You are on page 1of 4

Kahulugan ng Ekonomiks

Isang agham panlipunan na tumutukoy sa pag – aaral ng kilos at pagsisikap ng isang tao at paraan ng paggamit ng
mga limitadong yaman ng bansa upang matugunan ang tila walang katapusang pangangailangan ng tao.
 Salitang Griyego na nagmula sa salitang oiko na ang ibig sabihin ay pamamahala at nomos na
nangangahulugang tahanan.

Mahahalagang Konsepto ng Ekonomiks


1. Trade off - ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
2. Opportuniy Cost - tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipalit sa bawat paggawa
ng desisyon.
A. Hal. Ano ang mas pipiliin mo, ang paglalaro o pag - aaral na halimbawa ng trade – off

Mahalagang makabuo ng matalinong pagpapasya sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian, subalit minsan hindi
maiwasan ang magbago ng isip sa bandang huli.

3. Marginal Thinking - ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito
man ay gastos o pakinabanang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
4. Incentives - Maraming produkto ang mas may murang halaga at magandang serbisyo at pakinabang sa
bawat pagkonsumo. Maaaring ilarawan ang incentives sa kung magbibigay ng karagdagang allowance ang
magulang kapalit ng mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mga mga – aaral.

Mahahalagang aspeto ng Ekonomiks


Agham Panlipunan – lipunan ang binubuo ng pangkat ng mga tao na may isang layunin, lahi, adhikain at
simulain.
Pagsisikap ng tao – may kanya – kanyang pagkilos at gawain sa lipunan upang matuguan ang
pangangailangan
3. Limitadong Yaman - kalagayan na nagbubunga ng kakapusan na siyang dahilan nang patuloy na pagsisikap
ng tao sa buhay.
4. Walang Katapusang Pangangailangan - isang katotohanan na ang tao ay walang kasiyahan sa buhay. Ang
paghahangad sa maraming taglay ay bahagi ng tao na nagiging sanhi ng masalimuot na lipunan.

Mga Ekonomista
1. Francois Quesnay – tinatawag na Physiocrat na nakilala sa paniniwala sa kahalagahan ng kalikasan o mga
klase ng yaman ng bansa sa pag – unlad ng ekonomiya. Magkakaroon ng balanse o ekwilibriyo sa ekonomiya
kung gagamitin ng wasto ang likas na yaman upang umunlad ang bansa.
2. Adam Smith – tinaguriang “ Ama ng Makabagong Ekonomiks” nagpahayag ng bagong “Doktrinang Laissez
Faire o Let Alone Policy “ na nagsasaad na hindi dapat pakialaman ng pamahalaan ang tao sa pagpapaunlad
ng industriya bagkus bigyang –pansin ang kaayusan at kapayapaan ang bansa.
3. David Ricardo – nakilala sa kanyang pananaw na aspekto ng likas na yaman tulad ng lupa upang makamit
ang pag – unlad ng ekonomiya.
Batas ng lumiliit na Pakinabang o Law of Diminishing Marginal Returns - ang pagdami ng tao na nagiging
sanhi ng pagbungkal ang tao sa mga di – mabubuting lupa upang matustusan ang pangangailangan.
4. John Meynard Keynes - tinaguriang “Father of Modern Employment Theory”
Ayon sa kanya, may mahalagang papel ang pamahalaan upang mapanatili ekwilibriyo sa ekonomiya sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng demand, suplay at presyo ng mga bilihin.
5. Thomas Robert Malthus – naglahad ng kaisipan sa aspeto ng mabilis na paglakas ng populasyon.
- Ang mabilis na pagdami ng populasyon kaysa pagkain ay nagbubunga ng pagkagutom ng maraming tao.
6. Karl Marx – tinaguriang “ Ama ng Komunismo”.
- Nagkaroon ng pananaw ukol sa ugat ng kahirapanng tao at lipunan.
- Sa pag – iral ng merkantilismo, maraming naghirap na mga tao dahil kinsangkapan sila ng mga
mayayamang kapitalismo para sa pansariling interes at pagpapayaman.
7. Ayon kay Karl Marx, makatarungan na pamahalaan ang humawak at kumontrol ng industriya at
yaman ng bansa upang maging pantay – pantay ang katayuan ng tao sa lipunan.

Absolute Scarcity- absolute. Kakapusan kapag nahihirapan ang kalikasan at tao na paramihin at pag ibayuhin ang
kapakipakinabang ng pinagkukunang-yaman.
Relative Scarcity – relative ang kakapusan kapag ang pinagkukunang-yaman ay hindi makaagapay sa walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

KAKAPUSAN
Tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman na ginagamit sa paglikha ng mga produkto.
Isang kalagayan na kaakibat ng buhay o tao na naglalarawan ng pagtutunggalian sa paggamit ng yaman ng bansa
upang matugunan ang pangangailangan.
Apektado ng kakapusan ang lahat ng tao – mahirap man o mayaman.
Kakapusan din ang nag-uutos upang gamitin ang matalinong pagpapasya.
Dahil sa kakapusan, kailangan ang pag-aaral ng ekonomiks

KALAGAYAN NG KAKAPUSAN
Pisikal na kalagayan. Limitadong pinagkukunan ng yaman.
Kalagayan pangkaisipan. Walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Isinasaad ng Batas ng Kakapusan na wala tayong sapat na kita o kayamanan upang matugunan ang lahat ng ating
pangangailangan.
PPF – Production Possibilities Frontier
MGA PALATANDAAN NG KAKAPUSAN
1.Kapag mataas ang presyo ng pangunahing pangangailangan.
2.Kapag may mahabang pila sa mga tindahan at bagaman may pera, wala namang mabili.
3.Kapag pilit na umaangkat sa ibang bansa ang pamahalaan kahit na naghihirap na ito
4.Pagkaubos ng ibang yaman mineral dahil hindi napapalitan ito.
5.Polusyon.
6.Pagkapinsala ng likas na yaman.
7.Kapag maraming nagkakasakit na mamamayan sanhi ng gutom

KAKAPUSAN
 Tumutukoy sa katotohanang limitado ang pinagkukunang yaman.
 Ito ay permanente dahil sa pagkakaroon ng hangganan ng mga likas na yaman.

KAKULANGAN
Tumutukoy lamang sa panandaliang kawalan o hindi kasapatan ng pangangailangan.

MGA DAHILAN AT EPEKTO NG KAKAPUSAN


1.May mga taong napipilitang gumawa ng mga bagay na labag sa batas dahil sa kahirapan.
2. Mabilis na paglaki ng populasyon.
3. Malaki ang kaugnayan ng kakapusan sa mababang antas ng edukasyon at uri ng pamumuhay.
4. Maraming tao ang nakakaranas ng kahirapan.
Pangangailangan at Kagustuhan
Gawain 1: Ilista Natin
Maglista ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag – aaral. Isulat ito ng sunud – sunod ayon
sa kahalagahan. Itala ang iyong sagot sa sagutang papel at sagutin ang pamprosesong tanong.
PAMPROSESONG TANONG:
1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa iyo? Bakit?
2. Ano ang mga naging batayan mo sa ginawang listahan?
3. Sa iyong palagay bakit magkaiba kayo ng iyong kaklase sa mga bagay na nakalista?
Pangangailangan – ( need ) mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya ito sa pang – araw –
araw na gawain.
- mga bagay na pangunahing ginagamit upang mabuhay.
Halimbawa: Damit, pagkain at tirahan ang batayan ng pangangailangan

Kagustuhan - Tumutukoy sa mga pangangailangan, pagnanais at minimithi ng mga tao upang mabuhay ng
maginhawa sa lipunang ginagalawan.
- ito ay nababatay din sa pangangailangan ng tao.
Halimbawa: Ang cellphone para iyo ay Kagustuhan para sa iba ay pangangailangan

Mga Salik na Nakapagpapabago sa Pangangailangan


1. EDAD
a. Sanggol – gatas, lampin at baby dresses b. Tinedyer
2. EDUKASYON – magkakaiba ang pangangailangan batay sa antas ng edukasyon.
3. Panlasa – may batayan ng panlasa
Pilipino – mahilig sa bagoong Hapo Tsino – oyster sauce
4. Kita – nagbabago at nadadagdagan ang ating pangangailangan kapag tumataas ang kita at salapi na tinatanggap.
5. Katayuan sa Lipunan – nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan lalo na sa mga mataas ang pinag – aralan.
6. Kapaligiran at Klima

Mga Herarkiya ng Pangangailangan


Bawat tao ay magkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan. Sa “ Theory of Human Motivation” ni Abraham Maslow
( 1908 – 1970 )
Ayon sa kanya, habang patuloy na napupunan ng tao ang kanyang pangangailangan, umuusbong ang mas mataas na
antas ng pangangailangan.

1. Pangangailangang Pisyolohikal – itinuturing na pangunahing pangangailangan at unang baitang na may kinalaman


sa pangangailangan upang manatiling normal ang takbo ng buhay.
2. Pangangailangang Pangkaligtasan kabilang dito ang kasiguraduhan sa hanapbuhay, kaligtasan, seguriadad sa
pamilya at kalusugan.
3. Pangangailangang Panlipunan – Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan,
pamilya at anak, at pakikilahok sa gawaing sibiko.
4. Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao
Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon.
Kasiyahan at karangalan ng tao na siya ay kinikilala at iginagalang ng kanyang kapwa.
5. Kaganapan ng Pagkatao
Ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao.
Lahat tayo ay may pangarap, mithiin at ambisyon sa buhay na nais matupad sa ating buhay.
May kababaang loob at respeto sa ibang tao.

You might also like