You are on page 1of 6

MATAAS NA PAARALANG NASYUNAL NG CAMP TINIO

Camp Tinio, Lungsond ng Kabanatuan

ARALING PANLIPUNAN 10 WORKSHEET NO. 2


3rd QUARTER Week 3-4

LEARNING COMPETENCY:
Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian , Gay , Bi
– sexual , Transgender).

PANIMULA
Ang worksheet na ito ay naglalayong masuri ang diskriminasyon at karahasan sa mga
kalalakihan, kababaihan, at Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual
(LGBTQIA+). Ano ba ang kahulugan ng diskriminasyon at karahasan? Ano-ano ang diskriminasyon
at karahasan na naranasan ng mga kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ sa Pilipinas at sa ibang
panig ng mundo.

DI SKRIMINASYON AT KARAHASAN SA KALALAKIHAN

Ang diskrim inasyon ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay


sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa
ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

Diskrim inasyon sa Kalalakihan

Marahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na bansa kaya mataas ang pagtingin sa
kalalakihan sa lipunan. Subalit may mga pagkakataon ding sila ay nakararanas ng
diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag ng ‘House husband’ sa mga
kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga gawaing pantahanan.

Karahasan sa Kalalakihan

Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring magsimula ito sa kanilang
pamilya at maging sa trabaho. Wala itong pinipiling edad, maging bata man o
matanda. Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi kinakailangang maging pisikal,
ngunit maaaring emosyonal at seksuwal. Marami pa ring mga lalaking biktima ng
karahasan ang nahihiyang lumantad at magbahagi ng kanilang karanasan kaya walang
malinaw na bilang kung ilan sa kanila ang naging biktima ng pang-aabuso.

May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula sa kanilang pamilya o


mga taong pinagkakatiwalaan nila na maaaring makaapekto sa kanilang damdamin o
emosyon. May mga pagkakataon na sila rin ay biktima ng pisikal na pananakit mula sa
kanilang asawa o partner.

DI SKRIMIN ASYON AT KA RAHASAN SA KABABAI HAN

Diskrim inasyon sa Kababaihan

Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nanatiling mas

1
mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap ng
diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng trabaho partikular na ang diskriminasyon sa
pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng mga manggagawang
kababaihan, sexual harassment, agwat sa sahod at limitadong kakayahang umangkop
sa trabaho.

Ang limitado at hindi pantay na pakikilahok ng mga kababaihan sa gawaing pang-


ekonomiya ay may direktang epekto sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Ang Labor Force Participation Rate ng mga kababaihan ay halos 48% habang ang mga
kalalakihan ay humigit-kumulang na 77% na mas mababa sa 29% kaysa sa mga
kalalakihan.
Karahasan sa Kababaihan

Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay
anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o
mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. Hindi lamang limitado sa pisikal na pang-
aabuso ang violence against women. Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal,
sikolohikal, at ekonomikal.
Maraming paraan ang mga kalalakihan upang maipamalas ang kanilang kapangyarihan
sa mga kababaihan. Ang pananakit na pisikal ay isang halimbawa nito. Mula sa berbal
na pang-aabuso ay nauuwi sa abusong pisikal. Ang lahat ng kababaihang nakaranas ng
pisikal na pananakit ay biktima rin ng iba pang anyo ng pang-aabuso.

General Assembly Binding W omen for Reforms, Integrity, Equality, Leadership,


and Action (G ABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo
ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins
Against Women. Ang mga ito ay ang:

1.pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation,
6. limitadong access sa reproductive health, at
7. sex trafficking at prostitusyon.

Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan


2017 National Demographic and Health Survey (NDHS)
A. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit
na pisikal, seksuwal, at emosyonal. Karamihan sa mga nananakit ay ang mga
kasalukuyang asawang lalaki o partner.

B.Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal na pananakit.

C. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal na


pananakit.

D.Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng emosyonal na


pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner.

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng


kababaihan. Subalit ang nakalulungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa
maling paniniwala.

2
Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa
kontinente ng Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May
pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam
ay apektado nito. Ipinaliliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay normal
lamang at ang mga dahilan nito ay upang maiwasan ang: (1) maagang pagbubuntis ng
anak, (2) paghinto sa pag- aaral, at (3) pagkagahasa. Ang maaaring maging epekto nito
sa kalusugan ng mga biktima — mga cyst, cancer sa suso, at mga isyu sa pagpapasuso.

Ang foot binding ay isinasagawa sa mga babae noong sinaunang panahon sa China. Ito
ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang hindi ito
lumaki nang normal. Ang kanilang mga paa ay mahigpit na nakagapos gamit ang
pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang perpektong paa ng
babaeng may sapat na gulang ay tatlo hanggang apat na pulgada ang haba.

Ang mga deformed feet ay kilala bilang ‘lotus feet o lily feet’. Ang pagkakaroon ng
ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at
pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang kababaihang ito ay may
bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha. Noong 1911, sa pamumuno ni Sun Yat Sen tinanggal ang ganitong
sistema sa China.

KARA HASAN AT DI SKRIMI NASYON SA LGBTQA+

Gender Roles Diskrim inasyon sa LG BTQ IA+

Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme at ng United


States Agency for International Development (USAID) na may titulong Being LGBT in Asia:
The Philippines Country Report, ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa
trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Ilan sa mga
halimbawa nito ay may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa
babae o lalaki.

Karahasan sa LG BTQ IA+

Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kabila ng panawagan sa


pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso.
Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima ng
pagpatay mula 2008-2015.

Ang UNRC ay nagkaroon ng ulat noong 2011 tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga
diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBTQIA+. Ang bansang Uganda ay nagpasa
ng batas na Anti- Homosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at
marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.

Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang relasyon o


ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ang
ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang
karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-
aabuso. Ito ay maaari ring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon.

3
Ikaw ay n akararan as n g dom estic v iolence ku ng a ng
iyo n g kapare ha ay :

1. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (name calling) para sa iyo at sa


ibang tao, iniinsulto ka;
2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan, sinusubukan kang
kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
4. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
5. nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng droga;
6. pinagbabantaan ka na sasaktan;
7. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang
hayop;
8. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at
9. sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na nararapat lamang ang ginawa sa iyo.

Ito nam an ay para sa m ga gay , bisexual M aari m ong m alam ang inaabuso ka na
at transgender : kung napapansin m o ang ganitong
1. pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pangyayari:
pamilya, mga kaibigan, at mga kakilala ang 1. pinagbabantaan ka ng karahasan;
iyong oryentasyong seksuwal at 2. sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal);
pagkakakilanlang pangkasarian; 3. humihingi ng tawad, nangangakong
2. sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng magbabago, at nagbibigay ng suhol;
pamahalaan ang mga gay, bisexual at 4. paulit-ulit ang ganitong pangyayari; at
transgender; at 5. mas dumadalas ang pananakit at
3. sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng
na bayolente. panahon.

W ritte n W o rk n o. 2: S an hi at Bu ng a 15 po in ts e ach

Panuto: Magbigay ng tig-isang halimbawa ng diskriminasyon at karahasan na


nangyayari sa kasalukuyan sa mga kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+. Ibigay
ang mga sanhi at bunga ng ganitong pangyayari. Isulat sa sagutang papel.

Lalaki Sanhi Bunga


Diskrim inasyon:
Karahasan:
Babae Sanhi Bunga
Diskrim inasyon:
Karahasan:
LGBTQI+ Sanhi Bunga
Diskrim inasyon:
Karahasan:

4
Performance Task no. 2: Spoken Poetry (15 points)

Panuto: Ipahayag mo ang iyong paggalang sa karapatan ng bawat


indibiduwal anuman ang kasarian at seksuwalidad sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang spoken poetry. Isulat sa sagutang papel.

5
6

You might also like