You are on page 1of 8

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO REVIEWER (FOR PERIODIC EXAM)

Module 9: Katarungang Panlipunan

Katarungan
- ito ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kanya.

- ito ay batay sa pagkatao ng tao.

- ito ay hindi lamang dahil ikaw ay tao kundi dahil ikaw rin ay namumuhay sa lipunan ng mga tao.

- ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay.

Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr,

- ang katarungan ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap.

- ang katarungang panlipunan ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa kundi
sa ugnayan din niya sa kalipunan.

Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa
pagkiling sa sariling interes.

Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino,

- ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang
indibidwal.

Ang kilos-loob na isang makatuwirang pagkagusto ay magpapatatag sa iyong pagiging makatarungang


tao.

Makatarungang Tao

Ayon kay Andre Comte-Sponville,

- isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa
karapatan ng kapuwa.

Nagsisimula sa Pamilya ang Katarungan

Sa pamilya, una mong naranasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa
katarungan. Dito, unti-unti kang nagkakaroon ng kakayahan na mauunawaan kung ano ang katarungan.

Ang Moral na Kaayusan Bilang Batayan ng Legal na Kaayusan ng Katarungan

Ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas. Ang legal na kaayusan kung gayon ay
nararapat na maging tulay ng moral na kaayusan sa lipunan.
Batas Moral

- ay maituturing na isang panloob na aspekto ng katarungan.

Batas Sibil

- ay ang panlabas na aspekto nito.

“ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas ”

Kapuwa

- ay personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao.

Kalipunan ( socius )

- ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang
institusyon.

Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad ng tao. Ang bawat
tao ay may dignidad dahil hindi sa kaniyang pag-aari, posisyon sa lipunan o mga nakakamit sa buhay,
kundi dahil sa kaniyang pagkatao.

Kailangan na maging bukas tayo at handing isakripisyo an gating pansariling adhikain para sa pagkakaisa
tungo sa kabutihang panlahat.

Sabi ni Santo Papa Juan Pablo II, “Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan.”

Module 10: Kagalingan sa Paggawa

Ayon sa Laborem Exercens,

- ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan niya ang kaniyang
tungkulin sa sarili, kapuwa, at sa Diyos.

Tatlong layunin ng kagalingan sa paggawa:

1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga


2. Pagtataglay ng positibong kakayahan
3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos

Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga

- ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin
ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin.
a. Kasipagan. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain.
b. Tiyaga. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang.
c. Masigasig. Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman mo sa
paggawa.
d. Malikhain. Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi ng
panggagaya o pangongopya sa gawa ng iba.
e. Disiplina sa Sarili. Alam ang hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang
tao.

Nagtataglay ng mga Kakailanganing Kasanayan

Basic literacy: pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig, at pagsasalita

a. Pagkatuto Bago ang Paggawa. Yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain
o produkto.
b. Pagkatuto Habang Ginagawa. Yugto ng pagkilala sa ibat ibang istratehiyang maaring gamitin
upang mapadali ang isang gawain.
c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang Gawain. Yugto ng pagtataya sa naging resulta o
kinalabasan ng gawain.

1. Pagiging Palatanong ( Curiosita ).

- Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.
Marami siyang tanong na hinahanapan niya ng mga sagot.

2. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at ang Pagiging Bukas na
Matuto sa mga Pagkakamali (Dimostrazione).

- Ito ang pagkatuto mula sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at
maiwasang maulit ang anumang pagkakamali.

3. Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang Mabigyang-buhay
ang Karanasan (Sansazione).

- hindi hadlang ang kakulangan ng bahagi nang katawan upang isakatuparan ang tunguhin.

4. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato).

- bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay, mga bagay na hindi pamilyar, mahirap alamin
o ipaliwanag, o may higit sa isang interpretasyon o kahulugan.

5. Ang Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensya, Lohika at Imaginasyon (Arte/Scienza).

- paghahanap sa kagandahan at katotohanan


6. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita).

- tamang pangangalaga sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang pagkakaroon ng
karamdaman.

7. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay (Connessione).

- pagbibigay halaga na may kaugnayan lahat ng bagay

Ayon sa Law of Ecology, “Everything is connected to everything else.”

Module 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at wastong Pamamahala sa Naimpok

Ang kasipagan

- ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroon kalidad. Ito ay
tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao.

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang
ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain.

2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan ay
nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho.

3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na
kung ito ay nakaatang sa kaniya. Ito ay ginagawa niya nang maayos at kung minsan ay higit pa na maging
ang gawain ng iba ay kaniyang ginagawa.

Ang katamaran

- ang pumipigil o humahadlang sa tao upang siya ay magtagumpay. Ang isang taong tamad ay ayaw
tumanggap ng gawain.

- pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay
magtagumpay.

- ito ay ang kabaligtaran ng kasipagan

Ang pagpupunyagi

- ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay pagtatanggap sa
mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo.
Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa tama upang huwag itong
mawala.

Thomas Edison, isang Amerikanong imbentor

- Siya ang nakaimbento ng electric light bulb. Bago niya natapos ito, dumaan siya sa maraming
pagsubok. Maraming beses siyang nagkamali ngunit hindi siya tumigil bagkus nagpatuloy pa siya ng
husto hanggang sa nakuha niya ng tama ang kaniyang imbensiyon. Mula dito ay nakilala siya hindi
lamang sa bansang Amerika kundi sa buong mundo.

Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay.

- Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana, kundi gamitin ang
pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba. Ang pagtitipid ay hindi paggasta ng pera nang walang
saysay.

Halimbawa:

1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwelahan.

2. Matutong maglakad lalo na kung malapit ang paroroonan.

3. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang.

4. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan, at iba pa.

5. Huwag nang bumili ng imported.

Ang pag-iimpok

- ay paraan upang makapag save o makapag ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.

Ayon sa Teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs,

- ang pera ay makatutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa
hinaharap.

Ayon sa isang financial expert na si Francisco Colayco,

- may tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ng tao.

1. Proteksiyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng tao tulad na
lamang ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng trabaho, o pagkabalbado.

2. Hangarin sa buhay. Ito ang nagiging motibasyon ng iba. Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay na
mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak, ang magkaroon ng sariling bahay, at magkaroon ng
maayos na pamumuhay.
3. Pagreretiro. Hindi lamang kailangan na mag-impok para sa proteksiyon sa buhay at sa mga hangarin
sa buhay, mahalagang mag-ipon din para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay kakayanin pa
ang magtrabaho.

Ayon pa rin kay Francisco Colayco,

- kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at hindi opsiyonal. Gaano man kalaki o
kaliit ang kinikita ay obligasyon natin sa ating sarili ang pag-iimpok.

Module 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS

- ay tumutukoy sa kakayahan mo sa epektibo at produktibong paggamit nito sa paggawa.

- ay isang tahasang aksiyon ng pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin sa isang ispesipikong


gawain.

Tiyak (Specific)

- Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais na mangyari sa iyong
paggawa.

Nasusukat (Measurable)

- Kailangan na ang isusulat mo na tunguhin sa iyong paggawa ay kaya mong gawin at


isakatuparan.

Naabot (Attainable)

- Ang tunguhin mo ay makatotohanan, maabot at mapanghamon.

Reyalistiko (Realistic)

- Mahalagang tingnan mo ang kaangkupan ng iyong gawain sa pagtugon ng pangangailangan ng


iyong kapwa at timbangin mo ang mga ito upang makita mo ang higit na makabubuti.

Nasusukat sa panahon (Time Bound)

- Kailangan na magbigay ng takdang panahon o oras kung kailangan mo maisasakatuparan ang


iyong tunguhin.
Pagsimula sa Tamang Oras

- Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tunay na pagbabago na walang iba kundi ang


gawing, "On Time" ang "Filipino Time”.

Pamamahala sa Pagpabukas – bukas

- kung itinutuon mo ang iyong atensiyon sa paggawa ng ibang bagay sa halip na ituon mo ito sa
bagay na ayon sa iyong prayridad at sa prayoridad ng iyong paaralan, organisasyon, o
pinagtatrabahuan - ikaw ay nagpabukas-bukas.

- ayon sa sikolohistang si Clarry Lay, ang pagpabukas-bukas ay ang puwang (gap) mula sa oras
na binabalak mong gawin ang isang bagay at sa aktuwal na oras ng iyong paggawa.

Mga Paraan upang Mapagtagumpayan ang Magpabukas – bukas

1. Tukuyin kung anong mangyayari kung hindi mo makumpleto ang gawain. Isipin kung ano
ang magiging epekto nito sa iyo, sa mga kasamahan mo, at sa mga taong iyong
pinaglilingkuran.
2. Paalalahanan ang iyong sarili na mahalaga ang mararamdaman ng taong nakatataas sa
iyo sa hindi mo paggawa sa ipinapagawa niya sa iyo. Kung ito ay ang iyong pag-aaral,
alalahanin mo ang mararamdaman ng iyong mga magulang na nagsasakripisyo upang
mapaaral ka.
3. Pagpasiyahan ang mga paraan ng pagbibigay mo ng gantimpala sa iyong sarili kapag
makumpleto mo na ang gawain na ayaw mong gawin.
4. Hilingin sa kasama mo sa paggawa na ipaalaala sa iyo kung ginagawa mo na ba ang
bagay na sinabi mong gawin. Ito ay isang positibong paggamit ng "peer pressure."
5. Paalalahanan ang iyong sarili na hindi mo kailangang magustuhan ang gawain upang
gawin mo ito.
6. Planuhin ang iyong araw ayon sa kung ano ang pinakamahalagang mga bagay na
kailangan mong tapusin sa araw na iyon.
7. Unahin ang pinakamadali o pinakamabilis na gawain upang maramdaman mo ang tuwa
na may natapos ka at magkaroon ng positibong disposisyon sa kasunod na gawain.
8. Humingi ng payo sa iba na may kasanayan lalo na kung hindi mo pa naranasan ang
paggawa ng ganitong gawain.

Ang pagbibigay ng prayoridad kung ano ang kailangang gawin at tapusin sa takdang oras ay
napakahalaga. Kung wala ito, maaaring isinusubsob mo masyado ang iyong sarili sa isang
gawain subalit maaaring hindi mo pa rin makakamit ang iyong tunguhin.
Pag-iiskedyul

- Ang pagkakaroon ng iskedyul ay isang mabisang paraan upang mapangasiwaan mo ang mga
bagay na mahalaga sa iyo at sa iyong paggawa.

- Malaking bahagi sa pamamahala sa paggamit ng oras ay mula sa epektibong pag-iiskedyul ng


iyong mga gawain. Kung alam mo na ang iyong mga tunguhin at prayoridad sa paggawa, ay
handa ka ng gumawa ng iskedyul na magpapanatili sa iyo sa direksiyon ng iyong paggawa at
magpo-protekta sa iyo mula sa tensiyon.

Pamamahinga, Paglilibang, at Pagkakawanggawa

- Ang paglalaan ng oras para sa pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa pagkatapos ng


iyong paggawa ay magbibigay balanse sa iyong buhay.

Ang sumusunod ay siyang maaaring piliin na paraan ng pamamahinga:

- Maaari kang mananatili sa bahay upang matulog, kumain, at mag-relaks.

- Maaari ka ring pumunta sa isang tahimik na lugar upang doon matulog, kumain, mag-relaks,
maglakadlakad sa paligid, magnilay, at manalangin.

Narito ang mga paraan ng paglilibang:

- Kung ang katatapos lamang na gawain ay intelektuwal na paggawa, maaari kang maglibang sa
pamamagitan ng mga manwal na gawain na hindi minamadali.

- Maaari mong ipagluto ang iyong pamilya, maglinis ng bahay, magdilig ng mga halaman, at iba
pa.

Para sa mga paraan ng pagkakawanggawa, maaaring pumili mula sa sumusunod:

- pagpapakain sa mga nagugutom

- pagpapainom sa mga nauuhaw

- pagbibigay ng damit sa mga walang saplot o kulang ng saplot sa katawan

- pagdalaw sa mga preso sa piitan

- pagbibigay ng matutulugan sa mga walang tirahan


- pagdalaw sa mga maysakit at mga may karamdaman sa ospital o sa kanilang tahanan

- pagtuturo at pagbibigay ng gabay sa mga taong nangangailangan nito

You might also like