You are on page 1of 22

Aralin 1

Kahulugan at kahalagahan ng
Ekonomiks

{ Jose C. Reyes
Guro ng Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks
Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-


aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman.

Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay


nangangahulugang bahay, at nomos ay pamamahala.

Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming


pagkakatulad
.
Pagkakatulad ng Ekonomiya at Sambahayan
Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya
kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan.

Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung


magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang
mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.

Ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t


ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung
ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino,
at gaano karami ang gagawin.
Ang ekonomiks ay unang nakilala bilang political economy na sentral na paksa ng mga
pilosopo at may iba’t ibang kaisipan ang lumitaw mula sa mga pilosopo na nag-uugnay
sa politika at ekonomiks

Ang Paglaganap ng Kaisipang Ekonomics

Xenophon – Mabuting pamamahala at pamumuno -> Oiconomicus

Plato – Espesyalisasyon at division of labor -> The Republic

Aristotle – Pribadong pagmamay-ari -> Topics and Rhretoric

Mercantilist – Paglikom na yaman sa paggamit ng likas na yaman


tulad ng lupa, ginto, at pilak
Francois Quesnay at Physiocrats – pagbibigay halaga sa kalikasan at paggamit
ng wasto sa mga yamang likas
Tableu Economique – nagpapakita ng paikot na daloy ng produkto
at serbisyo sa ekonomiya
Magkaibang Paniniwala ng mga Sinaunang Pilosopo
at Grupo ng mga Ekonomista

Nagbigay –daan sa kaisipan ng iba pang ekonomista ukol sa


ekonomiks.

Ekonomista – ay ang nag-aaral batay sa pagpili at pagpapasya ng


mga tao sa lipunan, at amg epekto nito sa buong ekonomiya.

Ang kaisipan ng ekonomiks ay nahiwalay sa kaisipan ng


ekonomiyang politikal
Binigyan diin ng ekonomiks ang mga gawain ng tao na
nakatuon sa pangkabuhayan at gawi ng pamumuhay.
Patuloy na pinag-aaralan sa ekonomiks ang mga bagay na
nakakaapekto sa ekonomiyang pamumuhay ng mga tao sa
buong bansa.
Ama ng Makabagong Ekonomiks
Adam Smith

 Doktrinang Laissez- faire o let alone policy –


hindi dapat nakikialam ang pamahalaan sa
pagpapatakbo ng ekonomiya ng mga
pribadong sektor, dapat pinagtutuunang
pansin ang pananatili ng kapayapaan at
kaayusan ng bansa

 Ang espesyalisasyon ay paghahati ng mga


gawain sa produksyon ayon sa kapasidad at
kakayahan sa paggawa

 May akda ng aklat na “ An Inquiry into the


Nature and Causes of the Wealth of Nations”
David Ricardo

Law of Diminishing Marginal Returns – ang


patuloy na paggamit ng tao sa likas na yaman ay
nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa
mga ito.

Law of Comparative Advantage – prinsipyo na


nagsasaad na higit na kapakipakinabang sa isang
bansa na lumikha ng mga produkto na higit na
mura ang gastos sa paggawa ( production cost )
kaysa sa ibang bansa.
Thomas Robert Malthus

 Binigyang pansin ang mga epekto ng mabilis na


paglaki ng populasyon.

 Malthusian Theory – ang populasyon ay mas


mabilis na lumalaki kaysa sa suplay ng pagkain
na nagdudulot ng labis na kagutuman sa bansa
John Maynard Keynes

 Father of Modern Theory of Employment.

 Ang pamahalaan ay mas malaking papel na


ginagampanan sa pananatili ng balanseng
ekonomiya sa pamamagitan ng paggastos ng
pamahalaan.

 May Akda ng Aklat “ General Theory of


Employment, Interest, and Money”
Karl Marx
Ama ng Komunismo
 Naniniwala sa pagkakaroon ng pagkakapantay
ng tao sa lipunan.

 Naniniwala na ang dapat na magmay-ari ng


mga salik ng produksyon at gumawa ng
desisyon ukol sa produksyon at distribusyon ng
yaman ng bansa.

 Isinulong na ang rebolusyon ng mga proletariat


ang magpapatalsik sa mga kapitalista
 May Akda ng Aklat “ Das Kapital” – aral ng
komunismo
 Kasamang may akda ni Friedrich Engels
“ Communist Manifesto”
Pag-aaral ng Ekonomiks

Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nalilinang ang mga kaisipang pampolitika,


pangkabuhayan, at pangmoralidad ng mga tao.

Ekonomiks Bilang Agham

Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan kung saan ang tuon ay pag-
aralan ang mga kilos, gawi, at lahatng pagpupunyagi ng tao na maghanapbuhay at ang
pagsisikap ng pamahalaan na ayusin ang ekonomiya na nakakaapekto sa pamumuhay
ng tao.
Isinasagawa ang Siyentipikong Pamamaraan upang suriin ang mga suliranin at
kaganapan na may kaugnayan at epekto sa ekonomiya. ( polusyon, korapsyon, trapiko)

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Siyentipikong Pamamaraan

Pagtukoy ng Suliranin -> Pagbibigay ng Hypothesis -> Pangangalap ng mga Datos at


Impormasyon -> Pagsusuri ng Datos at Impormasyon -> Pagbibigay Konglusyon at
Rekomendasyon
.
Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba Pang Pag-aaral

Ekonomiks at Kasaysayan  Ang kasaysayan ay ang nagawang pagpupunyagi upang


labanan ang kasalukuyangsitwasyon na ginawa ng tao sa iba’t ibang panahon.
 Ang ekonomiks at kasaysayan ay magkaugnay dahil ang gagawing desisyon ngayon
sa pamumuhay ay ibabatay sa nakaraan. Ang kasaysayan ay bahagi ng anumang
pangyayari ng ekonomiya. ( Hal. Panahon ng Pananakop )

Ekonomiks at Sosyolohiya  Ang sosyolohiya ay ang pag-aaral ng pinagmulan at


estraktura ng lipunan. Ang kilos ng tao bunga ng mga batas, gawi, paniniwala, at
kultura na umiiral sa lipunan ay nakakaapekto sa uri ng hanapbuhay ng tao.
( Hal. Estado ng lalaki at babae bilang mag-asawa )

Ekonomiks at Ethics  Ang etika ay may kinalaman sa moralidad at pagawa ng tama o


mali sa buhay. Ang disiplina at wastong moralidad ng tao ay mahalagang elemento na
kaylangang taglayin ng mamamayan bilang kabalikat ng pamahalaan sa wastong
hakbang upang mapaunlad ang ekonomiya. ( Hal. Kaasalan ng Tao )

Ekonomiks at Heograpiya  Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga


katangiang pisikal ng bansa, klima, pinagkukunang yaman, at iba pang aspetong pisikal
ng tao.( Hal. Kalamidad )
Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba Pang Pag-aaral

Ekonomiks at Sikolohiya  Sikolohiya ay ang pag-aaral sa isip, diwa , asal at suliranin


ng tao. Ang pagnanais ng tao sa isang bagay ay isang kalagayang sikolohiya na may
relasyon sa ekonomiks kapag ito ay tumugon sa kanyang pagnanais. ( Hal. Luho sa
sarili )

Ekonomiks at Antropolohiya  Antropolohiya - ito ay isang sistematikong pag-aaral ng


pinagmulan, ebolusyon at kultura ng tao. Tulad ng isang siyentista ang mga antrologo
ay nagsisiyasat sa mga pangkalahatang ugnayan sa gawi ng tao.Nagiging batayan din
ng pag-aaral ang mga materyal at di materyal na bagay tulad ng kasuotan, tirahan ,
paniniwala at pagpapahalaga.

Ekonomiks at Agham Pampulitika Agham Pampulitika – Ito ay isang sistematikong


pag-aaral ng buhay pulitikal. Ang mga political Scientists ay sinisikap sagutin ang mga
katanungang tulad ng ano ang dahilan ng pagpapatibay ng aksyon ng pamahalaan,
kaninong kapakanan ang binibigyang pansin ng pamahalaan.

Ekonomiks at Natural Sciences  Ang pag-unawa sa mga kaganapan sa ating


kapaligiran ay matutuhan sa iba't ibang sangay ng pag-aaral ng natural science. At ang
mga nagaganap na pagbabago sa ating kapaligiran at maging sa kalikasan ay
nakakaapekto sa kabuhayan ng mamamayan at ng bansa na pinagtutuunan ng
ekonomiks.
Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba Pang Pag-aaral

Ekonomiks at Pisika  Ang pisika ay tungkol sa pag-aaral ng mga bagay, enerhiya at


mga teknolohiya na ginagamit upang mapaunlad ang enerhiya. Ang ekonomiks ay may
kaugnayan sa pisika dahil lahat ng pagbabagoat pagpapau sa mga bagay at enerhiya ay
nakaaapekto sa paggawa at supply ng mga produkto na kailangan ng mga tao.

Ekonomiks at Kemistri  Ang kemistri ay may kinalaman sa pag-aaral ng iba't ibang


kemikal na kailangan sa paglikha ng mga bagay. Ang uri ng kemikal na ginagamit sa
mga patanim bilang pataba at pamatay peste ay bahagi ng gastusin sa produksiyon. Sa
pagbibigay ng presyo ng mga produkto ay binabase sa gastusin, kaya dito makikita ang
ugnayan ng kemistri at ekonomiks.

Ekonomiks at Biyolohiya Biyolohiya ay pag-aaral sa mga bagay na may buhay. Ito ay


may kaugnayan sa ekonomiks dahil ang tao, hayop, at halaman ay kailangan sa
ekonomiya.
Ekonomiks at Matematika  Ang pag-aaral ng matematika ang teorya ng numero,
tsart, graph, at pagbuo ng matemathical formula o mathematical equations. sa tulong
tsart, graph, at equations ay madaling mauunawaan ang mga ekononimiyang
kaganapan tulad ng pagtaas ng presyo, paglaki ng produksyon, tamang pagbabadyet at
iba pa.
Mga Mahalagang Konsepto sa Pagpili at Pagdedesisyon

Ang pagpili nat padedesisyon ay magkaugnay. Ang tao na


nakapili ng isang bagay na bibilhin o gagawin ay tanda na siya
ay nakagawa ng pagdedesisyon.

Individual Choice  ang pagawa ng pagpili at pasya ng


indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan
dahil sa limitadong pinagkukunang yaman.

Social Choice  Ang pagpapasyang ginagawa ng pamahalaan


upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.

Economic Choice  ay may kinalaman sa desisyon ukol sa iba’t


ibang gamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
Mga Mahalagang Konsepto sa Pagpili at
Pagdedesisyon

Ang ating ginawang pagpili at pagpapasya ukol sa ating


gustong makamit ay matumbas na Opportunity cost at Benefit.

Opportunity cost  ay ang isinasakripisyong bagay upang


gamitin sa kasalukuyang paggagamitan nito.

Trade Off  ang pagpili batay sa mga alternatibong kapalit ng


mga bagay na isinakripisyo o pagpapaliban ng pagbili ng isang
bagay upang makamit ang ibang bagay.

Benefit  ito ay may kinalaman sa pakinabang na natamo sa


nagawang pagpili.
Unang Performance Task

Paano naaapektuhan ng agham ng


ekonomiks ang inyong pang-araw-araw na
buhay?

Gumawa ng Collage na nagpapakita ng


benepisyo ng tao sa ginawang pagpili at
desisyon sa mga bagay na gagawin.
Rubrics sa Pagtataya ng Performance
Katangian 4 3 2 1
Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa
ng pagsasanay
A. Pagkakaisa Ang lahat ng Hindi ang lahat Halos lahat ng Walang
kasapi ay ng kasapi ay kasapi ay ipinapakitang
nagpapakita ng nagpapakita ng nagpapakita ng pagkakaisa ang
mataas na antas mataas na antas mababang mga kasapi
ng pagkakaisa ng pagkakaisa antas ng
pagkakaisa

B. Pakikilahok Aktibong Aktibong Aktibong Walang


nakikilahok nakikilahok nakikilahok nakikitang
ang lahat ng ang nakararami ang ilan sa pakikilahok sa
kasapi sa mga kasapi kasapi mga kasapi

C. Pakikipag- Ang lahat ng Ang Iilang kasapi Walang maayos


talastasan kasapi ay nakararami sa ang maayos na na
maayos at mga kasapi ay nakikipagtalast pakikipagtalast
malinaw na maayos na asan. asan
nakikipagtalast nakikipagtalast
Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung


paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

Ito ay nagmula sa salitang Griyego


na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala.

Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad.


Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga
desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya
kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at
kagustuhan.

Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung


magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga
bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.
Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung


paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

Ito ay nagmula sa salitang Griyego


na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala.

Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad.


Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga
desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya
kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at
kagustuhan.

Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung


magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga
bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.

You might also like