sekswalidad at pagkatao ng tao.
D. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang sekswalidad.

50. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na
tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng pagmamahal sa
mundo – ang likas na nagpapadakila sa tao.”
A. Ang tao ay nilikhang sekswal kaya siya ay kabahagi ng Diyos sa Kaniyang pagiging Manlilikha.
B. Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa sa kaniyang kakayahang magsilang ng
sanggol, dahil ito ang nagpapadakila sa kaniya.
C. Ang tao ay likas na dakila dahil siya’y nilikhang kawangis ng Diyos.

Inihanda nina: Iniwasto ni: Inaprubahan ni:

JAPHETH F. DE LA CRUZ CHONA C. CLORES ALFRED B. GONZALES


Paksang Guro OIC, Edukasyon sa Pagpapakatao Department Principal I

JOY S. LOPEZ
Paksang Guro
Key
Answers for Diagnostic Test 26. B
1. A 27. B
2. B 28. D
3. C 29. B
4. A 30. C
5. A 31. A
6. B 32. B
7. C 33. C
8. B 34. B
9. B 35. D
10. B 36. C
11. D 37. A
12. A 38. D
13. D 39. B
14. B 40. D
15. B 41. A
16. B 42. C
17. A 43. B
18. A 44. E
19. A 45. C
20. C 46. D
21. A 47. A
22. A 48. B
23. B 49. D
24. D 50. A
25. B

You might also like