You are on page 1of 3

1st Summative Test in ESP 7

Lingayao National High School

NAME:______________________________________________ SECTION:_______________ SCORE:_______________

Gawain 1. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pagkakaibigan?
a. Pagpapayaman ng pagkatao
b. Simpleng ugnayang interpersonal
c. Pagpapaunlad ng mga kakayahan
d. Pagpapabuti ng personalidad

2. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan mabilan sa


a. Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi ng sarili
b. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensiyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba
c. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ignayan sa pangmatagalang panahon
d. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inispirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin

3. Sa panahon ng kabataan na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya sa kaparehong kasarian. Upang
maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang alang ang:
a. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo
b. Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang seksuwalidad
c. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
d. Pagkontrol sa posibleng atraksiyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan

4. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ngbago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-
edad?
a. Upang masiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mgakalakasan at kahinaan
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayansa mga kasing-edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayannang maayos sa kanyang kasing edad
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upangmatanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya

5. Ang mga sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao maliban sa :


a. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
b. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan
c. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan
d. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan sa iba

Gawain 2: Panuto: Hanap salita. Bilugan at hanapin ang mga salita na nagpapakita ng maayos na pagtupad sa tungkulin.
(1. Matulungin 2. Masipag 3. Malikhain 4. Masunurin 5. Magalang 6. Tiyaga 7. Mapagbigay 8. Masinop 9. Maalalahanin 10. Mapagmahal)
Gawain 3: Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bawat pangungusap na nagpapakita ng tama o angkop na kilos sa pakikipagkaibigan ng isang
nagdadalaga at nagbibinata.
1. Lumalalim ang pakikipagkaibigan sa kapwa lalaki at babae ______
2. Nagbabahagi ng ilang mga problema ______
3. Ayaw makinig ng opinyon ng iba ______
4. Palaging nakadikit at sunodsunuran sa mga magulang ______
5. Nagkakaroon ng “crush” ______
6. Laging naglalaro ______
7. Iniiwasan ang makipag-away ______
8. Kasama ang mga kaibigan sa paggawa ng proyekto sa paaralan ______
9. Umiiwas makipagkaibigan sa kasing-edad ______
10. Nalilito siya sa kung ano ang tama at malI ______

Gawain 4. Panuto: Suriin at basahin ang mga pangungusap.Isulat ang Tama kung ito ay wasto at Mali kapag ito ay hindi wasto.
_____1. Pagkukumpuni sa halip na pagtatapon ng mga bagay na maari pang ayusin tulad ng bag, sapatos, at damit.
_____ 2. Pagpapaalala sa mga kaibigan na bawasan ang oras na ginugugol sa paglalaro.
_____ 3. Pagtatanim ng puno isa sa kada taon.
_____ 4. Pag-aaral ng mabuti.
_____ 5. Pagpapanatiling malinis ang kapaligiran.
_____ 6. Paggasta lamang ng pera sa pangangailangan.
_____ 7. Pamamasyal sa ibang ibang lugar tuwing Sabado.
_____ 8. Paggalang sa mga nakakatanda sa atin.
_____ 9. Pagpapahalaga sa sarili.
_____10. Pagtulong sa mga gawaing bahay
_____11. Ang iyong kakayahan sa sarili ay tumutukoy sa mga negatibong palagay na nakikita mo sa iyong sarili.
_____12. Malaki ang ginagampanan ng mga panlabas na katangian sa iyong kakayahang magtiwala sa sarili.
_____13. Ang iyong palagay sa sarili ay madalas lang mali.
_____14. Makikipag usap ka lamang sa mga taong gusto mo.
_____15. Mas mapapaunlad mo ang pagtitiwala sa sarili kung magiging positibo lagi ang iyong pananaw.

Gawain 5: Panuto : Basahin ang pangungusap at tukuyin ang isinasaad. Piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat ito sa patlang.

________________1. Pakikinig sa payo ng nakatatandang kapatid.


________________2. Paggamit ng mga teknolohiya (hal. internet) nang may disiplina.
________________3. Pagtatanim ng mga puno at mga halaman sa bakuran ng bahay.
________________4. Paggamit muli (reuse) ng mga plastic bag.
________________5. Pagtanggap sa sariling kahinaan.
________________6. Pagpasok sa paaralan sa takdang oras.
________________7. Pagsasaulinghiniramnagamitsapaaralan (hal. aklat)
________________8. Pagpapaalamsamagulang o kasambahay sa pupuntahang mga lakad.
________________9. Pag-iwas sa pagtangkilik sa mga pekeng produkto tulad ng cd tape, sapatos, atbp.
________________10. Pakikiisa sa kampanya para sa isang proyekto na kasama ang iyong pamilya.
________________11. Pag-iwas na makapanakit ng kapwa.
________________12. Pagtulong sa mga gawin sa bahay.
________________13. Pagpaparaya sa kapatid kung kinakailangan.
________________14. Pagsisimba tuwing araw ng Linggo o araw ng pagsamba.
________________16. Pagtatapon ng basura sa tamang lugar.
________________17. Pagliligpit ng higaan pagka gising.
________________18. Pag-iwas na makasagutan ang kapatid.
________________19. Pagtatapos sa pag-aaral.
________________20. Pagsunod sa mga batas na itinakda ng ating pamahalaan.
________________21. Pagbibigay respeto sa mga iba’tibang paniniwala, tradisyon at kultura.
________________22. Pakikilahok sa programa at proyektong barangay.
________________23. Pagsagot nang may paggalang sa mga nakatatanda (hal. magulang) kapag tinatanong.
________________24. Pagbili at pagtangkilik ng mga OPM at pelikulang pinoy.
________________25. Paghihiwa-hiwalay ng basura sa tahanan.

You might also like