You are on page 1of 21

Ang Ibong

Nakahawla
ANG IBONG NAKAHAWLA
NI MAYA ANGELOU
Isang ibon ang umigpaw
sa likod ng hangin
at nagpalutang pababa sa may ilog
haggang sa magwakas ang agos
at nagtawtaw ng kanyang mga pakpak
sa kahel na silahis ng araw
at nangahas angkinin ang langit.
Ngunit and isang ibong nanlilisik
sa kanyang makitid na hawla
ay bihirang makasilip
sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit
mga pakpak niya’y pinutulan at
mga paa’y tinalian
kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang
makaawit.
Ang ibong nakahawla’y umaawit
nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa di-batid na mga bagay
ngunit minimithi ang kapayapaan
at ang kanyang himig ay naririnig
sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla’y
umaawit ng kalayaan
Ang malayang ibon nama’y nag-iisip ng
ibang simoy
ng hangin malamyos sa mga punong
nagbubuntong-hininga
ng matatabang uod na naghihintay sa
damuhang sinisinagan
ng umaga
At ang langit ay itinuturing na kanyang sarili
Ngunit ang isang ibong nakahawla’y nakatayo
sa puntod ng
mga pangarap
anino niya’y sumisigaw sa tili ng isang
bangungot
mga pakpak niya’y pinutulan at mga paa’y
tinalian
kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang
makaawit.
Ang ibong nakahawla’y umaawit
nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa di-batid na mga bagay
ngunit minimithi ang kapayapaan
at ang kanyang himig ay naririnig
sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla’y
umaawit ng kalayaan
-Salin ni Rogelio G. Mangahas
1. Sino-sino ang sinisimbolo ng ibong
nakahawla? Sino-sino naman ang sinisimbolo
ng ibong lumilipad at malaya?
2. Bakit kaya ito ang simbolismong naisip ng
may-akda para sa mga taong kanyang
pinatutungkulan?
3. Anong mensahe ang nais iparating ng may-
akda sa paggamit niya ng kaawa-awang
kalagayan ng mga ibong nasa hawla?
4. Paano naging hawla ang maitim na kulay
ng mga taong may lahing African-American?
Batay sa mga nalalaman mo sa kasaysayan,
ano-anong uri ng diskriminasyon ang
pinagdaanan nila nang dahil sa kulay ng
kanilang balat?
5. Bakit maituturing na hindi malaya ang
mga taong tulad nila sa kabila ng
6. May mga tao ba sa ating bansang
maituturing ding “mga ibong nakakulong sa
hawla” hanggang sa kasalukuyang panahon?
Sino-sino sila at sa paanong paraan sila
maituturing na nasa hawla?

7. Bakit mahalagang magkaroon ng boses at


paninindigan ang mga taong ito upang
makalaya sila mula sa kanilang “hawla”?
Tukuyin ang kahulugan ng mga
simbolismo at matatalinghagang pahayag
na ginamit ng may-akda sa tula. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
1.Isang ibon ang malayang lumilipad hanggang sa dulo ng ilog
at sa silahis ng araw.
a. Mga taong kabilang sa lahing Puti na nagagawang
mamuhay nang malaya at masagana nang walang
gumagambala sa kanilang payapang pamumuhay
b. Mga ibong pinalad na maisilang sa makapal na
kagubatan at walang gumagambala sa kanilang
payak subalit payapang kapaligiran
c. Mga taong isinilang na mayayaman at makapangyarihan na
siyang namumuno sa pinakamalalaking kaharian sa buong
mundo
2. Ang malayang ibon ay nangahas angkinin ang
langit.
a. Mga politikong gumagamit ng
kapangyarihan upang makapagnakaw sa
kaban ng bayan.
b. Mga ibong kumakain o kumukuha sa anak o
itlog ng kapwa nila ibong mas mahina kaysa
sa kanila
c. Mga taong nagdidiskrimina at gumagawa ng
kapinsalaan sa kapwa nila nang dahil sa
3. Ngunit ang isang ibong nanlilisik, sa kanyang
makitid na hawla ay bihirang makasilip sa mga
rehas ng kanyang pagngingitngit.
a. Ang galit na nakadarama ng isang ibong hindi
makalipad na dapat sanang ginagawa ng isang
ibong tulad niya.
b. Ang galit na kinikimkim at hindi maibulalas ng
mga taong nagdaranas ng diskriminasyon at
kaapihan sa kamay ng iba.
c. Ang nadarama ng isang taong may sakit at
pinagbabawalang makisalamuha sa iba.
4. Mga pakpak niya’y pinutulan at mga paa’y tinalian
kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.
a. Ang mga taong nakakulong sa mga rehas ng
bilangguan at dapat lang makapagsalita rin dahil
ito’y bahagi pa rin ng kanilang karapatan.
b. Ang mga taong inaapi at hinuhusgahan batay sa
kanilang lahi at kulay ay nangahas magsalita at
manindigan para ipaglaban ang kanilang karapatan.
c. Kahit ikulong o itali mo ang isang ibon ay hindi mo
pa rin siya mapipigilang umawit dahil ito’y isang
bagay na likas sa kanya.
5. Ang malayang ibon nama’y nag-iisip ng ibang simoy
ng hanging malamyos sa mga punong
nagbubuntonghininga ng matatabang uod na
naghihintay sa damuhang sinisinagan ng umaga.
a. Ang mga oportunidad at pagkakataong naibibigay sa mga
Puti na hindi basta natatamo ng mga Itim dahil sa hindi
pantay na pagtanaw ng lipunan sa kanila.
b. Ang mas malalakas na ibon ay umuubos sa mas maiinam na
pagkain kaya naman wala nang naiiwan sa mga mas
mahihina .
c. Ang tao ay likas na maramot dahil kapag nakakita ng
oportunidad para umunlad ay sinosolo niya ito at hindi man
lang ibinabahagi sa iba.

You might also like