Professional Documents
Culture Documents
ISYU AT HAMONG
PANLIPUNAN
Panimula at Gabay na Tanong
Subukan mong ilarawan ang iyong lipunan.
• Ano-anong mga suliranin ang iyong
nakikita?
• Paano ito nakaaapekto sa iyong
pamumuhay?
• Paano tinutugunan ng inyong
komunidad ang mga nabanggit na isyu
at hamon?
Sa panimulang aralin na ito ay mauunawaan mo ang mga
sanhi at bunga ng mga isyu at hamong nararanasan sa
lipunan. Mahalagang maunawaan mo ito upang ikaw ay
maging bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at
hamong ito.Hindi lamang mga namumuno sa pamahalaan at
ng mga pangkat na nagsusulong ng kanilang adhikain ang
may tungkulin. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng
lipunang iyong ginagalawan inaasahang masasagot mo ang
tanong na: Paano ka makatutulong sa pagtugon sa iba’t
ibang isyu at hamong panlipunan?
Aralin 1– Isyu at Hamong Panlipunan
1. Ang Lipunan
2. Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Sa panimulang aralin na ito ay inaasahang matututuhan mo
ang sumusunod:
• Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga
bumubuo rito
• Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga
elemento nito
• Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng
pagaaral ng lipunan
• Naipaliliwanag ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga isyung personal at
isyung panlipunan
______ ______
______ ______
______ HEADLINE ______
Unang Larawan: P18.4B in ‘Yolanda’ emergency aid distributed late
Members of the Philippine military unload relief goods for those affected by Typhoon Haiyan at
the airport in Tacloban. AP FILE PHOTO
Ikalawang Larawan:DOLE order ending contractualization expected in February
NO TO ENDO. Workers belonging to the Nagkaisa Coalition march to Mendiola in Manila on January 4,
2016 to call on the government to end the practice of contractualization. File photo by Martin San
Diego/Rappler
Ikatlong Larawan:Philippines elects first transgender woman to congress
Geraldine Roman waves to supporters while campaigning in Bataan province, April 30, 2016.
Ikaapat na Larawan:UN rights expert welcomes halt on drug killings in the
Philippines
Human rights activists light candles for the victims of extra-judicial killings around the country in the wake
of "War on Drugs" campaign by Philippine President Rodrigo Duterte in suburban Quezon city northeast of
Manila, Philippines, Aug. 15, 2016. (AP/Bullit Marquez)
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang pananaw ng inyong grupo sa
headline na napunta sa inyo?
• institusyon
• social groups
• gampanin (roles).
Institusyon
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.Ang
institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang
lipunan. (Mooney, 2011). Isipin halimbawa ang isang
pangkaraniwang araw. Magsisimula ito sa paghahanda ng
mga miyembro ng pamilya para sa kani-kaniyang mga
gawain. Ang pamilya ay isa sa mga institusyong
panlipunan, dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang
nilalang. Mula sa tahanan, maaaring ang ibang miyembro
ng pamilya ay magtungo sa paaralan samantalang ang iba
naman sa kanila ay magtatrabaho o kaya ay mamimili ng
kanilang pangangailangan.
Tulad ng pamilya, ang paaralan ay nagdudulot ng
karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na
naghuhubog sa isang tao upang maging kapakipakinabang
na mamamayan, isa rin itong institusyong panlipunan.
Samantala, ang mga taong nagtatrabaho at kumokonsumo
ng produkto ay bahagi ng isa pang instituyong panlipunan –
ang ekonomiya. Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil
pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan. Mula sa tahanan
hanggang sa mga lugar na patutunguhan maaaring may
makasalubong kang traffic aide, may madaanang mga tulay
o kaya ay mainip dahil sa abala na dulot ng ginagawang
kalsada
Maaaring may makita ka ring mga anunsyo ng mga
programang pangkalusugan at pangkalinisan. Ang mga
nabanggit ay ilan lamang sa mga tungkulin ng pamahalaan
na isa ring institusyong panlipunan. Sa pagtupad mo sa
iyong pang-araw-araw na tungkulin, naghahangad ka ng
kaligtasan, nagdarasal ka na maging tagumpay ang iyong
mga gawain, at maging ligtas ang iyong mga mahal sa
buhay. Lahat ng ito ay ginagawa natin dahil sa ating
pananampalataya. Ang usapin ng pananampalataya ay
bahagi ng relihiyon na isa rin sa mga institusyong
panlipunan. Ang pamilya, relihiyon, edukasyon, ekonomiya,
at pamahalaan ang itinuturing na mga institusyong
panlipunan
May mga isyu at hamong panlipunang nag-ugat dahil sa
kabiguan ng isang institusyon na maipagkaloob ang mga
inaasahan mula rito. Halimbawa, ang mataas na bilang ng mga
mamamayang walang trabaho ay maaaring dulot ng kakulangan
ng kaalaman at kakayahan na bunga ng kabiguan ng paaralan
na magkaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon. Maaari rin
namang ito ay dahil sa hindi nagawa ng pamahalaan ang
kaniyang tungkulin na lumikha ng trabaho para sa kaniyang
mamamayan. May mga pagkakataon din na ang hidwaan sa
pagitan ng mga institusyon ay nagdudulot ng mga isyu at
hamong panlipunan. Hindi ba’t naging malaking usapin ang
Responsible Parenthood and Reproductive Health Law (RA
10354)? Sa nabanggit na isyu, naging magkasalungat ang
pananaw ng pamahalaan at simbahan.
Social Group
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga
social group. Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang
taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
May dalawang uri ng social group: ang primary group at
secondary group. (Mooney, 2011). Angprimary group ay tumutukoy
sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal.
Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa
nito ay ang pamilya at kaibigan.Sa kabilang banda, ang secondary
group ay binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan
sa isa’t isa.
Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang
ganitong uri ng ugnayang panlipunan. Isang halimbawa nito
ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang
manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa
sa isa’t isa.
Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga
bumubuo sa isang social group na nagdudulot ng ilang
isyu at hamong panlipunan. Halimbawa ang malawakang
pagwewelga ng ilang manggagawa ay isang isyung
panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang
ugnayan ng mga manggagawa at may-ari ng kumpanya.
Status
STATUS
Kabuuan 20