You are on page 1of 7

Araling Panlipunan IV EKONOMIKS

EKONOMIKS hango sa salitang Griyego na OIKO na ang ibig sabihin ay pamamahala at NOMOS na nangangahulugang tahanan. Ito ay isang agham panlipunan na naglalayong pag-aralan ang kilos, pagsisikap ng tao at pamamaraan ng paggamit ng mga limitadong yaman ng bansa upang matugunan ang tila walang katapusang pangangailangan ng tao.

ASPEKTO NG EKONOMIKS

Agham Panlipunan

Limitadon g Yaman

EKONOMIKS

Pagsisikap ng Tao

Walang Katapusang Pangangailangan

Agham Panlipunan Ang lipunan ay binubuo ng pangkat ng mga tao na may isang layunin, lahi, adhikain at simulain ang sentro ng pag-aaral ng agaham na ito. Kailangan ng masusing pananaliksik at pagsusuri upang maging makatotohanan ang paglalahad ng suliranin ng lipunan. Pagsisikap ng Tao Ang mga tao ay may kanya-kanyang tungkulin at Gawain sa lipunan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Limitadong Yaman Ang kalagayang ito ang nagbubunga ng suliranin ng kakapusan ns siyang dahilan nang patuloy na pagsisikap ng tao sa kanilang buhay. Walang Katapusang Pangangailangan Ang tao ay walng kasihayan. Ang paghahangad sa maraming bagay ay bahagi ng buhay ng tao na syang nagbibigay buhay sa ating masalimuot na lipunan.

KASAYSAYAN NG EKONOMIKS Masinop na pagdedesisyon ng pinuno ang kauna-unahang kaisipan sa ekonomiks. Layunin nito na tumugon ang pinuno sa mga pangangailangan ng kanyang nsasakupan ng higit sa kanyang inaasahan

Political Economy unang tawag sa ekonomiks XENOPHON Tinatayang unang tumalakay ng mga kaisipan ng ekonomiks. Isinulat nya ang Oeconomicus kung saan halaw ang salitang ekonomiks. Oeconomicus dito tinatayang unang tinalakay angt kaisipan ukol sa Division of Labor. FRANCOIS QUESNAY Siya ay kabilang sa pangkat na tinatawag na Physiocrats Siya ay nagging tanyang sa paglalahad ng Tableau Economique Tableau Economique- nagpapakita ng pagdaloy ng mga mahahalagang salik ng produksyon ng mga serbisyo at produkto sa ibat-ibang sector ng ekonomiya. - ayon dito dapat gamitin nang wasto ang likas na yaman ng bansa upang magkaroon ng balance o ekwilibriyo sa ekonomiya. Physiocrats- naninniwala sa kahalagahan ng kalikasan o mga klase ng yaman ng bansa (RULE OF NATURE) sa pag-unlad ng ekonomiks. - Ayon sa grupong ito, upang lubusang matamo ang kapakinabangan ng mga likas na yaman kailangan ayusin ng tao ang paggamit ng mga ito. MERKANTALISTA Tinuligsa ng grupong ito ang paniniwala ng mga Physiocrats. Ayon sa kanila kapangyarihan ng mga mahahalagang metal tulad ng ginto at pilak ang kailangan upang mapaunlad at maisulong ang ekonomiya ng bansa. CLASSICIST nga ekonomista na galing sa classical school na kinabibilangan nila, Smith, Ricardo, Malthus at iba pa. ADAM SMITH Ama ng Makabagong Ekonomiks Nagpahayag ng doktrinang LAISSEZ FAIRE/ LET ALONE POLICY Binigyang halaga nya ang pagkakaroon ng espesyalisasyon sa pagtatamo ng kaunlaran ng ekonomiya. Laissez Faire/ Let Alone Policy isinaad ditto na hindi dapat pakialamanan ng pamahalaan ang tao sa pagpapaunlad ng mga industriya bagkus ay bigyanng pansin ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng bansa. Isinulat ito ni Adam Smith sa kanyang aklat na Inquiry into the Nature and Causes of The Wealth of Nations. DAVID RICARDO Nakilala sa kanyang katangi-tanging pananaw sa epekto ng likas na yaman tulad ng lupa upang makamit ang pag-unlad ng bansa. Naglathala ng Batas na Lumiliit na Kapakinabangan o Law of Diminishing Marginal Return Law of Diminishing Marginal Return ayon sa batas na ito, ang pagdami ng tao ay nagsisilbing dahilan ng pagbubungkal ng mga tao sa di mabuting upang matustusan ang kanilang pangangailangan. THOMAS ROBERT MALTHUS Naglahad ng kaisipan ukol sa epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.

Isinulat nya sa kanyang aklat na An Essay of the Principle of Population ang kanyang teoryang Malthusian Theory. Malthusian Theory ang populasyon ay mas mabilis lumalaki kaysa sa suplay ng pagkain na maaring magbunga ng pagkagutom ng maraming tao at makaapekto sa pagsasagawa ng mahahalagang gawaing pangkabuhayan. NEO-CLASSICIST Naniniwala sa ang suplay ng produkto at demand ng mga mamimili at pagtatakda ng presyo ay ang mga pwersa na nagpapagalaw sa isang ekonomiya. Law of Supply and Demand sandigan ng mga ekonomista na kabilang sa Neoclassicist. JOHN MAYNARD KEYNES Kabilang sa grupo ng mga Neo-Classicists Tinagutiang Father of Modern Employment Theory dahil sa kanyang kaisipan ukol sa kahalagahan ng supply at demand at bahagi ng pamahalaan sa paglikha ng hanapbuhay sa ekonomiya. Ayon din sa kanya, ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang ekwilibriyo sa pamamagitan ng pagsasaayos ng demand, suplay at presyo sa pamilihan. KARL MARX Ama ng Komunismo Ayon kay Marx ang pag-iral ng kapitalismo ang pangunahing dahilan kung baket maraming tao, lalo na ang mga manggagawa ang patuloy na naghihirap dahil sila ay kinakasangkapan lang ng mga kapitalista para sa sarili nilang interes. Ayon din kay Marx upang maging pantay-pantay ang katayuan ng mga tao sa lipunan marapat lang na ang pamahalaan ang humawak at kumontrol ng mga industriya at yaman ng bansa. ALFRED MARSHALL Sa kanyang pangunguna nakilala ang ekonomiks bilang ganap na disiplina noong 1870 Nakatuon ang kaalaman at pamamaraan nito sa kung papaano magagamit nang mahusay ang mga pinagkukunang yaman sa kabila ng walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao Nailimbag ang kanyang aklat na PRINCIPLE OF ECONOMIKS noong 1890.

EKONOMIKS BILANG ISANG AGHAM PANLIPUNAN Ang ekonomiks ay may kinalaman sa pag-uugnayan ng mga tao sa isat-isa sa paghahati-hati nila ng hindi sapat na pangangailangan. Ang ekonomiks ay nakatuon sa pag-sasaya ng tao ng desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan. KAUGNAYAN NG EKONOMIKS SA IBANG DISIPLINA NG AGHAM PANLIPUNAN DISIPLINA Anthropology Demography TUON NG PAG-AARAL Pag-uugali ng pangkat ng tao sa kanilang kultura at kapaligiran Katangian at mahahalagang pangyayari sa populasyon KAUGNAYAN SA EKONOMIKS Kultura tulad ng paniniwala, kaugalian at tradisyon bilang salik sa pag unlad ng bansa. Katangian at mga pangyayari sa populasyon tulad ng kasarian at migrasyon, bilang dagdag na kaalaman sa pagbuo ng mga programang pantugon sa pangunahing pangangailangan ng tao. Katangian at kaanyuan ng daigdig bilang salik sa pattern ng kalakalan, produksyon at pagkunsumo ng mga tao at ng mga bansa Pagsasakonteksto ng pinagmulan at naidulot ng isang kaisipan o pangyayari sa ekonomiya. Pamamaraan ng pagpapalakad sa estado at paggamit ng kapangyarihan, paglikha ng mga patakaran at ibatibang salik sa pagpapatatag ng pambansang ekonomiya Personalidad at pagkilala ng tao sa sarili bilang salik sa mga desisyon sa buhay. Pagkakaroon ng disiplina ng mga mamamayan ay kailangan sa pagsasagawa ng maayos na produkto at gawaing pangkabuhayan

Geography

Katangian at kaanyuan ng daigdig. Tapos at kasalukuyang salaysayin sa bawat bansa Pagsasagawa ng desisyon gamit ang kapangyarihan (power, authority) at impluwensya Pag-uugali at personalidad ng tao bilang isang indibidwal Moralidad ng tao

History Political Science

Psychology Ethics

KAUGNAYAN NG EKONOMIKS SA DISIPLINA NG AGHAM DISIPLINA Kemistri Pisika Biyolohiya Matematika KAUGNAYAN NG EKONOMIKS Ang mga uri ng kemikal na ginagamit sa pananim bilang pataba at pamatay peste sa pagbuo ng produkto na kailangan ng bansa ay batayan sa pagtatakda ng presyo ng mga produkto sa pamilihan Kailangan ito upang mapabilis ang mga Gawain at sa pagpaparami ng produksyon ng bansa na magiging daan sa pagpapa-unlad ng ekonomiya Ang pag-aaral ng mga hayop at pananim ay may mabuting naidudulot sa ating ekonomiya. Dahil agrikultura abg pangunahing hanapbuhay ng maraming Pilipino. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay ginagamitan ng mga numero, estatistiks, mathematical equations, pormula at grap na natututunan sa matematika

SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS HAKBANG Problem StatementPaglalahad ng katanungan Hypothesis Pagbuo ng hinuha SAKLAW AT PALIWANAG Paglilinaw at pagtatakda ng katanungan nais sagutin Pagbuo ng hinuha o pangunahing paniniwala na sagot sa katanungan Pagtukoy ng mga elemento ng pagaaral na iuugnay sa isat isa upang masagot ang katanungan Pagkalap ng mga impormasyon na mag-uugnay sa elemento (mula sa eksperimentasyon, pagsasaliksik sa silid-aklatan, 0 pagpunta sa ibatibang institusyon Pagtatala at pagsasa-ayos ng mga nakalap na impormasyon Paglalahad ng mga obserbasyon ,ula sa nakalap na impormasyon Pormal na pagtakda ng ugnayan ng mga pinag-aaralang elemento at pagpapaliwanag HALAGA Nailalahad nang tiyak ang isyu o suliranin na nais sagutin Naipopokus ang susunod na hakbang, nasusubok ang ugnayan ng mga tampok o piling elemento ng pag-aaral

Empirical Testingaktwal na pagpapatunay o pagsubok

Napipino ang mga impormasyong sandigan sa pagbuo ng mataas na kalidad ng kaalaman Nabubuo ang mga datos na malinaw sa ugnayan ng pinag-aaralang mga elemento Nasusuri ang ugnayan ng mga elementong pinag-aaralan

Laying Down Conclusion- Pagsagot sa katanungan

Napapatotohanan o napapasisinungalingan ang hinuha Nakabubuo ng kaalaman hinggil sa pinag-aralang suliranin

MGA KINAKAHARAP NA SULIRANIN NG MGA EKONOMISTA SA KANILANG PAG-AARAL 1. Mahirap magsagawa ng eksperimento sa ekonomiks 2. Nagbabago ang resulta ng obserbasyon ng ekonomista dahil sa palagiang pagbabago ng ekonomiya 3. Hindi tuwirang masusukat ang kapakanan ng lipunan.

SAKLAW NG EKONOMIKS Sa pag-aaral ng ekonomiks, nalalaman kung paano kumikilos ang tao upang bumuo ng desisyon na may kaugnayan sa ekonomiya. Bilang halimbawa, sinusuri sa ekonomiks ang sumusunod na mga katanungan:

Bakit mataas ang presyo ng ilang produkto samantalang mababa ang presyo ng iba? Bakit may mga taong mabibigat ang gawain ngunit maliit lamang ang kinikita samantalang may magaan lamangang gawain ngunit higit n mataas ang kinikita? Paano nagbabago ang kita ng produksyon ng bansa kapag itinaas ang kinokolektang buwis?

Maipapaliwanag ng ekonomiks ang mga kasagutan sa mga katanungang ito. Ang sumusunod na mga tanong at mga kaukulang kasagutan nito ang siyang saklaw ng ekonomiks.

=== Anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin? === === Paano gagawin ang mga ito? === === Para kanino ang mga ito? ===

MGA DIBISYON NG EKONOMIKS

SANGAY NG EKONOMIKS Makroekonomiks Ang macro ay galing sa salitangugat na Griyego na ang kahukugan aymalawak. Ito ay tumutukoy sa gawing ekonomiya sa Kabuuan. Maykroekonomiks Ang micro ay salita na nanggaling sa salitang ugat na Griyego na ang ibig sabihin ay maliit. Ito ay nakatuon sa gawi ng sambahayan, bahay-kalakal, industriya at pamilihan. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS

Nagiging mapagmasid Nalilinang ang kaisipang kritikal Nahuhubog ang pagiging responsablengmamamayan ng bansa Nagkakaroon ng praktikal na kaalaman Nalilinang ang pagiging makabayan

You might also like