You are on page 1of 4

ESP REVIEWER-3RD QUARTER

Topics covered:
-Module 7
-Module 8
-Module 9
-Tony Meloto
Module 7- Paggawa
Paggawa
-isang aktibidad o gawain ng tao. (“Work: The Channel of Values Education”)
-Itinuturing na isang tungkuling kailangan isagawa nang may pananagutan (Esteban, S. J. 2009)
-Nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain
Mga Layunin ng Paggawa
1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga
pangunahing pangangailangan.
2. Upang makibahagi sa patuloy na pag angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.
3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
4. Upang tulungan ang mga nangangailangan.
5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag iral ng tao.
Tunay na esensiya sa mundo:
1. Pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan at kakayahan
2. Pagkamit ng kaganapang pansarili
3. Pagtulong sa kapuwa upang makamit ang kaniyang kaganapan
Obheto-Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento, at
teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Subheto- Ang subheto ng paggawa ay ang tao.
-Ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto at hindi kailangan ihiwalay ang pananagutan
ng tao para sa pag angat ng kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan.
-Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng
katuturan dito.
-Ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi dapat nagwawaglit sa
pag aalay nito para sa kapurihan ng diyos.
-Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa
-Ang paggawa ay mayroon ring panlipunang dimensiyon. Ang gawain ng tao ay likas na
nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapuwa.
-Ang paggawa ay higit pa sa pagkita lamang ng salapi: ang pinakamataas na layunin ng paggawa
ay ang pagkamit ng kaganapan bilang tao.
Module 8- Pakikilahok at Bolunterismo
-Mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo
siya ng lipunan at binubuo niya ang lipunan
-Ang tao ay may pananagutan na magbahagi sa kaniyang kapuwa at sa lipunang kaniyang
kinabibilangan.
-Hindi makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan kung hindi siya nakikipamuhay na kasama
ang iba
-Ang tao ay pinanganak na panlipunang nilalang.
Dignidad
-pagiging karapat dapat ang tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa.
-Lahat ng tao, anumang ang kaniyang anyo, gulang, antas ng kailangan at kakayahan ay may
dignidad.
Pakikilahok- isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
Ang pakikilahok ay mahalaga dahil:
-maisasakatuparan ang isang gawaing makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng lipunan
-magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
-maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat
Mga antas ng pakikilahok (ayon kay Sherry Arnsteinis)
1. Impormasyon
2. Konsultasyon
3. Sama-samang pagpapasiya
4. Sama-samang pakilos
5. Pagsuporta
Pagpapakita ng pagpapalaganap ng pangkalahatang kabutihan:
1. Paggalang sa makatarungang batas
2. Pagsisikap na maging masigasig sa tungkulin tulad ng pagtataguyod ng maayos na pamilya at
pagigng tapat sa gawain
Mga taong nakikilahok lamang para sa pansariling interes:
-Mga tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroon silang kailangan o hinihintay na kapalit
-Mga tao na ginagawa lamang into bilang pampalipas ng oras
-Mga tao na kung nakuha na ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa
Bolunterismo- Isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa at
lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
Mga mabuting naidudulot ng bolunterismo
1. Nagkakaroon siya ng personal na pag unlad
2. Nakapagbibigay siya ng natatanging kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan
3. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
4. Nagkakaroon siya ng panahon na higit pang makilala ang sarili.
Pagkakaiba ng pakikilahok sa bolunterismo
-Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin
-Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, di ka apektado, kundi yung ibang di tinulungan.
3 Ts ng bolunterismo at pakikilahok
1. Panahon (Time)
2. Talento (Talent)
3. Kayamanan (Treasure)

Module 9- Katarungang Panlipunan


-Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan
mula sa pagkiling sa sariling interes
- Nagsisimula sa pamilya ang katarungan.
-Ang magakatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang magkakapitbahay, magkakaklase, o
magka opisina kung hindi sila umaasa, walang kompetisyon, o di nang-aagrabyado sa isa’t isa.
-Ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas.
-Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.
-Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad ng tao.
Katarungan
-Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya.
-isang pagbibigay, hindi isang pagtanggap. (Dr. Manuel B. Dy Jr.)
-isang gawi na gumagamit lagi ng kilos loob sa sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
Makatarungang tao- Ang isang makatarungang tao ay gumagamit ng kaniyang lakas sa
paggalang sa batas at karapatan ng kapuwa.
Katarungang panlipunan- Ito ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng tao sa kaniyangkapuwa
kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan.
Kalipunan- ugnayan ng tao sa isang institusyon o tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang
institusyon.

Tony Meloto
-Naging scholar sa Ateneo de Manila University si Tony Meloto sa kolehiyo dahil sa kaniyang
pagsusumikap. Ito ang nagbigay ng daan sakaniya na mag aral sa abroad.
-Sa California, Amerika siya nag aral. Na culture shock siya pagdating niya. Dito lumawak ang
kaniyang kaisipan.
-Matapos mag-aral, siya'y nagtrabaho sa iba't ibang kompanya. Ngunit sa kabila ng ginhawa sa
buhay, may puwang parin sa buhay niya. Dito niya naisipan na ibahagi ang kaniyang talento para
sa iba't sinimulan ang Gawad Kalinga.
-Noong 1985 siya naging miyembro siya ng Couples for Christ (CFC) at mabilis na naging lider.
-Noong 35 siya, siya'y naging misyonarya. Ummikot siya sa mundo at tumatatag ng Youth for
Christ, Singles for Christ.
-Mula noong siya'y na assign bilang Country Coordinator for Austrailia na nagsimula siyang
tumulong sa mahihirap.
-Nagsimula siya nang youth development program para sa mga batang kulang sa disiplina sa
Bagong Silang, Caloocan City.
-Sa paglipas ng panahon, ito'y naging Gawad Kalinga, isang pandaigdigang kilusan na
tumutulong sa mga slum areas.
-Ang gawad kalinga ay nasa mga 2000 na komunidad na ngayon sa Pilipinas, at nadala na rin sa
Indonesia, Cambodia, at Papua New Guinea.

You might also like