You are on page 1of 2

WEEK 4 (MELC 7-8)

GAWAING PAGKATUTO
Mga Kakayahang Kailangan Upang Magkaroon ng Matalinong Pag-iisip
Upang Maisabuhay ang Kagalingan sa Paggawa - Michael J. Gelb,

1.Palaging Palatanong o Mausisa (Curiosita) –

Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.
Marami siyang tanong na hinahanapan ng sagot. Hindi siya kuntento sa simpleng sagot o mababaw na
kahulugan na kaniyang narinig o nabasa. Dahil sa kaniyang masidhing pagkahilig sa pagbabasa, pag-aaral
at pageeksperimento, natutuhan niya ang mga bagong kaalaman o produkto na magiging isang malaking
kontribusyon sa kaalaman o makapagpapaunlad ng kalidad ng buhay.

2. . Demostrasyon ( Dimostrazione) –

Ito ang pagkatuto mula sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang upang maging
matagumpay at maiwasang maulit ang anumang pagkakamali. Dahil sa mga karanasang ito, natututo
ang isang tao na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa muli.

3. Pandama (Sansazione) –

Tumutukoy ito sa tamang paggamit ng mga pandama sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.


Halimbawa, hindi hadlang ang kakulangan ng bahagi ng katawan upang isakatuparan ang tunguhin.

4. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan - Misteryo (Sfumato) –

Ito ang pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay, mga bagay na hindi pamilyar,
mahirap alamin o ipaliwanag, o may higit sa interpretasyon o kahulugan. Ang pagiging bukas ng isip sa
mga sitwasyong walang katiyakan ay mahalaga sa pagpapalabas ng pagkamalikhain ng isang tao.

5. Sining at Agham(Arte/Scienza) –

Ito ang pantay na pananaw sa pagitan ng agham, sining, katwiran at imahinasyon

6. Kalusugan ng Pisikal na Pangangatawan –

Ito ang tamang pangangalaga sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang pagkakaroon
ng karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na nakasasama sa katawan.

7. Ang Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay (Connessione) –

Ito ang pagkilala at pagbibigayhalaga na may kaugnayan lahat ng bagay at mga pangyayari sa isa’t isa.
Ayon sa Law of Ecology, “Everything is connected to everything else”. Ang mga halaman ang nagbibigay
ng oxygen sa lahat ng uri ng mga hayop kasama ang mga tao. Sa kabilang banda, tao at hayop naman
ang naglalabas ng carbon dioxide na gagamitin ng mga halaman sa paggawa ng pagkain.

Gawain 3: Liham
Gumawa ng isang Liham Pasasalamat sa Diyos sa mga kakayahan at biyayang
pinagkaloob Niya na makatutulong upang magtagumpay sa buhay para sa sarili,
pamilya at bansa.

Pamprosesomg Tanong
1. Ano-anong mga pagpapahalaga ang naisabuhay mo na at kailangan mo pang malinang?
2. Ano-anong mga hakbang ang iyong gagawin upang ito ay maisakatuparan?

Gawain 3: Word Box


Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na salita sa word box. Ang mga ito ay maaring nasa
anyong pababa, pahalang, pataas, o pabaliktad. Maaring gumamit ng pangkulay (light colors)
upang mabigyang-diin ang iyong kasagutan. Pagkatapos ay sagutin ang nakahandang
pamprosesong katanungan.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalagang isaaalang-alang ang mga katangian at kasanayang nabanggit sa babasahin?
Pangatwiran?
2. May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kasanayang nabanggit sa babasahin?
Pangatwiran gamit ang patunay sa bawat isa?
3. Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
Patunayan gamit ang mga halimbawa?

Gawain 4: Serbisyong Totoo


Umisip ng kakaibang proyekto o serbisyo namakatutulong sa ating pamayanan. Bigyan
ito ng kakaibang pangalan at ipaliwanag kung ano ang mga dahilan at ito’y makatutugon sa
pangangailangan ng ating komunidad
Halimbawa: “ E-Tinda.net”( Eksklusibong Tindahan gamit ang Network) Isa sa maituturing na
suliranin ng lipunan at pamayanan ang kawalan ng hanapbuhay o pinagkakakitaan ng mga
mamamayan. Kasabay sa pagtaas ng populayon ay ang pagtaas din ng bilang ng mga walang
hanapbuhay, pagtaas ng mga kabataang hindi nag-aaral at iba pang pagtaas na may masamang
epekto sa komunidad at lipunan na hindi maikakailang isinisisi at ipinapasan sa pamahalaan.
Ang E-Tinda.net ay may layunin na magbigay ng pagkakataon lalo na sa mga estudyante at
gustong magkaroon ng maliit na negosyo, na magkaroon ng pagkakakitaan, makaipon at
makatulong sa pang-araw-araw na gastusin. Layon na
maipakilala rin ang mga bagong produkto sa pamilihan at nakakahanap ng makabagong paraan
na magpahusay sa mga kasanayan, nakakakita sa bagong hanap-buhay at kumita ng pera sa iba’t
ibang pamamaraan.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong produkto o gawain ang iyong lilikhain?
2. Anong mga pamamaraan ang iyong gagawin upang magkaroon ng kalidad kagalingan ang
iyong gagawing produkto o serbisyo?
3. Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa aralin?

You might also like