You are on page 1of 7

LIPUNAN - nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat.

KOMUNIDAD - binubuo ng mga indibidwal na ang nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang
partikular na lugar.

HADLANG –ito ang pumipigil sa mga naisin gawin ng isang tao

“ANG BUHAY NG TAO AY PANLIPUNAN”


Ayon kay Dr. Manuel Dy. Jr. isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University
“Ang pamamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan”.

Santo Tomas Aquinas


Sa “Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakalikha.”
PRINSIPYO NG PROPORTIO- ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao

MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT

1. Ang paggalang sa indibidwal na tao.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan o pangkat.

3. Ang kapayapaan

Pang. John F. Kennedy

“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano
ang magagawa mo para sa iyong bansa.”

Max Scheler - “Bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan.”

Pamahalaan- Angnangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan

Lipunang Sibil- Ang kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t-isa.

Peace Advocates Zamboanga – adbokasiyang palakasin ang ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim

Gabriela Movement – isinulong at naisabatas ang Anti-Sexual Harrassment Act (1995), Anti-Violence Against Women and their
Children Act (2004), at iba pa.

MEDIA

Anumang bagay na “nasa pagitan” o “namamagitan” sa nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin na medium, o media kung
marami. Ginagamit natin ito kung may gusto tayong ipahatid na impormasyon.

Papa Juan Pablo II- “ Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi isang pag-ibig na lumilikha”

Fr. Eduardo Hontiveros “Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang,”

MGA URI NG BATAS

1. Ethernal Law- Batas na huwaran ng banal na karunungan.

2. Natural Law- Gumagabay inang kalikasan

3.Natural Moral Law- batas na nakaukit sa puso

4. Human Law -binubuo ng civil law at Ecclesiastical Law

Primum Non Nocere- “First Do No Harm” _ Prinsipyo ng mga doktor na laging nagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang
lahat ng makakapagpalalang sakit o makakasama sa pasyente
KARAPATAN- tumutukoy sa kung ano ang nararapat o dapat para sa isang nilalang o bagay

URI NG KARAPATAN

1. Karapatang Sibil

Karapatan ng tao na mamuhay ng malaya at mapayapa.

karapatang mabuhay, pagkamamamayan, pumili ng lugar kung saan siya ay maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng
hanapbuhay

2. Karapatang Pulitikal

Mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa
referendum at plebisito.

3. Karapatang Panlipunan

Mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan.

4. Karapatang Pangkabuhayan

Karapatan ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.

5. Karapatang Kultural

Mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ngpamayanan at magtamasa ngsiyentipikong pag-unlad ng pamayanan

“Work : The Channel of Values Education”, - Ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao.

Maari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay. Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning
makatugon sa pangangailangan ng kapwa. Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang
katulad ng hayop o makina.

Obheto ng Paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento, at teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto.

Antas ng Pakikilahok ayon kay Sherry Arnsteinis:

1. Impormasyon
2. Konsultasyon
3. Sama-samang Pagpapasya
4. Sama-samang Pagkilos
5. Pagsuporta (Support)

Pakikilahok- Paglilingkod o pagtulong na mayroong hinihintay na kapalit

BOLUNTERISMO- isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili
na hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay marami ding katawagan tulad ng Bayanihan, Damayan,
Kawanggawa o bahaginan.

Efren Peñaflorida Jr.- Tinanghal na CNN Hero of 2009

Antonio Meloto- Isang pilantropo na nagtatag ng Gawad Kalinga

KATARUNGAN- nagmula sa salitang ugat na Bisaya na TARONG Tuwid (Makatuwiran), patas o tama, pagiging moral at mabuti,
parehas o pantay, angkop at bagay. Ito ay paggalang sa mga karapatan ng isang tao.
Ayon kay Andre Comte-Sponville, “Isa kang makatarungang tao kung: ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at
karapatan ng kapwa.”Isinasaalang-alang mo ang pagiging patas sa lahat ng tao.

Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga (positive values)

a. Kasipagan- pagsisikap na tapusin ang anumang gawain nang walang pagmamadali at pagpapabaya

b. Tiyaga- Pagsisikap na gawain ang isang gawain sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid.

c. Masigasig-Pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto, at siglang nararamdaman sa gawain upang makatapos ng isang produkto o
gawa.

d. Malikhain- Ang produkto ng gawain ay hindi bunga ng panggagaya

e. Disiplina sa Sarili -nababatid ang hangganan ng kanyang maaaring gawain at mayroong paggalang sa ibang tao.

Mga yugto ng pagkatuto

1. Pagkatuto bago gumawa- Ang yugto ng paggawa na nagiging gabay upang maging malinaw ang mga layuning isasakatuparan,
paglalarawan ng mga mithiin, pagbuo ng konsepto, at istratehiyang gagamitin, pagtukoy ng mga hakbang, na gagawin at
paghahanda ng mga kagamitang gagamitinpagkilala sa mga taong mahihingan ng tulong at pagtatakda ng panahon sa
paggawa.

2. Pagkatuto habang gumagawa- Ito ang magtuturo ng mga istratehiyang gagamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng
tunguhin at mga problemang kinakaharap sa paggawa

3. Pagkatuto pagkatapos ng gawain ang isang gawain- Ito ang yugto ng pagtataya kung ano ang naging resulta o kinalabasan ng
gawain. Sa yugtong ito nalaman mo ang mga posibleng kilos, pagpapasya na dapat baguhin at panatilihin

MAUSISA- Mapagtanong at hinahanap ang kasagutan, nakakadiskubre ng mga bagong kaalaman o produkto na may malaking
kontribusyon sa pagpapaunlad ng buhay.

Hal. Johnlu Koa (1989 Itinayo ang kaunaunahang branch ng French Baker sa Sm North EDSA )

Demonstrasyon- Pagkatuto sa pamamagitan ng di malilimutang mga karanasan sa buhay

Sandy Javier- Nagtatag ng negosyong Andok’s Manok

Pandama- Paggamit ng mga pandamang kapakipakinabang sa tao. Ang kakulangan sa katawan ay hindi hadlang upang makamit
ang tunguhin sa buhay.

Hal. Maria Gennett Roselle Ambubuyog na naging Product & Support Manager ng Code Factory SL sa Barcelona, Spain

Rafael Guerrero- nanguna sa pagpapalaganap sa kahalagahan ng Vermiculture sa pagsasaka

Pagdarasal- isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos


Lyka Gairanod (Tanza, Cavite)Ay mula sa pamilya na nangangalakal ng basura para may makain bago manalo sa The Voice Kids

Direk Joel Lamangan -Ay lumaki na inaakalang ang kanyang lolo at lola ang mga tunay na magulang at may mga 15 kapatid na
lalaki at 15 kapatid na babae Nakaranas na ma-torture dahil sa pagiging aktibista noong panahon ng
martial law.

ISAAC NEWTON -ISANG SIKAT NA MATHEMATICIAN AT IMBENTOR NGUNIT SIYA AY PINAKAMAHINA SA KLASE NOONG SYA AY
NAG-AARAL

LUDWIG VAN BEETHOVEN- Na kilalang klasikal na kompositor at manunugtog ay hindi marunong humawak ng biyolin at
sinabihan ng kanyang guro na walang pag-asa sa musika

LUIS PASTEUR- Na nakaimbento na paraan ng pagpoproseso ng gatas upang magtagal ang buhay ay pang 15 sa 22 na estudyante
na nag-aaral sa Chemistry sa kanyang klase

THOMAS EDISON-Ay maraming beses na dumanas ng pagsubok at pagkakamali nginit hindi sya tumigil hanggat hindi niya
nakuha ng tama ang kanyang imbensyon

WALT DISNEY - Ay natanggal sa trabaho dahil sa kawalan ng ideya.Naitayo niya ang Disneyland matapos makailang ulit na
bumagsak ang kanyang negosyo

PAGPUPUNYAGI- Ang pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay

KASIPAGAN- Tumutulong sa isang tao upang mapaunlad ang kanyang pagkatao, pamilya, pamayanan at bansa

PAGTITIPID- Wastong paggamit ng pera at mga bagay o gamit

PAG-IIMPOK- paraan upang makapag “save” o makapag ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa
takdang panahon.

FRANCISCO COLAYCO- Ayon sa kanya, ang pagtitipid ay isang obligasyon at hindi opsyon lamang.

Kurso -hakbang upang makarating sa paroroonan o napiling larangan ng pag-aaral upang matamo ang nais na trabaho o
bokasyon

Hanapbuhay-ang pamamaraan ng tao upang matamo ang kanyang mga pangangailanganupang manatiling nabubuhay

Mga batayan para sa pagpili ng kurso o bokasyon

1. Talento – mga likas o natural na kakayahan na angkin ng isang tao mula pa sa kanyang pagkasilang

2. Kakayahan-Nagbibigay nga abilidad sa isang tao upang magampanan ang isang gawain. Nalilinang sa pamamagitan ng pag-
aaral, at paulit ulit na paggawa o pagsasanay

A. Kasanayang makiharap sa ibang tao (People Skills)

Hal. Nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod at nanghihikayat sa iba na kumilos at mag-isip para sa
iba.

b. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)

Hal. Humawak ng mga dokumeento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files , lumilikha ng mga sistema ukol sa
mg a trabahong iniatang sa kanya.

C. Kasanayan sa mga bagay-bagay (Things Skills)

Hal. Nagpapaandar, nagpapanatili o nakakabuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan, nakakaunawa at umaayos
sa pisikal kemikal at biyolohikong mga functions

D. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)


Hal. Lumutas nga mga mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing
paraan.

3. Interes o Hilig

-mga bagay na gustong-gustong gawin na may direktang kaugnayan sa Gawain. Ito ang nagbibigay ng motibasyon sa isang tao
upang patuloy na gumawa sa kabila ng mga hadlang

4. Pagpapahalaga

Ang mga bagay na binibigyan ng prayoridad na nararapat na katugma sa benepisyong nakukuha sa trabaho

5. PERSONALIDAD

- Mga partikular na katangian ng isang tao na dapat isaalang-alang sa trabaho

6. Pangangailangan sa kurso o trabaho- Demand ng industriya o lipunan para sa produkto o serbisyo ng trabaho

Dr. John Holland- Ang iba’t ibang hanapbuhay ay maipapangkat sa anim ayon sa katangian ng isang tao

Talento ayon kay Dr. Howard Garner

1. Visual Spatial

2. Verbal/ Linguistic

3. Mathematical/ Logical

4. Bodily/ Kinesthetic

5. Musical/ Rhythmic

6. Intrapersonal

7. Interpersonal

8. Existential

9. NATURALIST

Mga Katangian
1. Realistic- makatotohanan at praktikal

2. Investigative – mapagmasi at mahiolig tumuklas sa pamamagitan ng masusi at sistematikong pag-aaral

3. Artistic- kakayahang magpamalas ng pagkamalikhain at malawak na imahinasyon

4. Social- Kakayahang makipag-ugnayan, maglingkod at makipagkapwa

5. Enterprising- kakayahang magdesisyon at kumilos ng agaran at may malayang kaisipan

6. Conventional- Kakayahang sumunod sa sistematiko at aprubadong paraan ng pag-gawa

MGA PAMAMARAAN UPANG MAPAUNLAD ANG MGA KAKAYAHAN


1. Magsanay
-paggawa ng palagian o paulit-ulit upang malinang ang kakayahan.
2. Magbasa
-nakakatulong upang makakuha ng teoretikal na kaalaman na kaugnay ng trabaho o gawain.
3. Magpaturo
- pagtatanong sa taong nagtataglay ng katangian o kakayahan na nais malinang
4. Magmasid
- panonood o pag-oobserba sa taong nagpapakita ng kahusayang nais mong malinang
5. Maghanap ng suporta
- pagtukoy sa mga tao na nagpapalakas ng iyong loob para mapaunlad ang kakayahan at magawa ang nais
gawin.

MODYUL 14: Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay


Propesyon
 trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal ng
ginagawa at naging eksperto na siya dito
Misyon
 ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Para sa iba ito ay pagtupad
sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay, na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi.

Bokasyon
 katulad din ng propesyon subalit nagiging mas kawili-wili ang paggawa para sa tao. Mas lalo siyang
nasisiyahan sapagkat nagagamit niya ang kaniyang mga talento at hilig sa kaniyang ginagawa. Hindi niya
nararamdaman ang pagkabagot. Hindi nagiging kumpleto ang araw sa kaniya kung hindi ito magagawa
sapagkat ito ang nakapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang buhay.
Fr. Jerry Orbos
 Ayon sa kanya, ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon. Aniya,
ang misyon ay hindi lamang para kumita ng pera, maging mayaman o maging kilala o tanyag. Ang tunay na
misyon ay ang MAGLINGKOD. Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapuwa ang magbibigay sa tao ng tunay na
kaligayahan.

Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay


 Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na
dumaloy ang iyong buhay.
 Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito
upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo.
 Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na
pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay.

Stephen Covey (awtor ng aklat na Seven Habits of Highly Effective People “Begin with the end in mind” )
Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa
iyong buhay.

Mga Hakbang Para sa Pagbuo ng Personal na Pahayag Misyon sa Buhay


1. Pagsusuri sa iyong ugali at katangian.
2. Pagtukoy sa iyong mga pinahahalagahan.
3. Pagtipon ng mga impormasyon.

Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat na masasagot nito ang mga sumusunod nakatanungan:
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?

Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:
1. Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging nilikha
3. Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at sa iba pang dapat
gampanan
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba
MODYUL 15: LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND

WORK FORCE (LAKAS NG PAGGAWA)


 Ang sektor na kinabibilangan ng mga taong naghahanapbuhay

DEMAND NG INDUSTRIYA
 Ang panganagilangan ng lipunan para sa produkto o serbisyo ng trabaho

LOKAL NA INDUSTRIYA
 Industriya sa pamayanan at bansa

GLOBAL NA INDUSTRIYA
 Industriya sa labas ng bansa o buong mundo

Key Employment Generators


- Ang mga industriya na natukoy ng DOLE na may mataas na demand para sa mga manggagawa
Modyul 16 PAGHAHANDA SA MINIMITHING PAMUMUHAY

URI NG CAREER PATH


1. Steady State – ito ay ang career path na nangangailangan ng panghabangbuhay na pananatili sa isang
trabaho lamang at patuloy na paglago ng kaalaman at kasanayan sa karerang ito. Ang larangan ng medisina,
dental, pag-iinhinyero, at pag-aabogado ay madalas na matukoy bilang mga “steady state” na career path
2. Linear State– ito ay nangangahulugan ng patuloy na pag-angat o pagtaas, kung saan mayroon
ding patuloy na pagtaas ng posisyon, kapangyarihan, responsibilidad sa gawain ng ibang
manggagawa sa kumpanya at kinikita. Ang mga managers at mga politiko ay karaniwang
tumatahak sa linear na career path.
3. Transitory State – ito ay nagpapakita ng madalas na pagbabago. Ang mga sumusunod sa transitory career
path ay karaniwang naghahanap ng sari-saring karanasan at hindi nagpapatali sa isang pinapasukan lamang.
Hindi rin sila naghahangad ng pag-angat sa posisyon o ng higit na malaking kikitain.
4. Spiral State – ito ay nangangahulugan ng regular na pagbabago, kadalasan ay sa loob ng lima o pitong taon. Ang
direksyon nito ay madalas nagsisimula nang pahalang o lateral o pababa. Ang isang business executive na
nagpasyang magturo, ang abogadong naging duktor ng medisina, o ang isang dentista na
muling nag-aral para maging nurse ay masasabing tumatahak sa spiral career path.

You might also like