You are on page 1of 3

Gawain 1. Simbolo, Hulaan Mo!

Handa ka na bang simulan ang araling ito? Kung handa ka na, subukin mong sagutin kung ano ang kahulugan at
ipinahihiwatig ng kasunod na mga simbolo. Isulat ang iyong sagot sa kasunod na mga patlang.

Pamprosesong mga Tanong


1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan ng unang dalawang simbolo? Ng pangatlo?
2. Ano sa palagay mo ang kinakatawan ng mga simbolong ito?
Gawain 2. Timbangin Natin!
Ngayong tapos mo nang sagutan ang unang gawain, ihanda mo ang iyong sarili sa pagsagot sa
susunod na gawain. Makatutulong ang kasunod na larawan ng timbangan upang mas maunawaan mo
kung bakit mga simbolo ang ginamit sa pagtukoy ng mga kasarian sa nakaraang gawain.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng dalawang simbolo na sa timbangan? Sa iyong palagay, mayroon kayang hindi
napabilang sa representasyon na ipinahihiwatig ng larawang ito? Sino? Ano sa palagay mo ang
pangkalahatang mensahe ng larawan?

2. Sa iyong palagay, bakit kaya wala sa larawang ito ang isa pang simbolo na nakita mo sa unang
gawain?

Gawain 3. Paano Nagkaiba?


Ngayong natapos mo nang basahin ang teksto, subukin mo nang tukuyin kung ano ang pagkakaiba ng
sex at gender. Ilista ang katangian ng sex at gender sa mga kahon sa ibaba.
1. Ano ang napansin mong pagkakaiba ng iyong mga itinala?
2. Ano ang dati mong iniisip na kaibahan ng dalawang konseptong ito? Naging maliwanag na ba sa iyo
ang kaibahan ng sex at gender?

Gawain 4. Gender at Sex: Ano nga Ba?


Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng gender at sex mula
sa mga natutunan mo sa aralin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga pangungusap sa ibaba.

Mula sa araling ito, natutunan ko na ang sex ay ______________________


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa ___________________________________
__________________________________________________

Natutunan ko rin na ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay naiiba sa pagkakakilanlang


pangkasarian. Ang oryentasyong seksuwal ay
_____________________________________________________________________________________
___________________________________samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian
(genderidentity) ay ________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________.
Gawain 5. Gender Timeline
Natunghayan mo sa iyong nabasang teksto ang papel ng mga babae at lalaki sa iba’t ibang yugto sa
kasaysayan ng Pilipinas. Itala mo sa gilid ng mga gender symbol ang gampanin ng babae at lalaki sa
kasaysayan ng ating bansa.

1. Ano-ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at lalaki na napansin mo?
2. Sa anong panahon sa kasaysayan ng ating bansa lubos na naabuso ang karapatan ng mga
kababaihan? Pangatwiranan
3. Aling panahon nagsimula ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa kababaihan at kalalakihan?
Bakit?
4. Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae at lalaki sa lipunan/pamayanan?
Pangatwiranan.

Gawain 6
A. Paano nakararanas ng diskriminasyon ang kababaihan at mga LGBT batay sa kanilang
kasarian? Magbigay ng tigtalong halimbawa.

Diskriminasyon Batay sa Kasarian


Kababaihan LGBT

B. Bumuo ng tiglimang talaan na nagpapakita ng positibo (+) at negatibong (-) epekto ng


pagkakaroon ng Karapatan sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad.
+ -

C. Ipaliwanag ang iyong sagot.


1. Paano nagkakaiba ang kasarian at seksuwalidad?

2. Paano nagkakaiba ang pananaw ng mga tao tungkol sa homoseksuwalidad?

3. Dapat bang bigyan ang bawat tao ng kalayaang makapili ng seksuwalidad?


Gawain 7.
A. Kompletuhin ang talaan tungkol sa nagkakaibang opinion sa isyu ng homoseksuwalidad.
Homoseksuwalidad
Isyu Katwiran ng Sang-ayon Katwiran ng Hindi Sang-ayon
1. Same-sex Marriage
2. Pagpapalkt ng kasarian
3. Pag-ampon ng bata
4. Paggamit ng In Vitro
Fertilization (IVF) ng mga
Lesbian
Pamumuno sa Pamahalaan

B. Ano ang maaari mong gawin sa sumusunod na sitwasyon?


1. Inamin ng isa mong kaklaseng lalaki na siya ay isang bakla?
2. Nakikipagkaibigan sa iyo ang mag-asawang babae na ikinasal sa Amerika?
3. Sinabi sa iyo ng inyong lola na ang paggiging bakla o tomboy ay makasalanan?
4. May isang barkda sa iyong klase na laging nanunukso ng mga estudyanteng malamyang
kumilos.
5. Sinabi ng tombo mong tiyahin na gusto niyang magkaanak.

C. Talakayin
1. Paano ipinaglaban ng mga LGBT ang kanilang karapatan?
2. Paano mailalarawan ang Karapatan ng LGBT sa Pilipinas sa kasalukuyan?
3. Paano naapektuhan ang lipunan ng mga bansang nagpapahintulot ng same-sex marriage?

D. Ipahayan ang iyong pananaw.


1. Nagkakatulad ba ang kababaihan at LGBT sa kanilang katayuan sa lipunan? Paano?
2. Sang-ayon ka bas a homoseksuwalidad? Bakit o bakit hindi? Ipahayag ang iyong pananaw?

Gawain 8 (nasa lecture ang babasahin)


Gawain 8. Paghambingin at Unawain
Ang gawaing ito ay naglalayong mapaghambing mo ang tatlong pangkultura pangkat sa New Guinea
ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Margaret Mead. Sagutan ang kasunod na talahayanan at ang
dalawang mahalagang tanong kaugnay nito upang mataya ang pag-unawa sa iyong binasa.

1. Bakit kaya nagkakaiba ang gampanin ng mga babae at mga lalaki sa tatlong pangkulturang pangkat
nabanggit ni Margaret Mead?
2. Sa iyong palagay, ano ang mas matimbang na salik sa paghubog ng personalidad at pag-uugali ng
tao, ang kapaligiran o pisikal na kaanyuan?

You might also like